Chapter 01

1335 Words
THIRD PERSON Third Person Masbate "Hala, mahal! parang tao ang lumutang sa dulo. Bilisan mo, tingnan natin. Papatawid na sana ang mag asawa sa maliit na sapa patungo sa kanilang bahay. Nanggaling ang mag- asawa sa kabilang bayan para mamili ng kanilang supply sa kanilang bahay. Malayo sa kanila ang bayan kaya kailangan pa nilang tumawid sa sapa bago maka punta Ng bayan. Nasa Mindanao talaga ang kanilang lugar, ngunit mas pinili nilang manirahan sa Masbate sapagkat duon nagtatrabaho si Diosdado. Sahod ni Diosdado, ngayon kaya namili sila ng stock na pagkain para sa isang linggo Hapon na sila naka uwi. Ngunit nasa kalagitnaan na sila ng sapa ng may makita silang lumulutang. Nang makalapit na ang mag asawang sina Diosdado Garcia at Manuela Garcia sa lumulutang na bagay kumpirmado nga na tao. Isang batang babae na nasa tantiya ng mag asawa ay nasa tatlong taong gulang pa lamang ito. Mabilis na kinuha ni Diosdado ang bata saka sa nilagay sa bangka. Tiningnan nila ang pulsohan pumintig pintig pa ito. Mabilis na kinampay ni Diosdado ang bangka para mabilis silang maka daong sa gilid ng sapa. Pagdating nila sa gilid ng sapa kaagad na kinarga ni Diosdado ang bata kasunod si Manuela na dala dala ang ibang nabili nila sa bayan. Iniwan niya muna ang mga mabigat saka tinali ang bangka. Mabilis din siyang sumunod sa kanyang asawa patungo sa kanilang bahay. Pagpasok ng mag asawa sa kanilang bahay kaagad na inihiga ni Diosdado sa kanilang sofa na gawa sa kawayan ang bata. Pinaypayan ni Manuela ang bata na nagbaba sakaling magising ito. Mga ilang minuto lamang unti unting dumilat ang mata ng bata at na uubo. Nasilayan kaagad ng bata ang dalawang tao na may pag alala sa kanilang mga mukha. Umiyak ang bata na parang takot na takot. " Mommy, Daddy, Kuya." Sambit ng bata habang umiiyak. Nagkatinginan muna ang mag asawa bago tinanong ang bata. "Inday kamusta ka? Nakita ka namin na lumulutang d'yan sa sapa kaya dinala ka namin dito. Bakit ka napadpad dito, at saan ka nanggaling? bakit ka nakalutang at walang malay?Tumingin sa kanila ang bata na parang takot takot saka umiling iling. " Mommy , Daddy Kuya." Sambit ulit ng bata na umiiyak. Nagkatinginan muli ang mag asawa. Awang awa sila sa bata ngunit wala namang silang magawa saka mag alas sais na ng hapon. Mahirap na bumalik sa kabilang bayan dahil nag babadya ang malakas na ulan. Mahirap at dilikado na tumawid sa sapa dahil biglang tatas ang tubig. "Huwag kang matakot sa amin Inday mabait kami. Saka huwag kang mag alala bukas na bukas pupunta tayo sa bayan baka may maghanap sayo, hinahanap ka ng Mommy at Daddy mo. Sa ngayon huwag ka munang umiiyak magpahinga ka muna lulutuan kita ng adobong manok gusto mo ba 'yun? Tumingin saglit ang bata sa mag asawa saka ngumiti. Hindi nagsasalita ang bata ngunit tumahan naman ito sa pag iyak. "Thank you, po!" narinig nila na nagpasalamat ang bata. Ngumiti rin si Manuela at hinaplos ang bata sa pisnge. "Huwag kang matakot sa amin mababait naman kami. Tutulungan ka namin magkabalik sa pamilya mo." Tumango ang bata at yumakap sa kamay ni Manuela. Hinaplos naman ni Manuela ang ultra ng bata. Masasabing mayaman ang bata dahil sa taglay na kagandahan at maputi ang balat nito at singkit ang mata. May suot ding kwentas na mamahalin. Sana hindi ito kinidnap. Sa isip isip ni Manuela, dahil kung pinag tangkaan ang kanyang buhay. Baka dilikado ang bata sa lugar nila. Ngunit nanalangin nalang siya, na sana makita siya ng kanyang magulang. Ngunit makalipas ang isang linggo walang may naghahanap sa bata. Nakailang balik na rin sila sa bayan dahil sumasama sila kay Diosdado sa tuwing magta trabaho siya bilang security guard sa isang maliit na pamilihan. Hindi nila sinabi na nakita lang nila ang bata na kasa-kasama nila. Kung tatanungin sila, sinasabi lang nila na pamangkin nila galing ng Mindanao. Baka dilikado ang buhay ng bata kung sakaling tama ang hinala nila, na kung kinidnap ang bata. Dahil nga naka abot nang isang linggo na walang naghahanap. Hindi na rin sumama si Manuela kay Diosdado para alamin kong may naghahanap pa ba sa bata. Inaalagan nalang nila ang bata mabuti Hindi na palaging umiiyak . Minsan sa kalagitnaan sila sa pagtulog, bigla nalang iiyak ang bata.Tinatawag ang kanyang Mommy, Daddy at Kuya. Isang buwan na kasama ng mag asawa ang bata. Hindi na rin binabanggit ng bata ang Mommy,Daddy at Kuya. Tinawatawag na rin ng bata sina Diosdado at Manuela na Nanay at Tatay. Dahil sa hindi alam ng mag asawa ang tunay na pangalan ng bata tinawag nila itong Esmeralda Garcia. Limang taon na nagsasama ang mag asawa na sina Diosdado at Manuela ngunit hindi sila nabibiyaan nang anak. Kaya tinuring at minahal nila si Esmeralda bilang tunay na anak. Pagkalipas tatlong taon, nabuntis si Manuela sa panganay nilang anak. Tuwang tuwa ang mag asawa dahil nang dumating si Esmeralda naging swerte ang buhay nila. Ang matagal nilang dinadasal na magka anak ay natupad na. Ngunit isang araw hindi nila inaasahan Ang isang balita na magsara na ang tinatrabahuan ni Diosdado. Sinabi ng may ari ng pinag trabahuan niya na mag sasara sila dahil pupunta na buong pamilya sa Canada. Mabait naman ang may ari kaya lahat na kanilang empleyado bibigyan nila ng kunting halaga para sa simula. Hanggang makakita muli ng trabaho. Napag pasyahan ng mag asawa na pumunta ng Mindanao sa lugar ni Manuela para duon na pag aralin si Esmeralda. Mahirap kasi sa kanilang lugar dahil malayo ang paaralan at tatawid pa muna sa sapa bago maka punta ng paaralan .Walang kapit bahay sina Manuela kaya naawa sila kay Esmeralda dahil wala manlang itong makalaro na bata. Kaya mas mabuting sa Mindanao sila dahil maraming pamilya duon si Manuela at kapitbahay. Lalo na malapit lang ang paaralan. Saka malapit lang ang ospital.Naisip nila na bumili nalang ng maliit na sakahan para taniman ng palay at mais. Pagdating nila sa Mindanao malugod na sinalubong sila ng pamilya ni Manuela saka sobrang saya nila na may kasamang anak ang mag asawa na sobrang ganda at mabait.Hindi na sinabi ng mag asawa na napupot lang nila si Esmeralda . Pagsapit ng pasukan pina enroll nila si Esmeralda sa grade 1 nakitaan nila na matalino ang bata. Sinunod lang nila ang birthday ng bata mula ng nakita nila ito sa pangpang. Masaya ang mag asawa dahil hindi mo nakitaan si Esmeralda ng pagiging masungit at malungkutin. Laging masaya at palangiti sa lahat ng tao. Kahit mahirap ang buhay sa Mindanao dahil hindi sanay si Diosdado magtrabaho bilang mag sasaka pinilit niyang kinakaya para sa kanyang mag ina. Nang dumating si Esmeralda sa buhay nila tuloy tuloy ang biyayang dumating sa kanila. Malakas ang ani sa palayan at maisan. Ngunit dumating ang isang bagyo na sumira sa kanilang sakahan. Nabuntis ulit si Manuela kaya medyo nahirapan si Diosdado ngunit hindi siya nawalan ng pag asa. Nagtanim siya ng mga iba't ibang gulay sa kanilang sakahan. Naging maayos naman ito. Hanggang sa nanganak si Manuela sa bunso ngunit CS ng nanganak ito. Naubos ang maliit na inipon ng mag asawa. Mabuti mabait ang mga kapitbahay at pamilya ni Manuela kahit papano tumutulong rin sila. Makalipas ang sampung taon. Nag aaral na ang tatlong magka kapatid. Tumutulong minsan si Esmeralda sa pag bibinta ng mga gulay na ani ng kanyang mga magulang. Masaya ang kaninang pamilya kahit na mahirap lamang sila. Ngunit makakain naman sila ng tatlong beses sa isang araw sa tamang oras . Labing anim na taong gulang na si Esmeralda. Si Remy naman ay labing isang taong gulang at ang bunso na si Jing ay siyam na taong gulang. Highschool na si Esmeralda nang magtrabaho si Diosdado sa Manila dahil sa tulong ng kanyang kaibigan. Malaki ang sahod sa Manila bilang security guard. Kaya napag desisyun ng mag asawa na tanggapin ang offer ng kanyang kaibigan. Para makapag patuloy ng pag aaral si Esmeralda sa college at ang kanyang mga kapatid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD