Bigo akong umalis sa resto at napahiya sa mga taong naroon. I couldn't believe what he just told. Ako? Special? Ni hindi ko siya kilala nang lubusan. Wala siyang konkretong paliwanag at sapat na basehan upang ma-justify ang sinabi niya at masagot ang bumabagabag na tanong sa akin. What the heck!
My life may have drowned once in the sea of conflicts, but never in my wildest dreams that I'd get to expect for this. Kung isa siya sa mga parte ng aking nakaraan, pwede naman niyang ipaliwanag sa akin 'di ba? Bakit kaya hindi na lang niya iderekta sa akin ang dahilan nang matahimik na ako?
Nakauwi kagaad ako sa apartment nang wala sa oras. Padarag kong binulatlat ang bag ko at nagsimulang magbasa ng mga hand-outs. I need to divert my attention! Hindi pwedeng iyon na lang ang isipin ko sa maghapon lalo't may mga naka-abang na namang mga exam.
Hindi ko inasahan na ganito pala sa college. Akala ko noong una'y lahat maipapaliwanag ng prof, na kung ano ang na-discuss ay siya lamang lalabas sa exams. But I was completely wrong! Doon ko napagtanto na ibang iba ang high school sa college! Walang paki ang prof mo sa'yo kung babagsak ka dahil wala sa bokabularyo nila ang spoonfeeding. That's why if you happened to train yourself when you were in highschool, then it's your advantage. Hindi na magiging mahirap sa'yo ang adjustments.
I sighed as I faced these tons of papers. Hindi lang ito mga syllabus, ang iba ay mga pending works na hindi ko pa matapos-tapos. Ang hirap mag-search kung walang stable internet connection. Ito na nga lang cellphone ang inaasahan ko kapag may kailangan i-revise sa research papers.
Hindi ko namalayang lumipas ang apat na oras na ganoon ang ginawa ko. Nakausad naman ako sa mga gawain ngunit naroon pa rin ang katok ng kuryosidad tungkol kay Jarco.
Ngayon ay napagdesisyunan kong magbihis ng pajama at puting short-sleeve button-up na pambahay. Kinusot ko ang mga mata ko at tumingin sa oras. It's now three o'clock in the afternoon.
Nagpainit ako ng tubig sa stove at binuhos roon ang ramen. Mamayang five siguro ay saka ko na itutuloy ang pagre-review. Nakakabaliw, para akong tinutusok sa utak.
Chinat ko sa messenger si Cullen at tinanong kung maaari ko ba siyang maimbitahan dito sa apartment. Kailangan ko kasi ng tulong para maipaliwanag sa akin ang methods na hindi ko masundan para sa experiment sa zoology. Kaagad naman siyang nag-reply at willing na tumungo rito.
Ako: Ay nga pala, kung may laptop ka, pakidala na rin sana. Magre-revise lang ako ng research paper, thank you!
Habang nagkaupo sa stool at hinihintay na uminit ang kumulo ang tubig, biglang may kumatok sa pinto. Ha? Kaka-send ko pa lang ng chat at kaka-reply pa lang ni Cullen kaya malabong siya ang kumatok na iyon.
Dahan-dahan akong tumungo roon upang pagbuksan at wala namang tao na bumungad nang hilahin ko ang pinto.
Yumuko ako, at sa pagyukong iyon, mayroong isang shoe box na hindi ganoon kalakihan. Tumingin ako sa kaliwa't kanan dito sa pasilyo ngunit walang ibang tao. Tahimik lamang ang paligid.
Pinulot ko ang shoe box. Magaan lamang ito at tila walang laman. Bakit kaya iniwan ito rito?
Sinarado ko ang pinto habang dala-dala ang shoebox. Nilapag ko muna ito sa mesa nang makitang umaapaw na sa boiler ang kumukulong tubig.
Hinango ko ito at itinabi muna sa gilid. Hinilot ko saglit ang sentido ko at saka pinatay ang stove. Napalakas pala ang apoy.
Binalikan ko ng pansin ang shoe box. Magaan ito at parang wala talagang laman. Dahil na rin sa kuryosidad, dahan-dahan ko itong nilapitan at marahang binuksan.
Umihip mula sa bukas na bintana ang malamig na hangin. Bahagyang bumuhaghag ang buhok ko at nang ibaba ko ang tingin sa loob ng kahon, bigla akong magimbal sa aking nakita!
Nanlaki ang mga mata ko. Bakit duguang kutsilyo ito?! May bahid ng sariwang dugo ang bawat sulok sa loob ng kahon at may tissue na nababalot din ng pulang likido!
Napabitaw ako sa matalim na kutsilyo dahil sa tarantang natamo. Nanginginig ang mga daliri ko at hindi ko mapigil sa panghihina ang aking mga tuhod.
Oh my God, ano 'to?! Bakit may ganito?
Maingay na bumagsak sa sahig ang duguang kutsilyo. Tumalsik sa paligid ang dugong nakakapit dito, dahilan kung bakit kumalat nang tuluyan ang iilang pisik ng dugo. Naluha ako at lalong nataranta. Oh God!
Posible kayang galing ito sa krimen? Ngunit anong dahilan upang ibigay ito sa akin? Para ba sa akin mapunta ang sisi? Para ba gawin akong suspek kahit hindi naman ako ang gumawa ng kasalanan? Maraming beses ko itong na-encounter sa mga kwento noon nila Mama kaya hindi ako makapaniwalang nangyayari na sa akin ito!
Yumuko ako at lumuhod. Nagmamadali kong pinulot ang kutsilyo at ibinalik ito sa loob ng madugong shoebox. Napapikit ako dahil ngayon lang uli pumasok sa isip ko na papunta na rito si Cullen! What the heck, kailangan ko na linisin ang sahig at itago itong malansang shoe box!
Tinungo ko ang cr at naiiyak na kumuha ng makapal na basahan at binasa sa baldeng puno ng tubig. Sa taranta ko ay hindi ko na napigil pang dalhin pati na rin ang balde sa sahig kung saan kalat ang dugo at saka wala sa sariling pinunasan nang mariin ang sahig. Pikit-mata at pigil ang aking hininga habang ito ay ginagawa. Hindi ko akalain na darating sa punto ng buhay ko na magagawa ko ang ganito!
Paano kung ako ang akusahan? Paano kung may nagtungo sa pulis at sinabi na may kutsilyo akong duguan? Kung magkakaroon ng imbestigasyon, malabong sa akin mapupunta ng sisi pero...
What the f-uck?! Bakit hindi ko naisip na nagkaroon na ako ng fingerprint sa kusilyo?!
Tuluyang bumuhos ang aking luha habang kinukuskos nang may gigil ang sahig. Punyemas! Tahimik lang ang buhay ko kanina pero bakit kailangan ko pang maranasan ito?! Paano kung krimen nga ito at sa akin nabunton ang sisi?!
Biglang may kumatok muli sa pinto at narinig ang boses ni Cullen doon. Agad akong tumayo at mabilis na lumapit saka ni-lock ang doorknob.
"S-sandali, may i-inaayos lang ako!" nauutal kong sigaw. Takot na takot ako at hindi makapaniwala sa mga nangyayari. Panaginip lang ba ito? Kasi kung oo, please, ayoko na. Gusto ko na magising!
Binalikan ko ang sahig na ngayon ay basa na ng tubig. Nalipat na sa tela ang dugo at wala ng bakas ng anumang pula na makikita kung magagawa mang yumuko ni Cullen. Nagmamadali kong binuhat ang balde at tinapon sa sink ang tubig. Ang basang basahan naman ay nilagay ko sa loob ng shoebox. Tinago ko ang kahon sa ilalim ng lababo at hinugasan ang mga kamay.
At saka lamang ako napahinga nang maluwag nang masigurong malinis na ang sahig at lamesa na kahina-hinala.
Saglit akong tumingala at kinalma ang sarili. Bahala na kung may bakas ng iyak itong mata ko dahil lalo lang magtataka si Cullen sa labas kung hindi ko na agad siya papapasukin.
Dahan-dahan akong naglakad patungo sa pinto. Nang buksan ito ay bumungad ang matikas na postura ni Cullen. Nakasandal siya sa gilid at may bitbit na bag ng laptop sa kaliwang kamay.
"Sorry kung nagtagal, tara pasok," saad ko. Malawak kong binuksan ang pinto at namataan kong sumilay ang inosenteng ngiti sa kanyang labi. Sa puntong ito ay bahagyang gumaan ang pakiramdam ko.
Nang makapasok siya ay muli kong pinasadahan ng tingin ang paligid ng labas nitong apartment. Pabalik-balik ang lingon ko sa kaliwa't kanan ngunit walang bakas ninuman ang makapagpapatunay na mayroong ibang tao.
Kailangan ko na bang ipaalam ito sa awtoridad? Pero paano nila ako papaniwalaan kung may fingerprint na ako sa kutsilyo? Saka wala namang CCTV dito upang makita kung sino talaga ang napunta rito. Holy f-uck.
Kung ipaalam ko ito kila Mama at Papa? Pero paano kung sila pa mismo ang magdemanda sa akin at gawin itong dahilan upang usigin pa ako dahil lamang sa desisyon ko?
Pumikit ako nang mariin at saglit na nagtagis ang mga ngipin. Tumalikod ako at tumungo sa lamesa kung saan ngayon nakaupo si Cullen at sine-set up ang laptop.
"Kumain ka na ba? Miryenda? Gusto mo?" tanong ko. Umupo ako sa tapat niya na para bang walang nangyaring kakaiba kanina.
"Nah, medyo busog pa ako. Ikaw, kumain ka muna bago tayo magsimula."
"Sige, sorry sa abala ha. Nahihirapan kasi talaga ako. Mabuti na lang at nandyan ka."
Marahan siyang umiling at binalewala iyon. Binalikan ko na lamang ang boiler at sinalin sa bowl ang noodles. Tahimik kong ni-prepare ang paghalo ng seasonings nito at naupong muli sa tapat ni Cullen nang matapos.
Ngayon ay nakatitig lamang si Cullen sa kanyang cellphone at may pinapanood doon. Malakas na naka-loudspeak naman ito at base sa tunog nito, tila video tutorial mula sa youtube ang kanyang pinapanood.
"Ano 'yan?" tanong ko habang hinahalo ang ramen. Ni-pause niya ang video at inangat ang tingin sa akin.
"Pinag-aaralan ko ang nasa Zoology Lab. Doon ka medyo naguguluhan, 'di ba?"
Tumango ako. "Oo e, magulo kasi 'yung nasa hand-outs. Sa halip na mas malinawan ako ay mas lalo pa akong nasisiraan ng utak."
Sinimulan ko na lantakan ang ramen at nagmamadali itong inubos. Tinuloy naman niya ang panonood ng tutorial at seryoso ang mga matang nakadaop doon.
Bawat minuto ay lihim akong tumitingin sa ilalim ng lababo, naninigurado na hindi iyon makikita at wala ni anong parte sa kahon ang makikita. Nararapat bang may asahan akong mangyari matapos nito? Ano na lang ang gagawin ko kung may pulis na nagtungo rito at nais akong imbestigahan?
Nang matapos kumain ay saka lamang nagsimula sa pagpapaliwanag ni Cullen. Ngunit ang bawat salita ay parang pumapasok lang sa kanan kong tenga at lumalabas lang sa kaliwa.
Hindi ko maiwasang mabagabag lalo't may kutob ako na baka may mangyayari na higit kong hindi inaasahan! Bakit kaya ganito ang aking pakiramdam?!
"Hey, naintindihan mo ba?"
Natauhan ako nang marinig iyon. Nanlumo ang mga mata ko at marahang umiling.
"Parang hindi ka okay... masama ba ang pakiramdam mo?"
Yumuko ako at hinilot ang sentido. Higit akong nahihirapan sa pag-concentrate ngayon. Lalo akong nawawala sa sarili habang tumatagal. Kung kanina ay medyo okay pa ako, ang konsensya ko ngayon ay mariin akong inuusig!
Ano ba France! Wala ka namang kasalanan, bakit ka naman magdurusa kung sakali? Hindi mo deserve ito!
"O-okay lang ako..." bulong ko at binalik muli ang tingin sa kanya. Pilit akong ngumiti ngunit tila hindi siya naging kumbinsido roon.
Sasabihin ko ba? Pero paano kung hindi niya ako papaniwalaan? Paano kung iisipin niya na ako ang may kasalanan? Paano kung sasama ang tingin niya sa akin?
Hindi ko na nakayanan pa ang bigat. Sunod-sunod na dumaloy ang aking mga luha at hindi na napigil ang agos nito.
Tumayo siya at lumapit sa akin. Naramdaman ko na lang na kinulong niya ako sa kanyang bisig gaya ng ginawa niya noong umiiyak ako sa locker room. Bakit ang bait-bait ng lalaking ito? Bakit pagdating sa problema ay nagagawa niya akong itahan nang ganito? Deserve ko ba ang isang tulad niya? Deserve ko ba magkaroon ng kaibigang tulad niya?
Sa lahat ng nangyari, deserve ko ba talaga sumaya? Kasi kung oo, bakit ako binobomba ng problema? Bakit paulit-ulit? Bakit walang katapusan?
Biglang nag-ring ang aking cellphone. Saglit akong napatingin doon at tumingala kay Cullen.
"Sasagutin ko lang," pagpapaalam ko. Tumango naman siya at tumayo na ako. Nilapitan ko ang maingay na ring ng cellphone at mabilis itong sinagot.
"Hello?"
"Frances? Ikaw ba 'to?" Malakas ang boses ng babae sa kabilang linya. Halatang naiiyak at natataranta. Kumunot ang noo ko at mas humigpit lalo ang pagkakahawak sa cellphone. Si Cullen naman ay tahimik na nagmamasid sa akin.
"O-opo, ako nga. Sino po ito?"
Maingay ang lugar ng nasa kabilang linya, may naririnig akong alingawngaw ng parang ambulansya o pulis kaya bigla akong kinabahan!
"Mommy ito ni L-leila, 'yong k-kaibigan mo..."
Narinig ko ang hagulhol niya matapos sabihin iyon. Sa puntong iyon ay hindi ko napigil ang sarili sa panghihina.
"Bakit po? Ano pong nangyari kay Leila?"
Saglit akong tumingin kay Cullen, tulad ko ay nagugulumihanan din siya at mababakas sa mukha ang pagtataka.
Akma na sana akong maglalakad at uupo sa stool nang bigla akong matigilan sa narinig. Ang natitirang paghinga ay tila ba kinuha sa akin at parang nagsaklob sa akin ang langit at lupa dahil sa sumunod na narinig.
"Tadtad ng s-saksak si Leila at d-dead on the spot na ayon sa mga rescuer..." garalgal kong naririnig bago naputol nang tuluyan ang linya.