Chapter 02

1667 Words
ESMERALDA "Esme kapag ikaw di bayad utang akin , ikaw kasal akin anak." Sabi ng Bombay na pinagsanlaan ko ng maliit naming sakahan. Ang lintik na Bombay nakasanla lang ang aming sakahan tinubuan pa niya, dahil sa hindi ko natubos sa tamang oras. Ngayon pumunta dito sa bahay, para sabihin lang na pakasalan ko ang anak niya. Na hindi yata naka ligo ng isang buwan. Lalo na malaki pa ang tiyan parang kuhol pa ang mukha. Ewww! susko kung siya ang lalaki na pakakasalan ko. Mas mabuti pang burohin ko nalang ang aking kipie. "Manong Onge, bakit ba may tubo? Diba nakasangla lang naman yung lupa namin? Saka wala akong inutang na pera sayo para maningil ka ng tubo. Mas lalong lalo na hindi ako magpa pakasal sa anak niyo, kahit siya nalang ang natitirang lalaking dito sa mundo. Mang Onge." Prangka kong sabi sa Bombay na si Mang Onge. "Bakit ayaw mo sa anak ko? mayaman kami, gwapo akin anak. Ahon agad ikaw hirap at wala lahat iyo ploblema. "Basta, Mang Onge, ayaw ko sa anak mo period." "Ayaw mo kasal anak ko? bayad na ikaw, hintay ko bayad mo hanggang linggo. Kung hindi ikaw bayad. Itong bahay mo nalang kukunin ko." pagkatapos niyang sabihin sa akin umalis na siya kaagad, sapagkat maniningil pa raw siya sa iba. Napaupo nalang ako sa upuan na kawayan dito sa labas ng bahay. Ako si Esmeralda nasa dalawampu't taong gulang na. Tatlo kaming magkapatid. Dalawa kaming babae at isang lalaki. Ako ang panganay. Maraming ang nagsabi na iba ang mukha ko sa aking mga magulang at dalawang kapatid. Dahil kutis mayaman daw ako. Singkit ang mata matangos ang ilong at mala porselanang kutis. Parang kahawig ko daw si Barbie Forteza na artista ngunit matangkad lang ako. Ngunit sinabi ni Nanay dahil labanos daw Ang pinaglihi niya sa akin kaya ako maputi. Kaya kapag sinabihan ako ng mga tao na baka hindi ako tunay na anak ng aking mga magulang. Hindi ko nalang pinapansin. Sapagkat hindi ko naman naramdaman na iba ang trato nila sa dalawa kong kapatid dahil pantay ang pagmamahal ni Nanay at Tatay sa amin. Iniwan kami ng aming Tatay ng pumunta siya ng Manila para magtrabaho. Nuong una maayos naman ang padala niyang pera sa amin. Ngunit nang mag isang taon na siya, hindi na siya nagparamdam sa amin. Nalaman nalang namin na may iba na siyang kinakasama. Hanggang sa sumapit ang anim na taon nabalitaan nalang namin na namatay na raw siya dahil sa isang aksidente sa kanyang tinatrabahuan. Nagkasakit si Nanay dulot na rin siguro sa sama ng loob dahil sa pag iwan sa amin ni Tatay.. Simula ng nagkasakit si Nanay ako na ang umako ng lahat na resposibilad sa bahay at sa pag aaral ng mga kapatid ko. Hanggang high school lang ang natapos ko dahil hindi ko na kaya pag sabayin ang trabaho at pag- aaral. Hanggang ngayon hindi ko parin matubos ang aming sakahan sa Bombay na iyon. Dahil ang kinikita ko sa araw araw ay sakto lang sa aming magka kapatid. Kahit anong trabaho kinakaya ko basta marangal lamang. Mabuti ang mga kapit bahay at mga kamag anak namin ay mga mabait. Nasa Grade 5 na si Jing at nasa grade 7 naman si Remy kaya hanggang kaya ko ang tarabaho hindi ko uurungan. Basta makapag tapos lamang ang aking mga kapatid. Naglalako ako ng mga kakainin sa umaga, nagtatanggap din ako ng mga labahin. Saka pagsapit ng gabi nagbibinta naman ako ng balot. Habang nakapikit ako sa upuan narinig ko ang tawag sa akin ng aking kaibigan na si Purdoy. "Esme, Esme , may sulat ka galing Manila sa sa Tatay mo." Hinihingal pa siya ng makalapit sa akin. Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Eme, Eme ang pangalan ko. Bakit ba ang tigas ng ulo mo Purdoy? isang Esme pa diyan makakatikim kana talaga sa akin." Si Purdoy ay matalik kong kaibigan simula ng mga bata pa lamang kami. Patrick talaga ang totoong niyang pangalan ako lang naman ang nag binyag sa kanya na Purdoy. Gusto ko lang naman dati siya asarin, ngunit sa tagal nasanay na akong tawagin siyang Purdoy. "Ikaw nga ang ganda ng pangalan ko, tinatawag mo ako sa pangalan na sobrang mabantot." Nakasimangot na sabi niya sa akin. "Bakit ba naman ang sungit mo sa akin? Hindi naman kita inaano ah. Pasalamat ka mahal kita." Tinaasan ko siya ng aking kilay. Nanligaw nuon si Purdoy sa akin, ngunit sinabi kong kaibigan lang ang turing ko sa kanya. Saka wala akong panahon sa mga ganung bagay. Kahit daw ilang ulit ko siyang bastedin handa pa rin siyang maghintay sa akin. "Ano ba ang sulat na 'yan? Anim na taon ngayon lang talaga nagparamdam? Nagsusulat na pala ang patay saka hinahatid ng manok ni San Pedro dito sa lupa? Sarkatisko kong tanong kay Purdoy. Nakapa kamot naman ito sa kanyang ulo sabay abot sa akin ng puting sobre na naglalaman ng sulat. "Basahin mo kaya para malaman mo." utos niya sa akin. "Ikaw na ang magbasa wala akong gana. baka lalo sumakit pa ang ulo ko sa mabasa." Utos ko kay Purdoy. "Sigurado ka ha? buksan ko na." panigurado ni Purdoy sa akin. "Oo nga bilisan mo." walang gana kong sabi sa kanya. "Sa panganay ni Diosdado Garcia, kailangan mong pumunta ng Manila para malaman mo kong ano ang iniwan sa inyo ng iyong ama. Isa itong malaking halaga. Sa pagka rinig ko ng malaking halaga lumaki ang aking mata saka napa tayo ako mula sa aking kina upuan. Saka niyugyog si Purdoy na pinagtataka naman nito. "Purdoy salamat sa magandang balita, ito na ang kasagutan ko sa lahat ng aking problema. Matubos ko na ang aming sakahan at mabayaran ko na rin ang iba pa naming utang sa mga kamag anak namin. "Ano ang ibig mong sabihin Esme? Binatukan ko ito sa ulo. "Eme nga, Eme." paulit ulit kong sabi sa kanya. "Oo na nga , Eme na Eme na happy? Bakit masaya ka ng binasa ko ang laman ng sulat?" "Purdoy ka talaga. Hindi mo ba naiintindihan ang sinabi mo? malaking halaga ang sinaad diyan. So it means pera, pera 'yan malaking halaga baka milyon 'yan. Kasi diba anim na taon si Tatay na hindi nagpadala? baka inipon niya para ibigay sa amin. Kaya Purdoy baka ito na ang sagot sa mga dasal ko. Purdoy may address ba na nakalagay kung saan ang bahay ng asawa ni Tatay? "Ito basahin mo. Pero Eme sigurado ka ba na lera 'yan? baka iba 'yan." nag-alalang tanong ni Purdoy sa akin. "Bahala na Purdoy basta sa lalong madaling panahon pupunta ako ng Manila. Para malaman ko kung ano ang tungkol sa malaking halaga." Napabuntong hininga nalang si Purdoy, kalaunan sumang ayun na rin sa aking plano "Basta kung nandun kana tumawag ka kaagad sa akin, saka huwag kang mag alaala ako bahala sa mga kapatid at sa Nanay mo. Mag ingat ka duon alam mo naman na isa ako sa mag alala kung maayos ka ba? kapag nasa Manila kana." may pag-alalang sambit ni Purdoy. "Maraming salamat talaga Patrick." "Yowwn nasabi mo rin ang maganda kong pangalan. Sana magtuloy tuloy na 'yan huwag na ang mabantot na tawag mo sa akin." "Gusto mo samahan kita Eme? Hindi ka pa naman naka punta ng Manila. Baka maligaw ka lang duon. Marami pa namang masamang tao sa Manila." "Okay lang ako Purdoy. Saka ikaw din naman ah, hindi ka naman naka punta sa Manila. Ngunit may pakiusap ako sa'yo sana, ikaw na muna ang bahala sa mga kapatid ko at kay Nanay. Promise uuwi ako kaagad. Kapag malaman ko, kong anong iniwan ni Tatay." Pakiusap ko kay Purdoy. "Anak kailangan mo ba talaga puntahan 'yun? baka mapahamak ka duon anak. Huwag ka nalang kaya pumunta anak." Pakiusap ni Nanay na lumuluha. Niyakap ko siya ng mahigpit habang naluluha rin .Ngayon palang ako mawala'y sa kanila. "Nay mag iingat ako duon, saka baka ito na ang panahon para mapuntahan ko ang puntod ni Tatay. Kaya huwag kang mag alala Nay. Kailangan kong puntahan para malaman ko ang tungkol sa malaking halaga na naiwan ni Tatay. Baka ho matubos na natin ang sakahan. Yun nalang ang naiwan na alala ni Tatay sa atin Nay. Kaya sisikapin kong matubos natin 'yun Nay." paliwanag ko kay Nanay. "Anak patawarin mo si Nanay kung naging mahina ako. Pangako simula ngayon sisikapin kong labanan ang sakit ko. Para kahit papano makatulong ako sayo. Sana anak mapatawad mo si Nanay dahil ikaw ang nagpaka hirap nung panahon na nawalan si Nanay ng lakas ng loob. Para harapin ang responsibilidad sa inyong magkapatid." Umiiyak na si Nanay nang malakas habang magkaharap kaming apat. Hindi na rin namin mapiligilan na umiyak. Nagyakapan kami habang patuloy sa pag iyak. "Nanay tahan na po. Hindi ko naman ho, kaya na pabayaan ko kayo. Bilang panganay hindi ko hahayaan na magutom ang mga kapatid ko. Kaya Nay magpagaling ka. Sapat na sa akin na gumaling ka Nay." madamdaming saad ko kay Nanay habang patuloy sa pag luha. "Ate mag ingat ka duon ha, pangako mag aaral ako nang mabuti para makatapos. Saka hindi ko pababayaan si Jing at si Nanay. Mahal na mahal kita, ate! huwag mong pabayaan ang sarili mo duon ate." umiiyak na sabi ni Remy. "Ate salamat sa lahat na ginawa mo para sa amin.Pangako ko rin Ate hindi ako magpapa saway kay Ate at Nanay, tutulungan ko rin po si Ate sa gawaing bahay." saad din ni Jing na umiiyak din. " Mahal na mahal rin kayo nang Ate, pangako gagawin ni Ate ang lahat makatapos lang kayo sa pag aaral." "Mahal na mahal ko kayo at si Nanay. Gagawin ko ang lahat maging maayos ang buhay natin kahit wala na si Tatay." Nagyakapan kaming lima ng ilang minuto bago ako nagpaalam na mag ayos na nang mga aking gamit na dadalhin ko, papunta sa Manila. Kahit na may mga luha sa aming mga mata gumaan ang aking pakiraramdam. Sapagkat may kapatid at Nanay akong mapag-mahal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD