Tied in a ponytail, inayos ko ang buhok ko. Huwebes ngayon at wala ni isang subject ang nakapila sa araw na ito. Huminga ako nang malalim at nag-abang ng masasakyan sa tabi ng kalsada.
As usual, sukbit ko sa balikat ang bag na naglalaman ng mga damit at gamit na maari kong ipalit sa locker room. Sa aga ng oras ngayon, hindi ko naiwasang humikab.
Hindi pa sumisikat ang araw. Ang dilim na hatid ng madaling-araw ay nakaaantok pa rin. Mahaba naman ang tulog ko kahapon at kanina, bakit parang pagod pa rin ako?
May jeep na dumaan. Pinara ko ito at sumasakay nang walang ibang kasabay.
Gayunpaman, sa byahe, nananatiling misteryoso sa akin si Attorney Abalos. Nagawa ko ring i-search sa f*******: kung may friend ba si Papa na ganoon ang apelido. What the heck? Sa unang try ko pa lang, sobrang dami na nila. Karamihan ay matatanda! Hindi naman pwedeng isa-isahin iyon at itanong kung may isang Abalos sa kanila na nagbayad ng upa sa tinutuluyan ko.
Mamaya pagkabalik ko, kukulitin ko talaga ang landlady.
Hindi ko naiwasang makaramdam ng pait nang maalala sila Mama at Papa. The fact na walang nagme-message sa akin kahit sino man sa kamag-anak ko, naramdaman kong okay lang sa kanila na ginawa ko ito. Ni text o tawag ay walang nakarating. Hindi ko naman sana sila na-block. Kahit papano, sasabihin ko rin naman na buhay ako at pinipilit na iahon ang sarili sa hirap ng buhay.
While their daughter is striving, I know in the end, wala akong pagsisisihan. This is my dream. I want to be a biologist. I want to be a doctor. At hindi susunod sa nais nilang maging abogado.
Sarado pa ang fast food resto nang marating ko ito. May iilan na akong mga kasama at sa tahimik namin, tanging mga ingay mula sa bumubusinang mga sasakyan ang namumutawi sa paligid. Abala ang bawat isa sa hawak na cellphone at ang iba ay mukhang nagrereview gamit ang mga pictures ng kanilang notes.
Napakurap-kurap ako nang may sasakyang huminto sa aming harapan. Mula sa passenger’s seat ay may bumabang lalaki, naka sombrero at tago ng face mask ang mukha. Tumabi ako sa mga kasama ko at pinagmasdan kung paano isara ng lalaking iyon ang pinto ng kotse at humarurot ang sasakyang iyon palayo. Naiwan siyang nakatingin sa amin, nakatayo sa gilid at nakapamulsa.
Kinabahan ako, lalo na nang makitang malinaw ang kanyang suot na uniporme. Hindi siya pamilyar sa akin na nagtatrabaho dito ngunit masasabi kong kilala ko base sa hubog at tikas ng katawan dahil araw-araw ko siyang nakikita sa room!
Oh god. Si Cullen.
Bumaling ako sa ibang direksyon at tahimik lang na nakatayo habang naghihintay kay manager at sa pagbukas ng fast food. Bigla ay naalala kong off ni Kath ngayon dahil whole day ang kanilang klase. Ibig sabihin, ako ang papalit ngayon sa position niyang front counter cashier!
Hindi ko alam kung ano ang magiging position ni Cullen para sa araw na ito at sa mga susunod pang linggo. Pero heto na ang sinasabi ko! Ang trabahong ito ang mag-oobliga sa akin na makihalubilo sa kanya at makisama. Ngunit paano ko gagawin iyon kung sa room pa lang ay kakaiba na ang turing namin sa isa’t isa? Kahit sabihin pang wala iyon sa kanya, malaki ang impact nito pagdating sa akin.
Sampung minuto pa kami nanatiling ganoon. Nang dumating na ang shift manager, muling dumagundong sa kaba ang puso ko.
Tahimik kaming pumasok nang mabukas na ito. Deretso ang lahat sa locker room at kanya-kanya na kaming ayos sa sarili. Pinasadahan ko ng tingin ang paligid. Nang makitang wala si Cullen ay napahinga ako. Siguro ino-orient pa siya ng manager.
Posible kayang ipakilala siya sa amin ngayon?
“May bago tayong cook. Alam mo na ba?” wika sa akin ni Dano, crew siya at madalas na gumagawa ng janitorial task. Tumango ako at mas nalinawan kung ano ang magiging position ni Cullen.
So, cook siya?
“Sa PUP raw iyon nag-aaral, ka-schoolmate mo France,” dagdag pa ng isa sa akin habang binabalot ng hairnet ang kanyang buhok. Hilaw akong ngumiti at hindi sinabing kaklase ko ito.
Sunod-sunod na ang batuhan nila ng linya habang naglalagay ang mga babae ng make-up at nakikipag-usap sa mga lalaki naming kasama. Anim kaming narito ngayon at ang bawat isa ay naghahanda na para sa paparating na trabaho.
Sa usapan nila, hindi nakatakas ang issue ni Cullen. Kahit sa akin ay hindi malinaw kung totoo ba ito at kung ano talaga ang pangyayari sa likod nito. Hindi ko pa napapanood. At wala akong balak panoorin. Kung siya nga ang nasa video at marami ang makakapagpatunay nito, hindi ko masikmurang isipin ang hubo’t hubad niyang katawan habang may ginagawang kababalaghan!
Oo, gwapo siya. Matipuno. Matangkad. Matalino. Pero lahat ng imaheng iyon ay nasira nang dahil lang sa iskandalo niya.
Bumukas ang pinto ng locker. Natigil ako sa paglalapat ng foundation sa mukha nang iluwa nito ang istriktong imahe ni Manager at ang malamig na presensya ni Cullen.
Natulala ako nang makuta ang ayos ni Cullen. Wala na siyang suot na face mask. His decent damp hair is a bit shiny. Ang matangos niyang ilong at seryosong mga mata ay simple lang na nakaharap sa amin. Dumagdag ang tangkad niya at mas naging malinaw sa akin kung gaano siya kagwapo.
Kinurot ko ang sarili ko. Gosh Frances, bakit ang landi-landi ng isipan mo?
“Guys, anyway, good moring. I would like to take this short moment to introduce you our new fast food cook, Cullen Fontaviende.” Huminto si Manger sa sinasabi at sumenyas. Dahan-dahan namang tumango ang lalaki.
“It is a pleasure to meet you all. I am excited to be a part of this team.”
Nanatili akong nakatulala matapos niyang sabihin iyon. Look, isang buwan mahigit na kaming magkaklase pero ni ha ni ho, hindi kami nagkausap. Pangalan lang ang alam ko sa kanya. Kung dati’y maikli lang kung paano niya pinakilala ng sarili sa klase, aba’t ganoon din ngayon sa trabaho?
Tamad ba siyang magsalita?
Hindi ko alam kung mahahalata ang iritasyon sa akin at wala na akong magagawa kung masyado akong transparent. Nakakairita sa parte ko dahil may karapatan kaming mas makilala siya. Hindi naman iyon issue sa privacy kung nais kong malaman ang edad niya, saan siya nakatira, or kung ano ang hobbies niya… but s**t, hanggang dito ba naman misteryoso pa rin siya sa akin?
“Sa tabi ng locker ni France ang locker mo,” ani Manager. Binagsak ko ang balikat ko at pinagpatuloy uli ang pagme-makeup. Kung minamalas nga naman. Talagang sa tabi ko pa siya mapupwesto. Great!
Pumalakpak ng dalawang beses si Manager at sumigaw na mag-double time na. Sa final touch ay pinasada ko nang bahagya ang kilay ko. Nilagyan ko rin ng bahagyang liptint ang labi ko at saka sinara ang locker.
Muling umalon sa kaba ang dibdib ko nang mapansin sa gilid ko ang presensya ni Cullen. Hindi ko inasahang haharap ako sa kanya at makikitang nakasandal lang siya sa locker. Nagsalubong ang mga kilay ko nang mapansing nakatingin lang siya sa akin. Huli na nang malaman kong kami na lang dalawa ang narito.
“Uhm..” ang tangi ko na lang nasabi. Hilaw akong ngumiti at itinaas-baba ang nagsalubong kong kilay. Hindi ko alam kung ayos lang ba na ginawa ko iyon ngunit hindi niya ako sinuklian ng ngiti! Ni hindi ko rin nakitaan ng ekspresyon ang kanyang mukha! May buhay ba ito? “Good luck sa trabaho.”
Kaagad akong tumalikod at suminghap habang tinatahak ang pinto. Gosh, mawawasak na yata sa sobrang bilis ang puso ko. Wala naman siyang ginagawang masama o kakaiba pero bakit nagiging ganito ako kapag siya na ang usapan?
Hindi ko na alam kung paano sumunod ang daloy ng mga pangyayari. Nag-focus lang ako sa pagiging kahera at ginawa nang maayos ang trabaho na madalas ay si Kathleen gumagawa. Buong araw akong nakangiti at mala-anghel na kumakausap at tumatanggap ng orders. Well-trained naman ako rito noon para sa ganitong klaseng sitwasyon. Mabuti na lang at sineryoso ko ang mga araw na iyon.
“Miss, kulang pa ng tatlong chicken,” sabi sa akin ng matandang customer. Ngumiti ako at tumingin muli sa monitor. Napamura ako nang mahina nang mapagtantong kulang nga iyon.
Humingi ako ng tawad at ni-relay sa prep ang problema. Kaagad naming naayos ito hanggang sa naubos na ang pila.
Tumingin ako sa orasan. Pasado alas dos na ng hapon. Kaunti na lang at matatapos na.
Tumalikod ako at sumilip sa kitchen. Namataan ko mula rito sa pwesto ko ang matikas na pangangatawan ni Cullen. Abala siya sa pag-ooperate ng boiler at may kung anong niluluto roon. Hindi ko alam na ganito pala siya kagaling magluto. Kung hindi man ganoon kagaling, may kakayahan naman kung paano gawin ito. Napaisip tuloy ako kung anong klaseng buhay ang meron siya. Malala rin kaya ang pinagdadaanan niya tulad ko?
I summarized everything in my mind. Cullen Fontaviende, law student sa San Beda noon na naging biology student sa PUP. Sikat daw na basketball player at may s*x scandal na kinasangkutan. Kung iisipin, nakatapagtapos na siya ng pre-law undergraduate degree para makapag-law. Ibig sabihin, nag-aral muli siya sa kolehiyo para sa bio major? Ano kaya ang dahilan niya?
Alam kong hindi biro ang layo ng agwat namin. Siguro nasa limang taon iyon o apat.
Napahilot ako sa sentido ko. Ang sakit sa ulo isipin.
Ilang sandali pa ay natapos na rin ang shift namin. Muli akong nabuhayan at nag-ayos sa locker. Sa puntong ito, napatunayan kong tama si Kathleen sa mga sinabi niya kahapon dahil parehong pareho kami ng sched ni Cullen.
Nang makabihis sa CR at makabalik sa locker, tahimik siyang nakaupo sa bakanteng upuan. Suot na muli niya ang itim niyang cloth mask at may tinitipa sa cellphone. Nang i-angat niya ang tingin sa akin at napansing nakatitig ako sa kanya, kaagad akong umiwas. Lihim akong suminghap. Hanggang dito ba naman Frances?
Una na akong lumabas at tumungo sa manager’s office upang kumuha ng sahod. Luckily, nakalimutan ko kung ano ang iniisip dahil natanggap ko na ang pera. Finally, maliliibre ko na ang sarili ko.
Isinilid ko ang sobre sa bag at nagpasalamat kay Manager. Una na akong lumabas at dere-deretsong pumara ng jeep. Ayaw ko kasing dumating sa punto na kahit pag-abang ng sasakyan ay magkatabi kami. Baka atakihin na ako sa puso.
Sabik kong sinabi ang japanese resto sa driver, tulad ng pinangako ko sa sarili ko. Sa wakas matapos ang ilang linggo, makakapag-relax na muli ako roon.
Hindi ko inalintana ang sikip ng sasakyan at ang ingay ng trapiko hanggang sa marating ko ang tapat ng resto. Huminga ako nang malalim nang makatayo na ako sa tapat nito at pinagmasdan ang mismong establishment at ang mga halamang nakapalibot dito. Tulad noon ay hindi pa rin nawawala ang view na tiyak mas maganda kung naroon ako sa loob tumatanaw. Lalo akong na-excite nang sinimulan kong ihakbang ang mga paa at tuluyang makapasok sa loob.
Walang gaanong tao. Tatlo lamang ang nakikita ko at hiwa-hiwalay pa ito. Muli kong nadama na para akong nasa Japan dahil sa japanese ambiance nito. Dere-deretso kong tinungo ang pinakapaborito kong spot na noon ay hindi ko naupuan dahil inagaw ng isang babae.
Girlfriend kaya ng manager iyon?
Pinatong ko sa kandungan ang aking bag at nangalumbaba sa mesa. Nakangiti kong pinagmasdan ang labas at magkahalong syudad at probinsya ang simple kong nakikita. Ang gaan sa pakiramdam. Lalo’t pinaghihirapan ko ang bawat singkong gagastusin ko rito.
“You came.”
Isang malalim na boses ang nagpatigil sa akin sa pagtanaw. Dahan-dahan kong ibinaling sa gilid ang mga mata at tumingala upang masalubong ang tingin niya.
Tikom ang bibig ko sa kanyang pananamit ngayon. Suot niya ang white long sleeves at nakatupi hanggang siko ang manggas nito. Hindi ko masasabing pormal ngunit patunay na rin ang pag-tuck in nito sa black slacks niya. Ganito ba talaga ang datingan ng manager?
“Ikaw ang waiter?” tanong ko habang inosenteng nakatingin sa kanya. Umangat ang dulo ng labi niya at itinaas ang isang kamay. Ilang sandali pa ay may lumapit sa amin, this time, alam kong waiter.
“Order miss?” tanong nito. Pinanatili ko ang tingin kay Jarco dahil hindi pa rin siya umaalis sa harap ko. Magalang ko na lang sinagot ang waiter at sinabi kung ano ang order ko.
Ngayong kaming dalawa na lang uli sa mesang ito, ibinalik ko muli ang atensyon sa kanya. Huli na nang mapagtanto kong ngumiti siya at pinatong ang dalawang kamay sa mesa.
“I’m glad you’re back,” wika niya, nakangiti. Hindi ako nakasagot dahil agad ding siyang umalis at naglakad pabalik sa opisina rito sa resto. Naiwan akong tulala at nagtataka.
Anong rason at bakit masaya siyang nakita ako rito?