Isang oras pa ang aming ginugol bago namin natapos ang pagrereview. Hindi na kami nagkaroon pa ng ibang usapan matapos iyon dahil mas nag-concentrate na kami sa mga hand-outs.
Ala-una at tahimik ang kalsada na tinatahak ngayon ng aming sinasakyan pabalik sa aking apartment. Deretso lamang ang mga mata ni Cullen sa kalsada habang ang mga braso ay prenteng nagmamando ng manibela. Namutawi sa mga sandaling ito ang katahimikan at wala ni isa sa amin ang nagsasalita.
Tiningnan ko ang cellphone ko. Wala ni isang reply sa akin si Leila. Siguro tulog dahil madaling araw na.
Maging paghinga ay naririnig ko kay Cullen at nasisiguro kong maging ang akin ay napapansin niya. Kumibot ako at sinandal ang gilid ng ulo sa door glass. Pinagmasdan ko kung paano lumilipas ang mga kahel na streetlights sa kalsada at mga buildings na bukas pa rin ang mga ilaw.
I summarized everything in my mind. Cullen just told how broke he was. Second option lamang pala niya ang bs bio at teaching profession. If he was able to continue what he already started in law school, wasak pa rin ang kanyang reputasyon. Besides, papayagan kaya siya mag-take ng bar exam kung mayroon siyang ganoong issue?
His video is now circulating in public and people recognize him! Imagine his shame. Imagine the feeling while his family embarrasses what he did. Kung masakit sa akin na pinalayas ako sa amin, paano pa sa kanya na hindi lang mga magulang ang humuhusga?
Binasa ko ang nanunuyo kong labi at nilipat ang tingin sa kanya. Nasa Sta. Mesa na kami at nararamdaman kong malapit na kami sa inuupahan ko
"You quit basketball?" tanong ko. He nodded without shifting his gaze.
Lumiko ang sasakyan at huminto. Tumingin ako sa bintana at nakita na ang aking apartment. At mula rito, kahit na nakatingin lamang ako sa view, nababanaag ko ang katahimikan ng paligid. Tulog na ang mga tao at panigurado akong mag-iingay ang mga aso sa pagbaba ko.
"Thanks for the night," malamig niyang sabi at lumingon na sa akin. Ngumiti siya kaya't sinuklian ko na rin iyon ng ngiti.
"W-wala 'yon." Bubuksan ko na sana ang pinto nang may maalala akong sabibin. "Nga pala, mag-face mask ka bukas para hindi makita ng mga tao sa school 'yang mga sugat mo."
"Okay..."
Huling ngiti pa ang ginawad ko bago ako nakalabas nang tuluyan. I waved and waited for his car to move.
Saka lamang ako pumasok sa apartment nang maka-alis na nang tuluyan ang kanyang sasakyan. Dahil kung hindi, aahon sa paggising ang mga hayop na aso at manggigising ng mga taong masarap na ang tulog.
Pagpasok ay mabilis akong nagbihis. Hindi na ako naghilamos dahil apat na oras na lang ang natitira sa akin upang makapagpahinga. Goodness, maraming magaganap bukas, kakayanin kaya ng natitira kong energy ang bigat nito?
Nang magising ako kinabukasan mula sa alarm clock, pilit akong bumangon at nagprito ng itlog. Masyado ang antok ko ngunit kailangan ko na kumilos. Lalo't pagtapos ng mga exam mamaya, tatlong oras ang duty ko sa fast food resto at matatapos iyon ng alas sais ng gabi.
Habang nagluluto at naghihintay ng sinaing sa rice cooker, napansin ko na kaunti na lamang ang natitira sa mga stocks ko. Paubos na ang bigas at dalawa na lamang ang de lata.
Tinungo ko ang mini cabinet. Binuksan ko ito at wala na ring mga condiments. Mukhang kailangan ko na rin pumunta sa grocery store at mag-restock. Jusko. Sakto pa naman ang pera ko at kaunti lang ang nabawas mula nang ibigay ang sahod ko. Saka hindi ako nakapagbayad ng upa dahil may Attorney Abalos daw na nang-sustento at advance pa raw iyon ng tatlong buwan!
Nilipat ko sa plato ang ulam na itlog at nagsandok ng kanin sa rice cooker. Nang magsimula akong kamain, muling umahon sa isipan ko ang alon ng mga tanong. Kailangan ko talagang makausap ang landlady at matanong kung saan matatagpuan ang Abalos. Dahil kailangan kong itanong sa taong iyon ang dahilan kung bakit binayad niya para sa akin iyon. Saka gusto kong malinawan kung anong koneksyon niya sa mga magulang ko— dahil kung wala naman at willing lang akong tulungan, kailangan niyang marinig kung gaano kalaki ang aking pasasalamat.
Ilang minuto ang ginugol ko sa paghahanda at saka sumakay ng jeep. Nang marating ang mataong unibersidad, si Leila kaagad ang pinuntahan ko sa obelisk kung saan lagi kaming nagkikita.
May binabasa siyang libro at sinara iyon nang marinig ang boses ko.
"Good morning!" bati niya. Sinara niya ang distansya sa pagitan namin saka kumapit sa aking braso. Nagsimula na ang aming lakad patungo sa east wing ngunit may kakaiba sa mga tingin niya sa akin habang tinatahak namin ang daan.
"Bakit mo ako tinitingnan nang ganyan?"
Humagikhik siya at lalong humigpit ang pagkakahawak sa amin. Lalo nang umiingay ang paligid dahil mas dumarami na ang mga estudyante.
"May naaamoy ako..." mapanuya niyang sabi at itinaas ang isang kilay. Natawa ako.
"Sa amin ba ni Cullen kagabi? Girl, nagreview lang kami sa condo niya at—"
Huminto siya at tinitigan ako nang matiim. Napakurap-kurap ako sa kanyang reaksyon.
"Condo? Condo niya?!"
Kumunot ang noo ko at pabulong na suminghal sa kanya. "Hinaan mo ang boses mo Lei."
"Seryoso? Gosh. Kayong dalawa lang ba? Anong nangyari?"
Umirap ako. Nagpatuloy ako sa paglalakad at tumabi siya sa akin.
"Nag-review lang kami, that's all. Tinulungan ko na rin siya para makahabol sa mga na-miss niya sa discussion kahapon. Iyon lang naman ang dahilan kung bakit kailangan niya akong makasama kagabi."
"Pero bakit sa condo niya? Bakit hindi na lang sa apartment mo?"
Namangha ang bibig kong namilog dahil sa rami niyang tanong. Kathleen, is that you?
"Sa tingin mo papayag akong mag-aral kami sa sikip ng apartment ko? No. Doon na lang kami sa kung saan siya mas kumportable."
Ngumuso siya at lalong humigpit sa libro ang hawak. "Okay..."
Marami na kaming mga kaklase nang marating namin ang room. At gaya ng lagi kong ginagawa kapag pumapasok dito ay sa pwesto kaagad ni Cullen ang aking tingin.
Nang dumapo ang tingin ko sa kung saan siya nakaupo, nakadukdok siya at natutulog. Pansin kong may suot siyang surgical mask at naka-extend ang isang kamay upang umalalay sa tabi ng bintana. Abala sa pagrereview ang mga kaklase ko at kanya-kanya rin sila ng daldal sa mga kaibigan.
Umupo ako sa tabi ni Leila nang marating na ang pwesto. Tulad niya ay nilabas ko na rin ang aking reviewer at ni-refresh kung ano ang mga napag-aralan kagabi.
While doing this to myself, ang boses ni Cullen ang umalingawngaw sa aking isipan. Tila malinaw pa rin sa akin kung paano niya ipinaliwanag ang mga concepts na hindi ko naintindihan. Tanda ko rin kung paano siya gumawa ng illustrations upang mas malinawan. Ganoon na kasi ako kasabog kagabi para mag-aral. At sa galing niya maglahad, lalo akong ginanahan.
Imagine him as your biology or chemistry teacher, sarap sigurong mag-aral.
Tulad ng aking inaasahan, naging busy ang araw na ito para sa block namin. Matapos ang tatlong oras na discussion sa UTS subject, tumungo na kami sa lab para sa aming moving exam. Paminsan-minsan akong tumitingin kay Cullen dahil nababanaag ko ang antok sa kanyang mga mata. Usap-usapan din siya ng ilan dahil litaw na litaw ang kanyang galos.
Mabuti na lang at naka-face mask siya. Mas halatado kasi ang dami ng kanyang sugat kung hindi niya suot iyon.
Sa loob ng dalawang oras, masyado ang naging pressure namin at kaba dahil doon. Sa kabutihang palad ay nakasagot naman ako nang maayos, umaasa na mataas ang score lalo't malinaw kung paano naipaliwanag ni Cullen ang mga tanong na lumabas doon.
Nang sumapit ang uwian, kaagad akong nagpaalam kay Leila. Hinayaan ko na siyang pumunta mag-isa kung saan naka-park ang kanyang sundo. Lumapit naman ako sa armchair ni Cullen habang ang mga kaklase ko ay isa-isa nang nagsisilabasan sa classroom.
Hilaw na ngiti ang iginawad ko sa kanya. Napansin ko sa mga mata niya ang bahagyang pagngiti dahil natatakpan ng face mask ang kanyang bibig. Tumayo na siya at sinukbit sa isang balikat ang bag.
"Hanggang six ang shift natin ngayon," sambit ko. Tiningnan ko muna ang oras sa cellphone at nakitang alas dos na ng hapon. Tumango siya at nagsimula na kaming maglakad pababa ng building.
Tulad ng lagi kong inaasahan, kanya-kanya ng lingon sa amin ang bawat taong nadadaan namin, tila kuryoso kung bakit ako na naman ang kasama ni Cullen. Ang iba ay nakangisi ngunit marami sa kanila ang dedma.
Napailing ako. Naturingan pa namang iskolar.
"Sanay ka na talaga sa tinginan nila?" tanong ko nang makalayo na kaming pareho sa building at paunti na nang paunti ang mga tao sa paligid. Tumango siya at saglit na tumingin sa akin.
"Matagal ko nang sinanay ang sarili ko. That's life."
Sumang-ayon ako at namangha sa tapang niya. Ang mature niya para i-handle ang ganitong sitwasyon. Mabuti at hindi niya pinatulan.
"Uhm, bakit nga pala nagkasugat ka? Saan mo nakuha ang galos mo at pasa?" Narating na namin ang kanyang kotse at ito ang tanong na ibinato ko nang makaupo na ako sa passenger's seat. Saglit niya akong sinulyapan at kaagad na pinaandar ang engine.
"Nakipag-away ako," maikli niyang sagot. Lalong tumiin ang mga tingin ko nang marinig iyon.
"Nakipag-away? Kanino at bakit?"
Tuluyan nang umandar ang sasakyan patungo sa fast food resto kung saan kami nagta-trabaho. Ginalaw niya ang manibela at inalis na ang suot na face mask.
"He's a s-hit. He deserves my fist."
Nagulat ako sa kanyang sinabi. Waring hindi makapaniwala dahil kaya niyang gawin iyon. Kung sabagay, lalaki siya. Manununtok na lang iyan kung mawawalan na ng pasensya.
Bumuntong-hininga ako at iwinaksi iyon hanggang sa 'di ko namalayang narating na namin ang fast food resto.
Naging maayos naman ang trabaho ko bilang kahera dahil hindi naman ganoon karami ang mga customer. Kaya lang ay hindi ko rin naiwasang umidlip paminsan-minsan. Sinong hindi aantukin dahil sa sunod-sunod na mga gawain? Hindi rin naging sapat ang tulog ko kanina. Mabuti na lang ay ginigising ako ni Kathleen kapag may tao na sa lane.
Ngayong tapos na ang aming shift, lumapit sa akin si Cullen nang makapagbihis na siya uli. Napahilot ako sa aking sentido at sinara ang locker.
"Uuwi ka na pagtapos dito?" tanong niya. Umiling ako nang maalalang magre-restock pa pala ako at tutungo sa grocery store.
"May kailangan pa akong puntahan. Ikaw ba?"
Sinukbit niya sa balikat ang bag at sumagot. "Sasama ako. Magre-restock na rin, tara?" alok niya. Napangiti ako at nagpasalamat. Makakatipid na naman ako sa pamasahe.
Sumakay kami at nagtungo sa pinakamalapit na department store. Isang de-tulak na cart ang kinuha ko at may dalawa itong basket. Nag-volunteer na si Cullen na siya na ang magtutulak nito kaya wala na akong nagawa.
Una naming nilakad ang canned section. Kung ano-anong mga de-lata ang nilagay ko at karamihan ay ready to eat. Abala rin si Cullen sa pagkuha ng kanya at paminsan-minsan ay natatawa dahil kung ano ang kinukuha ko, ganoon din ang nilalagay niya sa basket niya.
"Buti at sumasapat ang sweldo mo? Mahal ang bayad sa condo 'di ba?" tanong ko habang abala siya sa pagtutulak. Ilang segundo siyang tumingin sa akin at kaagad ding binalik sa harapan.
"Tinutulungan naman ako ng pinsan ko kahit papano."
"Oh buti kung ganoon," sagot ko. Huminto kami nang matapat sa section ng mga instant noodles at pansit canton.
"I only had him, siya na lang talaga ang nakakaunawa sa pinagdadaanan ko. He's name is Kiel Fontaviende by the way."
"Kakaiba ang apelyido niyo ha? May lahi ba kayo?"
Sumang-ayon siya at kumuha ng tatlong pack ng noddles. "Parehas spanish ang daddy namin."
So that explains his features. Hindi na nakapagtataka kung bakit iba ang kagwapuhan niya sa mga lalaking nakasasalamuha ko.
Akma ko na sanang aabutin ang pansit canton nang biglang mag-vibrate sa bulsa ko ang aking cellphone. Bahagya ring napahinto si Cullen sa akin ngunit umiwas din nang mapansing titingin na ako sa phone.
Isang text mula sa unregistered number ang aking natanggap. Ngunit ganoon na lang ang pamimilog ng mga mata ko nang mabasa ang mensahe rito.
Unregistered Number: You're in danger.
Suminghap ako. Tumingin ako sa paligid ngunit sa rami ng tao, hindi ko alam kung narito ba siya o wala. Kung isa man siya sa mga tao rito at lihim akong pinagmamasdan, f-uck him!
Nanginginig kong ginalaw ang mga daliri ko at nagtipa.
Ako: Sino ka ba? Magpakita ka sa'kin at ipaliwanag mo kung bakit!
Hindi ko alam kung anong ekspresyon pa ang makapagpapaliwanag sa nadarama ko subalit sumidhi na ang misteryo't pangingilabot ko nang makatanggap ako muli ng text.
Unregistered Number: That man next to you is a danger. I'm warning you.