Chapter 05

2066 Words
    Kung bakit ibababa niya ang presyo ng mga pagkain sa resto nang dahil sa akin, hindi ko rin alam.   I rolled my eyes and glanced up to the ceiling, prenteng inaalala kung ano ang nangyari kanina. Walang rason upang gawin niya iyon para sa akin. Ni hindi nga kami nag-uusap n’un. Ni hindi rin maganda ang huling pagkikita namin. Kung may isang bagay man akong patuloy na hindi makalilimutan sa kanya, walang iba iyon kundi ang una naming pagkikita. Doon pa lang ay mahihiya na ako. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit nais niya akong bumalik doon. Para saan pa?   Kibit-balikat kong iniabot kay Kathleen ang wrong orders at sinapo ang noo. Kumunot ang kanyang noo nang mabasa sa papel na inabot ko ang bilang at rason ng mga nagreklamong mga customers.   Sadyang marami talagang suki itong fast food na pinagtatrabauhan ko rito Sta. Mesa. At sa dami ng mga ina-accommodate namin, hindi rin naming maiwasan ang malito. Responsibilidad din naman namin na accurate dapat ang mga orders pero tao lang din kami. Hindi maiiwasan.   “Mapapagalitan na naman tayo mamaya nito,” nag-aalalang bulong ni Kath. Tinutukoy niya ang shift manager namin na kahit papano’y di hamak na mas mabait kay manager. Kaya lang, kapag nagagalit na iyon ay talagang matatakot ka na lang. Mas nasanay kasi kami sa galit ni Manager.   Bumuntong-hininga na lang ako at pumasok sa locker room. Tapos na rin naman ang trabaho para sa araw na ito. Mamaya, pagkauwi ay raratsadahan ko na ang mga notes ko. God, tatlo ang exam bukas.   Sumunod si Kathleen at ang iba pang mga crew na tapos na sa paglilinis at pagsasaayos ng chairs at tables. Ganoon din ang iba na hingal at naka-indian seat pa sa sahig. Nang makapagpalit sa CR ay sinalubong kaagad ako ng nag-aalalang tono ni Kath.   “France, paano na ‘to? Baka mapagalitan talaga tayo.”   Umirap ako at walang ganang tinapik ang kanyang balikat. Mangangako na lang ulit kami sa susunod. Kung mapapagalitan, edi tanggapin. Kung hindi, edi mas okay. Wala namang perpekto sa trabahong ito. Kagagaling lang kaya namin sa school kaya draining din talaga.   Alas nuwebe na ng gabi nang makasakay ako sa jeep at tingnan ang oras sa cellphone. Namataan ko pa ang text sa sakin ni Leila at ipinaalam sa akin na matutulog na siya. Sa puntong iyon ay hindi ko naiwasang mainggit. Ang sarap siguro sa pakiramdam kung wala kang trabahong iniisip at pag-aaral lang ang tanging dahilan kung bakit hindi na magkandarapa sa bawat araw.   Looking back, I realized how different my life was. Mula sa paggising hanggang sa pagtulog, wala akong ibang priority kundi ang mag-aral, makulong sa kwarto upang mag-review, mag-social media, at kumain ng masasarap sa hapag tuwing sasapit na ang oras ng pagkain. I really missed those days. Miss ko na kung gaano ako ka-excited mag-college. Not knowing that hell has always been waiting at the start line of my dreams.   Anumang balik ko sa mga panahong iyon, alam kong hanggang imahinasyon na lang. Malungkot man ako sa sinapit ko, alam kong hanggang doon na lang. Ang mahalaga’y ipinaglaban ko kung ano ang pangarap ko. At ipaglalaban ko kahit ilayo ang sarili ko sa buhay na nakagisnan noon.   Kinaumagahan, as usual, ang bigat na daloy ng trapiko ang nakaiinis na bumubungad sa akin. Sa sikip din ng siksikan dito sa jeep, nawala ako sa huwisyo kaya hanggang sa pagbaba, nagtitimpi kong itinanim sa sarili ang iritasyon.   “Nakapag-review ka ba?” salubong sa akin ni Leila sa obelisk. Hilaw ang mga ngiti ko habang pinagmamasdan kung paano dumadampi sa balat niya ang nakasisilaw na sikat ng araw.   Tumango ako at hinilot ang sentido.   “Oo naman, kahit papano.” Huminto ako sa harap niya at hinayaang magbabad sa initan. Hindi pa naman ganoon kainit ang umaga at hindi ko rin maramdaman masyado dahil mas mainit pa ang ulo ko sa umagang ito.   Dahan-dahan siyang umiling at sinukbit sa kanang braso ko ang kaliwa niyang kamay. Walang sabi-sabi’y nagpatuloy na uli kami maglakad patungo sa east wing.   Upang makapag-refresh, naging madaldal si Leila tungkol sa mga terminologies na sakop ng exam. Luckily, nalinawan ako sa iba. Kahit papano’y may nadagdag sa mga napag-aralan ko kagabi.   Mabait at matalino si Leila. Sadya na rin talaga ang closeness namin mula pa noong senior high. Maganda na rin ang pinagsamahan namin noon at tingin ko, mas lalo kaming nagkaroon ng interes kaibiganin ang isa’t isa dahil pareho kami ng kursong natipuhan.   Hanggang sa pagpasok sa room, panay pa rin ang salita ni Leila. Ngunit naligaw na ako sa mga sinasabi niya nang magtama ang mga mata namin ni Cullen. Lihim akong suminghap at kaagad na umiwas ng tingin. Napansin iyon ni Leila nang makaupo na kami.   “Oh bakit? May mali sa sinabi ko?” mahinahon niyang tanong, nagtataka. Binuksan niya ang notes niya at pinasadahan ng tingin ang nakasulat.   Habang ginagawa niya iyon, lihim akong bumaling sa likod upang balikan ng tingin si Cullen. Ngunit sa pagtingin kong muli sa kanya, laking gulat ko nang mahuli kong nakatingin din siya sa akin!   Oh my god! Anong meron?   Abot-abot ang tahip ng puso ko nang ibalik kay Leila ang atensyon. Abala na siya ngayon sa pagbabasa at tila ba nakalimutan na ako rito.   Iwinaksi ko na lang ang iniisip at nagbasa na rin ng sariling notes. Nagsisimula na rin ang ingay ng klase at nagsisidatingan na halos ang mga kaklase. Kung may something talaga kay Cullen at sa mga nakaw naming tingin sa isa’t isa, mamaya ko na iisipin. Kailangan kong bumawi ngayon lalo’t bagsak ang mga scores ko noong nakaraan.   “Nadalian ka ba?” ani Leila nang matapos na ang dalawng exam. Isa na lang at makakahinga na ako nang maayos.   Tumango ako. Finally, marami naman akong naalala sa mga ni-review ko. Ngumiti siya sa turan ko at hinila ako papasok sa lagoon upang bumili ng makakain.   “Mabuti naman kung ganoon. Ilang araw na kitang nakikitang lutang. Worried na nga ako sa kalagayan mo,” sambit niya habang hila pa rin ako. Nang marating namin ang sikat na bilihan ng footlong egg wrapped around ay saka lang siya tumigil.   Siya na rin ang bahalang bumili pati nung akin habang ako ay abala sa pagpasada ng tingin sa paligid. Nag-aalala ako at baka nandito si Cullen, gosh Frances, ano kung nandito siya? Eh dito naman talaga iyon nag-aaral?   Unti-unti, napagtatanto kong kakaiba na rin ang dating sakin ng lalaking iyon. Misteryoso na ang issue niya, naging misteryoso rin ang tingin niya sa akin! Ni hindi pa kami nag-uusap n’un, ano na lang kaya kung sakaling mag-approach siya sa akin? Ano na lang kung ma-oobliga akong lumapit sa kanya? Iisipin ko pa lang ay nababaliw na ako. Nakaka-stress!   Nang iabot sa akin ni Leila ang footlong, sinunod na rin niyang bumili ng lemonade. Pagtapos ay nakahanap na rin kami ng mauupuan hindi kalayuan sa mga stalls na naririto sa loob ng lagoon.   Since lunch time na, unti-unti nang napupuno ang loob ng lagoon, dahilan kung bakit umiingay na nang husto ang paligid. Hindi ko rin masisi kung bakit ganito, knowing that PUP is the largest state university in the Philippines by student population.   Sa buong oras na naroon kami sa lagoon, inabala lang namin ang sarili para sa huling review sa araw na ito. Kaya nang bumalik sa room, confident akong nakasasagot ako nang maayos.   This is not usual. Pansin din ni Leila. Hindi ako ganito noong high school ako, na praning bago sumapit ang exam dahil noon, nakakapag-aral pa ako nang maayos. Ngayong hati-hati na ang priorities ko, kabi-kabila na ang atensyong ginagawad ko para sa iba’t ibang mga gawain. Draining masyado.   Bago magsimula ang exam, pasimple akong sumulyap sa pwesto ni Cullen. Nakahinga ako nang maluwag nang makitang sa iba ang direksyon ng kanyang tingin. Prente siyang nakatulala sa bintana at pinaglalaruan lang ng isang kamay ang hawak na bolpen. Bahagya akong napahanga roon. Nagre-relax lang siya samantalang kami ay hindi na magkanda-ugaga sa mga reviewers.   Hindi na rin ako magugulat. Nitong mga nakaraan lang, hanga ang mga professors sa mga sagot niya sa recitations. Ito pa kayang written test na ‘di hamak na mas madali kaysa sa oral? Huminga na lang ako nang malalim at sumabay sa pagtayo ng lahat nang dumating na ang prof.   Dalawang oras ang itinagal ng pagsasgot namin kahit na may kalahating oras pang natitira para i-review namin ang aming mga sagot. But we all decided to pass our papers. Para maaga na rin makauwi.   Habang nagsisilabasan ang lahat sa room, abala kong tiningnan ang planner sa cellphone. Natuwa ako nang makitang bakante ang sched ko sa fast food. Finally, makakapagpahinga na ako.   Una nang nagpaalam sa Leila dahil nag-aabang na ang kanyang sundo. Humalik kami sa pisngi ng isa’t isa at naghiwalay na rin ng landas pagkababa ng building.   Ngayon ay mag-isa kong tinatahak ang catwalk. Kumpara sa mga nagdaan, mas magaan ang pakiramdam ko ngayon. At least pagkauwi ko ay wala na akong iisipin. Sisiguraduhin kong makababawi ako ng tulog at pahinga.   Pasakay na sana ako sa jeep nang biglang mag-ring sa bag ang cellphone ko. Huminto muna ako at pumwesto malayo nang bahagya sa kalsada ng Teresa.   “Hello?” sagot ko sa tawag. Sa ingay ng paligid ko ngayon, nag-aalinlangan akong sagutin ito dahil baka hindi kami magkaintindihan.   “France?” boses ni Kathleen ang narinig ko. Tumikhim ako at idinikit pang lalo ang speaker ng cellphone sa tenga.   “Bakit ka napatawag? Bakante ako ngayon sa trabaho. Pauwi na ako.”   “Oo alam ko! Kaya lang ako napatawag kasi hindi ako makapaniwala ngayon sa nakikita ko.”   Kumunot ang noo ko. Ano kayang tinutukoy niya?   Hindi pa man ako nakakasagot nang bigla siyang sumigaw sa kabilang linya.   “Simula bukas, crew na rin dito si Cullen Fontaviende! Kasasabi lang sa amin ni Manager!”   Napa-awang ang bibig ko narinig. Hindi ko alam kung paano ngunit nagsimula na ring tumibok nang mabilis ang puso ko. Seryoso? Makakatrabaho ko siya sa isang fast food resto?   “Totoo ba ‘yan?”   “Oo France! Same nga lang din kayo ng sched dahil magkaklase naman kayo.”   Bastos kong binaba ang tawag at napasapo sa noo dahil sa gulat. Alam kong exaggerated ito pero hindi ko feel makatrabaho ang isang tulad niya. ‘Yung feeling na magkaklase na nga kami sa iisang campus, magkasama pa rin kami hanggang sa trabaho. ‘Yung feeling na nahihiya akong kausapin siya at lapitan ngunit may something kapag hindi inaasahan ang pagtama ng aming mga mata kapag nasa room na. Totoo bang nangyayari ‘to?   Tiningnan ko ang laman ng wallet nang makasakay sa jeep. Suminghap ako nang makapagbayad ako ng kinse at bente na lang ang natitira sa akin.   Bukas manghihiram na lang ako kay Leila. Pipilitin kong mapagkasya ang hihiramin sa loob ng ilang araw hanggang sa matanggap ko na ang sweldo ko.   Sa byahe, tulad ng lagi kong ginagawa kapag nakasakay sa jeep, lagi’t lagi kong inaabangan ang paglitaw ng Japanese resto. Hindi ko lang maiwasan ma-miss iyon dahil iba ang pakiramdam ko kapag naroon ako. Magaan sa pakiramdam kapag tumatambay ako roon at nakatitig lang sa nakarerelax na view. Sadyang ganoon nga siguro, may isang lugar talaga tayong babalik-balikan ng tanaw dahil kumportable kapag naroon tayo.   Pero sa ngayon, hanggang tanaw lang muna ako. Walang magagawa, wala talagang pera eh.   Ilang lakad pa ang tinahak ko nang makababa ako ng jeep. Ngunit sa pagdating ko ng apartment, sumalubong sa akin ang landlady, nakangiti habang nakatayo sa b****a ng tarangkahan at may hawak na purse.   Kumunot ang noo ko, good mood yata siya ngayon?   “Bayad ka na kaya hindi na kita kukulitin,” nakangiti niyang sinabi. Nagulat ako roon at mas inilapit ang distansya sa kanya.   “Paano po? Hindi pa naman po ako nakakapagbayad.”   Umiling siya. “May nag-abot na sa akin kanina. May three-month advance pa nga.”   Lalong nanlaki ang mga mata ko. Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko!   Akma na sana siyang aalis ngunit hinarang ko ang kanyang dinadaanan.   “Teka, sino po ang nagbayad? Ano pong pangalan?”   Ngumiti siya at kinamot ang dulo ng kanyang labi. “Si Attorney Abalos. Hindi mo sinabing may koneksyon ka pala sa kanya?”   Napasinghap ako. God, sino bang Attorney Abalos ang tinutukoy niya?   “Sandali lang po—”   “May lakad pa ako, saka na,” pagpapaalam niya at iniwan akong nakatulala dito sa tarangkahan.   Pikit-mata ko na lamang tinungo ang apartment at padabog na binagsak ang bag sa lamesa. Attorney? Kung abogado nga ang Abalos na iyon at nagawa niyang sustentuhan ang upa ko rito, malakas ang kutob kong inutusan siya ng magulang ko dahil may koneksyon siya rito!   Sa iritasyon ay malutong kong minura ang kaharap na cellphone. Kung sino ka mang Abalos ka, humanda ka sa’kin. I already broke my ties with my family. Ayokong marekonektang muli sa kanila dahil marami akong patutunayan nang walang tulong nila! I just hate this idea even if it means a big help. I hate it!    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD