Chapter 21

2157 Words
    “Anong oras na?” tanong ko nang gisingin niya ako. Hindi ko alam kung ilang oras ang itinagal ng aming biyahe lalo’t batid kong mahaba ang naging tulog ko.   Tumingin ako sa bintana ng kotse. Ang kaninang larawan ng dagat ay unti-unting nahahaluan ng mga puno ng niyog sa bawat gilid ng kalsada. Ang tirik ng araw ay humalo sa bughaw na kulay ng kalangitan, kitang kita dahil malapit na nag-aamba ang paglubog nito sa dagat.   “It’s four in the afternoon,” he responded. Hinawi ko ang gitna sa aking buhok nang dumapo sa akin ang reyalisasyon.   Limang oras na pala kaming narito sa sasakyan. Alas onse kasi noong marating ng barko ang pier sa Caticlan, iyon din ang oras nang marating namin ang probinsiya ng Antique.   Bahagya nga akong natutuwa kahit papano. Ito ang kauna-unahan kong pagkakataon na mapadpad sa visayas. Mahaba nga lang ang byahe dahil mula sa Manila, ilang oras pa ang pagmamaneho na gugugulin bago marating ang pier sa Mindoro. Tuloy-tuloy ang naging maneho ni Cullen at walang pahinga. Naroon kasi ang pagpupursige namin na maka-alis na ng tuluyan sa Luzon at makalayo sa anumang banta na maaari naming matamo.   Naging mahirap sa amin ang mag-avail ng ticket sa barko dahil naroon ang takot na baka makilala kami. Ang ginawa ko kanina, sinadya kong itago ang mukha sa likod ng aking buhok at hindi humarap sa kahit na sinong tao. Usap-usapan na ang balita tungkol sa pagkamatay ni Papa, dahilan kung bakit takot at dalamhati ang nanaig sa sistema ko nang manatili nang matagal sa barko.   Cullen consoled me the whole time I’m crying. Hindi siya pumalya sa pagtahan sa akin dahil ang init ng kanyang bisig ay higit na nagpaparamdam na hindi ako nag-iisa. Hindi ko alam kung sa paanong paraan ko siya mapapasalamatan. Sa kabila ng lahat,  may handa pa rin palang sumagip sa akin kahit nalulunod din siya sa sarili niyang problema.   He’s so selfless. Ramdam na ramdam ko ang senseridad sa kanyang mga kinikilos. Na handa siyang protektahan ako anuman ang mangyari. This world really needs a lot of people like Cullen.   “Ang ganda…” wala sa sarili kong bulong habang pinagmamasdan ang magandang tanawin na nadadaanan ng sasakyan. Sa kaliwa ay makikita ang malawak na view ng karagatan. Sa kanan ay may naglalakihang larawan ng kabundukan. Kung sa gitna naman ang tingin, mapapapansin ang tila walang katapusang hilera ng mga puno ng niyog. This is not just a paradise! Bakit ngayon ko lang ito nakita?   “Kilala saan ang Antique?” I asked. May bakas na ng pagod sa mga mata niya at medyo nangingitim na ang kanyang eye bag. Gayunpaman, tuloy pa rin siya sa pagmamaneho at pagiging attentive sa aking sinasabi.   “Antique is a province where the mountain meets the sea.”   Dahan-dahan akong tumango at bahagyang namilog ang bibig sa narinig. Ang sarap pakinggan.   “Ilang beses ka nang pumunta rito?” tanong ko pa.   “Tatlong beses. Nagpupunta lang ako kapag kasama ko ang kapatid ko. Isa ay noong napag-isipan lang namin magbakasyon nang panandalian, at dalawa para sa mga reunion ng Fontaviende.”   “Sinabi mong spanish ‘yung lahi niyo ‘di ba? Sino ang nagmamay-ari nung lugar na tutuluyan natin?”   He rubbed the nape of his neck and answered. “Kay Kiel, sa pinsan ko. Karamihan sa mga properties namin ay nasa gawing Ilocos. Mas napili ko lang ang lugar na ito para magtago dahil mas tago rito kumpara sa Ilocos… at medyo hindi pa kami ayos ng pamilya ko.”   Hindi ko na pinalawak pa ang usapang iyon dahil ayokong makisawsaw sa problemang kinahaharap niya. Afterall, wala rin naman akong maitutulong upang maresolba iyon. It’s clear to me that he is a Fontaviende. Iyon lang, sapat na.   Maya maya pa’y lumiko ang sasakyan sa isang bukas na hacienda. Patungo na ito ngayon sa mansion na kay laki at kay lawak ng bakuran. Natigalgal ako sa nakita dahil hindi lang ito basta-bastang ari-arian. Talagang yayamanin!   Hindi ko alam kung sa paanong paraan ko ipapakita ang reaksyon ko lalo’t sobrang ideal sa akin ng lokasyon. Saka lamang yata ako natauhan nang tapakan na ni Kiel ang preno at nakapagpahinga na sa wakas ang makina.   Nag-inat siya at saka unang bumaba. Pinagbuksan niya ako ng pinto at marahan naman akong bumaba. Sa paglabas ay doon ako lalong namangha, lalong lalo na sa mga halaman na halatang alagang-alaga. Ang luntiang damuhan ay nag-compliment sa mga makukulay na bulaklak. I can’t help but avert my gaze on him while he’s staring at me.   Nang magtama ang aming tingin, bahagyang bumilis ang t***k ng puso ko. Hindi ko alam kung sa anong dahilan pero may something sa titig at ngiti niya na masarap sa pakiramdam. Am I hallucinating? O baka namamalik-mata lang ako?   “Magandang umaga Senyor,” bati ng dalawang kasambahay nang madaan kami sa main entrance ng mansion, na para bang hari sa kaharian si Cullen dahil todo yuko pa ang dalawa nang bumati. Sumenyas si Cullen at nagtuloy sa paglakad. Ako naman ay nakatabi lamang sa gilid niya.   Pinagmasdan ko ang kabuuan ng mansion. May malaking staircase sa kaliwang bahagi at makikita sa ikalawang palapag ang iba’t ibang classic paintings. Golden ang theme ng ilang mga muwebles at halatang mamahalin sa unang tingin. Napakurap-kurap sa mga chandeliers nang sinubukan kong tumingala. What a beautiful scene!   “Parang castle,” bulong ko nang humakbang na kami sa staircase. Sa sobrang tahimik ng paligid, ang bawat tapak ay sadyang maririnig. Isang kibot nga lang yata ay aalingawngaw na sa buong mansion. Wala bang tao rito maliban sa mga kasamabahay at mga anik-anik dito?   “Talagang maykaya ang pamilya nila Kiel. Siya nga lang at ang asawa niya ang tumitira rito. Ngayon, nasa trabaho sila. Sa Bulacan si Kiel bilang isang public teacher at nasa bakasyon naman si Jacq, ang asawa niya.   Bahagyang nagpanting ang pandinig ko sa narinig. Higit kong inaasahan na businessman o related sa business ang pinagkaka-abalahan ng pinsan niya. Wow, isang teacher?   I am not degrading his profession though. Kung sa public school ang trabaho niya at sa ganitong tirahan siya umuuwi, maybe he’s experiencing both shades of reality and fantasy. Isa nang pantasya sa akin ang makapasok sa ganitong kagandang lugar at wala na yatang makakapantay dito.   Mas napalapit kami sa mga classic paintings na nakasabit sa gilid, lalo na nang makatapak na kami nang tuluyan sa ikalawang palapag. Humarap ako sa kanya at nagtanong habang tuloy pa rin sa paglalakad. Wala yatang katapusan sa lawak ang bahay na ‘to eh.   “Nasabi mo sa akin na nag-take ka ng BS Bio para sa teaching profession mo, nasa dugo niyo ba ang pagiging guro?”   He chuckled. “Hindi. Businessmen in nature ang mga Fontaviende sa Spain. Kaming dalawa lang yata ni Kiel ang nakahiligan magnais sa pagtuturo. Though at first, law ang choice ko, sayang at hindi ko rin naituloy.”   Nang marinig iyon, nasaktan ako nang bahagya. Isang taon na lang at graduate na sana siya, makakapag-take na sana siya ng bar exam at kung maipasa, magiging ganap nang abogado.   Nakakapanghinayang dahil nagkaroon pa ng issue sa kanyang s*x scandal. Kung hindi lang siya nagpadalos-dalos sa mga desisyon niya noon, ay hindi siya higit na mahihirapan.   Huminga ako nang malalim nang mahinto na sa tapat ng isang pintuan. Pagbukas nito ay makikita ang dalawang malaking kama. Monochromatic ang pastel shade ng paligid at may balkonahe sa aming tapat.   Umupo ako sa isang kama. Napansin ko ang dalawang walk-in closet at iisa lamang ang bathroom. Tumungo ako sa isang walk-in at nakita ang ilang mga unisex na damit. Karamihan ay mga t-shirt na iba-iba ang size. Samu’t sari din ang jeans and shorts at may nakahilera ring underwears. Napaisip ako saglit. Kasya kaya sa akin iyon? Malalaman.   “Ano gusto mong ulamin? Magpapaluto ako," ani Cullen. Lumapit siya sa hilera ng telepono at kinuha iyon.   “Pa-request sana. Adobo. Bahala na kung baboy o manok,” sabi ko at isinara ang walk-in. Seryoso niyang nagsalita sa telepono at sinambit pa na ihahatid na lang dito sa loob ang pagkain.   “Maliligo lang ako.”   Tumango ako. Dumeretso na siya sa loob ng bathroom at ako naman ay naglakad patungo sa balkonahe. Makikita mula rito ang unti-unting paglubog ng kahel na araw sa malawak na dagat. Oh God, what a view. Higit itong maganda sa pinagtatyagaan kong view noong nasa Sta. Mesa pa lang ako at matagal ang tambay sa isang Japanese restaurant.   Speaking of that resto, kamusta na kaya ‘yung misteryosong Jarco? Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mawari kung bakit alam niya ang buong pangalan ko at kung bakit hindi ko kailangan magbayad sa sa mga ina-avail ko roon. Sayang at hindi ko nilinaw kaagad bago lumisan sa Sta. Mesa. Hindi na sana ako ginugulo ng utak ko nang ganito.   Sinulit ko nang ilan pang mga minuto ang view. Dinama ko lang ang malamig na hangin ngayong dapit-hapon. Kakayanin ko pa kayang humarap sa panibagong mga araw? Pero hindi dapat ganito ang iniisip ko, magdadalamhati man ako sa mahabang panahon, hindi na nito maibabalik pa ang buhay ng kaibigan at tatay ko.   All I really have to do now is help revive myself to finally seek for justice. Healing would be messy. Hiding is critical. But in end, everything would be worth fighting for.   Inayos ko ang pwesto ng dalawng upuan sa maliit na table. Kasya na iyon sa dalawang tao at tingin ko, dito kami kakain ni Cullen mamaya. Saktong pagkaupo ng kama ay bumukas na ang bathroom. Lumabas doon si Cullen at bahagya akong nasamid sa sariling laway. Oh God! First time ko siyang makita nang naka-topless at tanging twalya lamang sa pang-ibaba ang tanging makikita!   Natataranta ang kaloob-looban ko ngunit hindi ko magawang magsalita dahil bumilis na ang t***k ng puso ko. Magulo ang mamasa-masa niyang buhok at tumutulo pa ang ilang patak ng tubig sa sahig. Napansin kong dumaloy sa matipuno niyang katawan ang ilang mga butil at hindi magawang maalis ng mga mata ko roon. Oh God, nakakalimutan ko na yata ang problema ko dahil sa nakikita ko!   Hindi ko alam kung napansin niya iyon dahil deretso lamang ang lakad niya sa isang walk-in closet na para bang walang nanonood sa kanya. Saka lang ako nakahinga nang maluwag nang hindi ko na siya makita.   Saka ako tumayo at kumuha ng twalya. Dali-dali akong pumasok sa bathroom at agad na ni-lock ang pinto.   Totoo ba ang nangyari sa akin? Bakit naging ganoon ang naisip ko sa kanyang mga detalye? Bakit ang bilis-bilis ng t***k ng puso ko nang lalong tumagal ang titig ko? This can’t be! Aaminin kong crush ko siya pero hanggang doon lang dapat iyon.   Amoy na amoy ang panlalaking sabon at shampoo dito sa loob ng bathroom. Ang pinaghalong amoy ng mint at aftershave ay tila ba nanlalasing sa diwa ko. His manly scent is oozing me to the core! Ano bang nangyayari sa akin?   Tinapis ko ang twalya sa akin nang matapos maligo. Sa paglabas ay namataan kong nakaupo na sa upuan si Cullen, kaharap ang tigdalawang cup ng kanin at adobo na ni-request ko. Huminto ako at nagtama ang aming mga mata. Saglit niyang pinasadahan ng tingin ang aking kabuuan at agad na akong umiwas. Deretso rin ang naging lakad ko papasok sa walk-in closet na para bang hindi siya nakita.   Mabibigat ang naging paghinga ko nang makapasok sa walk-in. S-hit, kaibigan mo si Cullen, Frances. Hindi mo kailangang mailang nang ganoon! Walang malisya iyon kaya huwag kang mag-isip ng kung ano-ano!   Isang plain mint green t-shirt at black shorts ang aking isinuot. Mabuti na lang at nagkasya rin sa akin ang mga underwear na narito. Provided kasi ng closet ang lahat ng klase ng sizes. I wonder if everything here is provided for visitors.   Saka lang ako nakalabas nang masuklay ko na ang buhok. Simple akong naglakad patungo sa mesa kung saan naghihintay si Cullen. Ngumiti ako nang makaupo na ako sa kanyang tapat.   “Let’s eat,” basag niya sa katahimikan at hinawakan na ang kutsara’t tinidor. Napatitig pa muna ako sa ulam at saka hinawakan na ang kubyertos.   Hindi pwedeng ganito. Kailangan kong mag-initiate ng usapan. Lalo lang akong mapa-praning dito kung mananatili lang kaming tahimik. ‘Di hamak na mas tahimik itong si Cullen sa room palang noong nasa PUP, dito pa kayang kaming dalawa lang?   “Ilan taon ka na pala?” tanong ko habang hinahati ang laman ng manok. Tanging kalansing lang ng kustara’t tinidor sa plato ang maririnig dahil sa namumutawing katahimikan. Umayos ako ng upo nang ma-realize kung anong klaseng tanong iyon.   Huminto siya sa paghihiwa ng ulam at saka inangat ang tingin sa akin, may multo ng ngiti sa kanyang labi kaya natawa ako.   “Oh ano, ilang taon ka na nga?”   Mahina rin siyang natawa. “Bakit mo natanong?”   Nagkibit-balikat ako at sumubo. “Wala lang, para mas makilala lang kita.”   “I’m 23,” he replied. Dahan-dahan akong tumango para roon.   “18 ako.”   This time, namatyagan kong tumagal ang titig niya sa akin, dahilan kung bakit natigil ako nang tuluyan at ipinako nang mas matagal ang mga mata sa kanya.   Unti-unting umahon ang bilis ng tahip nitong dibdib ko. Ngunit pilit kong nilabanan iyon. I don’t want to fall in love with my friend! Kontrolin mo naman ang sarili mo France, totropahin siya, hindi jojowain!   Tuluyan akong nilamon ng t***k ko nang bigla siyang magsalita.   “You know what’s my favorite saying?” Huminto siya at mas inilapit ang mukha sa akin. “Age doesn’t matter.”    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD