CHAPTER 36: Bato-bato Pick

1469 Words
The one who loses the game will reveal one secret. “Bilisan mo, Oli. Ang bagal mo maglakad.” Nilingon siya ni Jarred nang nauuna na ito sa paglalakad. Hindi niya kasi ito masabayan dahil mabilis itong maglakad. “I am tired, Jar. Dahan-dahan naman. Hindi naman aalis ang hacienda roon, eh.” She panted. Hinihingal na siya sa pagod. Hindi kasi nila alam kung malapit na ba sila o malayo pa. Jarred stopped. Mas binilisan niya ang paglalakad dahil hinintay na siya nito. Nang makalapit siya kay Jarred ay inilahad nito ang kamao nito. She stared at his fist. Tapos pinagsalpok niya ang mga kamao nila. Jarred laughed. “Tanga! Bato-bato pick. ” Akala niya kasi fist bump. Pinandilatan niya ito ng mga mata. How dare him call her tanga? That was offensive. He started moving his fist up and down. She became suddenly attentive at hinanda na rin ang kamao niya sa laban. “Bato-bato pick.” Papel ang sa kanya at scissors naman ang kay Jarred. Ibig sabihin ay panalo ito. Pinitik ni Jarred ang ilong niya at agad niya namang tinamoal ang kamay nito. “Ang mahuhuling makarating doon sa hacienda will reveal one secret. Go!” Bigla na lang itong tumakbo. Bumuwelo na rin siya sa pagtakbo. “Jarred!! “ She yelled habang mabilis na tumatakbo. Nang maabutan niya si Jarred ay tinulak niya ito. Jarred stumbled. She ran as fast as she could, laughing. “That’s foul.” Jarred shouted. Nauna siya sa finish line. Parehas silang napa-bent ng katawan habang ang mga palad ay nakatukod sa magkabilang tuhod na parang sumasayaw ng otso-otso. Hinahabol ang kanilang paghinga. Tinuro siya nito. “Hoy, madaya ka! “ “Mas madaya ka nauna kang tumakbo.” She laughed. He stood straight. “Because I won the bato-bato pick.” He shook his head. She stood straight. “Kahit na. Ako pa rin nauna. You must reveal one secret, Jarred.” She smirked. Pumasok na sila ng hacienda. There were numbers of mango trees. Ayon kay Myka ay ang Don Eduardo mango plantation ay isa sa mga pinagkukuhanan ng matatamis na mga mangga sa probinsiya ng Lameria. Kilala rin kasi ang Lameria hindi lang bilang beach capital kung hindi pati na rin mango capital ng bansa. “Jarred, look! There is a pond over there.” Her whole face lit up. Sinundan ni Jarred ang tinuturo niyang pond. Jarred smiled habang nakakunot ang noo. “Yeah, there’s a pond over there. “ He was amused by her surprise at seeing a pond. “Ngayon ka lang nakakita ng lawa? “ He giggled. “Hindi. But I just love all bodies of water. Lake, pond, river, sea, ocean, falls.” She grinned from ear to ear. “Ate, Kuya. Dali na rito.” Myka was shouting from a distance. They found Myka and Jelo sa hindi kalayuan sa ilalim ng puno ng mangga na pinapaypay silang dalawa. May hawak-hawak na panungkit ang mga ito. Olivia was so happy to see Myka’s bright smile. Parang kailan lang ay wasak pa ang puso nito. She was proud of how Myka managed to protect her mental health. Hindi ito naghanap ng ibang lalaki na bubuo ng nawasak nitong puso, ang sarili nito mismo ang bumubuo sa puso nito. They started toward them. Jelo was so focused as he sighted the mango he was about to hook. He pulled the hook at nahulog sa net ng panungkit ang isang bungkos ng hinog na mga mangga. “Nakita mo ‘yon, Kuya? Ang galing ko no? Ikaw naman.” Jelo chinned up. Natawa na lang siya sa reaction ni Jelo. Ipinasa ni Jelo kay Jarred ang panungkit. She watched as Jarred effortlessly hooked the mangoes. Bakit ang galing-galing nito sa kahit anong gawin nito? Pumalakpak si Myka. “Wow, Sir Jarred. Nakakabilib naman kayo.” Inakbayan ni Jelo ang kapatid. “He’s my brother, Myk. Paano ba ‘yan? Nagmumukha na akong mayabang nito? “ Jarred slapped Jelo’s forehead and laughed. Bumalik na ulit sa panunungkit ng mga mangga ang tatlo. They were having too much fun habang siya naman ay nakatayo lang sa tabi at pikit matang nilalanghap ang sariwang hangin. “Ate, ikaw naman. Promise, it’s fun, Ate.” Inabot ni Myka sa kanya ang hawak nitong panungkit. She opened her eyes and shook her head. “’Wag na, Myk. Sawa na ako sa ganyan.” “Sus, baka hindi ka lang marunong. “ Jarred gave her a half smile at sinuklian naman niya ito ng irap. Bumalik na si Jarred sa pagiging enemy niya. Iz very Jarred. Syempre hindi siya pwedeng mabisto kina Myka at Jelo kaya it was a better option to try than do nothing and made them think she was lying. Kinuha niya ang panungkit at agad na pumuwesto sa ilalim ng punong mangga. She sighted the mango she was going to hook. Dahan-dahan niyang itinutok ang panungkit doon sa bungkos ng mangga na tinatarget niya. Myka, Jelo, and Jarred were watching her. Nang hinigit na niya ang panungkit ay hindi sumama ang bungkos ng mangga. She heard them laugh. Her first attempt failed. She bit her lower lip and tried again, but failed for the second time. “Li, hindi ka naman maruning, eh, “ ani Jelo. Naririnig niyang pinagtatawanan siya ng tatlong kasama. Pinakamalakas na ang tawa ni Jarred. Parang ang dali lang naman tingnan but for a person like who had not done this yet, napakahirap. Hindi pala madali ang sumungkit. Susubukan niya ulit. This time ay mas nag-focus siya. Itinutok niya ng maayos ang sungkit. Ngunit bigla na lang niyang naramdaman si Jarred mula sa kanyang likod. Parang kinikiliti siya ng humagod ang mga kamay nito sa magkabila niya braso hanggang sa pumatong ito sa mga kamay niya. Halos magdikit ang mga pisngi nilang dalawa. “What are you doing?” She lowered her voice. Her face reddened. “This is how you do it.” Jarred’s hands guided her hands then simply pulled the hook at sumama ang bungkos ng mangga sa net ng sungkit. She opened her mouth in amusement. “I got them. “ “Ate, talaga.” Myka giggled. Nakangiti si Jarred habang tinitingnan siyang hinahawakan ang mga manggang nasungkit. Inilagay niya ang mga iyon sa basket nila. Puno na ang basket nila ng mga hinog na mangga. “Who’s that girl?” Jelo squinted his eyes. Sinundan nila ang mga tingin ni Jelo na nakatutok sa isang dilag na may hawak-hawak na stabilizer kung saan nakalagay ang iPhone nito na nakatutok sa mukha nito. Nakatalikod ito sa kanila. Nakasoot ito ng shorts at backless na damit, exposing too much of her makinis at maputing balat. She was small. Siguro ay nasa 5’1” lang ang height nito, which made her look cute with that sexy body portion. “’Yan si Ma’am Andrea. Heiress ni Don Eduardo. Nag-iisang anak kasi ‘yan. Sikat na travel vlogger siya na may 3 million subscribers sa Youtube. Pero mag-ingat kayo riyan. Ang sabi-sabi ay maldita raw ‘yan at matapobre.” Myka twitched her mouth. Her right brow raised. She ignored the girl and turned to Jarred. He was busy with his phone. Oo nga pala, kailangan niyang tawagan si Tony. Baka nakalapag na rin ang private airplane niya sa Lameria na sinakyan nito. She told Tony kasi na sumunod to buy a small house somewhere in Lameria if ever I-insist ng mga kasama na pumunta sa bahay nila. Mabuti na lang at ni-saved siya ni Jarred. Lumayo-layo muna siya sa mga kasama. After 3 rings ay sumagot na rin si Tony. Ang una niyang narinig ay ingay mula sa telebisyon. Nanonood na naman ito ng soccer. “Ton? What time did you arrive here?” “2 hours ago. Dumiritso na ako sa hotel mo.” “Huh? Hotel ko? “ “Hoy, Casy, di mo alam may hotel ka sa Lameria? Cassy 5-star Hotel. Pagmamay-ari mo ‘to. Sabagay. Marami ka pang properties na hindi mo pa nabisita. Binili mo ‘to no’ng 20th birthday mo. Sabi mo deserve mo ‘to. ” “Talaga? Bakit sa Lameria?” “Syempre. Maraming turista sa Lameria, ma’am. Payaman ka ng payaman wala ka namang alam sa negosyo.” She pouted. “Gusto mo paalisin kita diyan? “ “Sobra ka naman. Parang nag-jo-joke lang ‘yong tao. Oh, ano na diyan? Nakabili na ako ng maliit na bahay. Safe ka na. Syempre pinalagyan ko na rin ng mga litrato ng strangers na kunwari relatives mo.” “Don’t bother. We’re not going there. Uuwi na rin kami sa susunod na araw. Umuwi ka na. Asikasuhin mo ‘yong mga Daez.” She ended the call. Nang bumaling siya sa mga kasamahan ay may kausap na ang mga ito, si Andrea.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD