Chapter 08

1453 Words
ARVEY "Bro sigurado ka ba sa mga ginagawa mo? Mahigit tatlong taon na ang nakalipas. Dapat mag move on ka na. Payong kaibigan lang bro. Pag isipan mo ang ginagawa mo baka magsisi ka sa huli. Hindi lahat na taga probinsya ganun sa iniisip mo. Parating na si Tita at Tito. Baka kapag nalaman nila ang ginawa mo sa guard na pina kulong mo na hindi mo alam ang totoong nangyari. Baka magalit ang Mommy mo at atakihin naman ng kanyang sakit. Sana sa mas lalong madaling panahon makalabas 'yung tao. Huwag mong ibunton ang galit mo sa ex mo sa ibang tao. Sana bumalik ang dating Arvey, na kaibigan ko at tinuring kong kapatid." mahabang pahayag na sabi ni Brent na kaibigan ko. Napabuntong hininga ako saka tumingin sa kanya. "Kausapin mo ang abogado ko, na palabasin si Diosdado Garcia at huwag nang magpakita pa sa akin." saad ko sa aking kaibigan. Ngumiti siya sa sinabi ko. Pagkatapos kong sabihin tumalikod na ako para ipagpatuloy ang aking ginawa. Pumunta siya dito sa aking opisina para lang pag sabihin ako. Wala naman akong paki alam sa dati kong ex. Kung sino ang may kasalanan dapat ay managot. Alam kong hindi si Diosdado ang may dala nang bag galing sa loob ng aking opisina. Dahil n'ong gabing iyon nang matapos siyang dalhin ng mga pulis. Tiningnan ko ang CCTV sa loob ng aking opisina. Isang lalaki na naka bonet at naka mask kaya hindi ko na mukhaan. Pina review ko din ang lahat na CCTV nang gabing iyon. Nakita kong binigay lang ng lalaki kay Diosdado ang bag. Tinanggap naman kaagad ni Diosdado saka nilagay sa kanyang upuan. Hindi naman ako sigurado na hindi sangkot si Diosdado kaya hinayaan ko siyang makulong .Pagkatapos nun hindi na ako nakipag balita pa sa kanya. Wala din akong balita na may pumunta dito na pamilya niya, para makipag usap sa akin. "Bro, I need to finish my work, can you please leave me alone?" kausap ko sa aking kaibigan. Tumango tango naman siya at lumapit sa akin. "I miss the old Arvey." saka tinapik niya ako sa balikat bago tumalikod palabas ng aking opisina. Pagka labas niya tinawagan ko kaagad ang aking secretary. Isang ring lang sinagot niya rin kaagad. "Don't disturb me, cancel all my appointment." pagkatapos kong sabihin binababa ko na kaagad ang tawag. Hindi ko na hinintay na sumagot pa ang aking secretary.Ganito ako sa lahat. Ayaw kong makipag close o makipag usap ng matagal sa kanila. Kapag may meeting isang tanong isang lang ang gusto. Hindi rin ako ankikihalunilo sa mga negosyante. I hate noisy sorounding. I hate to be close to someone else. Tanging si Brent lang ang makapag usap sa akin ng matagal. "Sana mahanap na kita. Hindi ako titigil hanggang hindi kita makita. You deserve all, I have right now. Where are you?" kausap ko sa hangin. Sumandig ako sa aking upuan saka pumikit. Iniisip ko ang sinabi ni Brent bakit nga ba ako nagka ganito? FLASH BACK Nasa first year college ako noon na nag aaral sa isang sikat na university dito sa Manila bilang isang Pathologist. Habang naglalakad ako nakita ko ang isang babae na parang may hinanap kaya nilapitan ko ito. Tumikhim Ako sa kanyang likuran para humarap siya sa akin. Hindi naman ako nabigo dahil bigla siyang humarap sa akin na parang nahihiya. "Hi! may hinahanap ka?" tanong ko sa kanya. Tumingin naman siya sa akin na parang nahihiya. Kumamot pa sa kanyang ulo. "He-hello po!" nau-utal niyang bati sa akin na parang kinakabahan. Ngumiti ako sa kanya para hindi siya mahiya sa akin. "May hinahanap ka? bago ka lang ba dito ?" tanong ko sa kanya. Tumango tango naman siya sa akin. Maganda siya kahit napa simple lang ng kanyang kasuotan. Mahinhin siya kumilos, may biloy sa kanyang magkabilang pisnge. Mahaba ang buhok na itim na itim. Parang anghel na bumaba sa langit. Hindi ako kumukurap habang titig na titig sa kanya. Marami na akong nakitang babaeng maganda ngunit biglang bumilis ang t***k ng aking puso ng ngumiti siya sa akin. Parang nabighani ako sa kanyang ka simplehan. Unang beses ko itong naramdaman sa isang babae. Simula ng mag high school ako, marami ang nagpapa rinig sa akin. Ngunit hindi ko sila pina pansin sapagkat naka pukos ako sa aking pag-aaral. Kahit mayaman kami, hindi ako namimili nang kaibiganin. Lahat na lumalapit sa akin upang gusto akong maging kaibigan .Kinakaibigan ko, ngunit hanggang kaibigan lang ang turing ko sa kanila. Sinabi nila na mabait, matalino, masayahin na tao ako. Dahil 'yun ako pina laki nang akingb mga magulang. Napabalik lang ako sa tamang wesyo ng magsalita siya sa aking harapan.Ang ganda niya talaga. "Ngayon lang ako nakapasok dito. Kaya hinanap ko ang Pathology department . Yun kasi ang kurso ko. First year college ako. Taga probinsya po ako. Saka nakapasok lang ako dito dahil isa akong scholar." mahinhin niyang sabi sa akin. Biglang sumaya ang aking puso sa kanyang sinabi. Dahil magka klasi pala kami. Ang akala ko kanina hindi ko na siya ulit makita kapag pumunta na ako sa aking subject. Ngumiti ako sa kanya at nagpa kilala. "I'm Arvey Smith, first year college din saka same course tayo. Kaya tara na sabay na tayo pumasok." naka ngiti kong pag yaya sa kanya. Bigla naman lumaki ang kanyang mga mata. "Ako si Loisa Santos. Okay lang ba na kasama mo Ako? Para ka kasing mayaman at kilala ka dito nakakahiya naman na isama mo ako. Mauna ka nalang susunod nalang ako sa likuran mo." malumanay na sagot niya sa akin. Nilahad ko ang aking kamay sa kanya para makipag kamay. Nag alangan ma siya na tanggapin ang aking kamay. Ngunit sa huli tinanggap niya rin ito. Ngunit ganun nalang ang pagkislot ng aking katawan parang may dumaloy sa kuryente sa aking kamay papunta sa buo kong katawan nang mag lapat ang aming mga kamay. Kaagad niyang binitawan ang aking kamay. Parang pareho pa kaming naramdaman sa isa't- isa. Umayos ako nang tayo saka niyaya na siyang lumakad. Pinag sawalang bahala ko na lamang ang aking naramdaman kanina. Nagkwentuhan kami hanggang sa makarating na kami sa aming department. Marami rami na rin ang mga estudyante. Nang makapasok na kami sa akin nakatingin lahat na mga babae. Ang mga lalaki naman nakatingin kay Loisa na nakayuko. Parang biglang nag init ang aking ulo. Kaya hinawakan ko ang kamay ni Loisa, saka ginaya siya sa upuan. Magkatabi kami ng upuan. Gusto ko ako lang ang titingin sa kanya. Nagtaka man si Loisa sa aking kinilos ngunit hindi ko lang pinansin. Ako man nagtaka sa aking sarili. Bakit ayaw ko sa isipin na may katabi na ibang lalaki si Loisa sa upuan na parang gusto ko ako lang ang kausapin at ngitian niya. Bakit ako nagka ganito? tanong ko lamang sa aking sarili. Ganado ako buong araw sa klasi dahil sa presensya ni Loisa. Apat pala silang magkapatid. Siya ang pangatlong at siya lang ang nagpatuloy sa pag aaral dahil nakuha niya ang scholarship program ng isang Congressman sa kanilang probinsya. Mas lalong akong napahanga sa kanyang kwento sa buhay. Nag tatrabaho din pala siya bilang janetres sa isang ospital para sa kanyang allowance araw araw. Dahil walang sapat na kita ang kanyang mga magulang. Bigla akong naawa sa kanyang sitwasyun. Ngayon ko lang siya nakilala ngunit magaan na ang aking loob na kausapin siya. Niyaya ko siyang kumain sa canteen pagkatapos nang aming klasi ngunit tumanggi siya dahil oras na raw ng kanyang trabaho sa ospital kaya sinabi kong ako nalang ang maghahatid sa kanya. Sa una parang nag alinlangan pa siyang pumayag ngunit sa huli napilit ko rin siya ihatid ko siya kung saang ospital siya nagtatrabaho. Dumaan sa fast food para bilhan siya ng kanyang pagkain mamaya. Ayaw niya sanang tanggapin ngunit mapilit ako. Kaya wala naman siyang nagawa kundi tanggapin ang pagkain. Parang naka full energy ako buong araw. Pagdating sa ospital na pinag trabahuan niya, mabilis siyang bumababa sa aking sasakyan pagkatapos niyang magpasalamat. Alas kwatro ng madaling araw mamaya ang kanyang off, nong tinanong ko siya kanina. Kaya susunduin ko siya mamaya. Nagbyahe ako pauwi sa bahay na may malawak na ngiti. "I'm think I'm inlove." Nasabi ko nalang sa aking sarili. Pag dating ko sa bahay wala pa si Mommy at Daddy kaya dumiretso nalang ako taas sa aking kwarto. Naligo at humiga ako sa kama para mag pahinga saglit. Sa tuwing mag isa lamang ako sa aking kwarto palagi kong iniisip kong saan na ba siya? nakatulog ba siya nang maayos? mga mabait kaya ang nakita sa kanya? mga katanungan ko lamang sa aking sarili na walang kasagutan. Hanggang sa hindi ko namalayan nakatulog na pala ako habang iniisip siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD