Maybe you are just clueless about it, but I think they are fighting because of you.
Ang mga nangyari sa Lameria ay tila isang panaginip sa kanya. May mga hindi talaga inaasahang pangyayari ang bigla na lang magaganap. Mabuti na lang at natuto siya ng self defense. Kung may oras lang siya para kay Andrea ay sasampahan niya talaga ito ng kaso, ang problema ay wala siyang maaaksayang oras doon. Hindi ito ang pinaka-kaaway niya, kundi si Don Sebastian.
“If only I was there, sinunog ko na ‘yong buong hacienda nila,” ani Tony sa kabilang linya.
She laughed. “Kakanood mo ‘yan ng Vincenzo.”
“Sige na, ma’am. Our plane will take off soon. Pasensya ka na, ha. Ako ‘yong nakasakay sa private plane.” Humagikhik ito.
“I-enjoy mo lang ‘yan, Ton. Pagbalik ko mag-bu-bus ka kahit mag-a-abroad tayo.”
“Pangako mo ‘yan, ha. Mag-Japan tayo if this mission is finally over. Bye, boss.”
The call ended. She went out of the airplane’s CR at bumalik na sa upuan nila ni Myka. Sa kabilang side ay magkatabi naman sina Jarred at Jelo. Hindi pwedeng magtabi sina Jarred at Verno dahil magkaaway pa rin ang dalawa. Si Verno ay nasa likuran nakaupo.
Si Myka ang nakaupo malapit sa bintana. Nakatingin lang ito sa labas.
Hinawakan niya ang kamay nito kaya napatingin ito sa kanya at ngumiti. “Myk, pasensya ka na, ha. Ngayon pa naman ang birthday ng Tatay mo. Napaaga tuloy tayo ng uwi.”
Ipinatong ni Myka ang kabilang kamay nito sa kamay niya. “Ate, ano ka ba. Ako nga ang nahihiya sa inyo, eh. Napahamak ka pa tuloy. Sana hindi ko na lang kayo dinala sa hacienda. Ate, sa totoo lang. Nagpapasalamat ako sa’yo, kasi nakapunta ako sa birthday ng Tatay. Nandoon ako paggising niya sa araw na mahalaga sa kanya. Nabili ko siya ng cake. Salamat sa’yo.”
She put his index finger over her lips.
Myka covered her mouth. Oo nga pala. ‘Wag siya dapat maingay. Sekreto nga pala nila na binigyan niya ito ng pera.
Kumibot ang labi nito ng salitang, “Sorry.”
Tinanguan niya lang ito habang nakangiti.
Umayos siya sa pagkakaupo at isinandal ang likod sa backrest ng upuan niya.
“Kuya, ano bang pinag-aawayan niyo ni Kuya Verno? Alam niyo, never pa kayo nag-away ng ganyan ka tagal. Ano bang problema ninyo? “ ani Jelo kay Jarred.
Nakikinig siya sa usapan ng dalawa sa kabilang side. She looked at them at nakapikit lang si Jarred habang nakasandal ang likod nito sa backrest ng upuan. Nakaupo ito sa tabi ng bintana.
“I don’t know, Jel. He’s getting into my nerves these past few weeks.” Jarred wasn’t opening his eyes.
“But you guys should resolve it. Kapag nalaman ng Daddy na nag-aaway kayo. Magagalit ‘yon.” Jelo crossed his arms.
“Bakit hindi mo na lang sabihing magagalit ‘yon sa’kin?” Jarred sounded sarcastic.
“Ate.” Kinalabit siya ni Myka.
She turned to her. “Yes, Myk? “
“Ano ba sa tingin mo pinag-aawayan nina Sir Verno at Sir Jarred? “ Myka frowned.
She shrugged. She had no idea either. Actually it was one of her plans na pag-awayin ang mga magkakapatid. Pero wala pa siyang ginawa ay nag-aaway na ang mga ito.
Pagkatapos ng dalawang oras na flight ay lumapag na rin ang eroplanong sinasakyan nila.
“Humanda na kayong mapagalitan, “ ani Verno. Naghihintay na lang silang lima ng van na susundo sa kanila sa airport.
Bumaling si Verno kay Jelo. “Ikaw Jelo, hindi ka nagpaalam kay Mommy.” Ngayon ay bumaling naman ito kay Jarred. “Isa ka pa, Jarred. Sinama mo pa si Olivia, mapapagalitan din siya tuloy. Ang titigas ng mga ulo ninyo.”
Jarred smirked. “I can defend Oli. ‘Wag kang mag-alala.”
It was her time to show Jarred that she really liked Verno. She had to convince him para hindi na ito maghinala pa sa totoo niyang pakay.
Lumapit siya kay Verno. Napatingin naman agad si Verno sa kanya.
“Sir, ‘wag po kayong mag-alala tungkol sa akin. Tatanggapin ko na lang po ‘yong galit ni Madam.” She glanced at Jarred.
She saw Jarred’s brows furrowed.
“Don’t worry. I’ll talk to Mom na wala ka namang kasalanan pinilit ka lang ng isa riyan na sumama.” Tiningnan ng masama ni Verno si Jarred.
“Kuya, ayan na naman kayo, eh.” Saway ni Jelo sa mga nakatatandang kapatid.
Hindi na pumatol si Jarred. Maya-maya ay dumating na rin ang susundo sa kanilang van. Sakay ng van si Baste. Bumaba ito mula sa front seat at tinulungan sila sa mga bagahe nilang dala, gano’n din ang driver.
“Trops!” Nakipag fist bump si Verno kay Baste.
“Sinundan mo talaga.” Mapanuya ang ngiti ni Baste.
Tinapik lang ni Verno ang braso nito.
She stroked her chin. Ano kaya ang ibig sabihin ni Baste?
Naisakay na lahat ng mga bagahe nila. Nakasakay na rin sina Jarred, Verno, at Myka. Nang pasakay na rin siya ay hinigit siya ni Jelo pababa.
“Jelo!” Jarred yelled nang sinasara pa lang ni Jelo ang van.
Naharangan ito ni Verno.
“Kuya, mauna na kayo. Susunod kami ni Olivia. May bibilhin lang kami.” Tuluyan na nitong naisara ang pinto ng van.
Umandar agad ang van at naiwan silang dalawa ni Jelo.
She frowned. “Sir? “ She was totally clueless.
“Oli, let’s go and talk.”
Tumango-tango na lang siya rito.
Sakay ng cab ay binaba sila ni Jelo sa isang restaurant. They entered the establishment.
Pagkatapos mag-order ni Jelo ay mataman siya nitong tiningnan.
“Li? May nahahalata ka ba sa mga kapatid ko? “
Napalunok siya. “Wala naman, sir. Ano po ang ibig niyong sabihin? ”
Napasinghap ito. “Maybe you are just clueless about it, but I think they are fighting because of you.”
Unti-unting nanlaki ang mga mata niya. “Naku, sir. Bakit naman po dahil sa’kin? “
Napainom siya ng tubig.
“Li, manhid ka ba? My brothers like you. They both like you. Never pang nag-away ng gano’n ang mga Kuya. Kapag nagkakatampuhan sila ay agad nilang naaayos ‘yon.” Jelo insisted.
Hindi naman ito mukhang nagagalit sa kanya. Jelo was calm about it, gusto lang siguro nitong malaman niya para maging sensitive siya tungkol dito.
“Sir, hindi ako sigurado, ha. Kasi tingnan mo naman ang itsura ko, sir. Sa tingin niyo ba ang nukhang ito ay pag-aawayan ng mga gwapo at mayayamang lalaki?. “ She forced herself to laugh.
“Li, I know my brothers. Of course men like pretty girls. But my brothers have their own standards that you have probably met.”
Napahawak siya sa kanyang dibdib at umarteng masakit iyon. “Ouch naman, sir. So sinasabi mong hindi ako pretty.”
Jelo laughed. “Of course you are.”
“Sus. ‘Di niyo naman kailangan mag sinungaling, sir.”
Jelo shook his head. “I’m telling the truth. If you don’t believe you are really beautiful, Li. That is a betrayal to yourself.”
Napangiti rin siya rito. How could a man like Jelo who’s handsome and kind at heart exist? Kung papipiliin siya sa tatlong Guzman brothers to spare ay she would choose Jelo. Mahirap para sa kanya na idamay ito. Pero sa ngayon ay wala siyang choice kung hindi idamay lahat ng may kaugnayan kay Sebastian. Hindi niya kasi gusto na isahang karma lang ang maihahatid niya kay Sebastian, gusto niya ay iba’t-ibang hirap, iba’t-ibang sakit, iba’t-ibang karma sa iisang malaking kasalanan.
Habang kumakain sila ng steak that he ordered ay kakausapin na niya si Jelo. Nagkaroon lang din naman siya ng pagkakataon na ma-solo ito ay bakit pa niya palalampasin ang magandang pagkakataon?
Nang malunok ang kinakain ay nag-angat siya ng tingin kay Jelo. “Ah, Sir Jelo. Alam niyo po ba, noong una kitang nakita akala ko ikaw ang CEO ng CPM Company.”
Pinunasan nito ang bibig gamit ang table napkin and he chuckled. “Talaga, Li? Well, wala akong interest sa kompanya. I just want to do the things that make me happy.”
“Pero may nakapagsabi na ba sa inyo, sir, na bagay kayong maging Chairman ng isang kompanya?” Dapat kasi ay mag-away-away ang mga magkakapatid para sa posisyon. In that way, magiging magulo ang pamilya nila kapag nag-umpisa ng gawin ng tatlo ang lahat makuha lang ang posisyon ng ama.
Tumango-tango si Jelo.
“Talaga, sir? Sino ang nagsabing bagay sa inyo maging Chairman? “ Her eyes widened as she anticipated his answer.
“My brothers.” Jelo went back to eating.
Bumagsak ang mga balikat niya. Seryoso? Hindi talaga sila mag-aaway para sa posisyon? Bakit sa mga kdramang napapanood niya ay intense mag-away ang mga magkakapatid para lang sa posisyon ng Chairman nilang ama?
“Mga kapatid mo, sir?”
Nilunok nito ang nginunguyang pagkain. “When we were young, we used to play office employees katulad ng nakikita namin sa Daddy. Ako palagi ‘yong Chairman sa laro because Kuya Verno and Kuya Jarred said bagay ko raw. I thought that would be my future actually.”
“Sir, paano kung ‘yon naman talaga ang itinadhana na future mo? Na maging Chairman. Bagay kasi talaga sa’yo, sir. Bakit hindi mo subukang pumasok sa kompanya baka roon mo ma-realize what you really want to be.” She smiled.
“Nah. Not my thing, Li. Ayoko. Look at Kuya Jarred. Masyado siyang tutok sa mga paper work. Alam mo bang hate ko ang paper works.” He shook his head.
Napabuntong hininga siya.
Finally, another idea came to her. Bakit hindi niya subukan ang ego nito.
“Baka kasi, sir, hindi lang talaga kayo ang pagpapasahan ng posisyon.” She twitched her mouth.
Biglang nag-iba ang expression ni Jelo. Na parang nasaktan ito. She was sorry but she had no choice. Totoo rin naman kasi.
“You mean because Dad was always in favor of Kuya Verno? Totoo, Li. I’m not against Kuya Verno pero nakita ko rin ang paghihirap ni Kuya Jarred to master business. Si Kuya Jarred ang naghirap sa kompanya. I’m not going to compete against Kuya Jarred.” He flashed a half smile.
“Sorry, sir. Na-offend ba kita? “ She acted regretful of what she said.
Jelo smiled and shook his head. “No, Li.”
They finished eating without talking. Parang wala talagang pag-asa na magka-interes si Jelo sa posisyon ni Sebastian. Kapag kasi sinabi na ng isang tao na hindi niya gusto ang isang bagay ay mahirap ng baguhin ang isip nito. Knowing Jelo, he was this type of person na always pipiliin ang gusto nito at nagpapasaya rito.
What she learnt was Jelo was in favor of his Kuya Jarred to take over their father’s position than his Kuya Verno. Ibig sabihin, if Verno would be interested with the company at papaboran ni Jelo si Jarred ay magkakalamat din ang relasyon ng dalawa.
Verno so far wasn’t interested with the company too. Ano kaya ang pwede niyang gawin to make Verno covet the position?