Chapter 07

2031 Words
Abala ako sa pagkain ng yakitori at tahimik na nakaharap sa view na noon ko pa inaasam-asam. Maging ako ay namamangha dahil sa interes na ito. Imagine, sa sobra kong pagkahumaling sa bansang Japan, sumisidhi ang kapraningan ko para lang makapunta at makakain dito. Regardless of that manager, wala na akong pakialam doon, mukhang ito lang naman kasi ang matino-tinong Japanese resto na nakita ko, lalo na sa view na sa unang tingin pa lang ay alam nang alagang-alaga.   Hindi ko lang alam kung part ito ng marketing strategy nila. Kung ikukumpara kasi sa ibang resto, mas mafi-feel ang Japanese ambiance. May kalayuan din ang mismong resto mula sa kalsada at bahagya itong nahaharangan ng mga halaman at malaking puno. Sa mga tulad kong sabik makaranas ng rural life, sinong hindi kakagat sa ganda ng resto na ‘to?   Isa na noon sa mga plano ko ang mag-apply bilang crew dito ngunit sa kasamaang palad, nalaman ko sa mismong website nila na kailangang degree holder na ang applicant sa culinary. Kahit sana waitress lang at utos-utosan pero pagdating sa ganito, mataas talaga ang standards.   Isang subo pa ang ginawa ko hanggang sa maubos na ang yakitori. Sumimsim ako ng tubig at pinunasan ang bibig. Huminga ako nang malalim at sumandal nang mabuti sa upuan.   “Finished?”   Pumikit ako nang mariin at lumingon sa gilid kung saan siya nakatayo. Namataan ko na maliban sa akin, isa na lang ang customer na kumakain. Tumingin ako sa wall clock na nakasabit malapit sa pinto na nasa counter. Alas kwatro pa lang naman.   “Po?” tanong ko. His lips protruded and his brows were motionless. Nalipat ang tingin ko sa sleeves niyang nakatupi pa rin hanggang sa siko.   Bakit ba maka-agaw atensyon iyon?   Hinila niya ang bakanteng upuan sa kanyang kaliwa at ipinosisyon ito sa aking tapat. Umupo siya roon at kunwaring hindi ako naapektuhan. Seriously, bakit ang weird niya?   Pinasadahan niya ang kanyang buhok gamit ang daliri at seryosong tumingin sa akin. Pinilig ko ang aking ulo at nagtataka siyang tinitigan.   “You’re a crew?” basag niya sa katahimikan. Kumunot ang noo ko.   Biglang akong nilamon ng pagtataka. Bakit parang interesado na siya sa akin? Sa pagkakatanda ko, hindi naman kami close, ni hindi ko rin siya nakasundo. Hindi rin maganda ang una naming encounter. Anong nagtutulak sa kanya upang magtanong ng kung ano-ano?   Habang nakatitig siya sa akin, muli kong inabot ang baso at uminom ng tubig mula rito. Binaba ko mismo ang tingin sa iniinuman upang maiwasan ko kahit papaano ang talim ng kanyang mga mata.   Isang sulyap pa ang iginawad ko bago ko ibaba ang baso. Hindi pa rin nagbabago ang seryoso niyang ekspresyon at hindi ko maiwasang matanto kung gaano siya kagwapo sa tagpong ito. Kumpara kay Cullen, mas nahihimigan ko ang maturity niya lalo’t mas prominente ang kanyang facial hair. Hindi ko alam kung sinong mas matangkad sa kanila pero isa lang ang masasabi ko, hanggang dibdib lang yata ang aabutin ko kung kapwa ako tatabi sa kanila.   Simple akong umiling upang alisin kung ano ang naiisip. Talaga Frances? Why are you comparing them? Anong pumasok sa buchi mo?   Matapos ang sandali kong katahimikan, napagdesisyunan ko ring sumagot.   “Yupp, sa isang fast food resto.”   Gumalaw nang bahagya ang mesa dahil sa bigla niyang pag-abante. God, ang lakas.   “Kailan matatapos ang kontrata mo?”   Umirap ako, “Sa December.”   Marahan siyang tumango at humalukipkip.  “How’s your salary?”   Sa puntong ito ay pinahalata ko na ang pagdududa ko. Hinawi ko ang buhok ko at itinaas ang isang kilay.   “Bakit ba ang dami mong tanong? Alam mo, ang weird mo na.”   Inayos ko ang gamit ko at sinukbit na ang bag. Tumayo ako at pumunta sa counter upang makapagbayad. Ngunit hindi tinanggap ng kahera ‘yong pera ko.   “Utos po ni Manager, miss,” sagot nito nang tanungin ko. Suminghap ako at muling bumaling sa manager nilang nakaupo pa rin sa tapat ng spot ko at malamig na nakatingin sa akin.   Seryoso ba siya?   Gayunpaman, mahinahon kong nilapag sa counter ang pera. Nagulat ang kahera sa ginawa ko. “Kung ayaw ng manager mo, sa’yo na lang.”   “Pero miss—”   Tumalikod ako at tuluyan nang tinahak ang daan palabas. Hindi ko maintindihan kung bakit nangyayari ito. Wala naman kaming koneksyon sa isa’t isa. Ni hindi ko rin siya kilala bago pa man ako mapadpad noon dito. Una, sinabi niya saking bababaan niya ang presyo. Pangalawa, natutuwa raw siya sa pagbalik ko rito. Ngayong pangatlo, panay na ang tanong niya sa akin at tungkol pa halos sa personal kong buhay. I don’t say anything to strangers since most and for all, we’re not even friends.   Sa bigat ng daloy nitong trapiko, kunot-noo kong narating ang apartment. Padabog kong binagsak ang bag at tumungo sa banyo upang maghilamos.   Really? Kakaiba na ang mga tao ngayon at hindi ko mawari kung bakit ang dami kong tanong na hindi masagot-sagot. Sino si Attorney Abalos? At ano ang meron sa mga tanong ng manager na iyon?   Pinatuyo ko sa twalya ang aking mukha. Saktong uupo pa lang ako sa higaan nang biglang mag-ring ang cellphone.   “Hello?” sagot ko. Agad na may sumagot sa kabilang linya, si Kathleen.   “Uy kumutsa? Kamusta ang unang araw ni Cullen?”   I rolled my eyes. Nilapag ko sa gilid ang twalya at tuluyang nahiga habang nakadikit sa kaliwang tenga ang phone.   “Hindi naman kami close pero base naman sa performance niya kanina, okay naman.”   “Shempre, sa gwapo niyang ‘yon. Paulit-ulit ko ngang pinapanood ang scandal non, shet! Ang hot niya—”   “Kath! Ano ba?”   Tumikhim siya at tumawa. “Ang KJ mo naman, bakit ba ayaw mong panoorin?”   To think na ganoon katahimik si Cullen, hindi masagi-sagi sa isipan ko kung paano siya kumikilos sa video na tinutukoy niya. Biglang bumigat ang tiyan ko sa naisip, bakit bigla akong na-curious?   “Ayan. sinend ko na sa’yo, buksan mo messenger mo."   “Remove mo ‘yan Kath! Iba-block talaga kita kung hindi mo ‘yan—”   “Bye bye! Enjoy watching. Don’t forget to finger.”   Napamura ako nang ibaba niya kaagad ang tawag. What the heck?   Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin upang i-on ang data at mag-log in sa messenger. Napasinghap ako nang bumungad sa akin ang isang unread message kay Kathleen at mahihinuha sa label na may sinend nga siyang video.   Shit.   Papanoorin ko ba? Magkakasala ba ako kapag pinanood ko? Oh my goodness.   Wala akong nagawa kundi pagbigyan nang tuluyan ang kuryosidad ko.  Hindi na ako nagdalawang-isip pang i-tap ang mensahe ni Kathleen hanggang sa tuluyan nang makita ang thumbnail ng video.   Nagsimulang manginig ang mga daliri ko. Sa thumbnail na ito, makikita ang isang blankong kama. Kulay asul ang bawat sulok ng kwarto at maaliwalas ang kama. Mahina ang liwanag mula sa isang lampshade ngunit sapat na ang liwanag na ito upang makita kahit papano ang kabuuan ng kwartong iyon.   Pinindot ko ang mismong video at una itong nag-loading. Lumakas ang kabog ng dibdib ko nang mag-play na ito.   Sa unang limang segundo, walang katao-tao. Maririnig ang tunog ng sasakyan at ang tunog ng radio sa background. Ilang sandali pa ay may lalaking umupo sa kama, naka-side view, suot niya ang kanyang black polo at naka-neck tie pa ito. Sa pormal ng kanyang kasuotan, hindi mo aakalain na may gagawin pala itong kababalaghan!   Nilapit ko pa ang mata ko sa screen at doon ko napagtanto ang lahat nang humarap ang lalaki sa camera. Nanlaki ang mga mata ko nang mahinuhang si Cullen nga, holy cow!   “Ready?” tanong ng isang babae na hindi makikita sa mismong video. Nilipat ni Cullen ang tingin niya sa kanan kung saan ang direksyon ng babae. Hindi na siya sumagot sa tanong na iyon dahil mismong kilos na niya ang nagsindi ng mitsa ng kasalanan!   Pinaypayan ko ang sarili gamit ang nanginginig na palad habang binabaklas ni Cullen ang butones ng kanyang polo. Habang ginagawa iyon ay deretso lang siyang nakatingin sa babae at hindi man lang yumuko upang masubaybayan ang pag-unbutton. Mahina akong nagmura sa mga sumunod na eksena dahil tuluyan na niyang hinubad ang kanyang pang-itaas at tanging slacks na lang niya ang natitira.   Hindi ko alam kung bakit sa puntong ito’y naguhit sa akin ang pagkamangha. Mas naging malinaw sa akin ang matipuno niyang katawan. Ang litid ng ugat sa kanyang braso ay naging prominente at ginulo niya pa nang bahagya ang buhok sa pagpasada nito gamit ang daliri. Kapansin-pansin ang pagtingala niya at ilang sandali pa, nagpakita na sa video ang babae.   This time, hindi ko na nasikmura. Inexit ko ang video at binura ito sa convo namin ni Kath. Habol-habol ko pa ang hininga ko habang ginagawa ito at umaalon pa rin ang dibdib ko sa kaba. Hindi ko akalain na ganoon pala ang kilos sa likod ng misteryosong Cullen. Hindi ko akalain na makikita ko iyon sa kanya.   Ngayon ay hindi mawala-wala sa isipan ko ang mga imaheng nakita. Hanggang sa pagtulog ay dumadagundong sa akin ang kaba. Paano ko ito makakalimutan? Leche kasing babae iyon, hindi ako matutuksong panoorin iyon kung hindi naman niya pinasa sa akin. Buti na lang at nagkaroon pa ako ng lakas upang itigil iyon.   “Anong nangyayari sa’yo? Ayos ka lang?” tanong sa akin ni Leila, kinabukasan.   Dala ko pa rin hanggang ngayon ang bigat mula sa kagabi kong iniisip. Hindi pa rin matanggap sa sarili ko na napanood ko iyon, totoo nga ang balita. Fontaviende really has a s*x scandal!   Nagsimulang umahon sa akin ang samu’t saring reyalisasyon. May kinalaman kaya ang iskandalong iyon kung bakit siya nag-aaral dito? Hindi ako sigurado pero hindi naman siguro mae-expel ang isang estudyante nang dahil dito? Wala akong ideya. Kung dahil nga iyon sa violation, nag-ooffer din naman ng law ang PUP. Sa halip na ipagpatuloy niya ang abogasya sa unibersidad na ito, bakit pa siya bumalik ng college at nag-aral para sa panibagong degree?   Isang oras na lang at lunch break na. Maagang nag-dismiss ang prof dahil maaga ring natapos ang discussion. Nanghiram ako ng pamaypay kay Leila dahil abala naman siya sa kanyang cellphone. Ang iba kong mga kaklase ay tumatambay sa labas, kanya-kanya ng usap, kanya-kanya ng ingay. Subalit nang lumingon ako sa likod, namataan kong nakatulala sa bintana si Cullen, nakapatong ang isang kamay sa armchair at nakapikit.   Naging kuryoso ako sa dahilan kung bakit walang nakikipagkaibigan sa kanya. I mean, hindi naman siguro basahen ang video na iyon para masabi mong masama talaga ang tao. May chance pa naman upang magbago, paano kung pinagsisihan na niyang gawin iyon at talagang nagbabagong buhay na? Hindi naman permanente ang kasalanan.   Suminghap ako nang bigla niyang imulat ang kanyang mga mata at deretsong nagtama sa akin nang walang kahirap-hirap. Wala na akong lugar pa upang itanggi na tumititig ako sa kanya sa mga sandaling nakapikit siya. Kahit awkward, pinili kong ngumiti at swabeng binalik sa harapan ang tingin.   Ang tanga-tanga mo Frances!   Huminto si Leila sa pag-scroll at muling bumaling sa akin. Kunot-noo niya akong sinuri. “Okay ka lang ba talaga?”   Pilit akong tumawa at itinaas-baba ang kilay. “Oo nga.”   “Di nga? Eh bakit parang hindi ka mapakali?”   Umiling ako at tumanggi sa kanyang akusasyon. Hinayaan ko na lang siyang pilitin ako dahil hindi rin naman ako napapagod magsabi na ayos lang ako… kahit hindi naman.   Sino ba naman kasing matatahimik ang ulirat matapos makapanood ng ganoon? Knowing na kaklase ko pa at kasama sa trabaho! My goodness.   Mabilis na sumapit ang uwian. Bumalik muna ako sa apartment at nagsagot ng assignments dahil mamayang six pa ang shift namin. Saglit ko itong tinapos at saka naligo.   Nang makapagbihis ng kaswal, chineck ko ang text mula kay Kathleen. Nang basahin ito’y nanlaki ang mga mata ko.   Kath: Sinabi ko kay Cullen ang address ng apartment mo, ako ang nagpasundo sa’yo para hindi ka na mag-commute.   What the heck?   Nagmamadali kong sinuklay ang basa kong buhok at inayos na ang mga dadalhin. Tinapon ko sa kung saan ang suklay at nagmamadaling sinara ang pinto. Bwisit talaga. Thirty minuites ago pa ang text ni Kath! Paano kung kanina pa naghihintay sa labas si Cullen kung sakali ngang sinundo niya ako?   Halos madapa na ako upang makalabas. At mula sa gate, namataan ko ang isang itim na kotseng nakaparada. Napamura ako nang mahina at nagmamadaling binuksan ang gate.   Sa paghila ko ng gate na ito, biglang bumukas ang pinto. Nanginig ang tuhod ko nang lumabas mula rito si Cullen, suot na niya ang kanyang uniporme at presko siya tingnan sa pananamit na ito. Bahagya siyang ngumiti at tinanguan ako.   “Sakay na,” alok niya at pinagbuksan ako ng passenger’s seat. Hindi ko mawari kung ano ang susunod kong gagawin dahil bukod sa gulat, alam kong ito na ang simula ng kauna-unahan naming interaksyon sa isa’t isa!    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD