Tahimik ang b****a ng gusali nang makapasok kami. Mahigpit lamang ang hawak ko sa straps ng bag ko at tila inosenteng lumilinga-linga dahil unang beses ko lamang dito.
Nasa likod ako ni Cullen at dahan-dahan ang aming lakad. Nakikinita ko sa kanyang kamay na may hawak siyang susi at ang bawat hakbang niya ay naglilikha ng tunog. Saka lamang kami nagtabi nang makapasok na kami sa elevator.
Kita ko ang aming repleksyon nang sumara ang pinto. Dumapo ang tingin ko sa kanyang mukha at napansin kong deretso lamang ang kanyang tingin sa sarili. Tanging tunog lang nitong elevator ang maririnig at wala ni isa sa amin ang nagsasalita.
Paano kung condo nga niya ang setting ng kanyang s*x scandal?
Saglit akong pumikit upang alalahanin ang detalye ng kwarto noon sa video. Ang natatandaan ko ay ang kulay asul nitong dingding at may lampshade malapit sa headboard ng kama. Hindi na ako sigurado sa iba dahil hindi ko naman tinapos ang video at mukhang hindi naman nabago ang pwesto ng camera.
Shit, alam kong hindi dapat ito big deal pero ang hirap hindi isipin. For pete's sake, it's a scandal, may naganap doon, minsan nang ginulo nito ang utak ko, paano kami makakapag-review kung ganoon ang makikita ko? Makakapag-adjust kaya ako?
Napadilat ako nang bahagya niyang tapikin ang braso ko. Agad akong napatingin sa kanya habang ang elevator ay patuloy sa pag-angat.
"Are you sleepy?" tanong niya.
"Medyo." Hinawi ko ang buhok ko at napalunok. Malapit na kami at makikita ko na ang condo unit niya.
"Sorry if you had to do this."
"Hindi, okay lang. Saka ayoko rin namang bumagsak. Sino pa bang magtutulungan? Tayo-tayo lang rin naman," sagot ko at tinatantya ang tono kung may kakaiba roon. As much as possible, gusto kong natural lang kung paano ko sinasabi sa kanya ang mga litanya ko. Ayaw kong mahalata niya na awkward sa akin ito dahil kaibigan na ang turing sa akin. Gosh.
Ilang sandali pa ang lumipas bago huminto sa seventh floor ang elevator. Pinauna niya akong lumabas at saka siya sumunod. Tumabi ako sa kanya nang magsimula na ulit kami maglakad.
Maganda at halatang yayamanin ang ambiance nitong condominium building. Hindi ko rin maitatanggi na maykaya siya lalo't nagmamay-ari siya ng sasakyan. Pero sapat ba? Sapat ba ang kinikita niya sa fast food restaurant para magbayad ng bills at fees rito? Dahil sa totoo lang, hindi biro ang manirahan dito!
Lumalim ang hininga ko nang huminto na kami sa harap ng kanyang unit. Abot-abot ang naging tahip ng puso ko dahil nagimbal na ako ng kaba. I silently prayed na sana hindi nga ito ang setting. Please.
Nag-click ang doorknob nang ipasok na niya ang susi. Kinagat ko ang labi ko upang pigilin ang sarili sa anumang reaksyon.
Nang mabukas na ang pinto, bumungad sa akin ang malinis na living area nito. May open space at veranda kung saan maaring magmumi-muni. Ngunit isang tema ang gumimbal sa akin dahil kulay pastel blue ang apat na sulok! Bukas rin ang pinto ng kwarto at nakikita ko mula rito na kasingkulay ng nasa video ang naroon.
Huminga ako nang malalim at pilit na kinalma ang sarili. I need to suppress myself. I should act like nothing's on my mind and behave like I never watched the intro of his scandal. s**t, hindi ko mapigilang maisip ang hubad niyang katawad habang ang mga mata'y gutom sa hubong babae! Anong nangyayari sa'yo Frances?
Nanginginig ang tuhod ko habang naglalakad patungo sa sofa saka umupo. Siya naman ay tumungo sa ref at kumuha roon ng maiinom. Napansin kong kumuha siya roon ng isang can ng beer at nanlaki ang mga mata ko.
Bakit siya umiinom? Akala ko ba magrereview kami?
"Pampagising," tamad niyang sabi at pumasok sa kwarto. Habang naghihintay sa kanya ay kinandong ko ang aking bag at inisa-isa ang paglabas ng mga handouts, highlighters, at yellow paper. Kinuha ko rin ang cellphone ko at nakitang may mensahe mula kay Leila. Tahimik ko itong binasa.
Leila: Make sure na matutulog ha! Balewala ang aral niyo kung sabog-sabog kayo bukas sa exam. Aja!
Napalinga-linga ako sa paligid nang mabasa ito at itago ang cellphone. Sa harap ko ay may lamesa kung saan tingin ko'y dito nag-aaral si Cullen. Sa ibaba naman nito ay may mga libro at kung hindi ako nagkakamali, mga law books ito.
Sa dingding ay may nakasabit na isang malaking picture. Makikita roon ang graduation pic ni Cullen at nakatoga. Seryoso ang mga mata nito at gwapo sa paraan kung paano nakapag-project sa camera. Umismid ako.
Ilang babae na kaya ang nadala niya rito? Sa itsura niyang iyan ay hindi ako maniniwalang hindi siya habulin ng mga babae. Malaki rin ang posibilidad na isa siyang playboy. Naikama niya kaya lahat ng mga babaeng dinadala niya rito?
Uminit ang pisngi ko, kung ikinakama nga niya ang mga dinadala rito, edi sana uuwi ako bukas na hindi na virgin. Oh God.
Lumabas siyang muli sa kanyang kwarto. This time ay may bitbit na siyang pad ng yellow paper at may g-tech sa kanyang isang kamay. Malamig ang kanyang tingin nang umupong muli sa aking tapat.
"May gusto ka bang kainin o inumin?" basag niya sa katahimikan. Bahagyang namilog ang aking mga mata dahil sa biglang naisip. Really, Frances? Bakit nagkaroon ng double meaning sa'yo ang salitang 'kainin'? Gosh!
Bahagyang uminit ang pisngi ko at hirap na pinigil ang sarili sa anumang maaaring mangyari. Bakit ang dumi-dumi na ng isipan ko?! Walang hiya ka talaga Kathleen, kasalanan mo 'to!
Umiling ako bilang sagot at tumango naman siya roon. Saglit pa siyang tumayo at kinuha sa counter ng kitchen ang can ng beer. Pinatong naman niya ito sa lamesa kung saan kami nag-aaral ngayon.
Gulo man ang isipan, hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Sinimulan ko nang ipaliwanag ang mga key concepts ng lesson kanina sa organic chem. Subalit sa bawat paliwanag ko at pagsambit ng mga sinasabi, hindi ko naiwasang umusisa sa kanyang detalye.
Naroon ang maamo niyang tingin sa akin. Ang kurba ng kanyang labi ay lalaking lalaki, tila nang-aakit sa kung ano mang gawain na kaya nitong ialay para sa panandaliang ligaya. His clear skin is also dominant that mine began to be jealous. Kahit namamataan ko ang namamaga niyang sugat sa labi, mga galos sa noo at sa gawing malapit sa tenga, at mga pasa na medyo nangingitim na, prominente pa rin ang ganda ng kanyang balat. How is that?
Sa tangkad niya, kahit sa pag-upo ay mas mataas pa rin siya sa akin, dahilan kung bakit habang nagsasalita ay obligado akong tumingala.
His eyes are cold, sharp, and a bit weary. Hindi ako sigurado kung epekto ba ito ng alak o ng antok ngunit nararamdaman ko sa kanya ang pagod.
Huminto ako nang mapansing nakatitig lamang siya sa akin at hindi nagresponde sa tanong ko kung naliwanagan siya sa pagpapaliwanag ko. Ilang segundo bago siya sumagot.
"Uh... yes."
Duda ako. Kasi kung talagang sa mga salita ko ang focus niya, bakit nakatitig lamang siya at matagal ang inabot bago sumagot?
Weird flashes of his images suddenly washed in my hindsight. Naroon ang misteryo niya sa akin dahil hindi ko pa siya lubusang kilala. Bakit BS Bio ang pinili niyang degree? Bakit sa PUP siya nag-aaral? Nasaan ang kanyang pamilya? Ano ang nakaraan niya? Maliban sa akin, sino kaya ang mga kaibigan niya?
Hindi man niya sabihin, malakas ang kutob kong nagmula siya sa mayamang pamilya. At alam kong wala pa ako sa kanyang kalingkingan kung talino ang pag-uusapan. To think na nakapag-law school na siya at isa ng degree holder, medyo malayo na ang age gap namin. Nararapat ko ba siyang tawaging kuya?
"Sure ka?" tanong ko dahil hindi talaga ako sigurado kung naintindihan niya ang sinabi ko. Umiwas na siya ng tingin at sinulat ang ilang mga naipaliwanag ko.
Natahimik ako. Masyado yata ako nag-assume na nag-focus siya sa mukha ko, kung tutuusin ay hindi naman ako maganda.
Isinunod namin ang hand-outs at naghati kami sa pag-rereview nito. Guess what? Sa halip na ako ang dapat na may advantage dahil absent siya kanina, ako pa ang nagtanong sa kanya sa hindi ko naintindihan at maayos niya itong naipaliwanag!
Oh God! The way he explained what's in the hand-out is flawless. Mahihinuha ang skill na natamo niya sa kanyang law school. Bakit ang talino nito?
Alas dose pasado na ang nakita kong oras nang i-check ko ang aking cellphone. Gayunpaman, wala akong nararamdamang antok o pagod. Hindi ko alam kung bakit ngunit nananaig ang willingness kong matuto dahil ang sarap pakinggan ng kanyang paliwanag.
Huminto kami sa pagbabasa ngunit malapit na namin ito matapos. Napatingin ako sa kanya nang tawagin niya ako at inaya sa kitchen.
"Break muna," deklara niya at naunang tumayo.
tumungo siya sa fridge at may kinuhang tupperware roon kung saan may carbonara. Umupo ako sa high seater at pinagmasdan kung paano niya inilipat sa microwavable container ang pagkain at ipinasok sa oven.
Nang isara niya ang oven, humarap siya sa akin at sumandal sa lababo.
"You can ask me anything," wika niya. Naging sabik ako nang marinig iyon at nakaramdam ng excitement sa maaaring malaman.
"Anything?"
Tumango siya.
Nag-isip ako, ano kaya ang una kong itatanong? Hindi pwedeng tungkol sa s*x scandal dahil paniguradong hindi niya iyon masasagot nang maayos, saka insensitive kung iyon ang uunahin ko.
"Bakit hindi mo tinuloy ang law school?"
Mabilis niya akong sinagot na para bang alam na niya kung anong itatanong ko.
"My reputation gone bad. It's my own decision to stop law school and shift to another one."
So hindi siya na-expel or anything? Desisyon niya talaga? At dahil sa scandal?
Nagpatuloy siya. "You know, broken trust won't be fixed once it's ripped. If I finished law school and passed the bar, still it's my reputation that will always be remembered. No one will ever trust me."
Nalungkot ako, umahon ang panghihinayang dahil batid ko kung gaano kahirap sa kanya ang epektong iyon. Mga magulang ko na ang nagsabi na mahirap ang law school. Kung nasimulan na niya iyon at graduating na siya, sayang ang ilang taon niyang pinaghirapan.
Sumenyas siya at ibinalik ang atensyon sa oven. Binuksan niya ito matapos kumuha ng bowl. Kinuha niya sa loob ang microwavable container at ibinuhos sa kubyertos ang carbonara.
Pinatong niya ito sa aking harap at kumuha ng dalawang plato at dalawang tinidor. Tumabi siya sa akin at ipinatong sa harap ko ang gagamitin sa pagkain.
"So bakit ka nag BS Bio kahit degree holder ka na?"
Nagsasandok siya ng kanyang pagkain at sumagot sa aking tanong.
"Yupp, I finished accountancy. But I prefer teaching bio."
Namilog ang mga mata ko.
"Teacher? Balak mo maging teacher?!"
Ngumiti siya at humarap sa akin nang ibalik ang sandok.
"Nakakagulat ba?"
"Oo!" sabi ko. "I mean, kung gusto mo pala maging educator, bakit hindi ka na lang nag BSED at mag-major ng Science?"
"I don't aim to teach in highschool. Karamihan kasi ng mga university ay kumukuha ng mga bio major para makapagturo ng hard sciences."
Now I get it. Tumango ako at nagsandok ng carbonara.
"Ikaw, bakit ka nag-bio?" tanong niya.
I smiled and stopped from what I am doing.
"Pre-med ko."
"Nice."
Gaya niya ay sinimulan ko na rin kumain. Namutawing muli ang katahinikan at naging ganoon kami sa maikling sandali.
Nagtanong muli ako nang dapuan ang isip ko ng kuryosidad. "Ang sabi mo'y naglayas ka, bakit?"
Tahimik niyang binaba ang tinidor niya at lumamig na ang mga mata, waring nag-iisip nang malalim at may pait ang pag-aalala.
"Tinakwil nila ako."
Binagsak ko ang aking tinidor. Suddenly, my empathy began rising. Unti-unti kong nakikita ang sarili ko sa kanya.
"You know my scandal? Maging sila ay sinira ng issue ko. They were civil lawyers and most of their clients withdrawn when they heard what I did."
Nanggilid ang mga luha ko. Why did I suddenly feel like I was his female version? Dahil gaya ko, abogado rin ang kanyang magulang, gaya ko, pinalayas din siya at kinalimutan. What the hell?
"I've always dreamt to be an attorney and hoped to finish law school." Huminto siya at ipinakita sa akin ang sakit sa mga mata, namumula ang mga ito at may luha na nais kumawala. "But s**t always happen. I can't help but suppress my past and just move on."
Ngumiti siya sa akin at ngitian ko rin siya pabalik. Sa mga sandaling ito, doon ko napagtanto na may gaya ko rin palang nahihirapan ngunit pinipiling bumangon at lumaban.
Yes, life does s**t but everything has an end. Paninindigan ko ang pangarap ko hindi lang dahil mahal ko ito... kundi dahil alam kong sa huli ay hindi ko ito kailanman pagsisisihan.