Oh, baliktad na ngayon ang mundo. Good luck sa'yo.
Cassandra knew it. How could she be fooled by Verno’s acting? Well, he seemed sincere when he confessed. Paniwalang-paniwala talaga siya rito. She could finally breathe because Verno wasn’t really in love with her. Pero hindi matanggap ng pride niya na pinagpustahan siya. Well, it wasn’t her but Olivia, pero siya pa rin si Olivia. Whatever, wala siyang panahon para maging sensitive ngayon.
“Sir, bakit mo naman ginawa ‘yon? Sana ‘wag na pong mauulit.” She shook her head.
Verno placed his hand on her shoulder. “Sorry, ha. Well, you rejected me. I lost the bet. It was my karma.” He faked a smile.
She laughed. “Okay lang, sir. Hindi lang naman kita sinagot hindi dahil hindi ka ka gusto-gusto, kung hindi dahil hindi ako sigurado na gusto mo talaga ako. Dahil sino ba naman ako? Wala akong ganda, wala rin akong pera, wala akong maipagmamayabang.” She took a deep breath.
Ang galing-galing niya talagang umarte. Sana sa Star Magic na lang siya pumunta, hindi sa Guzman’s mansion.
Well, she only said that to console him. Kailangan niya kahit papaano ang suporta ni Verno. If she could keep the friendship they had developed, the better.
Natulala si Verno.
“Sir? “ She tilted her head.
Nakatulala pa rin ito.
“Sir? “ Inalog niya ang braso nito.
He finally snapped out of it. “Oh. “
“Ano po ang iniisip ninyo? “ She frowned.
Verno tittered and shook his head. “Nagsisisi, “ anito.
She wrinkled her forehead. “Nagsisisi sa ano, sir? “
He shook his head. “Nagsisisi lang ako sa ginawa ko sa’yo. Oli, hindi ka namin pinagpustahan because of your looks. I hope ‘wag mong seryosohin ito. Don’t even feel bad about it.”
She smiled at tinanguan ito.
“Sir Verno.” Tinawag si Verno ni Baste, ang pinaka-malapit na security sa kanya.
He was cleaning his favorite auto. Siya mismo ang naglilinis nito.
“Ano? “ He didn’t even look at Baste.
“Kumusta? Ang tagal nating hindi nagkita, ha. Mga 1 hour.” Sumandal ito sa auto niya.
“G*go.” Tumawa siya.
“Oh, saan punta mo? Ba’t nililinis mo si Ferrari? “ Hinimas nito ang auto niya.
Pinatay niya ang hose. Tapos na niyang banlawan ang paborito niyang anak.
“Wala akong lakad.” He shook his head.
Sumandal sin siya sa ulo ng kanyang sasakyan, sa tabi ni Baste.
Nqglahad siya ng kamay rito. “May yosi ka? “
Kinapa ni Baste ang bulsa. “Hindi ko dala, eh. “
“Inutil.” He laughed.
They were talking about girls when Olivia came.
“Sir Verno, tawag po kayo ni Madam Victoria.” Anito.
He smiled at her. “Sige, susunod ako.”
Olivia nodded at iniwan na sila roon.
Hindi na natatanggal ang ngiti sa kanyang mukha simula ng nakita niya ito.
Baste stared at him. “Ah, kaya naman pala walang lakad. Mas gusto dito sa mansiyon manatili.” Panunuya nito.
He shook his head, smiling. “Si Olivia? Hindi ah.”
“Naku, Vern. Kilala kita simula high school.”
Nagkakilala sina Verno at Baste nang parehas silang nasa 2nd year high school. Si Verno ay nag-aaral sa pinaka-mahal na eskwelahan, habang si Baste naman ay nag-aaral sa katabing public school.
Ang mga estudyante ng dalawang paaralan ay palaging na-i-involved sa gulo. Palagi kasing nag-aaway ang mga sisiga-sigang estudyante sa dalawang paaralan. Si Verno at Baste ay parehong kasangkot. Nang nakita ni Verno si Baste na duguan ay tinulungan niya ito. Ito rin ang dahilan kung bakit nagalit sa kanya ang mga ka-ally niya.
Simula noon ay hindi na sumali sa mga riot ang dalawa. Naging mabuti silang magkaibigan at mas naaliw na lamang sa larong basketball kaysa sa mga riot.
Verno’s cheeks reddened. “Ano’ng pinagsasasabi mo?”
“Ah, gusto mo nga. Wala namang masama magkagusto sa hindi maganda, trops. Sabi nga ni Andrew E, humanap ka ng pangit at ibigin mong tunay.” Baste tapped his shoulders.
He smiled. “Mukhang wala naman akong pag-asa sa kanya, trops.”
“Hoy, g*go! Ikaw pa? Mukhang mataray nga si Olivia. Pero, Sir Vern. Gwapo ka, mayaman, matalino. Playboy nga lang. “ Baste laughed.
He scoffed. “You don’t know Olivia. Parang iba siya.”
“O sige, ganito na lang. Umamin ka sa kanya. Pustahan tayo. Kapag sinagot ka niya, hindi ka na magreregalo sa inaanak mo sa pasko. Kapag basted ka, ibili mo naman ng bagong iPhone si Gracia ko.” Baste grinned from ear to ear.
“’Wag na. Ibibili ko talaga ‘yong inaanak ko ng iPhone.” He laughed.
“Duwag ka pala, eh. Sabagay, firt time mong aamin ng feelings no? Hindi mo pa naranasan kasi sila umaamin sa’yo? Oh, baliktad na ngayon ang mundo. Good luck sa’yo.” Tinapik siya ni Baste sa braso at iniwan na siya nito.
Sa totoo lang ay naduduwag talaga siyang umamin ng nararamdaman kay Olivia. Paano kung I-reject siya nito? Paano kung hindi siya nito gusto? Paano kung pagkatapos hindi na siya nito kausapin?
Bakit ba siya kasi nagkagusto rito? Hindi niya rin alam kung kailan nag-umpisa ang lahat. Pero aamin na siya ng nararamdaman dito. Siya kasi ‘yong tao na hindi gustong patagalin ang agony niya. Ano man ang isasagot nito ay tatanggapin niya. Nakakatakot mang isiping kailangan na lang tanggapin ang masasakit na katotohanan ay mas pipiliin niya na lang ang gano’ng option kaysa sa palagi na lang siyang mag-iisip ng mga posibleng kasagutan.
Olivia laughed. “Okay lang, sir. Hindi lang naman kita sinagot hindi dahil hindi ka ka gusto-gusto, kung hindi dahil hindi ako sigurado na gusto mo talaga ako. Dahil sino ba naman ako? Wala akong ganda, wala rin akong pera, wala akong maipagmamayabang.” She took a deep breath.
Parang binuhusan ng malamig na tubig si Verno. Hindi na niya mababbawi ang sinabi niya na pinagpustahan lang nila ni Baste ang dalaga.
So, may pag-asa dapat siya kay Olivia. Ang tanga niya. Bakit niya binawi ‘yong confession niya. Dahil naduwag siya na baka layuan na siya ni Olivia, pero hindi niya dapat binawi. Sising-sisi siya sa sinabi niya. Ngayon ay wala na siyang karapatan pang umamin ulit dahil binawi na niya.
“Ah, sir. Sabi niyo po maayos naman ‘yong supply ng tubig? Bakit bigla na lang nawala ‘yong sa akin kanina? “ She frowned.
“Tingnan natin. Baka sira ‘yong shower.”
“Hindi rin gumana ‘yong gripo, sir.”
Tumuloy sila sa banyo. Hinayaan lang nilang nakabukas ang pinto. Lumapit silang dalawa sa shower at hindi pa man ito nila ginagalaw ay biglang lumabas ang tubig.
Hindi kasi pinatay ni Olivia ang shower. Mabikis niyang pinatay ang shower ngunit basa na sila.
Basang-basa sila ng tubig. Napatingin sila sa isa’t-isa at napatawa na lang.
“What’s happening here? “
Sabay silang napalingon kay Jarred na nasa pintuan ng banyo nakatayo. Nanlilisik ang mga mata nito.
“Sir, kasi—”
“Oli, labas! “ Jarred’s face flushed.
Agad na lumabas si Olivia ng banyo.
“What did you do? “ tanong nito sa kanya.
He smirked. “May nakita kang ginawa ako? We just checked kung may tubig ‘yong shower. Move! “ Tinabig niya ito sa kanyang daraanan.
Jarred pushed him. “Anong klaseng sagot ‘yan. Of course may tubig ‘yong shower.”
Agad na pumagitna sa kanilang dalawa si Olivia. “Tumigil kayo. Ano ba! “
“Ang problema kasi sa’yo hindi ka nagtatanong.” Dinuro niya si Jarred.
Tinampal ni Jarred ang kamay niya and Olivia pushed Jarred away. “Tama na! “
Bumaba ang tingin ni Jarred sa basang damit nito. “Tingnan mo. Bumabakat ‘yang bra mo! “
“Bakit mo tinitingnan? “ He smirked.
Olivia covered her body with her arms.
Kumuha siya ng towel at binigay ito kay Olivia.
“Get changed.”
He glared at Jarred. “Labas. Magbibihis siya.”
They walked out the door.
Naupo siya sa couch sa labas ng kuwarto. Jarred sat beside him.
“May gusto ka ba kay Olivia?” He looked at him.
Jarred smirked without looking at him. “Baka ikaw.”
Nagkatinginan silang dalawa. “What are you doing here, Kuya? Isn’t it because of Olivia? ”
“I came here para sunduin kayo ni Jelo.” He gulped.
“Sunduin kami ni Jelo my foot.” Jarred smirked.
Papatulan pa niya sana ito ng salita when the door opened. Lumabas si Olivia. Sabay silang napatayo sa kinauupuan.
Nakabihis na ito ng plain gray shirt.
“Nagsasagutan na naman ba kayong dalawa, mga sir?” Olivia shook her head.
“Aalis na tayo. Babalik na tayo ng Lameria. Hindi na tayo pwedeng bumalik sa bahay nina Myka dahil halos sa mga kapitbahay nila ay kamag-anak ni Don Eduardo. Baka mapahamak tayo roon.” Namulsa si Jarred.
“Pupunta pa ako ng presinto. Hindi ba’t kailangan nila ng statement ko?”
Jarred shook his head. “Hindi na. Ako na ang nagbigay ng statement. Hindi na tayo magsasampa ng kaso. Her previous crimes were enough para mahatulan si Andrea ng habang-buhay na pagkakakulong.”
“Yes, Olivia. Serial killer ang babaeng ‘yon, she’ll ve sebtenced to life in prison.” He meddled.
Na-ikwento na kasi sa kanya ni Jelo ang mga pangyayari. Sa totoo lang ay sa presinto siya dumiritso pagdating niya para makita ang taong nanakit sa babaeng mahalaga sa kanya. He met Andrea. He even left her few words that would haunt her for life.
Mas mabuti kung hindi na magsasampa ng kaso si Cassandra. Gustong-gusto niyang sampahan pa ng kaso si Andrea upang madagdagan pa ang records ng mga nagawa nitong krimen pero hassle iyon. Bilang isang abogado, alam niya na wala na itong matatakbuhan. Andrea will be sentenced to life in prison because of her heinous crimes.
Kahit gaano pa kagaling ang, criminal lawyer nito ay hindi na bababa ang sentensiya nito.
Kaya sumang-ayon na lang din siya na uuwi na sila, kasama sina Jelo at Myka. Hindi na rin safe para sa kanila ang manatili ng Lameria gayong hawak na ng mga pulis ang nag-iisang heridera ni Don Eduardo, ang kasalukuyang Gobernador ng probinsiya.