Pikit-mata kong itinago sa bulsa ang cellphone. Tuminginala ako at pinigil ang luha sa pagpatak. Nanginginig pa rin ako at tila binarang ang bawat laman sa narinig.
Leila... my friend... just died.
Sunod-sunod ang naging patak ng luha ko habang naglalakad palabas sa apartment. Iniwan ko sa loob si Cullen dahil ayokong makita niya kung gaano ako ka-apektado. My friend just died! Tadtad daw ng saksak! Paano kung accessory sa pagpatay ang kutsilyong nasa akin? Paano kung sa akin mabubunton ang kasalanan?
For f-uck's sake! Para akong pinatay ng higit dalawang beses kung mangyayari nga iyon!
"France!" rinig kong sigaw ni Cullen mula sa aking likod. Nakasunod siya sa akin at hinahabol ang aking hakbang. "What happened?"
"W-wala Cullen," sagot ko at pinalis ang luha. Tuloy pa rin ako sa paglakad at hindi alam kung saan patungo. Basta palayo lang sa kanya dahil ayaw kong nakikita niya akong ganito, paulit-ulit na lang akong umiiyak at nagmumukha na akong kaawa-awa!
Ngunit ilang hakbang pa lang yata ako nang hablutin niya ako at iginiya paharap sa kanya. Ngayon ay nagpatuloy na sa malakas na agos ang mga luha. Humagulhol na ako at humahalo ito sa tunog ng mga sasakyan sa kalsada.
I don't know. I can't understand why fate is abusing me. All I ever did was rebel, a rebel for myself and for my own dreams. Pero bakit ganito? Sa halip na makakamit ng katahimikan, bakit unti-unti akong winawasak? Bakit kailangan kong maghirap? Bakit kailangan kong dumanas nito?
Hinigit ako ni Cullen papasok muli sa gate at doon kinulong ang aking katawan sa kanyang bisig. Lalo akong umiyak sa kanyang ginawa. Lalo kong naramdaman ang sakit, ang lahat ng hinanakit... lahat-lahat.
"Tell me and I would listen," sinsero niyang bulong. His manly scent suddenly sent shivers to my spine as I dwelt for his embrace.
Kung panaginip nga talaga ito, wala na akong ibang hihilingin pa kundi ang magising, ang bumalik muli sa reyalidad at tanging schoolworks lang ang pino-problema. Parang kailan lang noong sarili ko lang ang iniisip ko at nangangarap na para bang hindi ito mangyayari. I already lost my family, bakit pati kaibigan ko pa?
I remembered how Leila came to my life, kung paano ko siya naging sandigan noong senior high school pa lang kami. She's been my witness, lalo na sa mga rants ko, hirap, at iyak noong hindi ko mahanap ang sarili ko gitna ng samu't saring mga problema.
And look at how she consoled me when I couldn't find anyone. Maliban sa isa kong pinsan na si Pat, siya lang ang hindi pumalya na kamustahin ako at alalahanin ang aking sitwasyon dito sa apartment. Walang katumbas ang saya na idinulot niya sa akin. Walang katumbas ang ala-ala na pinagsaluhan namin.
But now, she's gone.
Bumalik lang ako sa ulirat ko nang makabalik uli kami sa apartment. Iginiya ako ni Cullen sa loob saka inalalayan ako sa paglakad. Nang makaupo sa stool, inabutan niya ako ng isang baso ng tubig at inutusang inumin iyon.
Nag-isip ako nang mabuti kung nararapat bang sabihin kay Cullen ang lahat. Dahil sa totoo lang, kung kikimkimin ko lang ito at sasarilinin, baka lalong hindi ko kayanin.
Noon malakas pa ako para harapin ang mga bagay na nagpapahirap sa akin. Pero ito? Nagkakanda-kuba-kuba na ako. Lalo akong nahihirapan kahit na iisipin pa lang.
Pumirmi ang titig sa akin ni Cullen habang iniinom ko ang tubig. Hindi naaalis ang bahid ng pag-aalala sa kanyang mga mata at prominente ang hindi mawala-walang sinseridad. He looks so innocent as he stares at me and his arms are above the table, clasping.
Huminga ako nang malalim. Parang tambol na kumakabog ang puso ko. If I tell him everything, magbabago kaya ang tingin niya sa akin? Iisipin kaya niyang nagsisinungaling ako?
"Pakiusap, maniwala ka sa mga sasabihin ko Cullen," nanginginig kong sabi. My chest is squeezing tightly and I can't help but calm myself from this pain.
Tumango siya at inabot ang aking kamay. With concerned and smooth voice, he answered. "I promise. Just tell me and I'll try my best to help."
Muling rumehistro sa akin ang ibinalita ng Mommy ni Leila. It really feels so surreal. Parang kailan lang noong nag-text sa akin si Leila at sinabing nakauwi na siya. Parang kailan lang noong tumungo siya sa fast food resto at humingi ng tawad sa akin.
"Tumawag sa akin ang mommy ni Lei, dead on the spot na daw si Leila at..." Huminto ako hinawi ang luha. "...tadtad ng saksak."
Nilayo ko ang kamay sa kanya. My knees suddenly trembled. Every piece of me is now at the verge of breaking. Gusto ko na maglaho sa mundong ito at takasan na lahat ng problemang ito!
"You know what worried me more Cullen? May nag-iwan ng shoebox sa harap ng pinto ko kanina at may lamang kutsilyo.... nababalot ng dugo."
Tumayo ako mula sa stool at tumungo sa direksyon ng lababo. Yumuko ako at nanginginig na hinawi ang mini curtain. Nang mahawakan ang shoe box, isang tarak ng kirot ang yumapos sa aking puso.
Dahan-dahan ko itong dinala sa mesa, pinatong ko ito sa harap niya at maingat na binuksan.
"Hindi ko alam kung ano ang motibo nito. Bakit naman sa akin pa iniwan ito? Ano sa tingin mo?"
Natahimik sa mahabang segundo si Cullen, pumirmi ang kanyang titig sa kutsilyo at sa basahan.
Nagpatuloy ako. "Namatay sa saksak si Leila. Hindi malabong iyan din ang kutsilyong kumitil sa buhay ng k-kaibigan k-ko." Nabasag ang boses ko at sinapo ng nanghihinang palad ang mukha. Oh God. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung hahayaan kong ako ang maakusahan at hindi mahuhuli ang totoong pumatay!
Wrong verdict is not justice at all. Hindi lang katarungan para kay Leila ang nakasalalay dito.
Dahil kung sakali man, nakasalalay na rin ang akin!
Malutong na nagmura si Cullen at inangat na ang tingin sa akin. Napapikit ako sa kabang hatid ng kanyang tingin.
"I do believe you, France. At hindi na bago ang pangyayaring ito," he said. Dumilat ako at natatakot na itinutok ang mga mata sa kanya.
Right, he was a law student. To think na marami na siyang mga nabasang cases noong nag-aaral pa siya, hindi malabong matatantya niya kung ano ang maaaring mangyari!
"Have you touched the knife?" he asked. Tumango ako. Namilog ang kanyang bibig nang makita ang sagot ko.
"Ang t-tanga ko. Nawala na kasi ako sa sarili noong makakita ako ng dugo. Kung agad lang na pumasok sa isip ko ang nararapat gawin, sana ay naiwasan kong mag-iwan ng fingerprint."
"Most of the time, the real suspect is clever. Hindi natin pwedeng sisihin kung sino ang makapagsasabi sa pulis na nasa 'yo ang kutsilyong nagamit. They may know a bit from that but villains aren't that stupid to let themselves expose."
Marahan akong tumango.
"May natatanggap ka na bang text o tawag? Something that you find suspicious?"
Agad na nabuhayan ang utak ko. Mabilis kong kinuha ang cellphone ko at ipinakita sa kanya ang mga text ng unregistered number.
Nagtagal ang mga mata niya sa screen ng phone ko. Sinusuri ang bawat mensahe na naroon at ang mga kilay ay magkasalubong. Ang mga text na iyon ay talagang kahina-hinala. Maaaring may alam siya sa kung sino ang may kagagawan nito at may nalalaman sa takbo ng bawat pangyayari ngayon. Paano kung siya pala ang puno't dulo nito?
"F-uck?!" mura ni Cullen, dahan-dahan niyang inangat ang tingin sa akin at naroon ang mga matang nagtataka. "Sino ang lalaking tinutukoy dito?"
"Ikaw. Kasama kita noon sa grocery store nang maitext sa akin 'yan. Naalala mo ba noon nang nasa tapat tayo ng noodles section? Iyan ang natanggap kong mensage at hindi ako makapaniwalang iyan ang nabasa ko."
"No. Don't believe this. Hindi ko masasabing masama ang taong ito lalo't sinasabi niya na pino-protekatahan ka niya. Pero huwag kang papalinlang. Huwag ka agad maniniwala nang walang pruweba."
"Should I tell this to the police?"
Natahimik siya. At natigil na para bang ang lahat ay hindi tama.
Ilang segundo ang hinayaan niyang lumipas at saka umiling.
"Hindi sa lahat ng pagkakataon ay pulis ang kakampi."
Napipi ako. Nag-iisip kung maniniwala ba o hindi. Justice system here in the Philippines is a mess. At may punto siya dahil iyon naman ang katotohanan.
"If they get some evidences from you, we never know it, they may twist these s-hits and make you suffer until you get tired of fighting," pagpapatuloy niya.
"Ano nang gagawin ko kung ganoon?"
"For now, let's clarify everything first. Kung sakali mang ikaw na ang tinuturong suspek, maybe it's time for you to get your lawyer and help you defend from this damned accusations."
Pinag-isipan ko iyon nang mabuti. Pero paano? Sasabihin ko ba kila Mama at Papa ang tungkol dito? Hihingi na ba ako ng tulong? Ibababa ko na ba ang pride ko?
Justice for me and for Leila is now at stake. Kung hahayaan kong magpalamon sa sarili kong pride, ako lang din ang mahihirapan.
Nag-ring ang cellphone. Sabay na dumaop ang mga mata namin doon. Huminga ako nang malalim at kinakabahan itong sinagot.
"Hello?"
"France." Boses iyon ng mommy ni Leila. "Nandito ako sa labas ng apartment mo ngayon. Pwede ba tayong mag-usap?"
"S-sige po, lalabas na," sagot ko. Nang ibaba iyon ay mabilis na dumapo ang atensyon ko kay Cullen. Huminga ako nang malalim at nakiusap sa kanya.
"Nasa labas ang mommy ni Leila, kakausapin daw ako. Sana atin-atin lang ang napag-usapan natin ha?"
Marahan siyang tumango, giving me that assurance that he would never tell anyone. Ngayong wala na si Leila, alam kong siya na lang aasahan ko.
Siya na lang ang mapagsasabihan ko.
Tinakpan kong muli ang shoebox at binalik sa ilalim ng lababo. Si Cullen naman ay mananatili rito sa loob at hihintayin akong bumalik. I really need his advice. Hindi na dapat ako padalos-dalos ng desisyon ngayon.
Inayos ko muna ang sarili ko sa harap ng salamin. Saka lamang ako lumabas at iniwan sa loob si Cullen na abala ngayon sa laptop. Humigop ako ng malalim na hininga.
Ang bawag hakbang ay may kalakip na kaba. Ano kayang pag-uusapan namin ni Tita? Kung nagsisimula na nga ang imbestigasyon, willing ako magsabi ng totoo dahil wala naman talaga akong kinalaman sa kamatayan ng anak niya.
Nakita kong nakatayo sa harap ng gate ang mommy ni Leila. May kotse sa tabi at naroon sa loob ang asawa. Nang makalapit ako ay mas naging malinaw ang pamumugto ng kanyang mga mata.
"Dito na lang tayo mag-usap dahil nagmamadali na rin ako hija," mahinahon at pilit ang pagiging kalmado ng kanyang boses.
Sumang-ayon ako at tumango. I know she noticed how broke I am. Ni hindi pa rin matanggap na wala na talaga si Leila. Parang kailan lang noong nagtatawaman kami, ngayon ay hindi na mauulit. How would I replace a friend such as her? Paano ako makakahanap uli ng kaibigan na hindi ako huhusgahan sa kung ano ako ngayon?
Leila, wherever you are, please guide me. I'll help you claim your justice...
"Sa kwarto ang crime scene, natagpuan siyang duguan at tinutukoy kung ilan ang saksak na natamo, pero base sa nakita ko kanina, marami iyon at halos hindi ko na makilala ang mukha niya dahil sa brutal na pagkakasaksak doon." Humagulhol siya. Sa puntong iyon ay lumabas na mula sa kotse si Tito at dinaluhan ito.
Nahabag ako sa aking nakita. Seeing them broke like this reminded me of my parents. Ganito rin kaya sila kung sa akin iyon nangyari? If I happened to die in no time, would they mourn and tell the heavens they were sorry? Kailan pa? Kung patay na ako? Kung kailan wala na ako? Kung kailan hindi ko na maririnig ang lahat ng iyon?
It's been a month and a couple of weeks since I left them. Magawa ko mang mangulila sa kanila, batid kong wala na silang pakialam sa akin.
"I don't know how to react from this France but I saw a note on her table. At ito ang nakasulat."
May kinuha siya sa kanyang bulsa at inabot sa akin ito. Binuklat ko ito at lumatay sa akin ang pangingilabot nang makita ito.
Nakahati sa gitna ang yellow paper. May talsik ng dugo ang bawat sulok nito at mismong dugo ang ginamit upang makabuo ng isang salita na labis ang pagtataka na idinulot sa akin:
'Paris'