ESMERALDA
MANILA
"Ineng gising na nasa tondo na tayo." Nagising ako na may tumapik sa aking balikat. Pag mulat nang aking mga mata si Manong konduktor pala habang ginigising ako. Nakatulog pala ako dahil siguro sa pagod. Dalawang araw at isang gabi ang byahe ng barko galing Mindanao papunta sa Manila. Huwebes nang alas tres ng madaling araw ako umalis sa Mindanao. Linggo na ng alas dyes ng umaga nandito na ako sa Tondo Manilan kung saan ang address na nakasulat sa papel. Habang nasa byahe ako samo't sari ang mga gumugulo sa isipan ko, lalo na sa kwentas na binigay ni Nanay sa akin. Hindi ako makatulog nang gabing binigay ni Nanay ang kwentas sa akin bago ako lumuwas ng Manila at sa palagay ko mamahalin. Iningatan ko raw ito kahit anong mangyari. Dahil ito daw ang makapag bago nang buhay ko sa darating na panahon. Nahihiwagaan ako sa mga sinabi ni Nanay. Parang may kakaiba sa kanyang sinabi. Lalong naguluhan ako sa sinabi ni Nanay na kahit daw anong mangyari, hindi ko iwawala at iingatan ko nang mabuti. Dahil napaka importante ito sa buhay ko. Sinabi ko nga sa kanya na isangla muna para may pang dagdag na pera para sa pangangailangan nila sa bahay habang wala ako. Ngunit ayaw ni Nanay, mahalaga raw ito sa buhay ko. Kaya hanggang sa makadaong ang barko sa Manila parang wala ako sa maayos na pag-iisip tungkol sa kwentas. Kung bakit mayruon ako na parang malaki talaga ang halaga. Hindi ko sinuot baka mawala o nakawin pa. Ayaw naman ni Nanay na iwanan ko sa kanya.Kaya tinago ko nalang ng mabuti sa aking pitaka.
"Ining masama ba ang pakiramdam mo?" napabbalik ako sa tamang wisyo ng magsalita ulit si Manong konduktor. Ngumiti ako kay manong driver at nagpasalamat.
"Manong salamat po." Nakatulog pala habang sa byahe." nakangiting saad ko kay Manong konduktor.
"Ining alam kong bagong salta ka palang dito sa Manila mag ingat ka. Sapagkat maraming manlolokong tao dito. Huwag basta magtiwala. At ang mga gamit mo hawakan mo ng mabuti maraming mang durukot dito." Paalala ni Manong konduktor sa akin.
"Maraming salamat manong, tatandaan ko po ang lahat na sinabi ninyo. Ingat din po kayo. Sige po manong mauna na ho ako. Hahanapin ko pa ang address na nakasulat dito." tumango tango si Manong sa akin saka nagpaalam na rin para asikasuhin ang ibang mga pasahero. Nag lakad lakad ako sa eskinita hanggang sa may kanto. Ang usok, ang ingay at dikit dikit na mga bahay ang tanging makikita sa paligid.
"Lord sana gabayan niyo po ako sa aking pupuntahan." panalangin ko sa panginoon.
"Kuya pwedi po bang magtanong? alam niyo po ba ang address na ito." tanong ko sa isang lalaki na nakaupo sa maliit na tindahan habang na nigarilyo. Medyo nakakatakot ang katawan sapagkat ang payat na nga. Puro pa tattoo ang katawan. Medyo umatras pa ako sa aking kinatatayuan at mahigpit ang hawak ko sa aking dalang bag nang pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Sobrang bilis ng pag t***k ng aking puso sa kaba.
"Ka ano-ano mo ba si Lourdes at Brandon? seryusong tanong niya sa akin. Nangunot naman ang aking noo sa kanyang tanong.
"Ano po?" kinakabahan kong tanong din sa kanya.
"Ang sinabi ko, kong ka ano-ano ka nang mag-asawa? dahil ang address na tinatanong mo, duon sa dulo at ang nakatira d'yan ay ang mag-asawang sina Lourdes at Brandon. Kamag-anak ka ba nila galing sa probinsya? Saka huwag kang matakot sa akin. Hindi naman ako nangangain ng tao. Ganito lang talaga ang hitsura ko. Lahat na makakita sa akin natatakot lalo kung bago lang. Halika ihatid kita sa kanila. Maraming lasing pa naman d'yan sa loob. Mahirap kapag ikaw lang mag-isa baka mapag tripan kapa nila. Pero hindi naman sila masama. Kapag alam nilang dayo ka lang. Naghihingi sila ng pang bili ng inumin bago nila padaanin." gumaan naman ang aking pakiraramdam at nawala ang aking kaba sa sinabi ni Kuya.
"Ako nga pala si Buldog, ikaw ano ang pangalan mo Ining?" tanong niya sa akin. Gusto ko sanang tumawa sa kanyang pangalan ngunit pinigilan ko lang ang aking sarili baka magalit pa. Tunog aso kasi. Naalala ko bigla si Purdoy. Lihim nalang akong napa ngiti habang nakasunod kay kuya Buldog.
"Ako naman po si Eme, kamag anak ko po si Ate Lourdes. Kuya, nalang ang itawag ko sayo. Mukha ka namang matanda sa akin kuya." pagsinungaling ko para wala na siyang maraming tanong sa akin. Tungkol kung paano ako napunta dito.
"Ikaw bahala kung ano itawag mo sa akin. Mag tatrabaho kaba dito? o ikaw na ang maiwan sa bahay nila. Balita ko aalis naman ang mag-asawa babalik na sa probinsya." nagulat ako sa kanyang sinabi ngunit hindi ko nalang pinahalata. Bakit hindi niya nabanggit ang pangalan ni Tatay. Bakit mag-asawa ang nakatira sa address ni Tatay?! nag-asawa kaagad si Lourdes? Lourdes kasi ang nakalagay na pangalan sa sulat. Tumango tango nalang ako kay kuya habang patuloy kami sa paglakad. Tinulungan niya pa akong bitbitin ang isa kong bag na dala.
"Oy! Buldog. Ang ganda ng kasama mong chicks ah! saan mo naman nakuha 'yan parang bagong salta lang dito ah?" tanong nang lalaking malaki ang tiyan at kalbo. May toothpick pa sa kanyang bibig.
"Oo nga Buldog hanep mabuti hindi natakot sa'yo. Saka parang nanalo ka sa lotto akalain mo, may magkamali sa'yo." sabay tawa ng isang lalaki na parang lasing na. Bigla naman akong kinabahan kaya mas lumapit ako kay kuya Buldog.
"Huwag kayong ano d'yan. Pamangkin ito ni Lourdes at Brandon. Ihahatid ko lang siya, ako ang napag tanungan sa labas kaya minabuti ko nalang na ihatid. Ang aga-aga Bongkoy umiinum kana? Tapos mamaya mag aamok ka na naman ng away at matutulog sa kalsada. Hay nako Bongkoy baguhin mo na ang ugali mo. Hindi ka ba naawa sa asawa at mga anak mo." sinamaan naman ng tingin ng tinawag na Bongkoy si Kuya Buldog.
"Tama na 'yan, sige na Buldog umalis na kayo, baka mag away pa kayo ni Burdok sa harapan ko." tiningnan naman ako ni kuya Buldog saka niyaya nang umalis. Mabuti nalang talaga hindi na nagsalita pa ang lalaking si Bongkoy ang pangalan . Limang minuto ang nilakad pa namin bago kami makarating sa barong barong na bahay. Dikit na dikit ang ding ding sa kabilang bahay. dito ba nakatira sa Tatay? tanong ko sa aking isipan . Nang makarating kami sa labas ng bahay. Sumigaw si kuya Buldog para tawagin kung sino man ang tao sa loob ng bahay.
"Lourdes may naghahanap sayo, kamag anak mo daw galing probinsya." tawag ni kuya Buldog kay Lourdes. Mula sa loob na maliit na bahay may lumabas na babae habang may karga na bata na sa tantiya ko ay nasa isang taong gulang. Lumabas ang babae para lapitan kami.
"Ano ang sabi mo Buldog kamag anak ko?" tanong kaagad ni Lourdes nang makalapit na siya sa amin at tumingin sa akin.
"Ito Lourdes hinahanap kayo. Ako napag tanungan niya sa labas sa may kanto kaya hinatid ko na." sagot ni Kuya Buldog kay Lourdes. Tumingin ulit si Lourdes sa akin na parang naguguluhan. Ngunit sa huli pinapasok niya rin ako. Hindi na pumasok si kuya Buldog pagka tapos niya akong ihatid, umalis na rin siya kaagad.
"Halika upo ka muna. Pasensya sa aming bahay. Ngunit ano ang sinabi ni Buldog na kamag anak kita, at hinahanap mo ako.m? Wala naman akong matandaan na may pupuntang kamag anak ko dito. At hindi kita kilala. Baka magkamali ka lang nang pinuntahan mo. Ako nga pala si Lourdes at ito ang anak namin si Lia." pag pakilala ni Lourdes sa akin.
"Ako po si Esmeralda pero Eme ang tawag nila sa akin lalo na si Tatay Diosdado Garcia." binanggit ko talaga ang pangalan ni Tatay. Nagulat siya sa sinabi ko at biglang napaawang ang kanyang labi at lumaki ang kanyang mga mata.
"I-ikaw ang panganay na anak ni Diosdado Garcia?" nau-utal niyang tanong sa akin. Habang mahigpit ang hawak niya sa kanyang anak.