CHAPTER 35: Make Him Believe

1607 Words
It wasn't easy to deceive a man who's good at deceiving. "Sir Jarred, Sir Jelo, Ate Olivia." Pinaypay sila ni Myka nang patapos na sila sa paghuhugas ng mga kamay gamit ang tubig poso. Lumapit silang tatlo kay Myka. "Gusto niyo bang mamitas ng mga mangga? Handa na raw I-harvest ang mga mangga ni Don. Eduardo. 'Yong mayamang haciendero rito sa amin na nagmamay-ari ng 20-hectares na lupain." Myka grinned from ear to ear. Mayroon pa silang oras para magliwaliw dahil bukas pa naman ang birthday party ng ama ni Myka. "'Wag na, Myk. Nakakapagod. Gusto ko nalang matulog." She yawned. Inakbayan siya ni Jarred. "Walang matutulog. Mamimitas tayo ng mga mangga." Siniko niya ito sa tagiliran kaya napa-distansiya ito sa kanya. Pumalakpak si Myka sa tuwa. "I want to do it too." Jelo raised his hand. "WHERE are my boys, Karina?" Umuusok ang ilong ni Victoria sa galit. "Madam Victoria, humihingi ho ako ng paumanhin. Hindi ko po nabalitaan na sumama sina Sir Jarred at Sir Jelo sa probinsiya ni Myka. Kasama rin po si Olivia." Bumuntong hininga si Karina. Tinapon ni Victoria ang whiskey glass kaya naglikha ito ng tunog na nagpapitlag kay Karina." Bakit hindi mo alam? It was your job to look for my boys. That girl Olivia. I had already warned her not to mess with my boys." She was breathing heavily. Biglang bumukas ang pinto ng opisina niya at pumasok si Verno. "Ma, what was that noise?" Bumaba ang tingin nito sa basag na baso sa sahig. Mabilis siyang nilapitan ng anak at inilayo sa mga bubog. "Ma, be careful." Biglang lumambot ang facial expression niya. "Anak, bring your brothers back home please." Verno's forehead wrinkled. "Bakit, Ma? Saan sila?" She put his hand on his son's strong shoulder at doon kumuha ng lakas. "That kasambahay, Olivia, took them with her." "What?" Verno wrinkled his face. "Madam, ang sabi ni Rima ay si Jarred ang nagdala kay Olivia roon. Ayaw namang sumama ni Olivia roon pero pinilit daw siya ni Jarred." Karina explained. At least, napaka righteous na tao ni Karina at hindi nito kinakampihan ang mga alaga na tinuturing na nitong mga sariling anak. " Jarred that a*shole. " Verno's brows furrowed. " Verno! What are you saying? " Sinampal niya ang braso nito. Bumaling siya kay Karina at pinandilatan ito ng mga mata. Bakit pa kasi ito sabat ng sabat. "I'll bring them home, Ma. 'Wag ka ng mag-alala, It'll stress you out." Umigting ang panga nito. "You better hurry bago pa malaman ng Daddy mo na pati ikaw ay wala rin dito." Nag-booked agad ng flight pa Lameria si Verno without informing Myka, Olivia, and his brothers. "ANO? Diyan tayo sasakay? Ayoko." Cassandra shook her head as she pinched her nose. She didn't like the smell of the carabao. "Ate, hindi ka pa ba nakasakay ng balsahan?" Iyon ay gawa sa kahoy na maaaring sakyan habang hila-hila ng kalabaw. "Hindi ba tayo mahuhulog diyan?" Jelo twitched his mouth. Jarred shook his head. "Maglalakad na lang ako." "Ako rin." She raised her hand. "Ako, sasakay, nakakapagod maglakad, eh." Agad na sumakay si Jelo roon. Sumakay na rin si Myka. "Sino ang magmamaneho sa kalabaw?" Jelo asked. "Ako ho, sir." ani ng ama ni Myka. Sumakay na si Mang Cardo sa kanyang kalabaw at pinalakad na ito. Napahiyaw naman si Jelo. He seemed to really enjoy the ride. Dahan-dahan lang naman ang balsahan kaya nakikisabay na lang din sila ni Jarred sa paglalakad. "Li, Kuya, sumakay na kayo rito." Inilahad ni Jelo ang kamay niya para sana akayin siyang makasakay. Jarred shove his hand. Bumilis ang lakad ng kalabaw at hindi na sila nakasabay. Jelo and Myka waved at them, laughing. "Ba-bye!!" Medyo nakakalayo-layo na ang mga ito. Jarred stopped. "Are you tired?" Inirapan niya lang ito at diri-diritso siya sa paglalakad. Sumunod naman ito sa kanya. "Hindi nga pagod ka na?" He kept asking. She stopped at tumango-tango. She was really tired. Nakakapagod na nga para sa kanya ang sumakay lang ng sasakyan paano pa kaya kapag naglalakad na lang. Sumungaw ang mapang-asar na ngiti sa mga labi ni Jarred. "Maiwan ka na rito kung pagod ka na." Lumakad na ito ng mabilis. "Jarred, wait up." Binilisan niya na rin ang paglalakad para masabayan ito. Natatakot kasi siyang maiwan dahil may mga nakakasalubong silang mga taong may dala-dalang nga sanggot at matatalim na bagay. She was thinking of those suspense thriller movies she watched and imagined her throat being cut by those sharp tools. Jarred slowed his pace. Then he just bent his back in front of her. "Hop in," anito nang hindi siya nililingon. She pouted. "Walang bayad?" She heard him chuckled. "Walang bayad." Sumakay siya sa likod nito and he carried her piggyback. Pinisil-pisil niya ang mga muscle nito sa braso. "How do you work out?" She didn't see him smile. "Just like how usual people work out, Oli. Katulad mo. Mukha ka lang skinny but your actually heavy. It meant you are healthy. You used to work out too." She shut her eyes and shook her head. Ang galing lang talaga ng intuition ni Jarred. Siguro if she gets to spend more time with him ay matutuklasan na nito ang buong pagkatao niya. "Sssh. Don't talk, Jar, mas lalo ka lang mapapagod kapag salita ka ng salita." She rested her head sa batok nito. "Wow, ha. Komportableng-komportable, Oli? What do you think of me?" "A human car." She closed her eyes. Jarred chuckled. "'Wag kang matutulog diyan, ha. Itatapon talaga kita." She remained silent. Mga iilang minuto pa ay binaba na siya ni Jarred. Nagpahinga sila sa ilalim ng isang mayabong na puno. Wala silang nakikita kung hindi palayan at mga puno everywhere. May-iilan din silang natatanaw na mga kubo sa di kalayuan. "Here." Jarred brought a wood na pwede niyang maupuan. Itinuro niya ang waterpump na nakita. "Jar, kita mo 'yon? Nakaligo na ako diyan." She plastered a smile on her face. She could barely recall memories that happened before her parents died. Napakasaya niya na maalala noong mga panahon na dinala siya ng mga magulang sa farm nila. She could not remember where was that, but that farm was sold to somebody else. Naalala niya rin kung paano siya naligo sa isang water pump doon. It was more fun swimming there than their house swimming pool. "Of course, 'di ba taga rito ka?" He smirked. Natahimik siya. She slapped her noisy mouth. Jarred's gaze remained fixed on her. "Oli, just admit it. You don't live here. Ano ba talaga ang pakay mo sa pamilya namin? May gusto ka ba sa isa sa mga kapatid ko, that's why you disguised para makapasok at makasama si Kuya o si Jelo?" "Yes. Nahihiya man akong aminin, Jarred. But I'm in love with Verno. Pero hindi niya ako kilala. Sabi ng mga kaibigan ko he was a playboy. Gusto ko siyang mas kilalanin pa. Gano'n naman 'di ba talaga kapag gusto mo 'yong tao?" She gulped. She was praying na sana gumana ang arte niyang iyon. She had no choice kundi linlangin si Jarred. Jarred scoffed at nag-iwas ng tingin. "Do you think paniniwalaan na lang kita ng gano'n-gano'n na lang, Oli? If you are telling me the truth, patunayan mo. Saan mo siya unang nakita? Nagkausap ba kayo? Saan siya mahilig tumambay? What do you know about him?" Sunod-sunod ang mga tanong nito. "I am not a robot." She said with a straight face. Jarred tried to keep his laughter to himself because they were having a serious discussion. Tapos ay bigla-bigla na lang siyang hindi magseseryoso. Jarred maintained a long face. "I am not joking, Oli." "I thought you were verifying me." She grinned from ear to ear. He shook his head. "If that was your only motive then you don't have to hide yourself from me." Nagkasalubong ang mga kilay niya. "Jarred, of course I have to hide it from everyone." "Gano'n mo ba ka mahal si Kuya? That you even knelt in front of our parents. When he confessed to you, but mo siya ni-reject?" He frowned. "Beacuse... because hindi pa perfect timing. Hindi ko pa siya gano'n kakilala. Ayoking magsisi sa huli." She swallowed. Marami pang sunod-sunod na mga katanungan si Jarred sa kanya at mabuti nalang at nasagot niya ang mga 'yon. All her answers made sense because ipina-background check niya noon isa-isa ang mga magkakapatid at noong nag-spy sila ni Tony sa mga ito, those were her references. Ang malapit ng magpaniwala kay Jarred was when she answered his question kung saan madalas tumambay ang kapatid niya and she answered correctly. Doon 'yon sa pinuntahan nilang bar. Sinabi niya rin kay Jarred that she used to stalk Verno before she came up with her plan of disguising as a kasambahay to get closer to her crush. "Itanong mo sa Kuya mo kung may naaalala pa siyang babaeng kahinahinala doon sa paborito niyang bar. I ran away when he called me. I was stalking him that time. If he can recall." She shrugged. Naglalakad na sila papunta sa hacienda na tinutukoy ni Myka. Kanina pa siguro nakarating sina Jelo at Myka roon at hinihintay na sila. " How 'bout when I first saw you at the orphanage? Coincidence lang ba' yon? " He glanced at her habang naglalakad sila. " Nagkataon lang talaga na pareho rin tayong philanthropist, Jar." She tapped his back and walked faster as she twitched her mouth. Ang dami-dami nitong tanong, naloloka na siya kakasagot dito. Nararamdaman niya na hindi niya pa rin ito lubos na napapaniwala. It wasn't easy to deceive a man who's good at deceiving.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD