Chapter 38: Water ran out

1483 Words
Mahirap talagang maging perfect.  It’s 6 in the morning. Kauuwi lang nina Myka and Jelo. Ang mga ito kasi ang nagbantay sa kanya sa hospital. She’ll be discharged today at didiritso siya sa police station para magsampa ng kaso at magbigay ng statement sa mga pulis. Her phone rang. Inabot niya ang telepono at tiningnan kung sino ang tumatawag. It was her mom. She swallowed. “Hello, Mommy. Good morning.” She tried to sound as fine as possible. “Hello, Sweetie. Mommy misses you so much. Are you doing fine? Do you need my help? “ Hindi niya mapigilang mapaluha. Miss na miss na niya ito. She cleaned her throat. “Mom, I’m doing well. I’ll tell you if I need your help. Not yet. But I always rely on you.” She didn’t want Veronne to be involved too much on this quest. Because she didn’t want to put her in danger. But she didn’t want to make her feel useless too. The call ended after they said, “I love you.” to each other. Somebody knocked on the door. Her whole face lit up expecting someone. The door opened at pumasok si Tony. She pouted. “Hello, Cassy. What’s with that face? Disappointed? May ibang inaabangan?” Pumasok na si Tony sa loob. She shook her head and smiled. She opened her arms wide. Tony put the bouquet of flowers on the table and hurried to hug her. “Were you scared?” Tony hugged her tight. She sniffled. Pagkatapos nilang magyakapan ay sinampal niya si Tony sa braso. Tony twitched her mouth. “Mukha ka namang malakas.” “Bakit ka nagdala ng bouquet? Anong sasabihin ko kay Jarred? Mahirap lang tayo tapos may pambili ka ng bouquet.” She shook her head. Humiga si Tony sa kama niya. Ginawa nitong unan ang sariling mga kamay. “Sino nagsabing mahirap lang tayo? “ She laughed at tinapunan ito ng unan. “Tawagin mo na ‘yong nurse. Ipapatanggal ko na ‘tong dextrose ko. I need to take a bath.” Bumangon naman agad si Tony at lumabas na ng kuwarto. Pagbalik nito ay may kasama na itong nurse. Tinanggal na ng nurse ang dextrose niya, at lumabas na rin ito agad. “Aalis na ako. Baka abutan ako rito ng inaabangan mo.” Panunuya ni Tony. She wrinkled her nose. “Gawa-gawa ka ng kwento. Lumayas ka. Dalhin mo ‘yang bouquet mo.” Ngumuso siya sa bouquet nitong dinala. Tony laughed. Binitbit nito ang bouquet at lumakad na. Kumilos na siya para maligo. Habang naliligo siya ay narinig niyang bumukas ang pinto ng kuwarto niya. Baka sina Myka. Pagkatapos niyang magsabon at banlawan ang katawan ay nag-shampoo naman siya. Babanlawan na niya sana ang buhok nang nawala ng tubig ang shower. She tried the faucet too pero wala ring lumalabas na tubig dito. Kumatok siya sa pinto. Naka-lock naman ito. “May tao ba riyan?” Nilakasan niya ang tinig. “Yes, Olivia. I’m here.” Hindi iyon tinig ni Jarred. It was Verno’s voice sa likod ng pinto. Nanlaki ang mga mata niya. Anong ginagawa ni Verno rito? “Sir Verno ikaw ba ‘yan?” Verno knocked on the door. “It’s me. Okay ka lang ba? Anong kailangan mo?” Humapdi na ang mata niya dahil sa shampoo na pumasok dito. “Sir, nawala kasi ang tubig. Hindi pa ako nakakapagbanlaw ng buhok.” “Wait, “ anito. Ilang sandali pa ay kumatok ulit ito. “Are you wearing your towel?” She opened her eyes at bumaba ang tingin niya sa hubad na katawan. Mas lalo lang nakapasok ang shampoo sa mga mata niya. Ngayon ay hindi na niya ito maibukas. “Sandali lang, sir, “ she yelled. Kinapa niya ang tuwalya. Mabuti na lang at nakapa niya rin ito. Sinoot niya ito nang naka pikit. Pagkatapos ay kinapa niya na ang door knob at pinihit ito pabukas. “Papasok ako pero hindi ako nakatingin, okay?” Tumango-tango lang siya at tumabi sa gilid ng banyo. She forced her one eye open at nakita niya si Verno na nilalapag ang isang gallon ng mineral water sa sahig habang nakapikit. Hindi niya maiwasang mapangiti. Ito ba talaga ang Verno na nakilala niya? Ang laki ng pagkakaiba nito sa Verno na kinilala niya. Tuluyan na itong lumabas ng banyo ng hindi binubuksan ang mga mata. He even closed the door himself. She hurriedly used the mineral water para banlawan ang kanyang ulo na bumubula pa sa shampoo. Pagkatapos maligo at magbihis ay agad na siyang lumabas ng banyo. Natagpuan niya si Verno na naka-upo ng naka-dekuwatro sa maliit na couch. Nakasoot lamang ito ng plain black tee-shirt at butas-butas na pantalon, naka-tsinelas lang ito ngunit Balenciaga ang brand ng tsinelas. Siya naman ay nakasoot ng oversized white tee-shirt, maongfit pants, at putting sneakers. Nang makita siya ni Verno ay agad itong tumayo at napatitig sa kanya. She smiled at him. “Pasensya na, sir, ha. Naabala pa tuloy kita. Bigla ba naman kasing nawalan ng tubig.” “Sus, wala ‘yon.” He smiled. “Ah, ano po pala ang ginagawa niyo rito, sir? Hindi kayo nagpasabi. Hindi tuloy namin kayo nasundo sa airport.” She took a deep breath. “I came here para sunduin kayo. Tapos ito pala ang maabutan ko rito. I called Jelo and he told me what happened. Are you sure you’re ok?” He flashed a broad frown and took a step closer to her. She waved her hand. “Okay na okay po ako, sir.” She took a step backwards. She wasn’t comfortable around Verno anymore just like before. Since Verno confessed to her ay medyo nailang na siya rito. Hindi dahil hindi ito kagusto-gusto pero dahil iniiwasan niya na mapalapit ang loob dito. Paano kung ma-in love rin siya rito? She was sure she had no feelings toward him yet pero wala siyang control sa damdamin niya at sa maaari niyang maramdaman if Verno persuaded her. Hindi pwedeng mangyari ‘yon, it would be chaotic. Hindi sila pwede. Ang problema niya ngayon ay kailangan niyang paniwalain si Jarred na talagang may gusto siya kay Verno. Baka umasa si Verno sa mga ikikilos niya pero gagawin niya lang iyon kapag nakatingin si Jarred. Ang hassle kasing maging siya, siya na kamahal-mahal at gustuhin. Mahirap talagang maging perfect. Nakaramdam siya ng uhaw. Pero wala ng tubig sa kuwarto dahil pinambanlaw niya ng ulo ang inuming tubig. “Sir, bibili lang ako ng tubig sa canteen sa baba, ha. Excuse me po.” “No, ako na. Ako na ang bibili.” Tumango-tango na lang siya rito kahit na hindi siya komportable na pinapaboran siya nito. Lumabas na si Verno at naiwan siya sa kuwarto na may malalim na iniisip. Iniisip niya kung ano ang gagawin niya kay Verno para mawala ang pagtingin nito sa kanya. Problema kasi para sa kanya ang nararamdaman nito. She couldn’t just let Sebastian’s family member developed feelings for her. Because she was an enemy and they were an enemy to her. Isa pa ay wala rin siyang trust sa sarili niyang nararamdaman. Mahirap na. Ilang pelikula na rin ang napanood niya kung saan ang bidang babae ay paiibigin kunwari ang lalaki para makapaghigante pero sa huli ay magkakaibigan din ang mga ito. Wala siyang tiwala sa pag-ibig dahil ayon nga sa kanya ay lintik ito, parang kidlat. Napaupo siya sa kanyang kama as she swung her feet. Ilang sandali pa ay dumating na si Verno na may dala-dalang bottled water. “Ang sabi sa canteen. Okay naman daw ang supply ng tubig.” Verno shrugged at inabot nito ang bottled water sa kanya. She wrinkled her forehead. “Talaga, sir?” Binuksan niya ang bottled water at nilagok ang tubig. “Gano’n ka ka uhaw?” Verno smiled. Naubos niya kasi ang laman nito sa isang inuman. “Wala namang isang litro, sir.” She shook the empty water bottle. “Uhm… Olivia, about what I confessed to you. Gusto ko sanang mag-sorry sa ‘yo.” He lowered his head. She felt bad. Naiparamdam ba niya rito na hindi ito kamahal-mahal? “Naku, sir. Hindi naman kasalanan ang magmahal, eh.” She rose to her feet. Nag-angat ito ng tingin sa kanya sabay umiling-iling. “Hindi gano’n ang ibig kong sabihin.” He scratched his nape. She began to wonder. “Ano po ang ibig niyong sabihin, sir? “ She frowned. “Gusto kong mag-sorry kung pinaasa kita. Did you actually believe that I like you?” Napabuntong hininga ito. “Ano’ng ibig mong sabihin, sir? “ Medyo naiirita na siya sa mga paligoy-ligoy nito. “Nagpustahan kami ng kaibigan ko, isa siya sa mga security sa bahay. Kung mapapasagot kita o hindi. Sorry, Olivia. I shouldn’t have done that to you. Mabuti kang tao.” Nag-iwas ito ng tingin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD