Chapter 18

2108 Words
  'Paris'   Knowing na capital iyon ng bansang France at doon din inspired ang pangalan ko, hindi nakapagtataka kung bakit ako ang unang naisip ng magulang ni Leila.   Papa's name is Francis. Isang letra lang ang pinagkaiba ngunit ayon kay Mama, dream country daw talaga niya ang France. Nagkasundo sila noon ni Papa sa pangalan ko at hindi naman big deal ang desisyong iyon. But now? With that word 'paris' being involved in a crime, nagsitaasan ang mga balahibo ko sa kilabot.   Nagtagal ang titig ko sa papel. Kung dugo nga at dugo ni Leila ang ginamit para mabuo ang salitang ito, hindi ko mapapatawad ang may kagagawan nito! What the hell?!   Nanginginig kong binalik ang papel kay Tita. She's still trembling while her hands are being caressed by her husband. Binasa ko ang nanunuyo kong labi at hinawi ang namumuong luha sa mga mata.   I knew it. Gumagawa ng misteryo ang suspek at hindi na mahirap para sa akin upang matukoy na idinadawit nila ako. Should I talk to my parents about this? Should I tell them about this? Maybe it's time. Kailangan ko na ng tulong nila.   "I'm sorry kung madadamay ka but I think, isasabak ka para mas lumalim pa ang imbestigasyon." Huminto ang mommy ni Leila at humihop ng hangin. "I am hoping for your cooperation. Thank you."   Tumango ako bilang pagsang-ayon. Dahan-dahan silang bumalik sa sasakyan hanggang sa namalayan kong nakatayo na lamang ako rito at naiwang nakatulala. Iniisip kung paano mare-resolba ang bagay na ito lalo't una pa lang, nadadawit na ako.   Bumalik ako sa loob ng apartment. Nakaupo pa rin sa stool si Cullen at ang mga mata ay nakatuon na sa akin. Sinara ko ang pinto at dahan-dahang lumapit.   Nanghihina man, sinabi ko sa kanya kung ano ang ipinakita sa akin ni Tita. Torn yellow paper. Blood shots. Paris. Hindi siya nakaimik sa kung ano man ang nasabi ko at pinanatili ang mahabang katahimikan.   "We just really have to wait. Hindi natin sigurado kung sa'yo nga associated ang salita. But if those were meant for you, maaring ikaw na ang pinupuntirya."   "Ibig sabihin, may posibilidad na ginamit lang si Leila ngunit sa akin ang tunay na tirada?"   Tumango siya. Nawasak ang puso ko. Kung ganoon nga ang motibo ng suspek, ang kapal ng mukha niya para gamitin ang buhay ng kaibigan ko! Nanghihina ako sa naiisip ko. Hindi ko mapapatawad ang may pasimuno nito!   "Someone out there might be that mad. Wala ka bang kagalit o nagawang mali sa nakaraan?" tanong niya.   Anumang ala-ala ang gawin ko, walang mapipiga ang aking utak. I've been so good to anyone. Naging disente naman akong tao maliban sa kagagahan na ginawa ko sa mga magulang ko.   "Paano kung may kinalaman ito sa mga kalaban ng magulang ko? They are both lawyers..." mahina akong saad.   "Kaya mo na ba silang kausapin kung sakali?"   Yumuko ako. Kaya ko na nga ba silang gambalain?   Hindi ko inakalang darating ang araw na ito, ang maisip na babalik sa kanila at humingi ng tulong. Ngayon pa lang ay alam ko na ang sasabihin nila sa akin sa oras na bumalik ako sa bahay. Matapos ko silang layasan ay babalik ako nang may dalang problema? Siguro problema na nga lang talaga ang idinudulot ko. Walang pakinabang. Walang kwenta. Na piniling lumaban para sa pangarap ngunit uuwing hindi mabuhat-buhat sa likod ang mga pasanin.   If I was born to create conflicts, bakit pa ako ipinanganak?   Hindi na namin naituloy ni Cullen ang pagrereview. Nawala na kasi ako sa sarili at batid kong masasayang lang kung pipilitin namin. Nahihirapan na akong mag-concentrate. Paulit-ulit ang rewind sa aking isipan. Hindi ko pa rin matanggap na wala na nga talaga si Leila. Ang hirap tanggapin ng kamatayan niyang hindi pa nalalapatan ng katarungan.   Buong gabi akong dilat at iniisip kung ano ang mga gagawin bukas. Papasok pa ba ako? Tutuloy kaya ako sa trabaho? Kakausapin ko ba muna sila Mama?   Nag-text sa akin ang Mommy ni Leila, sa isang araw daw ang burol at sa araw na mismo iyon magsisimula ang imbestigasyon. Isasalang daw ako sa tanong ng mga investigators at aalamin kung ano ang maaaring lead kung bakit humantong sa ganoon ang kamatayan ni Leila.   Kaya naman, nang mapagdesisyunan kong pumasok sa school, ang mga kaklase ko ay hindi makapaniwala. Mabilis na kumalat ang balita at maraming lumapit sa akin upang magtanong. Minsan ay napapalingon na lang ako kay Cullen sa likuran at nagmamasid lang siya sa akin. Kapag ganoong nagtatama ang aming mga mata, pilit akong ngumingiti at ina-assure na kakayanin ko ito.   Hindi ko mapigilang maluha sa tuwing nalilingon ako sa bakanteng upuan ni Leila. May nakasindi roong kandila at may ilang mga letter na ginawa ng aking mga kaklase. May pagkakataong humagulhol ako kahit na may prof sa harapan, marami rin sa mga kaklase ko ang naging ganito lalo't biglaan, hindi kailanman inaasahan.   Nang matapos ang huling klase, ang matangkad na imahe ni Cullen ang namataan kong naglalakad palapit sa aking upuan. Saglit akong yumuko upang pawiin ang luha at ngumiti sa kanya.   Inabutan niya ako ng panyo. Kinuha ko iyon at nagpasalamat.   "Salamat at nandyan ka," saad ko habang sinusukbit sa balikat ang bag. Huminga ako nang malalim at tinuon ang pansin sa kanya. "Siguro aabsent muna ako. Pakisabi na lang kay manager."   "Uuwi ka muna sa inyo?" tanong niya. Tumango ako roon at umayos ng tindig. Sabay kaming naglakad palabas at binalewala ang tingin ng mga tao.   "Hihingi ako ng tulong kila Papa. Magbabakasakali lang."   "Good. Ihahatid kita sa inyo, ituro mo lang ang daan." Saglit na sumiklab ang katahimikan ngunit agad din naman siyang nagpatuloy. "Can I get your number? Para kung sakali mang kailangan mo ng tulong ko ay matatawagan mo ako. Hindi kasi ako madalas online."   Saka ko lang naibigay sa kanya ang numero nang makarating na kami sa sasakyan. Sinabi ko kung saan gawi matatagpuan ang tahanan namin at pamilyar naman daw siya sa trademark na sinabi ko.   Naging tahimik kami sa mga sumunod na tagpo.  Sa puntong iyon ay muling rumihistro sa akin kung ano ang mangyayari kung sakali mang makakausap ko ang aking magulang. Tutulungan kaya nila akong maresolba ito? Tutulong kaya sila sa imbestigasyon? Kung sakali mang tatanggapin nila ang paunlak ko, malaking tulong na sa akin iyon. Gusto ko lang naman matapos ito at magdalamhati lang sa pagkamatay ng kaibigan ko. Ang hirap nang sabay-sabay.   "Sa gilid na lang," wika ko at tinuro kung saan siya hihinto. Unti-unting bumagal ang sasakyan at huminto sa gilid kung saan ilang lakad na lang mula sa aming gate. "Maraming salamat..."   "Just text me if you need some help," malamig niyang sabi. Ngumiti ako sa huling pagkakataon at bumaba.   Pinagmasdan ko ang paglayo ng sasakyan. Saka lamang ako naglakad nang mawala na ito sa aking paningin. Tangan ang kaba ay ginawaran ko ng tingin ang aming bahay, sa hindi malamang dahilan ay namutawi sa akin ang pangungulila.   This home... I really miss my home.   Parang kailan lang. Ang saya ko pa noon dito, hindi ganito ang iniisip at malayo sa reyalidad ang pangarap nang gising. Natandaan ko kung gaano ako kasabik noon sa pagtanda at maging independent, ngayon ay tila natauhan ako. Kung maibabalik ko lang ang panahon ay hindi ako magdadalawang-isip na sulitin ang bawat araw.   Nang matapat sa gate ay muli akong huminga nang malalim. Kumatok ako sa gate gaya ng ginagawa ko noon kapag late na umuuwi.   Dahan-dahang bumukas ang gate, bumungad sa akin ang guard na alam kong bago at hindi pamilyar sa akin.   "Anong sadya miss?" seryoso niyang tanong. Pilit akong ngumiti.   "Uh, ako si Frances Jane Abella, anak ako ng may-ari nitong bahay, kakausapin ko lang sana sina Papa—" pinutol niya ang aking sinasabi.   "Sorry, kung ikaw nga ang tinutukoy niyang anak, mahigpit nilang bilin sa amin na huwag ka raw namin papapasukin."   Napakurap-kurap ako. Tama ba ang narinig ko?   Unti-unting naglaho ang pilit kong ngiti. Nabahala ako lalo't hindi dapat ganito ang trato nila sa sarili nilang anak!   "Please kuya, kailangan ko talaga silang makausap. Importante lang ito, kahit saglit lang."   Dahan-dahan siyang umiling, dahilan kung bakit sa pagkakataong ito, tuluyan na namang rumagasa ang luha ko.   "Ginagawa lang namin ang trabaho namin. Pasensya na."   Sa pagsara ng gate, para akong sinampal ng reyalidad. Ginising ako sa katotohanang hindi na ako matatanggap ng sarili kong pamilya at wala na silang pakialam kung anuman ang mangyayari sa akin.   Hindi ako makapaniwala.   Nanghina ang mga tuhod ko. Napaupo ako at walang lakas na nalunod sa sariling luha. If they would let me suffer from this pain, God, ano pang magagawa ko? Ano pang lakas ang maibubuhos ko? Si Cullen na lang ang natitira sa akin. Wala na si Leila. Tila pinatay na rin ako ng pamilya ko. Saan pa ako hahagilap ng pag-asa kung wala na silang pakialam sa akin?   Nangarap lang naman ako pero bakit ang sakit-sakit mangarap?   Biglang nag-vibrate ang aking cellphone sa bag. Pinalis ko kaagad ang aking luha at tumayo nang maayos. Hindi ko namalayang marami palang nakakakita sa akin dito sa tabi ng kalsada, nagmumukha akong ewan.   Nang makuha sa loob ng bag, isang text mula sa unregistered number ang muling nagpakaba sa akin. My God! Heto na naman.   Unregistered number: Be careful.   Tinitigan ko nang mabuti ang bawat salita. Ito rin ang numerong nagtext sa akin dati.   Mabuti na lang at may natitira pa akong pantext. Hindi ako nag-alinlangang replyan ito.   Ako: Magpakita ka sa akin. Alam kong may nalalaman ka.   Unregistered number: Not now.   Ako: Kung talagang totoo ang sinabi mo na ikaw ang "guard" ko, patunayan mo. I'm feeling unsafe now. Magulo na ang buhay ko. Huwag mo na ako lalong guluhin.   Ako: Please...   Ilang minuto kong hinintay ang sagot niya ngunit wala na akong nakuha pa roon.   Tinext ko na lang si Cullen. Sinabi ko kung ano ang nangyari. Nag-commute na rin ako pagkatapos at hindi na naghintay sa kanyang reply. Panigurado akong busy iyon sa trabaho.   Ilang minuto bago ko narating ang apartment. Papasok na sana ako sa tarangkahan nang makasalubong ang umiiyak na anak ng landlady, si Loisa.   "A-ate! Tulong!" Humahangos siya patakbo sa akin. Pawisan siya at hindi mapakali. Kumunot ang noo ko nang tuluyan siyang makalapit sa akin.   "Si Nanay! W-wala na siyang b-buhay sa k-kwarto n-niya..."   Nanlaki ang mga mata ko at lumingon sa kabilang kalsada kung saan matatagpuan ang tinutuluyan nila. Para akong nalagutan ng hininga sa narinig.   "Mabuti na lang at dumating ka ate, may pantawag ka ba? Tumawag na tayo ng ambulansya!"   Mabilis kong hinagilap ang aking cellphone at tumawag sa numerong sinabi niya. Nang sumagot ang kabilang linya ay hinayaan kong si Loisa na ang kumausap. Nang matapos ay inaya niya akong tingnan mismo kung ano ang kanyang natagpuan.   Sumunod ako sa kanya sa kabilang bakod at humahangos na tumungo sa kanilang bahay.   "Hindi ako makapaniwala sa nakita ko ate. Tadtad ng saksak si Nanay..." umiiyak niyang sabi. Tila nabingi na ako dahil naghalo-halo na bigla ang emosyon ko.   Deretso kaagad kami sa kwarto ng landlady at nang nakapasok, nakaririmarim na tagpo ang aking nakita.   Napapikit ako sa bumungad sa akin. Ngayon ay lumakas na ang iyak ni Loisa at napaluhod sa sahig.   Ngayon lang ako nakakita ng ganito sa buong buhay ko...   Brutal ang pagkakasaksak, duguan ang nakahandusay na katawan ng landlady at wala na talagang buhay.   Napapikit ako.   Hindi ako makapaniwalang nakakakita ako ng ganito.   Ilang sandali pa, narinig na namin ang maingay na sirena ng ambulansya sa labas. Sinamahan kong lumabas si Loisa at ginawaran siya ng yakap.   Walang hiya. Kung sino man ang may kagagawan nito, walang awa!   Paano nagagawang pumatay ng tao? Anong konsensya pa ang natitira kapag nagagawa ito? Bakit ganoon na lang ang lakas ng loob nilang gawin iyon? Sa nakita ko, hindi biro kung paano namatay ang nanay ni Loisa, kahit ako ay hindi makapaniwala.   Siniguro kong nahimasmasan na siya bago dumalo ang iba niyang kamag-anak sa kanya. Ilang minuto pa akong nanatili roon at pinagmasdan kung paano pinasok sa loob ng ambulansya ang walang buhay na katawan ng aming landlady.   Huminga ako nang malalim. Ang bilis ng bawat pangyayari. Bakit sunod-sunod na lang ang mga namamatay? Bakit puro saksak ang dahilan? Sino kaya ang may kagagawan nito?   Nagpaalam muna ako kay Loisa habang naghihintay sya ng pulis na magtatanong sa kanya. Sinamahan lang siya ng kamag-anak niya roon at nagsimula na akong maglakad pabalik sa aking apartment.   Naningkit ang mga mata ko nang mapansing hindi nakalock ang doorknob ng pinto. Sa pagkakatanda ko ay hindi ko iniiwang naka-lock ito ah.   Pinihit ko ito at dahan-dahang tinulak. Subalit sa pagdapo ng tingin ko sa loob, ang nagtataka kong ekspresyon ay muling binuhusan ng takot.   Yumuko ako at nanghinang muli ang mga tuhod. Pinagmasdan nang mabuti kung totoo ba ang nakikita ko.   Dugo...   Kutsilyo...   Nagkalat ito sa sahig na malapit lamang sa stool at sa mesa. Para akong pinatay ng maraming beses lalo na nang makita ang nakasulat na note sa ibabaw ng lamesa. Wala itong ipinagkaiba sa ipinakita sa akin ng mommy ni Leila kahapon kundi ang pagiging sariwa ng dugo na ginamit upang mabuo ang mga salita:   'YOU, PARIS'    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD