THIRD PERSON
"Shan Shan ko! miss na miss na kita. Mahal na mahal kita anak ko! Shan Shan." Sa isang sulok nang kwarto na madilim may isang ginang na umiiyak. Habang hawak hawak ang isang litrato ng batang babae na, nasa edad tatlong taon gulang. Ngayon ang kaarawan ng batang nawawala ng mahigit dalawampu't dikada na ang naka lipas. Subalit hanggang ngayon hindi pa rin mahanap. Nasa dalawampu't limang taong gulang na ngayong araw ang batang nawawala. Kinuha ng kanyang dating yaya at dinala kung saan na hindi nila alam. Mabait ang pamilya Weinstein at matulungin sa mga taong nangangailangan ng tulong. Kaya hindi nila lubos maisip kong bakit nagawa ng yaya ng bata na ilayo ito sa kanila. Ngunit lingid sa kaalaman ng pamilya Weinstein. Hindi talaga totoong yaya ng bata ang kumuha sa batang babae. Kundi isang taong binayaran ng mang may inggit sa kanila upang kunin ang bata at itapon. Kilalang pinaka mayaman ang pamilya Weinstein ngunit hindi sila masamang tao. Hindi sila mata pobre kagaya ng ibang mayayaman. Kaya maraming biyaya silang natatanggap. Kaya isa din sa rason na kina iinggitan din sila ng ibang negosyante . Hindi matanggap ng ginang ang nangyari sa kanyang prensisa kaya nagkasakit siya sa pag iisip. Habang umiiyak siya na yakap yakap ang litrato. Nilapitan naman siya ng kanyang panganay na anak at niyakap.
"Mommy tahan na po! Hindi kami titigil ni Daddy sa pag hahanap kay Shan Shan. Mahanap lang natin ang ating prensisa. Kahit maubos pa ang ating yaman basta makita lang namin si Shan Shan mo, Mommy." Niyakap ng lalaki ang kanyang Mommy habang umiiyak. Ito ang kwarto ng batang babae nuon. Simula nang mawala ang bata dito na nanatili ang ginang sa loob ng kwarto nang kanyang anak. Ayaw niya rin buksan ang ilaw. Hindi din pwedi makuha nang kung sino man ang hawak hawak niyang litrato sa kanyang kamay kahit natutulog pa ito. Simula ng mawala ang kanyang prensisa hindi na rin siya lumalabas ng bahay. Kahit saan lugar hinalugad na nila ngunit walang bakas na makita kung saan na ngayon si Shan Shan. Ngunit hindi pa rin sila nawawalan ng pag asa na makita nila ito. Kahit sinabi pa ng imbistigador at mga pulis na posibleng patay na raw ang bata. Ngunit hindi sila naniniwala. Yumakap din ang ginang sa kanyang anak. Pumasok din ang isang lalaki sa madilim na silid habang may bitbit na cake. Lumapit sa kanila na naiyak na rin dahil sa eksinang naabutan. Pinakalma niya muna ang kanyang sarili bago ibinigay ang cake sa kanyang asawa.
"Honey, blow the candle and make a wish." Sabi ng lalaki sa ginang. Ito palagi ang ginagawa nila sa tuwing birthday ni Shan Shan. Pumikit naman ang ginang nang malapit na sa kanya ang cake na may naka sindi na, na kandila.
"Shan Shan umuwi ka na . Miss na miss kana ni Mommy. Lord please grant my wish." pagkasabi nang ginang kaagad niyang hinipan ang kandila.
"HAPPY BIRTHDAY SHAN SHAN." magkasabay na sabi nilang tatlo na kahit may mga luha sa kanilang mga mata. Kahit paano masaya pa rin sila. Sabay nilang kinain ang cake hanggang sa maubos.
"Mommy, dapat magagaling ka, paano kong mahanap na namin si Shan Shan tapos ganito ka? E! Hindi na kayo maka punta sa lugar na gusto ni Shan Shan dahil may sakit ka. At kapag hindi kayo naka punta sa gusto ni Shan Shan, baka aalis na naman siya sa atin." Sabi ng panganay na anak nila.
"Oo nga! honey, sana labanan mo ang iyong sakit. Dahil naramdaman ko, na malapit na namin mahanap si Shan Shan. Paano kong mahanap na nga namin si Shan Shan may sakit ka? Tapos gusto ni Shan Shan na pumunta sa ibat ibang lugar. Tapos hindi kayo maka punta kasi nga may sakit ka. Kung ganyan ka, malulungkot si Shan Shan at iiyak. Kasi nga hindi siya makaalis dahil sa'yo." sa sinabi ng asawa ng ginang at ng kanyang panganay biglang tumayo ang ginang saka binuksan lahat ng ilaw sa loob ng kwarto. Nagkatinginan ang mag ama dahil effective ang kanilang sinabi. Sana lang talaga malabanan ng ginang ang kanyang sakit.
"Yes, si Mommy magpa galing na. Dahil malapit nang makabalik si Shan Shan namin." masayang turan ng panganay nilang anak.
"Mommy magaling na 'yan dahil parating na ang Shan Shan namin. Pupuntahan nila ang ibat ibang lugar. Sasakay sa eroplano at sa barko natin." segunda naman ang kanyang asawa. Lumapit naman ang ginang sa kanyang mag ama saka niyakap niya ito ng mahigpit habang umiiyak.
"Promise honey , anak. Magpa galing na ako ngayon. Lalabanan ko na ang aking sakit. Hihintayin ko si Shan Shan na bumalik. Kapag bumalik siya ayaw kong umiyak at malungkot siya ng dahil sa akin. Kaya simula ngayon magpa galing na ako. Nagyakapan silang tatlo na umiiyak dahil sa pag asa na makita at makabalik sa kanila ang kanilang prensisa.
ESMERALDA
"Eme sigurado ka ba talaga, na dumito ka? baka kung may masamang mangyari sa'yo dito. Hindi mo pa kabisado ang Manila. At hindi natin alam kung sino ang nagpadala nang sulat sa'yo at tungkol sa sinasabi sa sulat na malaking halaga. Baka ang malaking halaga na sinabi sa sulat 'yung dating dahilan kong bakit nakulong si Diosdado." saad ni Kuya Brandon sa akin.
"Huwag kayong mag alala kuya, mag iingat ako. Salamat sa pag patira niyo dito sa akin ni Ate Lourdes tatanawin ko rin ng malaking utang na loob ang pag tulong niyo kay tatay habang nabubuhay pa siya." sagot ko kay kuya Brandon dahil nag alala talaga sila ni Ate Lourdes sa akin. Bumuntong hininga lamang si Kuya Brandon saka tumango tango sa aking sinabi.
"Kung buo na talaga ang desisyun mo Eme na dumito ka muna sa Manila mag-ingat ka dito Eme. Kapag alam mong may kahina hinala kang tao na makikita sa paligid mo tumakbo o magtago ka kaagad. Gusto man namin na samahan ka dito. Ngunit hindi na pwedi. Hindi kasya ang sahod ni Brandon sa aming pang araw araw na gastusin. Saka lumalaki na rin si Lia. Mas mabuti nasa probinsya kami kahit papano may lupa ang aming pamilya duon. Mag tanim lang ng gulay pwedi nang ibinta." Sabi din ni Ate Lourdes sa akin.
"Sige mauna na kami Eme. Mag ingat ka palagi dito. Huwag kang mag alala nasabihan ko na si Buldog na tingnan tingnan ka sa mga lasinggerong mga tao d'yan sa labas. Paalam ni Ate Lourdes sa akin. Ngayong araw ang kanilang pag alis patungong probinsya. Mabuti at nakapasok ako sa isang restaurant na pinag trabahuan din ni Kuya Brandon. Pinakilala ako ni kuya Brandon na kamag anak niya ako. Kaya natanggap ako kaagad. Hindi na nila ako hinanapan pa ng requirements . Ilang ulit sinabi ni Kuya Brandon na babalik nalang ako sa amin sa probinsya. Ngunit nakapag desisyun na ako na alamin ko ang totoong nangyari kay Tatay. Kahit sa ngayon wala akong alam at hawak na pera. Pero buong buo na ang aking desisyun.
"Salamat ng marami Ate , Kuya. Huwag kayong mag alala sa akin. Kaya ko ang aking sarili. Mag ingat kayo sa byahe." paalam ko din sa kanila. Niyakap ako ni Ate, niyakap ko rin sila ni Lia bago sila tuluyan umalis ng bahay. Isang linggo na ako dito sa Manila. Sinabi ko lang kay Nanay na inaayos pa ni Attorney ang iniwan ni Tatay. Hindi ko na sinabi ang totoong nangyari kay Tatay baka hindi na makayanan pa ni Nanay. Sa ngayon kailangan kong malaman kong ano nga ba ang totoong nangyari kay Tatay at kung sino ang nagpa dala sa akin ng sulat. Hahanapin ko din ang dating amo ni Tatay. Dahil kung hindi sa paratang niya kay Tatay. Baka hanggang ngayon buhay pa si Tatay at kasama pa namin siya . Hindi ko naman mapigilan umiyak. Ang sakit lang isipin na ginawa ni Tatay ang lahat para sa amin. Ngunit Hindi manlang namin alam ang totoong nangyari sa kanya. Sana manlang nalaman namin. Tumingala ako sa langit at nanalangin. Sa ngayon tanging dasal lamang ang aking sandata. Nang gumaan na ang aking pakiraramdam pumasok na ako sa maliit kong silid para magpa hinga muna. Bukas na ako mag umpisa sa trabaho bilang dishwasher sa isang restaurant.