Sabi ng karamihan masakit daw umasa.
Cassandra, along with Jarred, Jelo, ang Myka had finally arrived at Myka’s humble home.
An elderly woman who seemed to be Myka’s grandmother welcomed them. Puti na ang buhok nito at kuba na rin ang likod ngunit mukhang malakas pa naman ito. Probably in her 70's. Also Myka’s mother and father were present.
Nagmano siya sa mga nakatatandang kapamilya ni Myka. Jarred and Jelo followed what she did. Hindi nakasanayan ng Guzman brothers ang pagmamano. Usually, beso-beso at maluwag na yakap ang ginagawa nila upang magpakita ng respeto to their elders.
But Cassandra was trained by her late parents na palaging magmamano at hanggang ngayon ay dala-dala niya pa rin ang nakasanayan.
“Naku, pasensya na kayo, ha. Ang liit lang ng bahay namin, ” Myka’s mother said.
Myka’s mother looked humble. She had white hair, and wrinkled face. Siguro ay nasa 55 years old na ang edad nito. Ang ama naman ni Myka ay mukhang tahimik at mahiyain. Kulubot na ang mga balat nito at bumabakas na rin ang mga ugat nito sa kamay at paa. Ang itsura nito ay itsura ng isang responsableng ama. Ang sabi ni Myka sa kanya ay pinalaki raw siya ng ama sa pagsasaka ng lupain ng ibang tao.
Masaya siya dahil kahit papaano ay nakatulong siya para sa birthday party nito. Kung pwede lang sana siyang magpalabas ng pera ay gagawin niya kaso lang ay sumama si Jelo. Jelo had no idea about her.
Naupo na sila sa mahabang upuan na yari sa kahoy sa maliit na silid tanggapan ng bahay.
“’Wag niyo po kaming problemahin, Nay, ayos lang po sa amin. “ Jelo flashed his sweetest smile.
Napatingin siya kay Myka at namumula pati tenga nito. Hindi niya rin naiwasang mapangiti. Kilig na kilig siguro ito kay Jelo. Naku, sabi ng karamihan masakit daw umasa, ‘wag naman sanang mangyari kay Myka na parang tinuturing na niyang nakababatang kapatid, sila ni Rima.
“Ay okay lang po kami, auntie. Siya lang po ang hindi. “ Itinuro siya ni Jarred gamit ang thumb nito.
She wrinkled her nose at kinurot niya ito sa tagiliran. “Naku, Nay, nagbibiro lang ho si Sir Jarred.”
Napaliyad ito sa sakit ng kurot niya sabay hampas nito sa kamay niya.
Napatingin ang lahat sa kanilang dalawa. They both faked a laugh and behaved.
Pagkatapos nilang mag-kakilalahan ay tumuloy na sila sa lamesa para makapag tanghalian. Nagtabi sina Jarred at Jelo, siya naman ay tumabi kay Jelo. Baka mag-away lang kasi sila ni Jarred sa hapag kapag nagkatabi silang dalawa. Nakakahiya naman sa grasya.
Sabay-sabay napatingin ang pamilya ni Myka na nasa lamesa sa kanilang tatlo nina Jarred at Jelo dahil nakakunot noo silang tumitingin sa mga hinandang ulam na parang ngayon lang sila nakakita ng mga ganoong luto at pilit hinuhulaan kung ano kaya ang lasa ng mga ito.
Mukhang nahihinuha na ng nanay ni Myka kung ano ang mga iniisip nila. “Ah, ito? Nilagpang na manok ang tawag namin dito. Sinugba muna namin ang manok. Tapos ay sinabawan sa ginamos.”
Nakakunot noo silang tatlo na nakikinig sa explanation ng ina ni Myka. Napakamot na lang ito ng ulo dahil mukha yatang wala silang naintindihan.
“Ah, basta. Masarap ‘yan. Tikman niyo na lang.” Inilapit ng ina ni Myka ang bowl kay Jarred.
Jarred smiled and took a little of it. Tsaka ipinasa ang bowl kay Jelo, pagkatapos kumuha ni Jelo, ay ipinasa naman nito ang bowl sa kanya.
Ngayon ay pare-pareho ng may mga lamang nilagpang na manok ang kanilang plato.
Eveyone in the table were curiously looking at them to taste it.
Sabay-sabay nilang tinikman ang kaunting kinuha nila.
“Masarap,” aniya ng nakangiwi.
Halatang-halata na hindi siya nagsasabi ng totoo. She didn’t like salty foods and nilagpang tasted salty dahil sa sangkap nitong ginamos na may maalat na lasa.
“Ngayon ka lang nakatikim ng nilagpang, Oli? ‘Di ba taga-rito ka? This a famous recipe here in Lameria, tama ba, auntie? “ Jarred smirked at her.
“Alam ko, sir. Ang sinasabi ko masarap ang pagkakaluto nila. “ Madalas talaga ay proud siya sa sarili sa galing niyang lumusot.
Tumango-tango lang si Jarred. Dahil kapag nagpatuloy pa ito sa panunuya sa kanya ay baka magsabunutan na silang dalawa.
“Talaga, Li? Taga-rito ka rin? Punta tayo sa inyo. “ Jelo smiled.
Pinagpawisan siya bigla sa sinabi nito. Ang hayop lang kasi ni Jarred, wala ring preno ang bibig.
She tittered. “Naku, Sir Jelo, wala na po tayong oras pumunta roon sa amin. May kalayuan po kasi ‘yon mula rito.”
“Bakit, ija, taga saan ka ba rito sa Lameria. Malawak din kasi ang probinsiyang ito. Ano’ng siyudad kayo? “ tanong naman ng ina ni Myka.
Dumagdag din si Myka. “Ate, bakit hindi mo sinabi. Magka-probinsiya lang pala tayo.”
Napalunok siya. Paano niya sasagutin ang mga tanong ng mga ito gayong hindi nga niya alam kung saang lugar sa Lameria sila ngayon naroroon. If Tony was there, she would blame him. Ang dami-daming probinsiya sa mundo bakit sa Lameria pa ang naisip ni Tony. Well, hindi niya rin kasi ito masisisi. Coincidence lang din naman ito.
“Taga saan ka, ija?” Inulit pa ng nanay ni Myka ang tanong nito.
She opened her mouth pero hindi niya alam ang sasabihin. Alangan namang gumawa-gawa na lang siya ng pangalan ng lugar. Paano kung alam nila lahat ng lugar sa Lameria? She was always a fast thinker but lately ay nag-lo-loading yata ang isip niya lalo na kapag nariyan si Jarred. Kapag may trial siya sa korte ay bawal si Jarred doon dahil matatalo sila malamang.
“Actually, Olivia doesn’t want to go home for the meantime. May uncle kasi siyang masama ang ugali na iniiwasan niya. “ Jarred blinked at her.
“Ah, opo. Medyo nagkagalitan po kasi kami. Kaya ayaw ko munang umuwi sa amin kasi hindi pa lumalamig ang mga ulo namin.” Hinilot niya ang kanyang sentido.
“Bakit mo alam, Kuya?” Jelo was suspicious.
Jarred did not bother to answer him. He just tapped Jelo’s back.
Inaamin niya na kinilig siya by how she was saved by him. Hindi ugali ni Jarred na iligtas siya ang alam lang nito ay idiin at ipahamak siya. Ano kaya ang nakain nito?
Nagpatuloy na sila sa pagkain. Pagkatapos kumain ay maghuhugas na sila ng mga kamay. Iginiya sila ni Myka sa labas ng bahay kung saan nakatayo ang poso o hand water pump.
“Sige, maghugas na muna kayo diyan, mga sir. Tutulungan ko na muna po si Nanay sa pag-aayos ng pinagkainan natin.” Iniwan na sila ni Myka sa labas.
Napatitig silang tatlo sa poso at sa balde na walang lamang tubig.
Lumapit si Jelo sa poso. “How do you do this, Li? Fill up the bucket, please.”
Her eyes widened. She didn’t know how to do it.
She tittered as she slowly started toward the pump. Bigla siyang nilampasan ni Jarred.
Mabilis na binomba ni Jarred ang poso hanggang sa lumabas ang tubig. She was saved by him again for the second time.
“Wow. Ayos, Kuya ha. Marunong ka pala nito.” Jelo seemed proud of his brother.
She stared at Jarred habang binobomba nito ang poso. Sa bawat lakas na inilalabas nito ay mas lalong nag-fi-flex ang mga muscle nito sa braso. That looked so hot.
Nahuli siya nitong tumititig. Umangat ang gilid ng labi nito. Agad siyang napalunok at nag-iwas ng tingin.
Jelo looked at the bucket na kanina pa umaapaw ang tubig na laman nito. He looked at his brother and he caught him flexing his muscles to Olivia.
“Kuya, kanina pa puno ‘yong bucket. Masyado ka namang masipag. “ Jelo teasingly smiled.
Agad na tinapos ni Jarred ang ginagawa at naghugas na ng mga kamay nito.
Cassandra’s face reddened. Bakit kaya extra supportive si Jarred ngayon sa kanya?