Chapter 14

1956 Words
    Nagtagis ang mga bagang ko habang nakatitig sa cellphone. Sinubukan ko itong tawagan ngunit binaba rin ang tawag. Bumuga ako ng malalim na hininga at tumingin kay Cullen. Huli na nang makita ko siyang nakatitig sa akin at may pag-aalala sa kanyang mga mata.   How could you say that this man in front of me is a danger? Look at his innocence! Iyang tao ba na 'yan ay may panganib na dala sa akin?   Nagpuyos ako sa galit. Hirap na nga sa buhay itong tao tapos sisiraan pang lalo? Sinong hindi maiinis?   "What happened?" mahina niyang tanong habang nakapatong ang mga braso sa handle ng cart. Pilit akong ngumiti at tinago ang phone.   "M-may sinabi lang si Leila na kinainisan ko. Wala lang 'to," pagsisinungaling ko. Mukha namang naniwala dahil binalik niyang muli ang pansin sa mga items. Ako naman ay pigil-hiningang nagtitimpi. Sino ba ang tao sa likod ng numerong iyon? Ano bang kasalanan ko sa kanya at ginugulo niya ako? Tapos itong si Cullen naman ang sinisiraan niya?   Tahimik na ngang nabubuhay ang tao at gumagawa na ng paraang magbago. Kung trip-trip lang niya iyon, humanda siya sa akin sa oras na malaman ko kung sino siya.   Sampung minuto pa ang ginugol namin sa paggo-grocery. Saka lang namin napagpasiyahan magbayad sa counter nang makumpleto na rin namin ang mga rekados.   "Marunong ka magluto?" tanong ko habang naglilipat na ako ng mga goods at siya namang tapat ng kahera sa price tracker. Malumay ang pagkakasabi ko na para bang hindi ako nagpuyos kanina sa inis.   Sa likod ko si Cullen at nakapatong pa rin as usual ang maskuladong braso sa handle. Nang sulyapan ko siya saglit ay namataan ko kung paano umangat ang dulo ng kanyang labi.   May kakaibang kumalam sa tiyan ko nang mapansin kung gaano ka-cute ang ngising iyon. Tama bang sabihin na cute? Pero bakit parang hot?   "Hindi ako ganoon kagaling magluto pero napag-aaralan naman," sagot niya. Nang mabuhos na sa basket ang mga items ay saka lamang ako tumigil.   Napansin kong umaliwalas ang kanyang mukha nang ibaling ko muli sa kanya ang aking pansin.   Ngumiti ako. "Patikim minsan."   "Sure," he responded. "Anong gusto mong lutuin ko?"   "May alam ka bang spanish food?"   Saglit siyang nag-isip. Ngunit habang naghihintay ay tinawag na ako ng kahera. Sinabi niya sa akin ang presyo at akma na akong kukuha ng pera sa wallet.   "Ako na magbabayad, miss," singit ni Cullen. Nanlaki ang mga mata ko ngunit at mabilis na nag-protesta.   "No, Cullen. Ako na—"   Umiling siya at sinimulang ilabas ang items sa cart niya. Naguguluhan naman ang kahera kung sino ang susundin niya sa amin.   Tinanguan na lang ako ni Cullen. Wala na lang akong nagawa kundi sundin siya. Saka ano ba? Pabor naman sa akin iyon 'di ba? Makakatipid pa ako. Minsan lang ito.   Tama. Huwag na lang tumanggi sa grasya.   Sa huli ay wala nga akong ginawa. Ramdam kong hindi ko naman na siya mapipilit kaya nanahimik na lang ako at hinihintay matapos ang turn niya sa pagbayad.   Nang makalabas na kami ay nailagay na sa backseat ang mga pinamili. Pinagbuksan niya ako ng pinto. Ang gentleman naman nito. Nakakapanghinayang dahil ako lamang ang nakakakita. Paano kaya kung makikita ng iba ang ganitong side niya? Sigurado akong marami rin ang makikipagkaibigan sa kanya.   "Deretso na ba tayo sa apartment mo?" he asked. Tumango ako habang ikinakabit ang seatbelt. Nang settled na ang lahat ay saka lamang niya pinaandar ang engine ng sasakyan at sinimulang imaneho.   Tinext ko si Leila habang nasa byahe. Inabisuhan kong tatawag ako mamaya dahil may mahalaga akong sasabibin. Kailangan kong malaman ang opinyon niya tungkol sa unknown sender ng mga wierd texts sa akin dahil kung hindi, baka mabaliw na lang ako kakaisip.   "May tanong ako," agap ko sa katahimikan. Tumango lamang si Cullen habang deretso ang tingin sa kalsada.   "Go on."   "May mga kaibigan ka ba dati? I mean, pansin ko kasing mag-isa ka lang..."   The way he tilted his head, I knew something was wrong. Hindi man nakalapat ang mga mata niya sa akin, ramdam kong nasaktan siya sa aking tanong.   Come to think of it. In his 20 something existence, malabong hindi siya nakipag-socialize. Maybe he had a bunch of friends before but where they are now? Kasi kung kaibigan talaga sila, anumang issue ang mabato kay Cullen ay nararapat nilang damayan ito.   Friends are meant to lift you when you are drowning, not to act like a ghost when everything is ruined.   Everyone already knows what statistics showed for the past few years. Sa bigat ng naranasan ni Cullen ay wala siyang kaibigang napagsasabihan, paano na lang ang mental health niya? Yes, men are not vocal in terms of conflicts but they are human. Lahat may karapatang magkaroon ng totoong kaibigan. F-uck na lang kung sinong nang-iwan sa isang 'to at hindi manlang dinamayan.   Pinilig ko ang aking ulo sa bintana at nakinig sa bawat salita niya.   "Takot silang madamay sa issue ko. You know, they are all law student. Madikit ka lang sakin ay masisira na rin ang tingin sa'yo ng mga tao."   Nanlaki ang mga mata ko sa narinig at nag-protesta. "What the hell? Anong klaseng mindset iyon kung ganoon? Wala namang perpektong nilalang."   He chuckled, tila sinusubukang pahupain ang tensyon. Grr, naiinis ako sa mga taong ganon ang iniisip.   "Think of this and assume that we're all tomato. All of you are well-grown and I'm the only one who is rotten. When you're aware that I could ruin your fine features as a fine one, would you still interact with me and embrace the chance to get destroyed?"   "Oo naman!" sigaw ko, naiinis. His expression hardened and I noticed how the corners of his eyes crinkled.   "Why?"   Humalukipkip ako at ngumuso. "Tao ka. Hindi ka bulok na kamatis."   He laughed in a manly way. Sa pagkakataong iyon ay natigilan ako sa kung gaano ka-cute iyong tawa niya. What a scene.   Isang liko ang ginawa niya sa manibala at saka ginilid ang sasakyan. Huli na nang malaman kong narating na pala namin ang lokasyon ng aming apartment. Grabe, iyon na 'yon? Traffic naman kanina ngunit bakit ang bilis?   Bago pa man niya ako pagbuksan ay ako na ang kusang bumaba. Nahihiya na ako sa sobrang pagka-gentleman niya. Hindi naman ako prinsesa upang pagsilbihan.   Nang bumaba siya ay hinayaan kong buksan niya ang pinto sa backseat kung saan namin inilagay ang pinamili kanina. Inabot niya sa akin 'yong mga plastics na alam kong akin ngunit nagulat ako nang ilabas niya rin ang kanya at akmang isusunod ito sa aking apartment.   Napipi ako sa nakita. Hindi ako naglakad kaya napahinto rin siya habang bibit sa magkabilang kamay ang mga plastics ng grocery.   "This is for you," agap niya at may multo ng ngiti sa labi. Suminghap ako sa aking kaloob-looban at mabilis na tumanggi.   "Sobra-sobra na Cullen. Pinaghirapan mo ang mga perang pinambili mo kaya kailangan mo 'to—"   "Nope, kumpleto ako sa condo."   "Pero sabi mo kailangan mo ring mag-restock."   "I never meant that. Alam ko na kasing mangyayari 'to kung sinabi ko agad. Just let me help you."   "Salamat kung ganoon," mahina kong wika sa kahuli-hulian at hinayaan siyang sumunod sa akin sa apartment. Iginiya ko siya sa loob at itinuro kung saan niya ipapatong ang groceries.   Hindi ko alam kung anong ipinutok ng butchi nitong nag-text kanina sa akin. Look how angelic Cullen is. Ganito ba ang taong mapanganib? Sa paanong paraan niya ako gagawan ng kasamaan kung masyadong taliwas ang ipinapakita niya sa akin?   Mararamdaman ko namang may mali kung may kakaiba siyang kinikilos. Pero wala e. Kabaliktaran ang iniisip ng mga tao sa kanya.   Kung kaya ko lang i-vlog ito ay sana nagawa ko na. Nang sa gayon ay makita naman ng mga tao ang side niyang ito at nang nalinis ang dungis sa kanyang pangalan.   Cullen Fontaviende is almost perfect. I don't romanticize his scandal but I noticed how hard he tried to establish change. He deserves to live with nothing to worry. He deserves a society that will never taunt him.   He deserves respect and acceptance as well.   "Sandali." Pinigilan ko siya lumabas. Kunot-noo siyang humarap sa akin at nagtatakang sinuri ang aking mga mata. "Dito ka na mag-dinner. Magluluto ako."   "Nice, gusto ko 'yan." Ngumiti siya at umupo sa stool na nasa tabi nitong mesa. Samantala ay sinimulan ko na isa-isahin ang mga pinamili at pinanood niya ako kung paano ko ito sinasalansan sa lagayan.   "Pasensya na kung masikip itong apartment ko."   "Ayos lang, walang problema."   "Anong gusto mong ulamin? Sorry kung wala akong masyadong ingredients dito."   "Kahit ano, basta nakakain," natatawa niyang sagot. Natawa na rin ako.   "Kamatis na lang. Nakakain din naman 'yon," biro ko.   "Kamatis din naman ako. So pwede mo na akong kainin kung ganoon?" agap niya, dahilan kung bakit natigalgal ako sa kinatatayuan ko at tumigil sa ginagawa.   Naramdaman kong nag-init ang mga pisngi ko. Goodness. Bakit ang smooth ng joke na 'yon?   Malakas ang kanyang tawa habang ako ay nakatingin lamang sa kanya, na para bang kahit siya ay hindi makapaniwala.   Sa totoo lang, kahit ako ay hindi rin makapaniwala dahil parang kailan lang noong una ko siyang nakita. Parang kailan lang noong binabalot ako ng tanong tungkol sa kanya. Sinong mag-aakala na sa paglipas ay unti-unti ko pa siya makikilala at makakahalubilo nang ganito? Pakiramdam ko ay matagal na kaming magkakilala at ang gaan ng loob ko sa kanya.   Kaya dapat talagang kinikilala muna ang isang tao bago husgahan. Dahil ako, inaamin ko sa sarili ko na minsan na akong nanghusga sa kanya at kung ano-ano pa ang inisip nang mapanood ang kanyang video. Pero hanggang doon na lang iyon. People may stick to his past but I would never look back to judge him as a person. Ang mahalaga ay nagbago. At patuloy na magbabago sa paglipas pa ng panahon.   Ganoon nga ang nangyari. Magaan ang naging daloy ng aming interaksyon at hindi na nagka-ilangan pa. Pinagluto ko siya ng sopas at iyon na rin ang nagsilbi naming hapunan. Matapos iyon ay hindi na rin siya nagtagal sa amin. Masaya kaming nagpaalam sa isa't isa at magkikita na lang bukas sa trabaho. Wala kasi kaming pasok dahil holiday. Sayang nga at hindi rin kami pinagbigyan ni manager.   Tumayo ako sa tabi ng bintana nang masiguro kong malinis na ang lahat. Nakaligo na rin ako at nakapagbihis ng oversized shirt bilang pantulog.   Tinipa ko ang numero ni Leila at kaagad siyang tinawagan. Huminga ako nang malalim nang masagot kaagad niya ang tawag.   "Oh my god! Kanina pa ako binubulabog ng curiosity France! Buti naman at napatawag ka na," asik niya sa kabilang linya.   Tinuko ko ang aking braso sa barandilya at tumingin sa kawalan.   "Ang weird Lei. Malakas talaga ang kutob ko na may sumusunod sa akin at pinagmamasdan ang bawat galaw ko."   "Sinubukan mo na bang tawagan ang number na 'yon?"   Tumango ako kahit na hindi niya ako nakikita. "Oo, kaso ayaw niyang sagutin."   "Grabe naman 'yan. Kung totoo ngang sinusundan ka niya at nagmamasid siya sa mga kilos mo, kailangan mo na sabihin 'yan sa mga magulang mo at mag-request ka ng security—"   "Lei, alam mo namang hindi pwede."   "Ako ang magsasabi kung ayaw mo. France, hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sa'yo, what more sa mga parents mo? Mahal ka pa rin nila kahit na—"   Hindi na ako nag-alinlangang ibaba ang tawag. Ni-set ko sa airplane mode ang cellphone at humiga na sa kama.   Sa mga magulang ko? Tingin niya ganoon kadali? Hindi ako galit o naiinis kay Leila pero sa thought na iyon ako nafu-frustrate. Nagawa ko nang marinig kung paano ako kinasusuklaman ng aking mga magulang, saksi na ako kung paano nila ako kinamumuhian. Ubos na ang pasensya nila sa akin at 'di hamak na mas ubos na ang pasensya ko sa kanila.   Nagsimulang umagos ang mga luha ko. Humablot ako ng unan at itinakip roon ang pagluluksa. Kailan kaya matatapos ito? Gusto ko lang naman lumaban pero bakit ang hirap talunin ng kalaban?   Gusto ko lang naman sumaya pero bakit ang hirap talunin ng lungkot?   Gusto ko lang naman matupad ang pangarap ko pero bakit pinahihirapan ako?   Deserve ko ba ito?    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD