Chapter 07

1345 Words
ESMERALDA "Nay natanggap niyo na ba ang padala ko? bumili kayo ng masarap na pagkain Nay, saka bumili ng vitamins at gamot mo." Isang buwan na ako dito kaya makasahod na ako.Unang sahod ko kaya nakapag padala na ako sa probinsya. Mabuti malaki ang naging sahod ko dahil sa over time. Saka isang beses na ako ang naghatid ng kape sa isang costumer request daw nang costumer na ako ang maghatid ng kape niya. Paghatid ko si sir Knight pala ang costumer. Sinabi niyang hintayin ko siya hanggang sa makatapos sa pag. Nang maubos niya ang kape liligpitin ko na sana ang baso nang may inabot siya sa akin. Namilog ang aking mata sa kanyang binigay lilibohing pera. Nagtaka ako kung bakit malaki ang binigay niya sa akin. "Para sayo, alam kong nagtatrabaho ka para sa pamilya mo. Kaya tanggapin mo na. Hindi ako masamang tao at walang kapalit ang ibibigay ko. Magaan lang ang loob ko sayo. Makatulong 'yan sa pamilya mo at sa pag aaral ng mga kapatid mo." Napaluha ako sa harapan ni sir Knight. Hindi ko akalain na may mga taong katulad niya. "Huwag ka nang umiiyak baka sabihin pa nang ibang tao inaaway kita. Tanggapin mo na, at bumalik na sa trabaho mo. Kung kailangan mo ng tulong ko, huwag kang mahiya na humingi ng tulong sa akin. Ito ang calling card ko. Inabot niya sa akin ang maliit na papel. Tinanggap ko naman kaagad. Naisipan ko na baka pwedi ako makahingi ng tulong tungkol sa nangyari sa Tatay ko. Wala naman masama kong humingi ng tulong sa kanya . Kinuha ko na rin ang pera na binigay niya. "Maraming maraming salamat Sir Knight. Tatanawin ko ito nang malaking utang na loob sa'yo." naluluha kong saad sa kanya. Ginulo niya ang aking buhok saka nagpaalam na aalis na dahil hinihintay na siya ng kanyang asawa at anak. Dumaan lang talaga siya para daw kausapin ako. Ang bait niya sana makilala ko ang asawa niya para magpasalamat din. "Anak kailan ka uuwi? Hindi pa ba tapos asikasuhin ni attorney ang iniwan ng Tatay mo sa'yo?" napa balik lang ako mula sa pag iisip sa pag uusap namin nuon ni sir Knight. Mabuti at nagsalita si Nanay sa kabilang linya. "Matagal tagal pa siguro Nay. Huwag kayong mag alala oras na maayos na ang lahat uuwi ako kaagad d'yan. Si Manong Onge ba Nay bumalik diyan para maningil tungkol sa lupa." tanong ko kaya Nanay. "Simula nang umalis ka hindi na siya pumupunta dito anak. Saka nabalitaan ko na ang kanyang anak na gustong ipakasal sayo nagwawala nang malaman niyang umalis ka dahil siningil ka nang Tatay niya. Kaya 'yun nagalit daw sa tatay niya. Kaya siguro yun din ang rason kung bakit hindi na pumunta pa dito si Onge. " nakahinga naman ako nang maluwag sa sinabi ni Nanay. Sana lang talaga makakita na ako nang sapat na halaga para matubos ko na ang lupa sa Bombay na yun. Yun nalang ang tanging alaala namin kay Tatay. "Ate salamat sa padala mo ang laki naman Ate, baka wala nang natira sayo d'yan Ate." sabi ni Remy. Nasa 30k ang pinadala ko. Laking gulat ko nang bilangin ko 20k ang binigay ni sir Knight sa akin. 10k naman ang sahod ko kaya pinadala ko na lahat para maka pamili sila nag kanilang kailangan. "Okay lang ako Remy, may pera pa ako dito. Bumili kayo ng kailangan niyo saka huwag mapapagod sa paggawa ng mga project ng mga classmate mo. Sapagkat sapat na nag pera na pinadala ko. Mag pukos kayo ni Jing sa pag aaral. Hayaan niyo kapag nakuha na ni Ate ang iniwan ni Tatay sa atin. Mas malaki pa diyan ang matanggap niyo. Bumili kayo ng pagkain na masarap. Bumili kayo ng vitamins. " tugon ko kkay Remy. "Maraming maraming salamat talaga Ate sa lahat ng tulong mo sa amin Ate. Miss kana namin. Mag ingat ka palagi d'yan Ate." saad ni Remy na naririnig kong umiiyak. Hindi ko rin mapigilan ang mapaluha. "Ate salamat sa binigay mo sa amin Ate. Miss na kita Ate ko!" boses naman ni Jing ang narinig ko. "Miss na rin kayo ni Ate. Kunting tiis nalang magkakasama na rin tayo.Sa ngayon ganito muna tayo. Basta mag aral lang kayong mabuti at huwag ninyong pabayaan si Nanay. Masaya na si Ate." turan ko sa kanila. Marami pa kaming pinag-usapan hanggang sa nagpaalam na ako, na oras na ng aking tarabaho. Alas dose nang tanghali kanina na nag paalam ako kay Manager na mag padala muna ako ng pera. Ala una y medya na ngayon kaya kailangan ko nang bumalik sa trabaho. "Ingat Anak, ingat Ate!" Mahal na mahal ka namin Ate. Mahal kita anak." magkasabay na sabi nilang tatlo sa akin. "Kayo din d'yan Nay, Remy, Jing. Mag ingat at mag-aral nang mabuti. Sige na ba-bye na." paalam ko sa kanila at pinatay na ang tawag. Pumasok muna ako sa banyo para ayusin ang aking sarili. Nag hilamos muna ako para mawala ang aking luha sa mukha. Paglabas ko sa banyo ,nakita ko na ang aking kasamahan na nag umpisa nang maghugas ng mga plato. Pumunta din ako sa aking pwesto saka sinuot ang aking apron para mag umpisa na rin sa pag hugas ng mga plato. Ang bilis lang nag oras alas otso na naman ng gabi kaya inayos ko na ang aking gamit para magpaalam sa aking Manager. Sabado bukas kaya walang pasok. Gusto ko munang magpahinga bukas Nang buong araw. Ako aking mag Isa na nag overtime bilang dishwasher. Nang maayos ko na ang aking gamit nagpa alam na Ako sa aking kasamahan na pang gabi ang duty sa paghuhugas. Lumabas na ako sa kusina para magpa alam naman kay Manager Haru. Nakita ko siyang may katawagan na parang kiti kiti. Panay ang ngiti habang may kausap sa kanyang c.p. Nag thumbs up lang siya sa akin nang suminyas na ako para lumabas na ng restaurant. May nakasabayan akong ka trabaho palabas ng restaurant. Waiter sila at Janitor kaya nag usap usap muna kami habang nag abang nang masasakyan. Hindi naman nagtagal may huminto na dyeep . Nagpa alam ako sa aking mga kasamahan dahil iba ang kanilang sasakyan. Sampong minuto bago ako makarating sa kanto papasok sa aking bahay dahil sa trapik. Nakita ko na kaagad si kuya Buldog na nakatayo sa dati niyang pwesto. Pagka baba ko kaagad naman siyang lumapit sa akin. Binigay ko kay kuya ang dala kong pagkain na binigay kanina ni Chef Dave. "Kuya magandang gabi, salamat sa paghihintay sa akin." "Magandang gabi din Eme, salamat sa bigay mo. Matutuwa na naman ang bunso namin mamaya. Yung binibigay mo sa akin siya ang mas maraming kumain masarap daw kasi." naka ngiting sabi ni kuya Buldog. "Ako nga ang dapat ang magpasalamat sayo kuya. Dahil sa pagbhintay mo sa akin tuwing gabi. Na dapat nagpapahinga kana ngayon. Kuya ito pala sahod ko kanina." binigay ko kay kuya ang isang libo. Habang naglalakad kami papasoksa kanto. Gusto ko siyang bigyan sa una kong sweldo. "Sus huwag na Eme itago mo lang 'yan. Ipunin mo, huwag kang mag alala sa akin. Kahit papano may pera naman ako. Itong pagkain na binigay mo sapat na." "Tanggapin mo na kuya. Gusto ko kasing bigyan ka sa unang sahod ko, kaya sayo na 'yan kuya. Nilagay ko sa bulsa ng kanyang short ang pera kaya wala na siyang nagawa pa. Pagdating namin sa bahay hinintay niya muna ako makapasok sa loob bago siya umalis patungo din sa kanilang bahay. Pumasok ako sa banyo para mag half bath. Paglabas ko sa maliit na banyo umupo ako sa muna ako sa kama saka tiningnan ang aking c.p. May text pala galing kay Patrick. Purdoy: "Eme kamusta ka d'yan. Kailan ka babalik dito?" basa ko sa mensahe ni Purdoy. Ako: "Purdoy kamusta? pasensya na, ngayon ko lang nabasa ang text mo. Kaya ngayon lang ako naka reply sa'yo." pag ka send ko hinintay ko ang kanyang reply. Ngunit hindi siya naka reply. Tulog na yata. Kaya humiga din ako sa kama saka nanalangin bago matulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD