CHAPTER 14:#MoveOn

615 Words
Mac’s POV: . Pagtingin ko sa aking relo ay alas 3:00 na hindi na ako pumasok kanina dahil ewan ko ba.Napakasakit ng sinabi ni Kylie sa akin at hetoh ako narito parin sa aking kwarto nagmumukmok. Lumabas na ako sa aking kwarto para magpahangin sa parang.Habang ako ay naglalakad sa daan ay nakita ko si Kylie na naglalakad sa daan palapit sa akin. Nakita naman niya ako kaya sa kanan siyang parte dumaan habang ako naman ay nasa kaliwa. Nagmadali na siyang naglakad kaya hindi ko na lang siya pinansin dahil baka magalit na naman siya sa akin. . . . Pagdating ko sa parang ay umupo na ako sa lilim ng puno.Pumikit ako at dinama ang sariwang hangin.Napagpasyahan kong umidlip saglit dahil wala pa namang tao sa parang na manonood mamaya ng volleyball ng mga bakla.......... - - - Niel’s POV: . Natapos ang lahat ng subject namin ay uwian na.Pagdating ko sa barong-barong na tinitirhan ko ay nagpalit kaagad ako ng pambahay na kasuotan.Naisipan kong pumuntang parang dahil boring dito sa tinitirhan ko,namimis ko tuloy ang pamilya ko. . . . Pagdating ko sa parang ay wala pang naglalaro ng volleyball lumingon ako sa kabilang parte at napabalin ang mata ko sa isang puno,may nakita akong natutulog sa lilim ng puno.Lumapit ako dito para malaman kung sino ito.Nakita kong mahimbing na natutulog si Mac. May nakita akong lupa sa mukha niya at halatang nag-iiyak siya dahil pugto ang mata niya.Lalapit sana ako ng malapit na malapit para matanggal ang libag sa mukha niya,ng hindi ko sinasadya na maapak ako sa isang maliit na bato na dahilan ng pag giba ko sa kaniya. Hindi ko inaasahan na maglalapit ang labi ko sa labi niya.Buti na lang nakatuon agad ako sa lupa.Namulat siya at nagkatitigan kami saglit.At bumaba ang tingin niya sa labi ko na konting-konti na lang ay didikit na sa labi niya.Tumayo na ako ng tuwid at inayos ang sarili. “Ahhh-ehh.....sorry ha may lupa kasi yung pisngi mo....sana tatanggalin ko....kaso na apak ako sa bato...kaya nagiba ako sayo......”nauutal na pagpapaliwanag ko. “Okay lang......”sabi agad niya. “Alam ko naman na hindi ka kagaya ng iba na nananamantala.....”sabi pa nito ng may ngiti sa labi. “Salamat.......”sabi ko ng nakangiti. “Bat ka nga pala nadito??....”pag-iiba ko. “Narito ako para.....makapag isip-isip.....o makalimutan ko na si Kylie....”ang ngiti niya na napalitan ng lungkot na sabi nito. “Sigurado ka na ba...na kakalimutan si Kylie...?...” “Iyun lang naman ang paraan para makalimutan ko siya diba??...”sabi niya ng malungkot parin. “Alam mo hindi ako makakatulong sayo kung pano makalimot....kundi sarili mo....dahil kung hindi mo palalayain ang taong minahal mo na ngayon ay hindi kana mahal.....paano mo masasabing nakalimutan mo na siya or nakapag move on kana.....”.paliwanag ko sa kaniya. “Salamat ha......”-Mac. “Bakit...?” “Kasi lagi kang nandyan pag kailangan kita.....”sabi niya ng nakangiti. “Wala yun....diba ang kaibigan nagtutulungan pag may pinagdadaanan ang isa......”nakangiti kong sabi. “Ohhh...diyan ka na ha.....”sabi na lang niya at naglakad na pauwi. - - - Mac’s POV: . Pagkasabi ko kay Niel na aalis na ako ay naglakad na ako pauwi.Habang nag-lalakad ako ay naisip ko lahat ng sinabi ni Niel.Siguro kailangan ko ng pakawalan si Kylie para sa ikabubuti ko na rin. . ******FastForward******* . Gabi na habang nakahiga ako sa kama ay naalala ko na naman yung muntik na kami maghalikan ni Niel.Hindi ko maintindihan ang sarili ko dahil iyun lagi ang naaalala ko kanina pa.Sa pag-iisip kong iyon ay diko alam nakatulog na pala ako..........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD