Chapter 04

1608 Words
ESMERALDA "Ikaw ang panganay na anak ni Diosdado Garcia?" pag uulit na tanong sa akin ni Lourdes. Tumango naman ako sa kanya habang naka tingin ako sa kanya na para siyang naguguluhan na medyo may takot sa kanyang mga mata. "Ako nga ang panganay na anak ni Diosdado Garcia. Pumunta ako dito dahil nakatanggap ako ng sulat mula sayo. Na bago daw namatay si Tatay ay may naiwan itong malaking halaga. Hindi nabanggit sa sulat kong anong malaking halaga. Kaya pumunta na ako kaagad dito sa inyo para malaman ko, kung ano nga ba ang malaking halaga." Sabi ko kay Lourdes na parang wala talagang alam. "Bakit ka pa pumunta dito? at ano ang sinabi mo, na may sulat kang natanggap mula sa akin?" Napa kunot ang aking noo sa kanyang tanong. Bakit para wala siyang alam? "Nakatanggap ako ng sulat galing sa pangalan na Lourdes. At ang laman ng sulat ay may malaki daw na halaga na naiwan si Tatay sa akin na dapat kong puntahan sa Manila. Kaya kaagad akong pumunta dito para malaman kong anong malaking halaga ang iniwan ni Tatay bago siya namatay. At kapatid ko ba ang anak mo." bigla naman siyang napaubo sa aking tanong. "Paano mo nasabi na kapatid mo ang anak ko? At may asawa ako si Brandon. Mamayang hapon pa ang dating niya galing trabaho." saad ni Lourdes sa akin na nagpa gulo ng aking isipan. "Hindi ka asawa ng Tatay ko?" naguguluhan kong tanong sa kanya. Umiling siya at sumeryuso ang mukha. Nagpakawala siya ng malalim na hininga at umupo sa upuan na kaharap ko. "Sino ba ang nagsabi na asawa ako ng Tatay mo? at sino ba ang nagsabi sa inyo na may-asawa si Kuya Diosdado? " "Kuya?" tanong ko sa kanya. "Oo kuya ang tawag ko kay kuya Diosdado. Ang totoo niyan nabigla ako na narito ka. Bakit ka pumunta pa dito? Makinig ka i-kwento ko sayo ang lahat na nalalaman ko." Umupo naman ako ng maayos. Medyo kumabog ang aking dibdib nang maging seryuso ang kanyang mukha. Inayos niya muna ang kanyang anak paupo sa kanyang kandungan. "Magkasama sa trabaho si Kuya Diosdado at si Brandon na asawa ko. Bilang security guard sa malaking kompanya. Mabait, masipag si Kuya Diosdado. Magkatabi ang aming inuupahan na apartment dati. Lagi kayong kweni-kwento ni Kuya Diosdado sa amin na nagsumikap siyang magtrabaho dahil sa inyo. Naging maayos naman ang kanilang trabaho ni Brandon. Sa katunayan nga nagustuhan siya ng amo nila. Dahil masipag si Kuya sa trabaho at walang reklamo. Ngunit nag iba ang patakaran nong pumalit ang anak ng may ari ng kompanya. Okay naman siya ngunit masungit siya lalo na sa taga probinsya kaya n'ong malaman niya na taga probinsya si Kuya Diosdado muntik niya na itong paalisin. Mabuti nalang hindi pumayag ang kanyang ama dahil nga pinag tanggol si Kuya na mabait at masipag sa trabaho. Hanggang sa mag isang taon na si kuya Diosdado . Gabi ang kanyang duty nang araw na iyon. May pinapaalis ang anak nang amo nila na nagta trabaho sa loob ng kompanya. Pero bago daw umalis nagnakaw nang malaking halaga. Ngunit ang bag na may laman na pera pina hawak kay kuya Diosdado na walang alam si Kuya kong ano ang laman. Kaya kinuha niya ang bag at nilagay sa kanyang upuan. Ang laman pala ng bag na iyon ay pera na ninakaw ng nagtatrabaho sa loob ng kompanya. Kaya n'ong dumating ang mga pulis si kuya Diosdado ang pinag bintangan. Sobrang nagalit ang may ari ng kompanya kay kuya Diosdado. Ang anak kasi ng may ari ng kompanya ay galit na galit sa taga probinsya. Dahil ang pagka kilala niya sa taga probinsya mag nanakaw, at naghahanap sila ng mayaman sa Manila para pag perahan. Nagkataon din na nasa America si sir Gabby ang pwedi namin sana mahingian ng tulong. Ang big boss sa kompanya. Hindi na naipagtanggol ni kuya Diosdado ang kanyang sarili dahil sa wala siyang laban. Nakikiusap kami sa bagong boss nila Brandon ngunit ayaw kaming pakinggan. Dinala si Kuya ng mga pulis at kinulong. Gustong gusto sana namin ipaalam sa inyo. Ngunit may pumunta sa amin na mga naka armadong mga tao. Na dapat hindi malaman ng pamilya ni Diosdado ang nangyari sa kanya. Dahil kong ipaalam namin pati kami at kayong pamilya ni kuya masasangkot. Sa takot namin hindi na namin pinaalam sa inyo. Pag dalaw namin sa kulungan kay kuya nakiusap din siya na huwag nalang sabihin sa inyo ang nangyari sa kanya. Na sabihin nalang namin na nag asawa na siya. At hindi na makapag padala sa inyo ng pera. Para hindi kayo mag-alala sa kanya. Dahil daw kapag nalaman pa ninyo ang nangyari sa kanya kahit wala daw kayong pera .Magpumilit kang puntahan siya lalo na si Nanay mo. Sinabi ko rin ang tungkol sa mga armadong lalaki na pumunta sa bahay. Nai-kwento niya sa amin na frame up ang nangyari sa kanya. Dahil ang pagkakaalam nila na galit ang bagong may ari ng kompanya sa taga probinsya kaya 'yun ang paraan para si kuya mapag bintangan na kumuha ng pera. Hindi ako makahinga sa pag iyak dahil sa mga sinasabi sa akin ni Lourdes. Kawawa si Tatay ko. Kaya pala parang hindi ko rin matanggap na mag-asawa si Tatay. Dahil sobrang mahal niya si Nanay. Wala manlang kaming nagawa para tulungan si Tatay. Napahagulhol ako sa harapan ni Lourdes. Hinawakan niya naman ang aking kamay saka pinisil. Pinagpatuloy niya ang kanyang kwento ng tumahan na ako sa pag-iyak. "Hanggang sa sumapit ang anim na taon nabalitaan nalang namin na namatay si kuya sa puso. Pero hindi kami sigurado kung sa puso nga ba ang dahilan ng pagkamatay niya. Dahil n'ong hapon na 'yun dumalaw pa kami at nagdala pa kami ng pagkain sa kanya. Maayos at masigla naman siya. Nabalitaan din naman na malapit na siyang makalaya. Na i-kwento niya nga na may naipon siya sa loob na pera dahil gumagawa siya ng upuan gamit ang plastik bottle. N'ong nabalitaan namin kaagad namin siyang pinuntahan. Ngunit hindi na namin naabutan ang kanyang bangkay. Sapagkat inilibing na raw ito. Kaya bumalik nalang kami sa bahay. Pagdating namin sa bahay may mga armadong mga tao na naman na pinag bantaan kami na huwag ipaalam sa pamilya ang nangyari kay Kuya. Kaya nagdesisyun kaming mag asawa na lumipat na ng bahay. Ngayon dito na nga kami, kaya laking gulat ko kong bakit narito ka. At kung sino ang may gawa ng sulat na sinasabi mo. Saka kung ano ang malaking halaga. Hinintay nalang namin ang sahod ni Brandon para makauwi na kami sa aming probinsya. Kaya sana bumalik ka nalang sa probinsya niyo. Eme baka kung ano pa ang mangyari sahod dito. Lalo na hindi natin alam ang pakay ng nagpa dala ng sulat sa'yo. At kung anong malaking halaga ang sinasabi." Mahabang kwento ni Lourdes na nag padurog ng aking puso. Iyak ako ng iyak habang nakikinig sa kanyang mga kwento. "Hindi ako uuwi hanggang hindi ko malaman kung ano at sino ang dahilan ng pagkamatay ni Tatay." matigas na sabi ko kay Lourdes. Wala akong pera at wala akong alam dito sa Manila. Ngunit sigurado na ako sa desisyun ko. Gagawin ko ang lahat malaman ko lang kung ano ang totoong pagkamatay ni Tatay. Humagulhol na naman ako ng iyak. Lumapit si Lourdes sa akin saka hinagod hagod naman ni Lourdes ang aking likod. "Kung ayaw mong bumalik muna sa probinsya niyo, pwedi ka naman dito. Basta mag-ingat ka dito Eme. Aalis na kami baka bukas o sa makalawa kapag makuha na ni Brandon ang sahod niya. Saka tanungin ko rin si Brandon mamaya kong may alam siya na pwedi mong pasukan na trabaho habang nandito ka. Basta kapag alam mo mapahamak ka dito umuwi ka kaagad sa probinsya niyo." tumango tango ako sa sinabi ni Lourdes. "Pwedi ba ate nalang ang itawag mo sa akin?" tanong niya sa akin. Bigla naman akong nahiya sa inasta ko kanina sa kanya na pinagtaasan ko siya ng aking boses. Tumingin ako sa kanya at ngumiti kahit na panay pa rin labas ng aking mga luha. "Sorry a-ate kanina sa inasta ko..Ang akala ko kasi asawa ka talaga ng Tatay ko at pagkamatay niya nag -asawa ka ulit. Pasensya na po talaga." sinsero na paumanhin ko sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin at hinagod muli ang aking likod. Mabuti ang bata na si Lia tahimik lang na naka tingin sa amin. "Siya nga pala alam kong pagod ka dahil galing ka pang probinsya. Nagugutom ka na ba? Magluluto muna ako ng pagkain natin. Saka halika muna dito ka sa isang kwarto magpa hinga ka muna. Gigisingin nalang kita mamaya kapag nakapag luto na ako." tumango ako kay Ate Lourdes dahil totoo talagang pagod at puyat ako ngayon mas dumagdag pa ang nabalitaan ko tungkol kay tatay kaya gusto ko munang mapag -isa at magpahinga. Mamaya nalang ako tutulong sa kanya kapag nakapag pahinga na ako. "Maraming salamat Ate. at pasensya na talaga kong maka disturbo ako sa inyo nang asawa mo." Ngunit siya sa akin at ginaya niya na ako papunta sa magiging silid ko dito sa kanilang bahay. "Wala 'yun, n'ong buhay pa si kuya Diosdado marami ang naitulong niya sa amin. Kaya huwag kang mag-alala. Saka mabait din ang asawa ko. Sana bago kami umalis maka trabaho kana. Saka pakikiusapan ko si Buldog, na bantayan ka, mabait 'yun. Sige na magpahinga ka na muna d'yan. Pasensya kung 'yun lang ang higaan mo 'yan lang ang nakayanan namin." "Maraming salamat talaga Ate." Paglabas ni Ate, dahil sa pagod na aking naramdaman. Pagka higa ko sa maliit na kama nakatulog kaagad ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD