Chapter 09

2236 Words
ARVEY FLASH BACK CONTINUATION Isang linggo na kaming nagka kilala at magkasama ni Loisa sa university bilang magka klasi. Laging ganado ako araw araw sa pagpasok sa eskwela. Hatid sundo ko na rin siya sa kanyang pinag tatrabahuan. Sinusundo ko rin siya siya kanyang tinutuluyan na apartment. Sa isang linggo na pagkilala ko sa kanya masasabi kong mas lumalim pa ang pag hanga ko sa kanya. Mabait, masipag at matalino si Loisa. Saka sobra ang dedikasyun niya na makapag tapos lang sa pag aaral. Marami siyang pangarap sa kanyang mga pamilya na mas lalong nagpa hanga sa akin. Minsan nahihiya pa rin siya sa akin. Hindi raw siya sanay na may concern sa kanya lalo pa na, isa akong mayaman. Minsan ayaw niyang tanggapin ang binibigay ko sa kanya na pagkain. Saka Hindi siya gusto na ihatid sundo ko siya dahil hindi ko naman siya obligasyun. Baka daw sabihin ng ibang tao na pini perahan niya lang ako. Ngunit sinabi kong tulong ko sa kanya para hindi na siya mahirapan sumakay ng dyep saka dilikado sa kanya tuwing gabi. Kaya sa huli nasanay na rin siyang hinatid sundo ko siya. Nasabi ko na rin Kay Mommy at Daddy na may kaibigan ako ngunit parang may iba akong naramdaman sa kanya na sobra pa sa kaibigan..Open ako sa lahat kay Mommy. At suportado niya ako sa lahat na gusto ko. Sapagkat hindi naman ako gumagawa ng masama at palagi akong nangunguna sa klasi. Kahit mayaman kami tininuran pa rin ako ng magandang asal ni Mommy. Na kahit mayaman man o mahirap dapat ay pantay pantay ang pakikisama. "Arvey okay, lang ba sa Mommy at Daddy mo na ako ang kasama mo? baka naka disturbo na ako sayo. Okay lang naman sumakay ako ng dyep papunta sa aking trabaho. Hindi mo naman dapat gawin ito sa akin. Kakilala lang natin tapos ganito ka na magtiwala sa akin. Saka ano nalang ang sasabihin ng mga ka klasi natin." nahihiya niyang sabi sa akin. Nakatingin siya sa bintana nang aking sasakyan habang nagsasalita. Papunta na kami ngayon sa ospital kung saan siya nag tatrabaho. Alas sais ng hapon ang kanyang trabaho. Pagka galing sa eskwelahan, diretso siya kaagad sa ospital na pinagtrabahuan niya. Kaya hinahatid ko muna siya bago umuwi ng bahay. "Kaibigan kita Loisa. Gusto ko ang ginagawa ko. Saka dilikado sa gabi kapag sumasakay ka sa dyep. Isipin mo nalang na tulong ko sa'yo ito. Para maka ipon ka . Diba sabi mo minsan kapag sahod mo nag papadala kapa sa probinsya? kaya imbes na ipamasahe mo ipunin mo nalang para may pang dadag ka kapag may gusto kang bilhin." paliwanag ko sa kanya. Gusto kong sabihin na may gusto ako sa kanya ngunit pinipigilan ko lang na hindi sabihin sa kanya baka layuan niya ako. Humarap siya sa akin saka ngumiti. Ang ganda niya, ngunit mas maganda siya kapag ngumiti lalo na kapag lumabas ang kanyang biloy sa magkabilang pisnge. "Maraming salamat sa tulong. Nakakahiya lang kasi isang linggo pa lang tayo nagka kilala naging instant driver kita." pagbibiro niya sa akin. "Oh Diba saan ka makakita ng driver na gwapo?" birong sagot ko sa kanya. Inismiran niya lang ako saka nagsalita ulit. "Bolero, pero gwapo nga." sagot niya sa akin, ngunit hindi ko narinig ang kanyang huling sinabi. Kaya tinanong ko siya ulit. "Anong sabi mo? Hindi ko narinig." umiling iling lang siya habang nakatingin sa labas. Ngunit nakikita ko na nakangiti siya. Maya- maya nakarating na kami sa ospital na kanyang pinagtrabahuan. Kinalas niya ang seatbelt sa kanyang katawan saka inayos ang kanyang damit. "Arvey maraming salamat. Ingat sa pag uwi. Sige baba na ako." mahinhin niyang saad sa akin. Ngumiti naman ako sa kanya at tumango. "Ingat din sa trabaho Loisa. Hintayin kita dito mamaya ." Ngumiti siya sa akin at bumaba na sa aking saksakyan. Hinintay ko muna siyang makapasok sa loob ng ospital saka bumyahe pauwi sa bahay. Pagkanta kanya ako habang nagda-drive .Buo na naman ang araw ko. Pagdating ko sa bahay alas sais na ng hapon. Nadatnan ko si Mommy na naka upo sa sala. Lumapit ako sa kanya saka humalik sa pisnge. Nakita ko ang kanyang hawak na picture frame. Umupo ako sa tabi niya saka kinuha ang picture frame. "Mommy babalik siya sa atin. Naniniwala ako na buhay siya Mommy kaya sisikapin kong makatapos ng maayos para hindi ka mag alala sa akin. Kaya Mommy huwag ka nang malungkot sapagkat nalulungkot din ako kapag nakita kitang ganyan. Mahal na mahal kita Mommy kayo ni Daddy pati siya." turo ko sa picture frame. It's been 23 years ngunit walang bakas kung sino ang kumuha sa kanya sa ospital. Mabuti at nakayanan ni Mommy sana lang talaga mahanap na namin siya para maging masaya na kaming pamilya. Yumakap si Mommy sa akin na may luha sa kanyang mga mata. "I miss him so much Arvey. Sana nga lang talaga nakita natin siya para makasama na natin siya." sambit ni Mommy na patuloy sa pagkuha habang yakap yakap ang picture frame. Yumakap din ako kay Mommy para kahit paano maramdaman niya nandito parin ang hinihintay niya, kahit wala siya ngayon dito. "Honey ,Son what's happening? anong nangyari sa'yo Honey?" may pag alalang tanong ni Daddy na bagong dating. Ngumiti naman si Mommy habang pinupunasan ang kanyang luha sa kanyang mga mata. Tumabi kaagad si Daddy kay Mommy nang makalapit na siya kay Mommy. "Hon, nakarating kana pala?" don't worry about me. Nag uusap lang kami ng anak mo? kamusta ang trabaho sa opisina?" tanong ni Mommy kay Daddy habang pinupunasan ang kanyang luha. "Daddy, good evening po!" bati ko kay Daddy. Ngumiti si Daddy sa akin. "Good evening, son! How's your school Son?" tanong ni Daddy sa akin habang hinahaplos haplos niya ang buhok ni Mommy. Si Mommy naman nakayakap na sa braso ni Daddy. "Doing good Dad." sagot ko sa kanya. Bumaling naman siya kay Mommy na ngayon huminto na sa pag iyak. "Hon, good evening! what happened to you?" Nakita ni Daddy ang hawak ni Mommy. Napabuntong hininga si Daddy saka umayos ng upo. "Hon gagawin ko ang lahat makita lang natin siya. Hindi ako titigil hanggat hindi ko siya mahanap. Kaya sana magpaka tatag ka. Mahal na mahal kita , at ikaw din anak at siya." turo din ni Daddy sa picture na nasa picture frame. "I love you, Hon!" Sabi ni Mommy kay Daddy. "I love you Dad." Sabi ko naman kay Daddy. Nagyakapan kaming tatlo habang yakap ni Mommy ang picture frame. "Son kamusta ang niligawan mo? Kailan mo siya dadahin dito sa bahay para makilala siya namin ng Mommy mo?" Nakangiting tanong ni Daddy sa akin. kumamot naman ako sa aking ulo. "Magkaibigan lang kami Dad. Saka isang linggo pa lang kaming magkakilala." Sagot ko kay Daddy na nahihiya. Kahit ganito na ako kapag magka usap kami ni Mommy at Daddy magalang pa rin ako sa kanila. Ayaw ko silang bigyan ng sakit sa ulo. Lalo pa na hindi pa namin siya natagpuan. "Sus, Son! magkaibigan lang ba talaga? Bakit balita ko hatid sundo mo siya sa kanyang pinag tatrabahuan at saka sa kanyang apartment. Parang ngayon ka lang nagka ganyan sa isang babae.? Minsan nga dalhin mo dito para matingnan namin ni Mommy mo kung bakit ganun ka nalang ka concern sa babae na yun." Saad ni Daddy na sinang ayunan naman ni Mommy. "Oo nga, baby! Kailan mo dadalhin dito ang kaibigan mo lang daw kuno. Gusto ko na rin siya makita sapagkat bukam bibig mo lang siya palagi." Pambubuking ni Mommy sa akin kay Daddy. Ngumiti nalang ako sa kanilang dalawa. Hanggang Ngayon baby pa rin Minsan ang tawag ni Mommy sa akin. Sinabi niya kahit magka asawa na ako baby niya pa rin ako kaya hinayaan ko na lang. Umayos ako ng upo saka humarap Kay Mommy at Daddy. "Mom, Dad . Kung sakali bang ligawan ko siya payag kayo? Hindi ho, siya mayaman saka taga probinsya siya. Tapos isang scholar lang siya sa pinapasukan ko." Seryusong kong tanong sa kanilang dalawa. "Son, lagi namin sinasabi ni Mommy mo, na hindi kami tumitingin sa antas ng pamumuhay ng tao. Basta mabait at mahal ka walang problema sa amin ni Mommy mo." Sagot ni Daddy sa akin. "Diba nga lagi kong tinatanong sayo na kung kailan ko siya makilala anak. Basta alam mo na ang tama sa mali dahil nag aaral pa kayo. Gaya nga nang Sabi ni Daddy mo, Hindi kami tumitingin sa antas ng buhay ng isang tao. Ang mahalaga lang naman ay nagmamahalan kayo pareho." Masayang sabi ni Mommy na halong paalala sa akin. Kaya mahal ko silang dalawa dahil napaka buti nilang mga magulang sa akin. "Maraming salamat Mom, Dad." madamdaming saad ko sa kanila. "Son, ang tanong gusto ka rin ba ng babaeng gusto mo?" Tanong ulit ni Daddy sa akin na may kasamang tukso. Napakamot nalang ako sa aking batok bago ko sinagot si Daddy. "I don't know Dad. Hindi ko pa naman nasabi sa kanya na, gusto ko siya. Isang linggo pa lang kami magkakilala Dad. Baka kapag sinabi ko kaagad sa kanya baka matakot pa siya at layuan ako." Paliwanag ko kay Daddy. Tumatango naman si Daddy habang hinahaplos ang kanyang panga. Alas siete na ng gabi pala hindi namin namalayan. Kung hindi lumapit ang isa naming kasambahay para tanungin kami kung kakain na ba kami. Hindi namin namalayan ang oras. Tumango si Mommy bilang sagot. Magkasabay kaming pumasok sa dining area para kumain ng dinner. "Kamusta ang trabaho Dad?" Tanong ko kay Daddy habang kumain na kami ng hapunan. "Doing well Son." Sana mahanap natin siya bago ako mag retired. Ayaw mo naman kasi sa kompanya natin. Pero okay, lang sabi nga namin ni Mommy mo. Kung ano ang gusto mo susuportahan ka namin basta masaya ka lang. We love you Son and also him." May lungkot sa mga mata ni Mommy at Daddy habang nagkatinginan sila. "Salamat Mo, Dad. Nararamdaman ko Dad na malapit na siya nating mahanap. Saka baka para sa no kanya talaga ang kompanya Dad. Sorry kung wala talaga sa hilig ko ang isang maging negosyante. Bata pa lamang ako sinabi sa ki sa inyo na gusto ko talang maging doktor." paliwanag ko sa aking mga magulang. Hinawakan naman ni Mommy ang aking kamay saka ngumiti. Nagpatuloy kami sa pagkain hanggang sa makatapos. Pagkatapos namin kumain nagpahinga kami sa saglit sa sala na may kasamang kwentuhan. Alas 10 ng gabi nang umakyat na si Mommy at Daddy sa kanilang silid. Sumunod na rin ako sa kanila. Pagpasok ko sa aking kwarto dumiretso na ako sa aking banyo para maligo. Pagkatapos kong maligo nagsuot lamang ako ng boxer short. Sumampa na Ako sa aking kama saka sumandig sa headboard ng kama. Kinuha ko ang aking selpon para mag set nang alarm ng alas tres ng madaling araw. Para sunduin si Loisa mamaya. Napangiti nalang ako sa aking sarili. Ngunit nang maalala ko ang sinabi ni Daddy kanina bigla nalang akong nalungkot. Bakit wala manlang bakas kung saan nga ba siya? kung sino ang kumuha sa kanya? Nakapag aral ba siya? Mga katanungan palagi sa aking isipan na hindi ko alam kong kailan masasagot. Sana mahanap ka kana para makabalik kana sa tunay mong tirahan at pamilya. "Where are you?" tanging tanong ko sa aking sarili. Hanggang sa nakatulogan ko na ang pag-iisip. "Sunduin kita mamaya sabay tayo kumain ng break fast. Matulog kana para makapag pahinga ka." Habilin ko kay Loisa nang ma ihatid ko na siya sa kanyang apartment. Alas singko nang umaga kami nakarating sa kanyang apartment. Alas 10 pa mamaya ng umaga ang klasi namin. Makikita mo sa kanyang mga mata ang pagod at puyat. Minsan naawa na ako sa kanya. Buong araw sa eskwelahan at pagdating ng hapon papasok naman sa trabaho hanggang alas kwatro ng madaling araw. Minsan nga nakatulog pa siya sa klasi. Mabuti nalang mataas pa rin ang kanyang grades kapag may exam. Tatlong buwan na kaming magkaibigan. Sa tatlong buwan na hatid sundo ko siya, mas napatunayan ko sa aking sarili na mahal ko na talaga siya. Kaya sa sabado yayain ko siyang mamasyal at ipag tapat ko na sa kanya ang aking nararamdaman. "Maraming salamat Arvey. Ingat pauwi. Hintayin kita dito mamaya." Pagod niyang sagot sa akin. "I will. Makatulog kana kaagad, huwag nang magtrabaho pa." Saad ko sa kanya. Tumango naman siya saka bumaba na sa aking sasakyan. Hindi niya na ako pina baba pa, para pagbuksan siya. Pagka baba niya ng sasakyan hinintay ko munang makapasok siya sa kanyang apartment saka ako umuwi sa amin. Pagdating ko sa bahay dumiretso na ako sa aking kwarto saka humiga ulit. Nag alarm ako ng alas otso nang umaga. Hindi ko ugaling magpa gising sa aming mga katulong. Nag send lang ako nang message kay Loisa na nakarating akong safe sa bahay. Pagkatapos nakatulog na ako kaagad. "Good morning!" Nakangiting kong bati kay Loisa nang lumabas ako sa aking sasakyan para pagbuksan siya ng pintuan ng aking sasakyan. Nadatnan ko siya sa labas ng kanyang apartment nakatayo, na naghihintay na sa akin. Nakangiti naman siya sa akin saka pumasok sa sasakyan. Pagpasok niya sinara ko kaagad saka umikot papunta sa driver set. "Good morning, Arvey! Salamat." Mahinhin niyang bati sa akin. Nang makapasok na ako sa sasakyan. Kapag makita ko siya sa umaga kumplito na ang araw ko. Sana lang magustuhan niya rin ako kapag nagtapat ako ng feelings ko sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD