ESMERALDA
"Ems ayos ka lang ba? Hindi ka ba nahihirapan?" tanong sa akin ng isa kong kasamahan na nagta trabaho dito sa Weinstein Restaurant. Isang linggo na ako bilang isang dishwasher. Mabuti mga mababait ang aking mga kasamahan. Ang Pakilala ko sa kanila ay Ems. Tumingin ako kay Jay saka ngumiti. Magaan ang loob ko sa kanya dahil siya ang una kong nakilala dito. Isa siyang waiter. Kada hatid niya ng hugasin lagi niya akong tinatanong kong ayos lang ba ako? o pagod na. Magaan din daw ang loob niya sa akin. Sapagkat nakikita niya ang kanyang kapatid na babae sa akin. Malayo sila sa isa't-isa. Nasa probinsya ang kanyang kapatid nasa kanilang Lola. Ulilang lubos na sila kaya nakipag sapalaran din siyang pumunta ng Manila para magtrabaho. Kagaya ko nangungulila din siya sa kanyang pamilya.
"Ayos lang Jay, kering keri." pagbibiro ko sa kanya. Ginulo niya naman ang aking buhok saka lumabas para mag ligpit ng mga kinain ng mga costumer. Ang ganda at galanti ng restaurant pang sosyal. Lahat na mga costumer mga mayayaman. Nangangarap din ako dati na kapag yumaman ako dadalhin ko rin ang aking pamilya sa ganitong restaurant. Pagsapit nang alas otso nang gabi natapos na rin ang isa kong araw na pag ta-trabaho. Lagi akong nag o-overtime para malaki laki ang ipapadala ko sa aking mga kapatid. Pagtawag ko kanina sa kanila sinabi ni Remy na gumagawa siya ng mga project nang mga ka-klasi niya para pandagdag baon nila ni Jing. Si Jing naman daw nag tutulong kay Aling Nina na mag benta ng kakanin. Mabuti si Nanay mabilis ang kanyang pag galing. Gusto niya nga sana tumanggap ng labada para makatulong sa aking mga kapatid. Ngunit sinabihan siya ni Remy na huwag muna baka bumalik ang kanyang sakit. Pinag sabihan ko rin kanina si Nanay. Mabuti nakinig siya. Naiyak nalang ako pagkatapos naming mag-usap. Kaya sisikapin kong maka ipon para may ipadala ako sa kanila. Mabuti nalang may bigas at de lata na iniwan sa akin ni Ate Lourdes at libre ang kain dito sa pinagtrabahuan ko. Kaya kahit papano naka tipid ako. Minsan binibigyan kami ni Chef Dave nang pagkain. Kapag sinusundo ako ni Kuya Buldog sa may kanto hinahatian ko siya. Araw araw kapag alam ni kuya Buldog na gabihin ako sa pag uwi lagi siyang nakaabang sa akin sa may kanto. Nagpapa salamat talaga ako na kahit papano mga mababait ang mga taong nakasama ko dito. Matapos kong maayos ang aking sarili lumabas na ako sa kusina para magpaalam sa manager. May papasok na naman na kapalitan ko. Kanina pa sana ang uwi ko pero nag overtime ako ng tatlong oras. Mabuti dito kapag gusto mong mag over time pwedi dahil maraming mga costumer na pumapasok sa araw man o gabi.
"Mauna na ako Sir, salamat po! bukas po ulit." paalam ko sa aking Manager na sir Haru. Mabait si Sir sa amin lahat. May pagka bading siyang kumilos pero sinasabi niyang lalaking lalaki siya. Ngunit minsan napansin ko, kapag may costumer na gwapo at bata parang nagpapa cute siya.
"Ingat Ems, ang sipag sipag mo talaga para kang may isang dosenang anak. Ang mga kasamahan mo kanina pa umuwi. Pero ikaw isang linggo ka na rin nag o-overtime." Napakamot nalang ako sa aking manager at kemeng ngumiti.
"Maraming gastusin sir, saka nag -aaral pa ang dalawa kong kapatid at si Nanay kailangan pang uminum ng gamot." sagot ko sa aking Manager.
"Ang bait mo talaga Ems. Sige mag ingat ka sa pag uwi. Kita kits bukas ulit." lumabas na ako sa loob ng restaurant. Habang palabas ako ng restaurant nakayuko ako dahil inayos ko ang aking damit. Hindi ko napansin na may pumasok palang lalaki. Hindi ko sinasadyang mabunggo ko ito.Ang tigas ng kanyang katawan parang hindi manlang nasaktan. Samantala ako parang nahihilo ang aking ulo. Tumingin ako sa kanya at humingi ng pasensya baka mag reklamo at matanggal pa ako . Yumuko ako sa kanyang harapan.
"Sorry sir, sorry hindi ko po sinasadya. Hindi ko po napansin na papasok kayo. Sana po hindi niyo ako isumbong sa aking manager. Sorry po talaga." tuloy tuloy ang pag bow ko sa kanya habang humihingi ng sorry. Pagkatapos kong magsalita nakayuko pa rin ako. Hinintay kung ano ang kanyang sasabihin. Ngunit narinig kong tumawa lamang siya. Kaya dahan dahan akong umangat at tumingin sa kanya.
"Okay lang miss, hindi ako galit. Naaliw lang ako sa'yo. Mahilig ka yata manuod ng Kdrama. Panay bow saka humingi ng sorry. Hindi naman ako kagaya ng iba na kunting pagka kamali magagalit kaagad. May kasalanan din naman ako. Hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko." naka ngiti niyang sabi sa akin. Guminhawa naman ang aking pakiraramdam ang akala ko talaga magalit siya at isumbong ako sa aking manager.
"Dito ka pala nagta-trabaho?" tanong niya sa akin.
"Yes, sir! dishwasher po ako dito. Isang linggo pa lang. Kaya sobrang kaba ko kanina nang mabunggo kita. Ang akala ko pagalitan mo ako saka isumbong kay manger." paliwanag ko sa kanya.
"By the way, I'm SPO1 Knight Lopez. Kaibigan ko ang may ari ng restaurant. Magkikita kami kaya ako napunta dito." Pakilala niya sa akin. Ang bait niya pala at pala ngiti. Saka ang gwapo gwapo niya para siyang artista na si Paulo Avelino.
"Ako si Ems sir." nahihiya kong pakilala sa kanya. Nilahad niya naman ang kanyang kamay sa akin. Nag-alangan man, ngunit tinanggap ko parin ang paki pag kamay niya sa akin. Pagkatapos namin mag kamayan nagpa salamat ako sa kanya at nagpa alam. Ngumiti siya sa akin at tumango. Dumiretso na siya sa pumasok sa restaurant ako naman tuluyan nang lumabas. Nag abang ako nang sasakyan pauwi sa bahay. Hindi naman nagtagal ang aking paghihintay nakasakay naman ako kaagad sa dyeep. Limang minuto ang byahe bago ako nakarating sa aming lugar. Pagbaba ko nakaabang na si Kuya Buldog.
"Maraming salamat kuya. Kapag sahod ko na kuya ililibre kita." Sabi ko kay kuya nang makalapit na ako sa kanya.
"Sus huwag mo nang isipin 'yun, Eme ang importante ligtas ka sa pag-uwi. Hindi naman kita pweding pabayaan lang. Parang kapatid na rin kita kahit bago lang tayo nagkakilala. Saka nakiusap si Lourdes at Brandon na Hindi kita pabayaan dito." Nagpapasalamat talaga ako na mabait talaga sila sa akin.
"Kuya kapag ako talaga yumaman ikaw ang una una kong bibigyan ng pera." pagbibiro ko kay kuya habang naglalakad na kami papuntang bahay.
"Kahit hindi na pera Eme. Basta kunin mo akong right hand at body guard mo. Ayos na ayos sa akin." birong sagot din ni kuya sa akin.
"Ikaw pa ba kuya. Hinding hindi kita kalimutan. Pero kuya hanggang pangarap lang yata." sabay kaming tumawa sa aking sinabi.
"Maraming salamat kuya." pasalamat ko ulit sa kanya nang makarating na kami sa bahay.
"Walang anuman Eme. Sige pahinga kana. Uuwi na rin ako. Ingat ka, bukas ulit." saad ni Kuya Buldog. Kumaway ako sa kanya bago pumasok sa bahay. Pagpasok ko dumiretso na ako kaagad sa aking silid para humiga. Bukas nalang ako maliligo. Pag kahiga ko nanalangin muna ako at kaagad akong nakatulog.
"Kring kring" tunog ng alarm ng c.p. ang nagpa gising sa akin. Naka set palagi ang alarm ko nang alas sais ng umaga. Alas otso pa naman ang oras ng trabaho ko sa restaurant. Pero kailangan kong gumising para maglinis sa bahay at mag laba ng aking damit. Umunat unat muna ako nang aking katawan bago bumangon. Dumiretso ako kaagad sa banyo para maligo. Pagkatapos kong maligo nag timpla ako ng kape. Umiinum ako ng kape habang nag lilinis ng bahay. Pagka ubos ko ng kape. Nilabhan ko naman ang mga marumi kong damit. Isaktong alas siete natapos ko na rin ang aking labahin. Nagbihis na ako para pumunta sa aking trabaho. Pagkatapos kong magbihis at inayos ang aking gamit. Lumabas na ako ng bahay at nilock ng mabuti ang pintuan. Ang tahimik ng paligid kapag umaga. Ngunit pagsapit ng gabi puro lasing na ang mga tao. Hindi ko nakita si Kuya Buldog sa kanto may pinuntahan siguro. Nag abang ako nang sasakyan hindi naman nagtagal nakasakay na ako. Alas siete y media ako nakarating sa restaurant. Kaagad akong nag log in saka pumasok sa kusina. Hindi pa naman oras nang aking trabaho kaya umupo muna ako. Wala pa ang mga kasamahan ko. Hindi ko din nakita si Manager. Binati ko ang pang umagang duty na naghuhugas nang mga plato. Pagsapit ng alas otso kami naman ang papalit sa kanila. Bali anim kaming dishwasher. Habang nakaupo at naka yuko ako narinig kong may binati Ang aking mga kasamahan. Ngunit binaliwala ko lamang. Pero maya maya lamang may dalawang pares ng sapatos na nakita ko sa aking harapan. Umangat ako para tingnan kong sino. Isang lalaki matangkad, maputi at singkit ang mga mata saka makisig Ang pangangatawan at gwapo. Biglang kumabog ang aking puso, ngunit hindi naman ako kinakabahan. Nakatingin lang siya sa akin ngunit hindi ko naman makitaan na may malisya ang pagtitig niya sa akin. Mabilis akong tumayo at yumuko.
"Good morning sir. Nagtatrabaho po ako dito. Kung nakita niyo akong naka upo, hindi pa po oras ng aking tarabaho. maaga lang akong nakarating. Kaya hinintay ko ang oras ng aking trabaho." Paliwanag ko sa lalaki baka kasi siya ang aking amo. Hindi naman maka pasok dito ang out sider. Sa isang linggo ko dito na nagta trabaho hindi ko pa nakita o nakilala ang aking amo.
"It's okay, don't worry." I just passed by then i saw you. I thought you're not feeling well." saad niya sa akin na nagpaka wala ng aking kaba. Ngumiti siya sa akin at umalis. Umupo ako ulit at nagpakawala ng malalim na hininga.
"Thank you Lord." pasalamat ko sa panginoon.