I cleared my throat before facing our customer. Ngingiti na sana ako subalit nagbago ang timpla ng mukha ko nang makita si Leila.
Pinasadahan ko siya ng tingin. She's wearing her romantic white blouse paired with her black trousers. Naningkit ang mga mata ko nang mapansin sa kanyang mga mata ang pag-aalala.
"Can we talk? Gusto ko lang humingi ng tawad, France."
Umismid ako. "Hindi naman ako galit sa'yo. Nagtampo lang. Sa susunod huwag mo na i-open iyon okay?"
Ngumiti siya at nag-order ng breakfast meal. Noong una ay nagulat ako nang makita siyang pumasok. Sinong hindi magugulat sa ginawa niya? Siya ang kauna-unahang customer namin ngayong madaling araw. Halos alas singko pa lang ng umaga ngayon at kaunti pa lamang ang mga tao sa labas.
Umupo siya sa tabi ng bintana at naghintay ng order. Pinagmasdan ko lamang siya sa kanyang kinauupuan habang naghihintay ng bagong customer.
"Kilala mo?" tanong ni Kathleen nang lumapit sa akin. Tumango ako.
"Bestfriend ko at kaklase."
"Sana all binibisita ng kaibigan." Napabaling ako sa kanya nang marinig iyon. Anong meron? May problema kaya sa kanya?
Napansin ko ang lungkot sa kanya. Hindi ko alam na ang masiyahing tulad niya ay mayroon ding pinagdadanaan. Paano nangyari iyon?
"Alam mo naman, promdi. Galing kasi ako ng visayas at medyo iba ang nakagisnan ko. Aba, kung hindi ako sanay sa mga party party na 'yan at hindi ako umiinom ng alak, anong magagawa ko? Sanay ako tumungga ng tuba sa amin at hindi uso 'yang tequila. Maan ko kananda." Hindi ko naintindihan ang mga huli niyang salita pero ramdam ko ang panggigigil niya.
"Pina-plastic ka?"
Tumawa siya nang mapanuya. "Anong bago teh? Hindi na 'yan bago sa buhay. Lahat ng tao plastic, 'yung iba magaling lang makisama."
Natigil lang kami sa kwentuhan nang magkaroon na uli ng customer. Kay Kathleen na siya pumila kaya ako naman ay bakante. Simple kong sinulyapan si Cullen sa cooking area at napansin kong masyado siyang tutok sa trabaho. Hindi ko alam kung paano niya nasabi na hindi raw siya kagalingan sa pagluluto gayong isa siya sa mga cook dito. Pa-humble.
Pinagmasdan kong muli si Leila. Nasa harap na niya ang order niya ngunit may kaharap siya ngayong lalaki. Kumunot ang noo ko. Sino ang lalaking iyon? Nakipagkita kaya siya ngayong madaling araw?
For as long as I can remember, kung related man ito sa love life ay paniguradong hindi papayagan si Leila. Mahigpit na iyon sa pakikipag-socialize nito at hindi malabong mas mahigpit sila sa love life nito.
Natandaan ko pa nga dati noong senior high kami. Nagkaroon siya ng manliligaw na college student ngunit kaagad ding natigil dahil inakusahan ito ng rape case. Si Leila na mismo ang nagsabi sa akin na sinadya raw ng magulang niya na gumawa ng kwento at magbayad sa abogado dahil panakot na raw ito sa mga nais pang manligaw sa kanya sa hinaharap.
See how justice works? Anak ako ng abogado kaya alam ko. Basta't may pera ka, sa'yo papanig ang hatol.
Dahil sa panahon ngayon, alipin na ng pera ang hustisya.
Nasulyapan ni Lei ang direksyon ko. Napansin ko ang pangungusap ng kanyang mga mata. May hawak siyang cellphone at may tinipa roon. Kaharap pa rin niya ang lalaki nang biglang mag-vibrate ang phone ko.
Mensahe ito mula kay Leila, kaagad ko itong binasa.
Leila: Manliligaw ko siya at matagal ko nang gusto. I'm hoping na sana hindi ito makarating sa magulang ko. Love you. x
Muling umangat ang tingin ko sa kanya. Kumunot ang noo ko at mabilis siyang ni-replyan.
Ako: Alam mo ba ang ginagawa mo? Kabisado na natin ang magulang mo at mapapahamak 'yang manliligaw mo sa oras na matuklasan nila.
Hindi na siya nakapag-reply matapos nito. Nagpatuloy sila sa kwentuhan hanggang sa tuluyan nang sumikat ang araw.
Sa pagliwanag ng paligid, nagpaalam na sa akin si Leila at lumabas kasabay ng kanyang manliligaw. Hindi ko alam kung saan sila patungo ngayon pero kinakabahan ako para sa lalaki. Walang lihim na hindi nabubunyag. Pagkakaitan siya ng hustisya kung aakusahan siya ng kasalanan. Kung hindi rape ay baka p********a, lalo't 17 pa lang si Lei at masyadong na-advance kaya ka-batch ko ngayon.
"What's with that face?" tanong ni Cullen nang pumasok na ako sa locker room. Alas diyes na ng umaga at tapos na ang aming shift. Hinubad ko ang sumbrero ko at hairnet saka nilagay ang mga ito sa loob ng locker.
"Worried lang ako sa kaibigan ko."
"Is it Leila?"
Sumang-ayon ako.
"Why?" Sumandal siya sa kanyang locker at humalukipkip. Tumingin ako sa paligid at sinigurado na walang ibang nakaririnig sa amin.
"Siguraduhin mong walang ibang makakaalam nito ha?" bulong ko.
"I promise."
Sinara ko ang locker at lumapit nang kaunti sa kanya. Kaibigan ko naman siya kaya sana ay mapagkakatiwalaan.
Kinuwento ko sa kanya kung ano ang ginagawa ng magulang ni Lei kapag nagkakaroon ng manliligaw ang anak na ito. Na binibili nila ang hustisya at gumagawa ng kwento upang masangkot sa kasalanan ang lalaki kahit na inosente ito at walang ginawa.
Samantala ay tahimik naman itong si Cullen. Seryoso ang mga mata at nanatiling malamig ang ekspresyon kahit na tapos ko na sabihin ang lahat.
"Anong opinyon mo tungkol doon?" tanong ko. His expression dulled upon hearing my question.
"As a former law student, that kind of case is not new to my ear. Marami nang ganyang kaso at nadadala lang sa pera."
I admit it. Everyone has the right to be defended. But that shouldn't reign in a court. People don't deserve that right but the truth! Truth has the only right to be defended.
Iyan naman ang pangunahing goal kung bakit may hearing 'di ba? They investigate ang keep on asking to quest for truth. Pero bakit ganon ang ibang abogado? Sa halip na sabihin na lang kung ano ang totoo mula sa kanilang kllyente, bakit nag-iimbento pa sila ng kwento at paliwanag na karamihan ay pawang kasinungalingan?
Lawyers were trained to defend, not to fabricate reality and craft some twisted lies!
Saksi ako lalo na kila Papa noon at narinig ko pa sa usapan nila Mama kung paano nila naipanalo ang isang kaso. I am proud to say that both of my parents were gifted when it comes to law but I can't deny this fact that they wasted their talents when they raised injustice.
Paano nila nagagawang matulog nang hindi inuusig ng konsensya? Paano nilang nagagawang magising at hindi naiisip sa bawat umaga ang buhay na masasayang sa kulungan?
Huminga ako nang malalim at pinigilang magpuyos sa galit ang sarili. Good thing na umalis na ako sa tahanang iyon dahil kung hindi, baka makarinig pa ako sa usapan nila at ako itong magdudusa sa sariling konsensya kahit na wala naman akong parte sa kaso.
That's the reason why I'd rather suffer all the struggles experienced by a doctor. At least sa trabaho nila ay hindi ko nagagawang manira ng katotohanan. It's life that I'd forever prioritize. Not distorted justice.
Ilang sandali pa ay sabay na kaming lumabas ni Cullen. Hindi niya dala ang kanyang kotse dahil dinala niya sa mekaniko. May leak raw kasi at may sirang piyesa sa brake. Mabuti na lang at napansin din kaagad ang problema.
"Saan ka ngayon niyan?" tanong ko sa kanya.
"Sa Makati. May aaysuin lang ako. Ikaw ba?"
"Siguro gagala o mag-unwind."
Bakas ang panghihinayang sa kanya ngunit importante raw talaga ang lakad niya. Sa susunod ay babawi na lang daw siya at sasama sa akin sa pag-unwind.
Muli akong huminga nang malalim nang makapara ako ng jeep. Patungo ako ngayon sa japanese resto at kakausapin si Jarco. Kasi lintik, paano niya nalaman ang buong pangalan ko at ano ang dahilan kung libre ako sa resto niya? I mean, maiintindihan ko sana kung may koneksyon kami tulad ni Cullen. Kaso wala.
Kung kailan kailangan ko na makarating sa paroroonan ay saka naman dumapo ang mabigat na traffic. Kaya kinuha ko muna ang cellphone ko at tinext si Leila.
Ako: Nasaan ka? Nakauwi ka na ba?
Agad naman siyang nag-reply, bagay na ikinaginhawa ng paghinga ko.
Leila: Oo, nakauwi na ako. Nasa business meeting pa naman ang mga magulang ko kaya safe, don't worry.
Binalik ko na ang cellphone ko sa bulsa at matiyagang naghintay ng usad ng aming sinasakyan. Umabot pa nga yata ng sampung minuto bago ko narating sa Aurora Boulevard ang resto.
As usual, wala pang lunch kaya hindi pa ganoon karami tao. Tatlo lamang ang nakita ko nang makapasok at kapansin-pansin kung paano tumayo sa pagkakaupo ang waiter nang makita ako.
Bakante ang favorite spot ko. Umupo ako roon at hinintay ang waiter na pumunta sa akin.
"Order maam?" aniya nang makalapit. Umiling ako at sinuklian siya ng tanong.
"Yung manager mo, kakausapin ko sana. Nasaan siya?"
Tumigil siya saglit at kapansin-pansin na tila nag-alinlangan siyang sagutin iyon. Ngunit ilang segundo lamang ang kanyang pinalipas bago muling magsalita.
"Nasa office po siya at medyo maraming ginagawa. Tatawagin ko po ba siya para sa inyo?"
"Yes please. May importante lang kaming pag-uusapan. Pakisabi na sandali lang naman ito at hindi naman makasasagabal nang masyado sa oras. Thanks."
"Okay maam."
Umalis na ang waiter at pumasok sa opisina kung saan naroon ang kanyang boss. Mataman akong naghintay at binaling ang tingin sa view na nasa labas.
I don't understand why I'm so obsessed with this view. I mean tulad lang din ito ng iba pero iba ang nabibigay na vibes sa akin. Maybe I should visit some real places in far provinces to experience real tourist vibes. Pag-iipunan ko iyon lalo at gagawa ng paraan upang matupad kahit papano.
Nasira bigla ang pagtitig ko sa view nang may marinig ako sa aking gilid. Seryoso at malalim ang pagkakasabi nito at matatantya roon ang awtoridad. Nilipat ko sa kanya ang tingin at ganoon na lamang ang pamimilog ng aking mga mata sa nakita!
Nagtaka ako. Bakit ang daming galos sa kanyang mukha? Bakit may sugat rin siya sa labi gaya ni Cullen? Medyo pagaling na ang iba ngunit mababanaag na sariwa pa ang ibang pasa niya.
Hinila niya ang isang upuan sa gilid at itinapat ito sa akin. Umupo siya roon at mas sumeryoso ang tingin sa akin.
"What do you want to talk about?" paos ang kanyang boses ngunit may diin.
"Anong nangyari sa mukha mo? Nakipagsuntukan ka?"
Ngumisi siya. "Maniniwala ka ba kung sasabihin kong nadapa ako?"
Naningkit ang mga mata ko sa kanyang turan. Aba't nagawa pang mamilosopo.
"Seryoso? Nakipagsuntukan ka?"
He hissed. "Can we just talk about why you are here? Hindi naman mga sugat sa mga mukha ko ang pag-uusapan natin 'di ba?"
But it bothers me. Talaga bang coincidence na nagkasabay sila ng galos at mga sugat ni Cullen sa mukha?
Oo, baka coincidence lang kaya hindi ko dapat masyadong isipin.
Bumuga ako ng malalim na hininga at ibinalik ang sarili sa dahilan kung bakit nga ba talaga ako naparito.
Tumitig ako sa kanya lalo at pinansin nang matiim ang kanyang detalye. The way how he darted his attention on me is intimidating and his smoldering eyes is captivating. Hindi na ako magtataka kung bakit maraming babae ang magkakandarapa rito. At lalong hindi ako maniniwala kung sasabihin niyang wala siyang girlfriend.
"Bakit alam mo ang pangalan ko? Bakit libre ako rito sa resto mo?" sunod-sunod kong tanong.
Hinintay ko ang kanyang sagot ngunit nanatili lamang sa mahabang segundo ang titig niya. Oh God, bakit ba ang hilig nito tumitig? O sadyang ganito talaga siya sa mga babae niyang kausap?
Maya-maya'y namataan ko kung paano siya umiling. Tumayo siya at ibinalik sa dating pwesto ang upuan.
"I refuse to answer your question."
Tumayo ako at pinigilan siya umalis. Napalakas ang boses ko kung kaya't napatingin sa amin ang tatlong customer na tahimik sa pagkain.
Wala akong pakialam kung gumawa man ako ng iskandalo. I deserve to know the truth. Hindi pwedeng ganito. Uusigin ako ng kuryosidad ko araw-araw at hindi ako patutulugin!
"Kaunting minuto lang naman Jarco. Just tell me how you knew my whole f-ucking name and explain why I don't have to pay for my orders here! Mahirap ba iyon?"
Humarap siya sa akin, hindi pa man nakalalayo.
"Isn't that enough to discover that I know you?" sagot niya ngunit hindi ano nakuntento roon. Akma na sana ang paglapit ng waiter upang pakalmahin ako ngunit pinigilan siya ng pesteng manager na ito.
"I deserve an explanation! Am I that special to eat foods here for free?"
Dahan-dahan siyang tumango, dahilan kung bakit lalo akong inusig ng pagtataka. My goodness! Why remain mysterious when he could explain briefly and feed my curiosity?
"Yeah, you're special. You have been special," he whispered. Tila nawala ako sa sarili ko nang marinig iyon at tuluyan na siyang tumalikod.