Hindi ko mapigil sa panginginig ang mga tuhod ko, tulala man ako sa bintana, hinahayaan ko na lang na sumabay sa agos ang katawan kong hindi na alam kung saan lulugar.
My father just died. He died without witnessing any bit of my success. He died with anger and flaring wrath for his only daughter. Sa pangangarap ko, ang tangi kong ninais ay mapatunayan sa kanyang mali siya sa nais niyang mangyari sa akin. Now that everything seemed to be useless, nawawalan na ako ng dahilan upang mabuhay.
Flashes of him suddenly dawned at me. Mariin akong pumikit at inalala ang mga nangyari…
“Want do you want to become?” Papa asked me. I pouted while my fingertips are scribbling my notebook.
“A doctor maybe?” sagot ko. Napansin ko ang pagtaas ng kanyang kilay at binaba ang screen ng laptop. Yumuko ako at iniwas sa kanya ang tingin.
“You sure? You want to be a doctor?” tanong pa niya. Yumuko na lang muli ako at pilit na ibinalik ang focus sa pagsusulat ng assignment.
Napaisip ako. This is the only dream I want. Ang maging doctor, taliwas sa inakala ng ilan na susunod ako sa yapak nila na mag-abogado.
I’m still young anyway, Grade 5 pa lang ako, baka magbago pa ang takbo ng isip ko kung sakali mang nasa senior high na ako.
Tumayo si Papa mula sa kanyang swivel chair at lumapit sa akin. Sa baba ng lamesa ko, nagawa niyang mag-indian seat sa sahig upang pantayan ako.
“France Jane, you’re going to be a lawyer,” he dictated, as if it was a declaration I never even have to protest.
Kumibot ang kilay ko at tiniklop ang notebook. “Pa! Ayoko, ‘di ba kayo na rin ang nagsabi sa akin na delikado ang trabaho niyo? Ayoko pong mamatay nang maaga.”
Mabilis siyang umiling, tila mas nangungumbinsi pa at pinipilit ang sariling ninanais. “Yes anak, taking law is deadly, but once you ruled it, you reign. You dictate life and death sentence doctors cannot.”
I’ve been a witness to their struggles as lawyers, everytime we go outside, naroon ang takot na baka may bumaril sa amin at pumatay. There was a time when Dad won a case and securities were tightened. Kapag may lakad kami sa resto, naroon at nakapalibot sa amin ang personal guards. Bawat kilos namin ay bantay-sarado at wala ni isa sa mga gwardiya ang kumukurap. Mas lalo akong naging conscious sa kahulugan ng kamatayan dahil iyon ang bukam-bibig ni Mama.
"Jane! Gabriella! Yuko!” sigaw ni Papa mula sa front seat ng sasakyan at sunod-sunod ang paulan ng bala sa aming sasakyan. Natataranta akong niyakap ni Mama at lumuhod dito sa backseat. Rinig na rinig kung paano nabasag ang mga windshield at kung paano nayupi ang ilang bahagi ng sasakyan. Tanging iyak lang nagagawa ko sa mga ganitong tagpo lalo’t kung tutuusin, wala pa akong nalalaman sa totoong takbo ng hustsiya at buhay.
Sa murang edad, tatlong beses sa isang taon ko natatagpuan ang sarili sa ganitong kaganapan. Nagagawa na rin naming lumipat ng tirahan at kung saan-saan pa nag-a-avail ng condo unit para may mapagtaguan. Sinanay ko na lamang ang sarili ko at hindi na nabahala pa sa mga banta dahil naroon naman ang seguridad. Iniisip ko na lang na balang-araw, matatapos din ang lahat at matatanggap ng iba ang hustisya.
“You still want to be a doctor?” tanong ni Papa nang tumuntong ako ng senior high. Umiling ako.
“No Pa,” pagsisinungaling ko.
Habang hawak niya sa kanang kamay ang tasa ng kape, ginamit niya ang kaliwang kamay niya upang guluhin ang aking buhok. Sumilay ang ngiti sa kanyang labi inakbayan ako. Kaharap namin ang malawak na view ng Manila mula sa bintana ng condo kung saan kami pansamantalang maninirahan.
“That’s my girl,” bulong niya. Tila proud dahil akala niya, nabago na ang isip ko.
I needed to to this, I needed to lie. Dahil tiyak akong hindi nila ako paaaralin kung sasabihin ko ang balak kong kumuha ng BS Bio o kahit na anong pre-med kapag nagtuntong ng college. Madi-disappoint ko lang sila at mapupunta sa wala ang pinaghirapan ko.
I’ve been into this, kahit grade 11 pa lang ako, samu’t saring tao na ang pinagsabihan ko ng kasinungalingan ko. Kahit si Lolo Enver at ang ilan niyang mga kaibigan na abogado, kapag nabibisita sila ay nagagawa nila akong tanungin kung susunod ba ako sa angkan, pilit akong magsasabi na maglo-law ako at minsan may conviction pa ang tono. Ngayon lang naman ito. All I really have to do now is feed them my lies and rebel later. Kung magagawa ko nga ang desisyon ko sa pagtuntong ko ng college at hindi nila iyon matatanggap, lalayas ako at ako ang magpapa-aral sa sarili ko.
“Why do you want me to be a lawyer Papa? Bukod sa ituloy kung ano ang nasimulan niyo, ano pa?” tanong ko isang araw nang magbakasyon kami sa Baler. Kapwa kami nakaupo sa puting buhangin at deretso ang tingin sa bughaw na dalampasigan.
Ngumiti si Papa sa akin. Hinigit niya ang kamay ko at pinadausdos ang kanyang daliri sa aking palad.
“I want you to defend me once I died.”
Literal na lumatay sa sistema ko ang pangingilabot. Nagsitaasan ang mga balahibo ko at ang bibig ko ay natutop.
Tumawa ako upang maibsan ang tensyon, pilit na iwinawaksi kung ano man ang iniisip dahil ayaw kong mangyari iyon!
“Pa, huwag ka naman magbiro ng ganyan, malakas ang seguridad natin, ano ka ba.”
“I am not saying this to convince you anak, nakikita ko na ang hinaharap ko. I already made wrong decisions in the court, crafted all the lies to win my client, and now, my past is hunting me.”
Umiling ako at hindi iyon sineryoso. Sa dami na ng napagdaanan niya bilang abogado, sa dami ng mga banta na umabot pa sa totoong barilan, natitiyak ko na mas malakas ang kapit namin sa seguridad at hindi ito mababasag ng kung sino mang magtatangka sa amin.
Ang hindi ko alam, iyon na pala ang isa sa pinakamalalang pagkakamali na nagawa ko sa buhay ko— ang hindi paniwalaan ang sarili kong ama, ang sumunod sa sariling pangarap, at hayaan siyang nilulunod ng banta.
“France, calm down. I’m here,” si Cullen na nagpabalik sa akin sa reyalidad. Pinalis ko ang sunod-sunod na patak ng luha at iniwas sa bintana ang tingin. Mabilis ang takbo ng aming sasakyan at nagmamadali ang kanyang pagmamaneho. Tumingin ako sa kanya at mapait na ngumiti.
“Ako ang itinurong suspek. Tingin mo magagawa ko iyon?” garalgal kong tinig. Hindi ko maisip na na-ere iyon sa buong Pilipinas at marami na ngayon ang nakaa-alam. Ang masakit? Si Mama pa ang nagsabi sa media na ako raw ang posibleng may sala!
Hindi ba niya naisip na marami na talagang death threat si Papa noon pa? Abogado rin siya, isang civil lawyer, saang lupalop napadpad ang pag-iisip niya at naisipang ako pa talaga ang pumatay sa sarili kong ama?
“Hindi ako naniniwala sa balita, France. I know you better,” may bahid ng taranta sa kanyang tinig.
Now that the police is hunting me, anong mukha ang maihaharap ko? Tiyak akong headline ito sa mga dyaryo ngayon! Sino ang magtatanggol sa akin kung sarili kong ina ang humamak sa akin sa ganitong sitwasyon? What the hell?!
“Talo ka kung magpapakita ka sa mga pulis ngayon at magpapaliwanag ng walang pruweba.”
“Pero hindi naman ako pumasok sa bahay namin, hinarangan pa ako ng guard at sinabi sa akin na bawal daw akong papasukin. Saka may CCTV naman, pwede namang i-review iyon---”
“Determino ang mommy mo na ikaw nga ang may kagagawan. Kung sinabi niya na nagpunta ka roon sa inyo at pumasok sa bahay niyo, tingin mo, anong sinabi ng guard sa kanya?”
Natigalgal ako sa mga sandaling iyon. ‘Yung guard, posible kayang binayaran siya? Kung bayad nga siya at isa siya sa nagmo-monitor ng CCTV, posibleng sinira niya ang footage nito at iniba ang totoong kwento!
“A-ano nang gagawin ko ngayon?” my voice stuttered. Now, everything is a cryptic nightmare. Leila’s motive of death is unknown, ganoon din sa landlady. Ang nakaririmarim na katotohanang inililihim ko ay nasa akin ang mga kutsilyong posibleng ginamit sa pagpatay nila. Kung ni-raid ng mga pulis ang apartment ko at magawa nilang makita roon ang shoebox kung saan naroon ang mga kutsilyo, wala na akong maitatanggi pa. Magwawagi ang bitag sa pagpuksa ng hustisya.
“Sasama ako, sasamahan kitang magtago,” sagot ni Cullen at itinabi muna sa gilid ang sasakyan. Namilog ang mga mata ko sa narinig at agad na nagprotesta.
“Hindi ka pwedeng sumama, paano kung mapagkakamalan kang suspek at masama sa listahan?” asik ko, matalim niya akong tiningnan.
“Kung nagawang kontrolin ng totoong suspek ang Mommy mo at nagawa pang mag-iwan ng kutsilyo sa condo ko, hindi ko maitatanggi na pinupuntirya na ako, France. Hindi pa ngayon ang panahon natin upang lumaban. Tulad mo, wala akong kalaban-laban.”
Hindi ako nakasagot, natahimik ako at hinayaan siya sa kanyang ginawa. Kinuha niya sa dashboard ang kanyang cellphone at mayroong tinawagan.
“Kiel, this is Cullen. My friend and I badly need you help. Saka na ako magpapaliwanag dahil nagmamadali na kami. Can we go to you property in Antique?”
Hindi ko na naunawaan pa ang kanilang usapan. Panay tango na lang ang ginawa ni Cullen at maya-maya’y binaba na rin ang cellphone.
Humugot siya ng malalim na hininga at seryosong tumingin sa akin.
“Magtatago tayo sa Antique,” malalim at baritono ang kanyang boses. Saglit akong napaisip kung saan iyon dahil hindi ito pamilyar sa akin.
“Saan iyon?”
He started the engine and answered. “Sa Panay Island. Visayas.”
Ang layo! Kung doon nga kami magtatago, malabo kaming matutunton. I don’t even know that place. Minsan kong naririnig pero hindi ganoon kapamilyar sa akin.
“Patayin mo ang cellphone mo. Mas maganda kung babaliin mo ang sim mo para hindi tayo ma-track. Deactivate all you social media accounts at huwag na huwag kang magkokontak sa kahit na sino,” mariin niyang paalala. Tumango ako at sinunod kung ano ang kanyang sinabi. Isa isa akong nag-deactivate sa mga accounts ko at nang matapos ay saka binuksan mismo ang cellphone. Hinugot ko ang sim at dali-daling binali.
Tinapon ko sa maliit na trashbin sa ibaba ang cellphone at muling humarap sa kanya.
“Hindi na ba tayo babalik sa apartment para kumuha ng gamit?”
Umiling siya. “Wala na tayong babalikan dito sa Sta. Mesa. Deretso na tayo sa Mindoro ngayon at nang maisakay itong sasakyan sa barko patungo sa Antique.”
It’s real. Nangyayari na nga. Aalis na nga kami at magtatago sa lugar na tanging kami lamang ang nakaa-alam.
I cannot say that we’re hiding because we’re guilty. Sapat na ang dahilan naming gawin ito dahil patunay na ang nangyari sa mga nagdaan. Masyadong malakas ang kalaban. Nagawa na niyang mapikot si Mama. Mayroon pang ebidensya sa amin na hindi namin magagawng itanggi sa kahit na anong paraan.
Unti-unting nawasak ang puso ko dahil sa naisip. Look at this mess, nagmumukha kaming criminal kahit wala naman kaming ginawa. Nagmumukha kaming maysala sa isang bagay na hindi namin alam kung paano nagsimula. Maging ako na anak ng isang abogado ay walang kamuwang-muwang sa totong motibo kung bakit ito nangyayari. At ‘di ko kailanman matatanggap kung bakit sa amin pa talaga nangyayari ito.
Sa bigat na nadarama, hindi ko namalayang nakatulog ako. At sa aking pagpikit, isang mahina at umaalingawngaw na boses ang namutawi sa aking paligid…
“Frances Jane, anak…”
Natagpuan ko ang sarili sa isang madilim na lugar, wala akong ibang makita kundi ang paligid na nababalot ng dilim. Tumingala ako at sinundan kung saan nagmula ang tinig, bakit wala akong makita?”
“Jane…”
Namilog ang mga mata ko, napakurap-kurap sa boses na iyon. “Pa?”
“Ako nga anak…”
“Nasaan ka Papa?” nagsimulang dumaloy na parang ilog ang luha ko. Napaupo ako dahil tuluyan nang nanghina ang tuhod.
“France! Girl!” boses naman ni Leila ang umalingawngaw. Pilit ko silang hinahanap sa paligid ngunit wala akong makita!
“N-nasaan kayo? Papa… Lei…”
“Magiging abogado ka anak…”
“Go girl! Kaya mo ‘yan!”
“Please defend us...”
Sunod kong narinig ang humahagulhol na boses ni Leila. Ganoon din ang iyak ni Papa na mukhang kanina pa niya pinipigil. Sa puntong iyon ay tila winasak ako ng langit at lupa. Ang sakit-sakit marinig!
“France, gising! Nananaginip ka!” boses na iyon ni Cullen, mas malinaw at unti-unting lumilinaw.
Sa pagdilat ko, bumungad sa akin ang nag-aalalang mga mata ni Cullen. Hinigit niya ako at niyakap.
“Nandito na tayo sa pier ng Mindoro, ilang oras na lang at mararating na natin ang Antique. Handa ka na ba?” tanong niya. Walang habas sa pagpatak ang mga luha ko dahil umiikot pa rin ang isip ko sa panaginip.
Lalo kong isiniksik sa kanyang leeg ang nagdadalamhati kong mukha, umaasang mapapawi kahit papano ang bigat na hindi ko alam kung kailan mawawala.
Pa… Leila.. Oo, magiging abogado ako para sa inyo. Balang araw, maipagtatanggol ko ang sarili ko at makakamit ang hustisyang ipinagkait sa inyo.
Tumingala ako kay Cullen, dahil doon ay nagkaroon siya ng pagkakataon upang punasan ang mata ko at pawiin ang bakas ng luhang nakapaligid doon.
“Handa na ako, Cullen.”