CHAPTER 37: Psychopath encounter

1678 Words
You’re messing with no ordinary people.  She squinted her eyes to see Andrea smiling brightly in front of Jelo and Jarred. She was just like ordinary girls who couldn't help showing off in front of handsome men. Ipinasok niya ang telepono sa bulsa at agad ng naglakad palapit sa mga kasamahan at sa bago nilang kakilala. “About her, who is she? Katulong din? “ Tiningnan siya nito mula paa hanggang ulo. “Ah, yes. She’s Olivia. Hindi lang siya katulong, kaibigan din namin siya. “ Jelo smiled sabay inakbayan siya. Napatakip ng bibig si Andrea. “OMG! Nakikipagkaibigan kayo sa katulong? That’s adorable of you.” Naglahad ito ng palad sa kanya. “Hi, my name is Andrea.” Andrea gave her a half grin. Tiningnan niya lang ang kamay nito, and twitched her mouth. Parang binuhusan ng malamig na tubig si Andrea sa ginawa niya. Tinalikuran niya ito without any word at naglakad siya papunta sa pond na kanina pa niya gustong malapitan. She heard their voices following her. Salita ng salita si Andrea na parang tour guide. Of course, vlogger ito kaya palasalita. She didn’t accept Andrea's hand not only because of what Myka told them about that girl but also because she saw her smirk at her. She had no time to treat insincere people right. She enjoyed the scenario habang nakikinig sa boses ni Andrea na walang humpay sa pagbibigay ng mga impormasyon tungkol sa hacienda at sa mga tao roon. Nang magsawa na siya sa tanawin ay bumaling siya sa mga kasamahan. “Myk, mga sir, magbabanyo lang ho ako.” “Wait, samahan na kita. You don’t know the way.” Andrea gave her a half grin again. That half grin hid a terrifying meaning. As an attorney, she was always suspicious of people. She could not let her client deceive her, or else, it would put her future in jeopardy. Now, she was suspicious of Andrea. Sa tingin niya ay hindi lang ito basta-basta mataray at matapobre, that girl looked like a psycho. They turned left and took 10 steps down a stairwell that led them into a garden space. Sa kanang bahagi ay may dalawang banyo na magkatabi. Ang pader ng mga banyo ay gawa sa bamboo tree. She opened the door and Andrea kicked her back. Halos masubsob siya sa bowl sa lakas ng pagkakasipa nito sa kanya. Andrea locked the door. She stood straight, hawak-hawak ang masakit niyang likod. “I was right. You’re a psycho.” She gritted her teeth. “This is the end of you. I’m going to kill you, b*tch.” Andrea flashed a devilish grin. “If you can. “ She exercised her neck. Andrea took a knife na nakatago sa likod ng lababo. “If you harm me, you psychopath. You will never get away this. Hindi mo ako kilala.” She smirked. Mahigpit na nitong hiwakan ang maliit nitong kutsilyo na sobrang talim at itinutok sa kanya. “Hindi mo rin ako kilala. People have no evidence I kill without any remorse.” She moved her foot backward, one foot forward. Her hands were in position for a fight. “Do you think harming me will not make you regret? I’ll make sure you’ll pay your crime in prison.” Andrea laughed. “What can a mere maid do to me? You’ll die here.” “Sa tingin mo hindi ako hahanapin ng mga kasama ko? If you don’t let me out of here in 3 minutes, they will come to find me.” Her brows furrowed. “They won’t be able to enter this garden, b*tch. This is guarded with armored men.” Andrea laughed. “You’re messing with no ordinary people.” She kicked her hand at nabitiwan nito ang kutsilyong hawak. Andrea immediately reached for her knife at nang malapit na nitong iyon ay sinipa niya ang kutsilyo at lumusot ito sa ilalim ng pinto ng banyo palabas. She pulled her hair and pinned her head on the wall. Pagkatapos ay binali niya ang kamay nito at idiniin sa likod nito. Andrea couldn’t move. Andrea laughed in that position. “Just one shout and a bullet will penetrate your head.” Andrea’s irritating laugh was provoking her. Hinarap niya ito sa kanya at sinakal ito. “Shout. If you can.” Andrea tried her best to remove her hands mula sa leeg nito. Nang makita niya na parang unti-unti na itong nanghihina ay binitiwan din niya ang leeg nito. Hinabol ni Andrea ang paghinga. Ilang sandali pa ay nakarinig sila ng huni ng sasakyan ng pulis. “Olivia!” Jarred was screaming her name. Napabuga siya ng malalim na hininga. She was about to open the door nang sinipa siya ni Andrea. Hindi siya gaanong nasaktan. Hinigit niya ang buhok nito at sinampal. “Hindi ka titigil. Ipapakulong kita. Mamamatay tao ka.” She gritted her teeth. “Olivia!! “ Jarred kicked the door and it didn’t open. Sabay silang napalingon ni Andrea sa pinto. “You’re accusing. You have no evidence.” Andrea grinned, dumudugo na ang labi nito dahil sa sampal niya. Binitiwan niya ang buhok nito kasabay ng pagbukas ng pinto sa isang malakas na sipa ni Jarred. “Olivia!” Takot na takot ang mukha nito nang niyakap siya nito ng mahigpit. Nanlaki ang mga mata niya. She saw policemen behind Jarred. Dinakip ng mga police si Andrea, pati na rin ang mga armadong guard nito. Dinala siya sa malapit na hospital dahil nagkaroon siya ng konting injury. She watched Jarred pacing back and forth habang may katawag ito sa telepono. Jarred’s scared face and how he hurried to her, how he screamed her name, were all flashing back in her mind. Hindi niya alam, she was fine without him, but when he came to rescue her, she was on the verge of crying. Lumapit si Jarred sa kama niya. “I called your family. Ang sabi niya ay tatawagan ka raw niya.” Tinawagan nito si Tony. Tony was his registered family, mabuti na lang at hindi si Veronne dahil matataranta ang Mommy niya kapag nagkataon. “Nasa’n sina Myka at Jelo?” Umupo siya sa kanyang kama. Hindi niya kasi nakita kanina ang dalawa. “Nasa bahay na sila ‘wag kang mag-alala. Hindi mo sila nakita kanina dahil pinaalis kami agad ng mga pulis.” Jarred storied what happened there. Nag-umpisa raw mag-alala ang tatlo ng matagalan siyang bumalik kasama ni Andrea. Jarred looked for her at nakita nito ang mga armadong lalaki and he heard a loud bang inside the comfort room. He got out of there at binalikan sina Jelo and Myka to warn them. Tatawag pa lang daw sana ito ng pulis dahil hindi naman nito kaya na sagipin siya gayong wala itong armas nang bigla na lang dumating ang mga police car. Agad silang pinaalis doon dahil mapanganib ang operasyon pero naging matigas ito at nagpumilit sumama. Nang mahuli na ang mga armadong lalaki na hindi naman nanlaban o nakipagputukan sa mga pulis ay tumakbo na ito agad sa kinaroroonan niya. She was touched. “Why did you save me? Jarred, I’ve always been a suspicious person to you. You knew it was dangerous.” Napabuntong hininga siya. Jarred scoffed. “I didn’t know why I did that either. It just happened. You don’t have to thank me.” He turned his back from her. “Where are you going?” He looked at her over his shoulders. “To a hotel. I need to rest. You’re a tough girl. Kaya mo na mag-isa. Myka and Jelo will come here later. Magpagaling ka.” Tuloy-tuloy na itong lumabas ng pribadong silid. Bumagsak ang balikat niya. Of course, sino ba naman siya sa buhay nito para bantayan siya nito. Her phone rang. “Hello, Ton?” “D*mn it. Sa sobrang kaba ko I forgot to ask Jarred kung saang hospital ka? How are you feeling, Cassy? May masakit pa ba sa’yo? Are you comfortable there? Do you want me to buy the hospital? Shall I go there? ” She laughed at his joke. “OA mo. Mabuting-mabuti ang kalagayan ko. There’s nothing to worry. Don’t make Mommy know about this. Find out about Andrea, Ton.” “I already did. She is a psychopath. A travel vlogger na may pinapatay na isang tao sa bawat lugar na pinupuntahan niya. She will be sentenced to life imprisonment. Mabuti na lang talaga at may nakapagbigay ng ebidensya sa mga pulis.” That psychopath! Jarred was walking out of the hospital building. His phone rang. “Kuya.” Tinig ni Jelo sa kabilang linya. “Jel? “ “Papunta na kami ni Myka ng hospital. Saan ka? “ Nakalabas na siya ng hospital at agad na naghintay ng taxi. “Jel, the police called me.” The police told Jarred they needed Olivia’s statement. Sinabi niya sa mga police na hindi pa ito ready para magbigay ng statement. He thought baka kasi ma-stress lang si Oli. She almost became one of that psychopath’s victim. Hindi man nito pinapakita sa kanya pero baka takot na takot ito. Siya na lang ang magbibigay ng statement. “Bilisan niyo, Jel. Walang kasama si Oli sa kuwarto niya.” “Okay, Kuya.” The phone call ended. May humintong taxi sa harap niya. He put his phone in his pants’ pocket at sumakay na ng taxi. “Police station,” aniya sa taxi driver. He will make sure that that psychopath will not get away with her crime. Habang nasa taxi ay panay ang flashback sa isip niya ng mukha ni Olivia nang makita niya ito sa loob ng banyo kasama ang isang mamamatay tao. Takot na takot siya ng mga oras na hindi niya alam kung ano ang nangyayari kay Olivia sa loob ng banyong ‘yon. If he could turn back time, sinamahan niya na lang sana itong nag banyo. Hindi niya mapapatawad ang sarili if something terrible happened to Olivia. Because he was the one who took her to Lameria.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD