Chapter 19

2029 Words
  Nanginginig kong hinagilap ang cellphone sa bag at tinawagan si Cullen. Ilang ring ang aking narinig ngunit sa paglipas ng mga minuto, hindi niya nagagawang sumagot sa aking tawag.   Please Cullen, kailangan ko ng tulong mo...   Hindi ko mawari kung bakit nangyayari sa akin ito. Kamamatay lang ni Leila tapos ay may sasambulat na ganito. Kung walang awang pinatay ang kaibigan ko, wala ring kalaban-laban ang landlady namin ayon sa saksak na natamo nito. Tapos ganito? Ganito ang bubungad sa akin? Pangalawa na ito at alam kong iisa lang ang may gawa nito kay Leila at sa landlady!   Isa pang tawag ang ginawa ko ngunit hindi talaga nasasagot ni Cullen. Huminga ako nang malalim at natatakot na pinagmamasdan ang mga dugong nagkalat sa sahig at ang kutsilyong sariwa pa mula sa pagkakagamit. Oh God, demonyo nga talaga ang may gawa nito!   Sa takot ko ay pinicturan ko ang bawat nakikita ko. Mula sa kutsilyo hanggang sa mga dugong nagkawatak-watak. Isinima ko rin ang papel kung saan may nakasulat na 'YOU, PARIS', wala akong hinawakan ni isa sa mga iyon dahil natuto na ako!   Muli ko sanang tatawagan si Cullen ngunit nag-text ang unregistered number. Lalong bumilis ang tahip ng puso ko habang nakatitig sa kanyang mensahe.   Unregistered Number: Knife and blood inside your apartment are traps. Don't ever call for police if you want to stay alive.   Unregistered Number: Paris, you're a killer.   Nabagsak ko sa sahig ang cellphone. Natulala ako at impit na humikbi. Ano ba talaga ang motibo na at nagagawa sa akin ito?   Tama ako, may kinalaman nga ang tao sa likod ng numerong iyon!   Suminghap ako at hindi na nagdalawang-isip na tumungo sa banyo. Humablot ako ng tela sa sink at nilublob ito sa balde. Nagmamadali kong kinuha ang shoe box at nakitang naroon pa rin ang kutsilyong itinago noon.   Tumakbo ako patungo sa gawing stool at pinulot ang bagong kutsilyo. Mas mahaba ito kaysa sa nauna at hindi tulad ng isa, mas balot ito ng dugo!   Nilublob ko sa baldeng puno ng tubig ang kutsilyo at hinugasan ito. Ang kaninang malinaw na likido ay nagkulay-dugo, naiiyak kong tiniis ang amoy dahil malansa ang nanunuot sa aking ilong.   Sinunod kong nilampaso ang sahig. Ilang minuto ko itong ginawa hanggang sa mawalan na ito ng bakas ng kahit ano.   Ano ba ang nagawa kong kasalanan at nangyayari ito? Hindi naman ako naging masama sa kahit na sino, naging marangal naman ako. Ni minsan sa buhay ko ay hindi ko nagawang maging kriminal. Pero ngayon, ngayong sadlak na sa kaguluhan ang lahat, ang nagagawa kong ilihim ay nagmukha nang isang krimen!   Kung bangungot lang ito, I wish someone would came and wake me up. Ang dami-dami ko pang nais matupad sa buhay ko, ayaw ko ng ganito!   Nang maayos na ang lahat, muli kong itinago sa ilalim ng lababo ang shoe box. Kukunin ko na rin sana ang cellphone ko nang biglang may kumatok sa pinto. Bumilis ang tahip ng dibdib ko at ang kabang namumutawi kanina ay lalong lumala.   How could I overcome this?   "S-sino 'yan?" nabasag ang boses ko. Hinablot ko ang punit na papel at inilipat sa ibabaw ng shoebox.   "This is Cullen! Please France, let me in!"   Humangos ako sa pinto at mabilis siyang pinagbuksan. Hingal na hingal siya at pawisan kaya agad kong ni-lock ang pinto.   "Anong nangyari?"   Umupo si Cullen sa aking higaan at pinipilit ikalma ang sarili. Mabilis ang taas-baba ng kanyang balikat at mahahalata ang takot sa kanyang mga mata.   "I can't believe what I saw in my condo, France. May kutsilyo sa kama ko at may bahid ng dugo ang bedsheet ko..." bulong niya na ikinalaki ng mga mata ko.   Hindi ako makapaniwala na nangyayari sa amin ito!   Umupo ako sa tabi niya at humagulhol. Ikinuwento ko rin sa kanya kung ano ang bumungad sa akin nang makapasok ako rito at inilahad na malaki ang kinalaman nito sa kamatayan ng landlady.   "Anong ginawa mo sa kusilyo at sa bedsheet mo? May note ka rin bang nakuha?"   Umiling siya, bahagya na siyang kumalma ngayon kumpara kanina. "May natanggap akong threat sa text. Sinasabi na lumayo raw ako sa'yo kung ayaw kong madamay."   Iniabot niya sa akin ang phone at pinabasa ang mismong mensahe. Doon ko rin napagtanto na ang unregistered number na misteryoso sa akin at ang numerong nag-text nito sa kanya ay iisa.   May luha pa pala ako. Paanong mapipigil kung ganito ang mapagtatanto ko? Ngayon ay napagtatagpi-tagpi ko na ang mga nangyayari— ako nga talaga ang pinupuntirya ng may pasimuno nito.   Naluluha man, pinigil ko ang sarili kahit na mahirap. Nanghihina kong binalik kay Cullen ang kanyang cellphone at muling humagulhol.   Life has never been this harsh. Sa simple kong paglayas noon sa amin, batid kong mula roon ay may namamataan pa akong pag-asa. Kaya pa bang ibalik ang buhay ni Leila? Maibabalik pa kaya ang buhay ng landlady? Maaari bang patahimikin na ako at hayaan na lang mabuhay nang mapayapa? Hirap na hirap na ako. Mukhang hindi ko na makakaya.   "I touched the knife and disposed it along with my tainted bedsheets. W-wala tayong laban sa ngayon France. Ang tangi lang nating magagawa ay manahimik kung ayaw nating lumala ang lahat."   "G-ganito? Hanggang ganito na lang tayo? We both know that we're innocents. Kung mananatili tayong ganito, tayo ang talo."   "Lumalaban pa rin ang pagiging tahimik. If we're vocal and we'd fight using our voice, verdicts will sue us with it's twisted power. Baka nakakalimutan mong baluktot ang hustisya rito."   Napipi ako. Tama siya. Kung lalaban agad kami nang ito lang ang tanging tangan, alam kong may inihanda ang taong iyon sakali mang makipagbuno kami. My parents just abandoned me. Cullen lost his family. Ano nga ba ang magiging laban namin kung kami-kami lang ang magtutulungan?   With no money to spoil, anong laban namin kung malakas ang kapangyarihan ng tao sa likod ng lahat nito?   "Ano nang gagawin natin?" nanginginig kong tanong habang ang mga kamay ay nakapatong sa hita. Umiling siya.   "Napaisip lang ako. Kung may namatay nang may nakita kang kutsilyo't dugo rito, sino naman kaya ang pinatay gamit ang kutsilyong nasa condo ko?"   Nagtagis ang mga bagang ko. Pumirmi nang matagal ang tingin ko sa kanya at pinalis ang mga luha. "Pasensya na kung nadamay ka, Cullen."   Ganoon nga ba talaga ang galit sa akin ng may kagagawa nito? Pero bakit? Anong ginawa ko? Saan ako nagkamali?   Hinigit ako ni Cullen at ginawaran ng mahigpit na yakap. Sa pagkakataong iyon, lalo pang dumaloy sa pisngi ko ang aking mga luha, gaya ng nangyayari sa akin sa tuwing kalong niya ako sa kanyang bisig.   "I don't mind if I get in trouble just because of you. Magulo na ang buhay ko noon at ayaw kong mas gumulo pa ang buhay mo kaysa sa kung ano man ang naranasan ko. Dadamayan kita hangga't narito ako."   This man with his pure heart. I can't almost believe that I have him. Nadamay na siya sa kabulastugang nagaganap ngayon pero iniisip pa rin ako sa kabila nito.   "Huwag mo akong iiwan ha, ikaw na lang ang meron ako," bulong ko. Hinagod niya ang buhok ko at pinadamang kahit papano, may handa paring dumamay sa akin.   "I won't let you feel alone. Not anymore," he said hoarsely.   Nanatiling ganoon ang posisyon namin hanggang sa mahimasmasan ako. Namumutawi ang ingay ng ambulansya at pulis sa kabilang bakod para sa imbestigasyon ng kamatayan ng landlady. Hindi na ako lumabas. Nanatili na lang din dito sa loob si Cullen. Kapwa namin hinihintay ang text mula sa unregistered number upang makasagap pa ng kung anong lead at nang sa gayon ay mas mapalalim pa ang nalalaman namin sa likod ng nangyayari.   Dito na rin kami naghapunan ni Cullen at nanatili pa siya hanggang sa sumapit na ang alas diyes ng gabi. Maya-maya'y nagpaalam na rin siya at nangako na susunduin ako upang tumungo sa burol ni Leila.   Posible kayang naroon din bukas ang pumatay kay Leila? Natatakot ako sa mga posibilidad ngunit kailangan ko rin sumailalim sa imbestigasyon. Kailangan kong patunayan na wala akong kinalaman lalo't hindi naman ako ang huli niyang kasama.   Pipikit na sana ako nang biglang pumasok sa isip ko ang isang lalaki na manliligaw daw di umano ni Leila. Hindi ko masyadong tanda ang itsura niya pero kailangan niya rin sumailalim sa pulis.   Pero...   Kung may kinalaman nga ang lalaking iyon sa kamatayan ni Leila, posible kayang may galit siya sa amin? Partikular na sa akin? Pero paano? Parang ang labo.   Kinabukasan, napagdesisyunan kong hindi pumasok sa school. Hinayaan kong magpahinga ang sarili at saka na lang hahabol kapag okay na ang lahat at maibabalik na ako sa huwisyo. Wala rin naman kasi kung papasok ako at sa ibang bagay lilipad ang isip.   Nakiramay na lang ako kina Loisa sa burol ng landlady. On going pa rin daw ang imbestigasyon at inaalam pa rin ang motibo sa pagpatay ng suspek. Nanahimik na lang ako sa mga sandaling naroon ako at wala ni isang sinabi. Total wala rin namang nagtanong, mas okay na ang maging safe.   Nang sumapit ang hapon, kinakabahan man ay pinili ko na pumasok sa trabaho. Sumalubong sa akin si Kathleen na natutuwa sa presensya ko. Humingi rin ako ng tawad kay manager lalo't marami raw palang customers kahapon at kulang sila sa tao.   Maya-maya'y dumating na rin si Cullen. Hindi kami gaanong nakapag-usap dahil sumabak na agad kami sa trabaho. Kapag minsang magtatama ang aming tingin, tatango na lang siya at magfo-focus na ulit sa ginagawa.   Walang alam ang mga workmates ko sa nangyari at wala rin akong balak na sabihin. Idinahilan ko kay Kathleen na nagkasakit lang ako at agad din naman niyang pinaniwalaan. Pagod na akong magpaliwanag pa at alalahanin kung ano man ang problema sa nagdaan. Ilang luha na ang nairaos ko, ayoko nang dagdagan.   Ngunit hindi ko maiwasang mangamba habang nasa shift ako at nakatayo lamang sa counter. Bawat tao sa pila ay pinag-iisipan ko ng kung ano-ano dahil baka may posibilidad na naging customer dito ang suspek.   Apat na oras ang itinagal ng trabaho namin. Kaagad kong nilapitan si Cullen nang matapos at sumunod sa kanya sa parking lot.   "Samahan mo ako sa burol ni Leila ha?" saad ko. Tumango naman siya at pagod na ngumiti. Pinagbuksan niya ako ng pinto at iginiya sa passenger's seat. Nagpasalamat ako.   Nang makapasok na rin siya at nagsimulang magmaneho, namutawi sa pagitan namin ang katahimikan. Tahimik lamang akong nakasandal sa bintana at nagmamasid sa mga sidewalk.   Kapag nakakakita ako ng mga taong nakangiti at tila walang pinoproblema, hindi ko mapigilang mainggit. There they are, lucky enough. Maswerte dahil hindi nila nararanasan ang buhay namin. Kung magagawa ko sigurong mangiti uli nang sinsero, magagawa ko na lang iyon kung tapos na ang mga pasaning ito.   Nag-vibrate sa bulsa ko ang cellphone. Kagat-labi kong dinukot iyon at nagimbal nang makitang mula ito sa unregistered number.   "Ihinto mo muna sa isang gilid," utos ko kay Cullen. Napatingin kaagad siya sa akin nang may pagtataka. Wala rin siyang nagawa kundi i-park muna sa gilid ang sasakyan.   "Bakit?" tanong niya at ipinatong sa manibela ang mga braso.   Pinindot ko ang mensahe. Bigla akong na-intriga nang mabasa ito.   Unregistered Number: Read a latest news. If you can't, then watch and hear it.   Pinabasa ko ito kay Cullen. Bigla ay naisipan niyang paandarin ang radio rito sa sasakyan at saka ni-scan upang sumagap ng anumang balita. Hindi ko alam ngunit may nararamdaman akong masama. Paano kung tungkol sa akin ang maririnig ko?   Hindi ako nag-alinlangang mag-reply sa misteryosong numero:   Ako: Ano bang problema mo?   Unregistered Number: You are the problem.   Saka lang nawala ang pansin ko sa cellphone nang biglang huminto sa pag-scan si Cullen at sabay na nakinig sa nagbabalita:   "Walang buhay nang matagpuan sa opisina ang isang abogado na tadtad di umano ng saksak. Kilala ang nasawing abogado sa pangalang Francis Abella at higit sampung taon na sa larangan ng abogasya. Itinuturong suspek ang anak nitong si Frances Jane na kahapon ay natagpuan pa raw sa bahay ng biktima. Ayon kay Misis, posibleng gumanti ang anak lalo't mayroon silang hindi pagkakaunawaan. Sa ngayon ay pinaghahahanap na ng mga pulis ang itinuturong may sala.”   Pigil man ang luha, batid kong tuluyan na akong pinarurusahan ng langit. Kung nananaginip lang ako, pakiusap, gisingin niyo na ako!   Nabubuhay pa ba ako? Ano pang rason ko upang huminga?!   Ang papa... ang tatay ko, wala na...   Nag-text pa ang numero sa aking cellphone, sa kahuli-hulihang pagkakataon ay tuluyan na akong nanghina, dahilan kung bakit si Cullen na ang nagbasa nito para sa akin.   Unregistered Number: You will suffer.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD