Chapter 10

2021 Words
  Now that he mentioned it, I was more enlightened. Hindi man tiyak sa akin ang lahat ng nangyari sa kanya, naroon ang pakiramdam ko na mas hirap siya sa akin. I get that people have their own problems to face and each of us must be responsible to its consequences, but it's painful to see such kind of scene where most of us can’t help but crave for acceptance while grieving.   Ito ang buhay, bawat desisyon ay may pananagutan. Bawat kilos ay may patutunguhan. Bawat resulta ay mayroong dahilan. Sa tulad kong may ipinaglalaban, hindi ganoon kadali makamit ang nais dahil may kailangan akong bitawan. And that decision brought me to where I am now. Nangyari na. Hindi man madaling humakbang ay kailangan magpatuloy. Sa huli, sarili ko na lang ang makakaintindi kung bakit nangyari kung ano man ang naiwan sa nakaraan.   Cullen smiled once more, I gave a loopsided grin and nodded for his gratitude. Making him assured of a friendship he needs. Dahil baka sa pagsapit ng dilim, kami na lang ang magkakampi.   Nang maglaho ang sasakyan ay saka pa lang ako pumasok sa apartment. Nagbihis na agad ako at inilabas lahat ng mga hand-outs na kailangang basahin. Nagtimpla muna ako ng kape at itinabi ito sa mesa kung saan ako mag-aaral. Kailangan kong seryosohin ito dahil alam kong tila kabute na susulpot sa anumang araw ang surprise quiz.   Umupo ako sa silya at nagsimula na i-scan lahat ng notes. Sa mga sandaling iyon, ang tangi kong motibasyon ay ang kaganapang naranasan ko sa poder ng pamilya ko. Dahil sa oras na makatapos ako nang walang bahid ng anumang tulong nila, I’ll stand proud and chase my dream to get that MD title.   Sa kalagitnaan ng pagbabasa, umilaw ang naka-silent kong phone. Kunot-noo kong tiningnan ang notification na nagsasabing may text message akong natanggap at galing raw sa unregistered number.   Binasa ko ang mensahe nito. Binalot ako ng pagtataka at misteyo nang malaman ito.   Unregistered number: Be careful.   Kumunot pang lalo ang noo ko at binitawan ang hawak na ballpen. Umupo ako nang maayos at hinawakan nang maayos ang phone.   Bahagyang dumagundong sa dibdib ko ang kaba habang nagtitipa ng reply.   Ako: Sino ka?   Unregistered number: It doesn’t matter as long as I guard you.   Tumayo ako at umupo sa kama, hindi napigilan ng sistema ko ang mataranta. Sari-saring mga tanong ang bumuhos sa akin sa takot na malaman kung sino nga ba ito.   Hindi na sumagot ang numero sa mga sumunod kong reply. Kaagad kong tinawagan si Leila.   “Hello?” sagot niya sa kabilang linya matapos ang ilang ring. Mabilis akong tumayo at pumwesto sa bukas na bintana kung saan tanaw ang maliwanag na sinag ng buwan.   “Lei? May nag-text sa akin! Baka pamilyar sa’yo ang number?” Sinabi ko sa kanya ang mga numero at ilang minuto siyang tahimik upang i-check iyon sa kanyang contacts.   Natigalgal ako nang sabihin niyang hindi siya pamilyar at hindi rin naka-save sa kanya ang phone number. Huminga ko nang malalim upang maibsan ang kaba.   “Natatakot ako Leila. Sinabi nito sa text na mag-ingat daw ako.” Huminto ako at napalunok. Ngayong iisipin ko, kilabot ang siyang namumutawi sa akin. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Bakit ako mag-iingat? Wala naman akong kaaway, wala akong kagalit maliban sa pamilya ko. Maayos naman ang pakikitungo ko sa ibang tao. Hindi naman siguro darating sa punto na may gagawing masama sa akin ang magulang ko, ‘di ba?   “Worst is, binabantayan daw niya ako!”   Narinig ko ang malutong na mura ni Leila sa kabilang linya. Maging siya ay hindi makapaniwala. I don’t know if this one is a threat, pero malaki ang takot na naidudulot nito knowing na ako lang mag-isa ngayon at walang poprotekta sa akin.   I chose to calm myself when Leila continued. “Paano kung na-wrong send lang? Don’t overthink Frances, reply ka na lang na baka wrong number siya.”   Tumango ako at nagpasalamat. Binaba ko na rin ang tawag at muling tumitig sa huling text sa akin ng unknown number.   Paulit-ulit kong binasa ang mga kataga. It doesn’t matter as long as that person guards me... Kung kailangan ko nga talaga mag-ingat at kakayanin naman ng sarili kong harapin kung ano man ang aambang mangyari, bakit kailangan pa ng presensya niya?   From those thoughts, hindi na ako nagdalawang isip pang magtipa muli ng mensahe. Sa pagbuga ko ng mabigat na hangin ay umasa akong magre-reply naman ito.   Ako: Sorry, baka wrong number ka.   Ilang minuto akong nakatitig sa screen upang hintayin ang kanyang sagot. Dumapo saglit ang mga mata ko sa hinangin kong mga notes at hinayaan itong malaglag sa mesa.   Bigla akong nataranta sa kaba nang makabasa ng reply sa kanya.   Unregistered number: Not I’m not, Abella.   Napatakip ako sa bibig ko at hindi na napigilan pang suminghap. The thought of hushing myself from this mystery made me scared more. Alam niya ang last name ko! Hindi nga siya nagkamali sa pinag-sendan ng mensahe!   Ginulo ko ang naka-bun kong buhok at pilit na yumuko upang abutin ang nagsilaglagang mga notes. Sinara ko ang bintana pagtapos upang pigilin sa pagpasok ang ragasa ng hangin mula sa labas. My mind is now scrambled in a haywire. Lalo akong nawala sa konsentrasyon at hindi na alam kung saan magsisimula.   Hindi ko alam kung dapat ba akong manibago pero sa pamilya ko, hindi na bago ito. Threats were part of our life, lalo’t criminal lawyer si Papa. Most of his clients were suspects of certain crimes who aim to destroy justice, and some are victims who plea to make culprits suffer for their sins. Sa dami ng narinig ko tungkol sa pagiging abogado ng mga magulang ko, hindi na bago ang death threats. Posible kayang may kaaway sila Papa at ako ngayon ang pinupuntirya?   I can’t help but recall those times when we were bound to travel and we’re inside a car. May personal driver kami at katabi niya si Papa sa front seat. Kaming dalawa naman ni Mama ang nasa likod at abala lamang kami sa aming mga cellphone. Nagulat na lang kami nang paulanan ng bala ang aming sinasakyan at napuruhan ng baril ang aming driver.   Sugatan si Papa at namatay ang driver. Nakaligtas kami ni Mama sa kahit na anong sugat at kapwa na-trauma sa kung ano ang nangyari. Nasundan pa ito ng mga pagbabanta. Subalit pinaigting na ang aming seguridad mula nang dumami pa ang threat at tila ba hindi na tumigil.   At a young mind, I already considered myself a witness of how dangerous law could be. Doon nagsimula ang takot ko na baka ganito rin ang mangyari sa akin kung susunod ako sa yapak ng magulang ko. Kahit bata pa ay isang bagay lang ang alam ko noon, lahat na huwag lang law. Hindi kailanman.   Ngayon ay sabog akong pumasok sa unibersidad. Pinilit kong itago sa concealer ang nangingitim kong eye bags dahil sa totoo lang, wala akong matinong tulog kagabi. Pabalik-balik ako sa higaan at panay ang bukas-sara ng aking mga mata. Hindi na nga maganda ang pagtatapos ng araw kahapon at ngayon ay hindi rin maganda ang gising ko. Sinong hindi mapa-praning kung balisa ka at iniisip na baka may mangyayaring hindi maganda?   “Baka nga guard ito na inilaan ng mga magulang mo para sa security mo,” mahinang wika ni Leila habang narito kami sa freedom park. Mamayang nine pa ang start ng klase namin at nagpakalayo-layo muna kami sa maraming tao.   Sinapo ko ang noo dahil sa stress. “Kung ganoon nga, sana nagpakilala naman siya sa akin o magpakita. Ang weird naman kung may umaaligid sa akin nang hindi ko kilala, ‘di ba?”   “Then why don’t you tell you parents about this? Hindi ka naman nila hahayaan—” umiling ako, dahilan kung bakit hindi na niya natapos ang sinasabi.   “We’re not in good terms. Nagkita na kami noong isang gabi. Lalo lang lumala ang aming hidwaan. I don’t think they’ll help me unpuzzle this mystery.” Tumigil ako at nanggilid ang mga luha. “Lalo lang nila akong kinamuhian nang malaman nilang crew na ako.”   Niyakap niya ako nang manginig na ang boses ko. Tuluyang umagos ang luha ko at tiim-bagang sa pagpigil ng hikbi. If only I could find myself from my parents’ warm embrace, then happiness is all that I can see. Ang bigat-bigat na ng nararanasan ko, ilang patak pa ba ng luha ang kailangang masaksihan ng langit bago ko matagpuan ang sarili sa bisig nila?   If I was dumb for doing that sudden decision in my past, parusa kaya ito sa tulad kong nag-rebelde?   Is it right to say that a dream chased is a form of rebel? Hindi naman ako magpapakalayo-layo kung mayroon akong suporta. As long as they accept what I want, I’ll choose to be with them because I want to build my future with their presence.   Is it wrong to follow what my heart screams?   Baka karma ko na ito.   From that embrce of Leila, hindi namin namalayan na malapit na ang simula ng aming klase. Tahimik lang kaming naglakad patungo sa room at naroon pa rin ang pangamba ko sa kung ano man ang maaaring mangyari. I silently prayed that threats would fire no more. Hirap na ako sa epekto ng pagwalay ko sa pamilya, sana ay hindi na ito madagdagan ng kung ano pa. Baka hindi ko na kakayanin.   Absent si Cullen. Ilang oras na rin kasi ang lumipas at hindi pa siya nakakapasok ng room. Kapag nagtanong na lang siya tungkol sa kung anong hahabulin ay tutulungan ko na lang. Baka kasi may inaasikaso pa iyon.   Naging lutang pa akong lalo sa mga nagdaang subject. Kaya nang sumapit ang uwian, kaagad akong dinaluhan ni Leila.   “Okay ka pa ba? May gusto ka bang puntahan? Sasamahan kita,” mahinahon niyang sabi, nag-aalala. Inayos ko na rin ang gamit ko at naging abala.   “Sigurado ka? Baka hinahanap ka na sa inyo?”   Umiling siya. “Kasama naman natin ang driver, magpapahatid tayo at babantayan din. Huwag lang magpapagabi.”   Tumulak na kami at naglakad pababa ng building. Sa puntong ito ay iwinaksi ko na lamang kung ano man ang kanina pang gumugulo sa isip at kalilimutan habang abala sa pag-a-unwind. Binigay kong suhestyon ang Japanese resto at nagmaneho naman ang driver ni Lei patungo doon. Mga tatlong oras kaming mananatili roon at doon na rin gagawa ng ibang schoolworks. Mamayang gabi kasi ang shift ko sa trabaho.   At least bago sumabak, wala na akong homework na iisipin.   Pag-park ng sasakyan, sabay kaming bumaba ni Leila. Sabik naming dinala ang aming bag habang naglalakad papasok sa resto. Tulad noong mga nagdaan ay walang gaanong tao. Siguro dumadagsa lang ito tuwing oras ng kain tulad ng tanghalian at hapunan.   Bakante ang paborito kong spot, tinuro ko iyon at doon kami naupo ni Leila.   “In fairness, gusto ko ang ambiance at ang view,” puna ni Leila habang lumilinga-linga. Sumang-ayon ako at ngumiti.   “Madalas ako rito at paminsan-minsang bumabalik kapag may pera na.”   “Ay, kamusta pala ‘yung finance situation mo? Kung hindi, pwede kitang matulungan.”   Umiling ako at tumanggi. “Ayos naman, hindi na kailangan. Kakasweldo ko lang kasi nitong nakaraan at bayad na ang upa.”   Now that I said it, muling rumehistro sa isip ko ang sinabi sa akin ng Landlady. Isa pala iyon sa kailangan ko ring mabigyan ng atensyon. Kilala ko kaya sa mukha ang sinabi niyang Attorney Abalos? Kasi kung hindi ko naman siya kilala at wala akong koneksyon na nabuo sa kanya, ano ang dahilan kung bakit siya itong nagbayad sa aking upa?   Pinglaruan ko sa ilalim ng lamesa ang daliri nang mamataan ang paglapit ng waiter. Sinabi ko kaagad sa kanya ang order at nag-abot ng bayad.   Nagulat ako nang tumanggi siyang tanggapin sa akin ang pera.   “Kayo po si Frances Abella, ‘di po ba?” tanong ng waiter na ikinakunot ng noo ko. Saglit kong binaling ang mga mata kay Leila na tulad ko ay nagulat sa tanong.   “Paano mo nalaman ang pangalan ko?” tanong ko pabalik. Ngumiti ang waiter at tila ba ingat sa kinikilos at sinasabi.   “Bilin kasi ng boss na hindi mo na raw kailangan magbayad.”   Pinatong ni Leila ang mga kamay niya sa mesa, ma-awtoridad ang mga mata ngunit kuryoso ang mukha.   “So, boss mo ang nagsabi sa’yo ng pangalan nitong kaibigan ko? Sino ba ang boss mo?” Nilipat ni Leila ang atensyon sa akin. “Ikaw France, kilala mo ang boss niya?”   Dahan-dahan ang tango ko ngunit hindi pa rin humuhupa ang misteryo sa aking isip. Dahil higit sa lahat, hindi ko kailanman sinabi ang buong pangalan ko sa manager nilang si Jarco! Kaya paano?    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD