CHAPTER 17

1093 Words
Niel’s POV: . Gabi na ng makarating ako sa bahay na tinutuluyan ko.Malayo-layo din kasi ang bahay nila Ian dito. Pagpasok ko dito ay may narinig akong ingay sa may kusina. Kaya mabilis ko agad iyon pinuntahan,pagtingin ko dun ay wala namang tao.Pupunta na sana ako sa aking hinihigaan ng may ingay na naman akong narinig sa kusina. Bumalik ako ulit doon at nagsalita. “Kung sino ka hindi ako natatakot sayo!!....”matapang kong sabi. May narinig akong ingay sa ilalim ng lababo kaya mabilis kong inangat ang kurtina na lumang-luma na sa tagal nito. Kung ano-ano pa ang sinabi ko ay bwisit na pusa lang pala.Lumabas na ito sa kaniyang pinagtataguan at ikiniskis niya ang kaniyang katawan sa aking binti. Pagtingin ko sa kaniyang pinagtataguan ay nakita kong may mga lumang kagamitan doon.Inangat ko ito at may mga kaldero,kaserola at iba pa.At naisip kong swerte ang pusa na ito. Nilinis ko ito sa malapit na poso sa tinitirahan ko dahil ito ay maraming alikabok.Siguro dahil sa tagal ng hindi nagagamit kaya ma alikabok. . . Pagkatapos kong malinis lahat ay bumalik na ako sa tinitirhan ko.May nakita din akong ‘Kalan’(alam ng mahihirap to....???)sa may tabi ng pinto kaya naisipan kong bumili ng bigas at uling sa malapit na tindahan. Kaya hayun ang ending diko na kailangan bumili ng lugaw bukas dahil makakapagluto na ako. . *********** . Naluto ko na ang kanin at sinunod ko naman ang ulam na itlog.Pagkatapos kong iluto ito ay naghanap ako ng paglalagyan o pagkakainan ko. Sa isang mapunong lugar malapit sa kinatatayuan ko nakita ko ang isang puno ng saging.Kaya naisipan kong gawing lagayan o kainan ko ang dahon nito. Lumapit ako dito at kumuha ng dahon.Bumalik na ako sa tinutuluyan ko. Pagdating ko ay nagsandok kaagad ako at sa bawat sandok ko ay inilalagay ko sa dahon ng saging na kinuha ko. . . Matapos akong kumain ay nagpahinga muna ako saglit dahil bawal daw humiga pagbagong kain baka daw magka ‘ulcer’(sakit sa bituka or tiyan. Nang medyo ramdam kong nakapagpahinga na ako ay naisipan kong maglatag ng hihigaan ko.Kinuha ko yung karton na hiningi ko sa malapit na tindahan at inilatag ko sa sahig at nagsimulang matulog................. . . . . Pagmulat ng mata ko ay naalala ko nga pala na maglalaba ako ngayon dahil wala akong pampasok na kasuotan sa eskwelahan. Ininit ko muna ang kanin na kagabi ay niluto ko.At kinuha ko sa kusina ang natira kong ulam kagabi at sabay kumain. Pagkatapos kong kumain ay inihanda ko na ang labada ko.Inilagay ko ito sa malaking plastic.Paglabas ko ng bahay ay may nakita akong palu-palo(Pampukpok ng damit). Naisipan kong maglaba na lang sa dalampasigan sa batuhan.Kaya nagmadali na akong lumabas. Habang ako ay naglalakad sa daan ay naalala ko nga pala na wala pa akong sabon na panlaba.Kaya bumili ako ng sabon sa malapit na tindahan na nakita ko. . ******** . Pagdating ko sa may dalampasigan ay inihanda ko na ang mga lalabhan ko at nagsimulang maglaba................ - - - Rex’s POV; . ‘Napakaboring naman ngayon.......’sabi ko sa aking sarili habang nanonood ng TV. Napagpasyahan ko na lang na pumuntang dalampasigan at maligo dahil first time ko lang makaliligo dito. . . . Habang ako ay naglalakad sa tabing dagat ay parang nagustuhan kong pumunta sa may part na batuhan at doon na lang maligo. Papalapit palang ako sa part na batuhan ay may narinig akong napakagandang boses.Sabi-sabi pa naman dito meron daw ng aakit na serena na kumakanta.Pero may iba pa akong naririnig na parang nagpupukpok. Kaya naisipan kong lumapit dito at silipin na baka nga totoo ang serena.Pumunta ako sa may dambuhalang bato at doon ko na lang nais silipin. Pagsilip ko ay isang lalaki lang pala na naglalaba at parang nakikilala ko siya hindi nga ako nagkamali na si Niel pala ito.Lumapit ako dito para ito ay gulatin sa pagdating ko.......... - - - Niel’s POV; . Habang ako ay nagtutuktok ng nilalabhan ko ay kumakanta ako.Dahil pakiramdam ko pagkumakanta ako ay nawawala ang pagod ko. “Ang galing mo pala kumanta??....”sabi ng pamilyar na boses na nagsalita sa likuran ko. Napatigil pati ako sa pagkanta at nilingon ko kung sino ito.At si Kex lang pala. “Ohhh....Rex anong ginagawa mo dito???.....”tanong ko ng nakangiti. “Ahhhh.....naisipan ko kasing maligo dito....Matatakot na nga sana ako ehh....”-Rex. “Bakit naman....”sabi ko. “Ehhh....kasi akala ko sirena ka dahil sa ganda ba naman ng boses mo....”.sabi niya. “Palabiro karin pala.....”sabi ko ng tumatawa. “Ano kaba....hindi ako nagbibiro.....akala ko nga babae ang kumakanta kanina nung hindi pa kita nakikita.....”sabi niya ng may ngiti pa sa labi. “Ano.....ligo tayo??....”-Rex. “Ano kasi.......”hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil binuhat na ako ni Rex at itinapon sa tubig........ - - - Rex’s POV; . Nakita ko si Niel nung pagbato ko ay kakaway-kaway na siya hindi ko alam na hindi pala siya marunong maglangoy. Kaya mabilis ko siyang tinalon at nung maiahon ko siya ay nawalan na siya ng malay.Inihiga ko siya sa walang bato-bato at sinimulang ipump ang kaniyang dibdib. Wala parin siyang ibinubugang tubig sa bunganga.Kaya wala na akong magagawa kundi imouth to mouth siya. Mabilis kong hinalikan si Niel para sa kaniyang ikaliligtas dahil wala na akong magagawa dahil kami lang ang tao dito. Naramdaman ko ang kaniyang malambot na labi at sinimulang bigyan siya ng hangin.Hayyy sa wakas bumuga na siya ng tubig at tumingin siya sakin. “Bakit moko hinalikan......”sabi niya. “Kung hindi kita hahalikan edi mamatay ka......”sabi ko. “ Hindi na siya nagsalita pagkasabi kong iyon. “Niel.....pero sorry ha......”pagpapaumanhin ko. “Wala yun ang mahalaga ligtas na ako....”sabi niya ng nakangiti. Niyaya na niya akong umahon dahil magtatanghali na masyado ng masakit sa balat ang araw.Pumayag na ako at nagpasyang ipagbuhat ko siya ng mga nilabhan niyang damit. Hindi siya pumayag pero nagpumilit ako kaya hayun ako na ang nagbuhat....... - - - Niel’s POV; . Habang kami ay naglalakad pauwi ay iniisip ko padin ang halik ni Rex sa akin.Malambot ang labi ni Rex na parang gusto kong ituloy na....(ang landi mo.....???). ‘Ano ba Niel......wag kang mag-isip ng ganyan....’bulong ko sa king sarili. “May sinasabi ka??....”tanong ni Rex na ikinagulat ko. “Ahh....wala...nagdadasal lang ako sa Diyos na buti may nagligtas sakin....”paraan ko. Tumango-tango na lang siya at nagmadali na kami sa aming pag-uwi........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD