CHAPTER 16

400 Words
Ian's POV: . “Grrrrrrrrr........bakit ko sinigawan si Niel!!!....”sabi ko sa aking sarili habang sinasabunutan ko ang aking buhok.Tumayo na ako sa aking kama at hinabol si Niel................ - - - Niel's POV: . Papalabas pa lang ako ng eskinita na galing kina Ian ay may humila na sa akin pabalik at isinandal ako sa pader.Nagulat ako dahil si Ian pala ito,buti na lang walang tao na dumadaan ngayon. “Ano bang ginagawa mo......”sabi ko habang nagpipilit akong makawala kay Ian. “Sorry Niel ha.....kasi nasigawan kita....”sabi ni Ian habang nakatitig siya sa aking mata. “Ano ba Ian.....” pagpupumiglas ko parin.Bumaba pa ang tingin ng mata niya sa aking labi. “Kung hindi mo ako patatawarin......Sige ka hahalikan kita.....”mapanlokong ngisi na sabi nito at dito naamoy ko ang mabango niyang hininga. Hindi ako nakasalita agad dahil inilalapit na niya ang labi niya sa labi ko. “Ohhh...sigeh na....”sabi ko para hindi niya na ituloy ang binabalak niya. “Anong sigeh......na....”sabi niya habang ang labi niya ay 2 cm na lang ay didikit na sa labi ko. “Oo na pinapatawad na kita.......”sabi ko ng napipilitan. “Teka parang napipilitan ka...?”sabi nito. “Anong napipilitan....ohh...”sabay ngiti ko na lang para hindi niya mahalata na napipilitan lang ako. Hayyyy salamat mabuti na lang at pinakawalan na niya ako.Kaya tumakbo na ako papalayo. Habang ako ay tumatakbo naisip ko yung kaninang hahalikan ako ni Ian.Parang may parte sa akin na gusto kong ipagpatuloy ang gagawin na paghalik ni Ian sa akin. ‘Grrrrrrrrrr............Niel ano ba.....wag kang mag-isip ng ganyan.....’sabi ko sa aking isip habang tumatako pabalik sa tinitirhan ko.................... - - - Ian’s POV: . Pagsara ko ng pinto ng aming bahay ay mabilis akong pumunta sa ref at kinuha ang pitsel at nagsalin ng malamig na tubig sa baso.Ininum ko iyon at inisip ko kung bakit yun ang ginawa kong paraan para mag-sorry kay Niel. At kahit sinabi niya na pinatawad na niya ako ay parang gusto ko paring halikan siya. “Ahhhrrrr.......wag kang ganyan Ian....kaibigan mo siya....”mahina pero madiin kong sabi sa aking sarili. “Ano ang nangyayari sayo??...”bungad na tanong sa akin ng stepbrother kong si Rex sa likuran ko. Hindi na ako nagsalita at napagpasyahan ko na lang na pumanhik sa aking kwarto at matulog.............
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD