Niel’s POV:
.
Pagmulat ng mata ko ay sabay ng pagkulo ng nagugutom kong sikmura.Bumangon na ako at bumili ng lugaw.
.
.
Pagkagapos kong kumain ay dinukot ko ang aking bulsa at binilang ko ang perang natitira.Kokonti na ito at kailangan ko ng pumuntang bayan at magtrabaho sa pinagtrabahuhan ko nung araw na wala akong pera.
Pagdating ko ng pritil ay may bangka na nakaparada at nag-aantay ng sasakay papuntang bayan.Sumakay ako dito at humiga.Napagpasyahan kong matulog para sa isang oras na byahe papunta sa bayan...........
-
-
-
Rex’s POV:
.
“Anak....gising na....bibili tayo ng gamit mo sa bayan ngayon dahil diba dito kana mag-aaral....”gising ni Dad sa akin.
Pumasok na ako sa aming CR at naligo.Pagkatapos kong maligo ay hindi na kami kumain sa karinderya nw lang daw pagkatapos naming mamili sabi ni Dad tsaka kami kakain.
.
.
.
Pagdating namin sa bayan ay pumunta agad si Dad sa bilihan ng mga school supplies.
.
.
Tanghali na ng mabili na naming lahat ang kailangan para sa aking pag-aaral.Tumigil si Dad sa paglalakad at ibinaba ang dala-dala niya.
“Nak....kain muna tayo nagugutom na ako....at alam ko rin na nagugutom ka na....”.sabi ni Dad habang hinihimas ang kaniyang sikmura.
Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon.Nakakita kami ng isang karinderya malapit sa amin kaya napagpasiyahan namin nadun na lang kumain.
Umupo kami sa may lamesa at tumingin sa nagtitinda.
“Kuya.....dalawa nga nitong menudo....at dalawang kanin.....”sabi ni Dad sa lalaki na nakatalikod na siguro ay kaidad ko lang.
‘Ayy....teka parang kilala ko ito ahh....’sabi ko sa aking isip.
Humarap sa amin ang lalaki at si Niel pala ito.
“Niel??.....”sabi ko.
“Magkakilala kayo??....”tanong ni Dad.
“Ahhh.....oo siya ang una ko pong nakilala nung una tayong umuwe sa probinsya niyo Dad....”magalang kong sagot dito.
“ahh....ganun nga po......bakit hindi ko po kayo nakikita sa aming probinsya??....”tanong ni Niel kay Dad.
Matagal na hindi nakasagot si Dad kaya nagsalita na ako.
“Bakit ka nga pala nagtatrabaho dito.......”Pag-iiba ko dahil alam kong hindi gusto pag-usapan ni Dad ang pag-alis niya sa probinsya nila Niel.
“Para magkapera......”sabi niya ng nakangiti.
“Bakit....wala kana bang magulang??...”tanong ko kay Niel.
Bigla na lang nalungkot si Niel pagkasabi kong iyon.
“May magulang pa.....”sabi niya ng malungkot.
Hindi na ako nagtanong at ibinigay na sakin at kay Dad ang binili naming ulam at kanin.Kumain na kami habang ako ay kumakain ay nakatingin ako kay Niel.Hindi parin maalis sa isip ko kung bakit malungkot siya kung may magulang naman siya.
Matapos naming kumain ay nagpaalam na kami kay Niel.Pero habang kami ay naglalakad ay humabol ito sa amin.
“Ohh...Niel...Bakit?...”tanong ni Dad kay Niel.
“Ahhh....wala po....sasabay lang po ako sa inyo umuwe dahil may pupuntahan po akong kaibigan....may sasagutan po kasi kami na binigay ng sir namin....”mahabang sabi ni Niel
“Ahh....ganun ba edi sigeh.....”sabi ni Dad kay Niel
Nakita namin na paalis na ang bangka kaya nagmadali na kami ni Dad at Niel na maglakad.Nakahabol naman kami dito at umupo na kami sa may upuan ng bangka.........
-
-
-
Niel’s POV;
.
Habang nagbabyahe ang bangkang sinasakyan namin papuntang probinsya namin ay nakatingin ako sa ibang probinsyan na nadadaanan namin.
Tumingin ako kay Rex at sa Papa niya na parehas na natutulog.Napagpasyahan ko rin na matulog narin dahil kalahating oras pa ang byahe.........
-
-
-
Ian’s POV;
.
Malapit ng mag alas-3 dahil ngayon nga pala kami magsasagot sa math.Kaya napagpasiyahan ko munang maglinis sa akin kwarto.
Pagkatapos kong maglinis ay naligo na ako.Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako sa Bathroom ng kwarto ko at pumunta sa aking damitan.
Natapos akong magsuot ng damit ay napagpasyahan kong bumili muna ng mga pagkain para sa amin ni Niel.Lumabas na ako sa aming bahay at pumuntang tindahan.
-
-
-
Niel’s POV
.
Pagkababa namin ng pritil ay nagpaalam na ako sa kanila.Uuwi muna ako sa aking tinitirhan.Pagkadating ko doon ay nagpalit kaagad ako ng damit.
Pansin kong paubos na ang aking mga kasuotan kaya kailangan ko ng maglaba bukas.Hindi na ako pupunta sa amin dahil baka makita na ako ng aking ama.Itinabi ko na muna ang sahod ko sa pinagtrabahuhan ko sa bayan kanina.
.
.
Umalis na ako sa bahay na tinitirhan ko dala ang mga sasagutan namin ni Ian sa math.Pagkadating ko sa tapat ng bahay nina Ian.
Kumatok ako dito at ang hindi ko inaasahan ang. nagbukas ng pinto ay si Rex.
“Ohhh....Niel....bakit ka na dito??...at paano mo nalaman na dito ako nakatira??...”takang mga tanong nito.Ako din ay nagtataka kung bakit dito nakatira si Rex dahil unang punta ko dito ay sinabi ni Ian na mag-isa lang siya dito.
“Ahhh.....may gagawin kasi kami ni Ian....nadyan ba siya??....”tanong ko rito.
“Oo.....nasa kwarto niya.....kilala mo siya??...”tanong ulit sakin nito.
“Ahhh....siya yung sinasabi ko kanina na kasam kong gagawa ng binigay ng teacher sa math namin....Ehhh....bakit ka nadito??...kaibigan mo siya??...”.Tanong ko.
“Kapatid niya ako......”sabi niya.
Nagulat ako sa sinabi niya.
‘So tatay ni Ian yung dad ni Rex??’gulat na tanong ko sa aking isip.Nawala naman ang pag-iisip ko ng may magsalita sa likod ni Rex.
“Hindi.....hindi ko siya kapatid.....”walang ka emo-emosyong bungad ni Ian sa amin.
Magsasalita pa sana si Rex ng hinila na ako ni Ian paakyat sa hagdan papuntang kwarto niya.
Pagsara ni Ian ng pinto ay tahimik lang kaming umupo sa malambot niyang kama.
“Ohhh....ano ng gagawin natin??...”basag sa katahimikan na sabi ni Ian.
“Bago natin simulang magsagot.....pwede bang magtanong??...”.
“Oo ano ba iyon??....”wala parin ka emo-emosyong sabi nito.
“Ba't mo itinangging kapatid mo si Rex??....”tanong ko kay Ian.
“Pwede ba!!!...kung hindi tayo magsasagot....at magiiinterview ka lang ng buhay....ko umalis kana!!!....”
Sigaw sa akin ni Ian.
Ito ang unang-unang nasigawan niya ako.
“Pwede din po ba wag mo akong sigawan.....!!dahil unang-una tinanong kita kung pwede bang magtanong....May permisyon naman ako dahil pumayag ka!!!....”maluha-luhang sigaw ko kay Ian.
Lumabas na ako sa kaniyang kwarto at nagmadali na akong bumaba sa hagdan para hindi na ako makita ni Rex.Paglabas ko ng pintuan ay nagtuloy-tuloy na akong naglakad at naisipan kong pumuntang parang.........