Niel’s POV;
.
Tanghali na pero hetoh parin kami ni Rex naglalakad pauwi.Habang kami ay naglalakad ay napansin kong naglalabasan na ang mga mag-aaral sa elementarya.
Naalala ko nga pala ang kapatid ko na dito nag-aaral grade 2 palang siya.Kaya nag madali na akong maglakad at naiwan si Rex nanabibigatan sa pagbuhat ng nilabhan ko.
“Uyyy.....Niel ba't nagmamadali ka.??..kita mong ang bigat-bigat netoh....”.-Rex.
“Ahhh...sorry.....ehhhh kasi yung ulam ko nga pala sa bahay baka makain ng pusa.....”pagpaparaan ko.
Hindi na siya nagsalita pa at nagpatuloy na lang sa paglakad.Hindi pa kami nakakalayo masyado sa pinto ng eskwelahan ng kapatid ko ng may....
“Kuya!!!!......”sigaw sa akin ng kapatid ko.Lumingon ako dito at nakita ko ang umaagos niyang luha sa kaniyang pisngi.At doon ako'y napaluha narin.
Tumakbo ang aking kapatid palapit sa akin at ako'y lumuhod para siya'y salubungin ng yakap.
“Kuya.......uwi ka na......”pagmamakaawa sa akin ni Jane habang yakap-yakap ako at iyak ng iyak.
“Hindi pwede.....kapatid ko.....”sabi ko ng may pagpipigil na tumulo na naman ang luha ko.
“Bakit kuya.......”umiiyak paring tanong nito.
“Bata ka pa......malalaman mo din yan paglaki muna ha..??kaya wag kanang makulit......”sabi ko at mahigpit na niyakap ang kapatid.
Pumikit ako habang yakap-yakap ko ang kapatid ko.May biglang humila kay Jane at pagtingin ko si Tatay lang pala.
“Jane tara na alis na tayo dito!!!!.....”sabi ni Tatay habang hinihila si Jane paalis.
“Tay.....wag niyo namang darandanin si Jane.....”sabi ko.
“Wala kang pakialam at pwede bang.....WAG NA WAG mo akong tatawagin na tatay dahil......”Hindi na natuloy ni tatay ang kaniyang sasabihin dahil dumating si Nanay na may dalang tinda niyang balot at penoy.
“Ben!!....ano ba...!!”galit na sabi ni Nanay.
Umalis na si Tatay na kasama ang kapatid ko at si Nanay na lang ang naiwan.
“Nak.....pagpasensyahan mo na tatay mo ha.....”pagpipigil ng luha na sabi ni Nanay.
Tango na lang ang isinagot ko at nagpaalam na kay Nanay.Niyaya ko ng maglakad si Rex at doon habang ako ay naglalakad ay umagos na ang luha na pilit kong pinipigilan kanina.
‘Bakit siya ganun sakin??.Kung ituring niya ako sa pananalita niya ay parang hindi niya ako anak??’.sabi ko sa aking sarili habang tuloy-tuloy parin ang pag-agos ng luha sa aking mga mata.
Hinimas-himas ni Rex ang aking likod para pagaanin ang loob ko.
“Wag ka nang umiyak malalagpasan mo rin yan.....”pagpapagaan na sabi ni Rex sa akin.
Tango na lang ang isinagot ko pero hindi parin nawawala ang lungkot kung bakit ganun na lang ang turing ni Tatay sa akin.
.
.
.
Pagdating namin sa tapat ng bahay na tinutuluyan ko ay kinuha ko na kay Rex ang mga nilabhan ko.
“Salamat......”sabi ko.
“Your welcome,....bakit dito ka nga pala nakatira??...hindi sa iyung mga magulang....?”tanong nito sa akin.
“Mahabang kwento.....pwede bang tsaka ko na lang ikwekwento sayo??...”sabi ko ng malungkot.
“Okay.....basta pag may time ka na ha....ikwento mo sakin...”sabi niya habang nakangiti.
Nagpaalam na sakin si Rex at ako na naman ay pupunta sa likod ng bahay para isampay ang mga nilabhan ko.
-
-
-
Rex’s POV;
.
Habang ako ay naglalakad papalayo sa tinitirhan ni Niel ay naisip ko na naman nung hinalikan ko si Niel para bigyan ng hangin.Hinawakan ko ang aking labi at doon nararamdaman ko parin ang mapupula niyang labi.
‘Rex.....ano kaba.....Tulong lang yun.....walang malisya...’sabi ko sa aking sarili habang naglalakad.
Pagdating ko sa bahay ay nakita ko si Dad na nanonood ng TV sa sala.
“Ohhh....anak sang ka galing at bakit basa ka??...”tanong nito sakin.
“Ahhh.....Dad naligo lang po ako sa dagat....”sabi ko.
Nagpaalam na ako kay Dad para pumunta sa aking kwarto.Pagkapasok ko sa aking kwarto ay naghanda kaagad ako ng pamalit at pumasok sa CR.
Pagkatapos kong maligo ay nagbihis kaagad ako at humiga sa kama.Hindi ko alam nakatulog na pala ako.........