"Hindi basehan ang disposisyon, kulay, itsura, antas ng pinag-aralan para makakuha ng respeto. Lahat ng tao na may mabuting gawain ay dapat lang irespeto."
Nilagay ni Cassandra ang photo album sa isang paper bag pagkatapos ay hinintay niya sa labas ng gate si Tony. Bandang alas-siete ay dumating na ito lulan ng isang taxi. Hindi na ito bumaba dahil may surveillance camera sa labas. Inabot lang niya ang paper bag at agad na bumalik sa loob.
Pagkapasok na pagkapasok pa lang niya sa bulwagan ay may commotion roon. Natigil ang lahat pagdating niya.
"Siya, madam. Siya ang nagbigay ng kape sa amin kung kaya’t nakatulog kami. " Itinuro siya ng security.
She narrowed her eyes at nilagay ang kamay niya sa dibdib. "Bakit? Ano po ang problema?"
"Anong nilagay mo do’n sa kape?" The security’s eyebrows lowered.
She shook her head. "Konting asukal?" She shrugged.
Jelo laughed. Pinandilatan ng mata ni Victoria ang anak kaya’t tumigil ito sa pagtawa.
"Mom! How could you accuse a weak girl like Olivia? Bakit niya gagawin 'yon sa mga securities natin? " Jelo’s brows furrowed.
Mabuti na lang at may tagapagtanggol siya.
"That’s the question. Ano’ng ginawa mo sa loob ng limang oras, Oli? The last 5 hours recorded by our CCTV have been deleted. " Jarred pursed his lips.
Kung may tagapagtanggol ay mayroon ding tagapagdiin.
Tiningnan niya ito ng masama. "Sir, hindi po ako marunong sa surveillance. Paano ko po buburahin? At tsaka naghatid po ako ng kape sa mga security dahil concern lang po ako sa kanila nang nalaman ko na may mga tao pala rito sa mansiyon ang gising sa gabi. Itanong niyo pa kay Anna. Sa kanya ko nalaman ang tungkol sa mga surveillance security. "
Lahat ay napatingin kay Anna. Agad naman itong tumango. "Totoo po. Kahapon po kasi ay nagkabangga kami ni Olivia nang ihahatid ko na sana ang mga inumin sa taas. Siya pa nga po ang gumawa ng mga bagong inumin at hinding-hindi ko malilimutan ang sinabi niya na kawawa lang daw ang mga security dahil hindi sila nakakatulog sa gabi. "
Jarred scoffed. "Hindi sila kawawa, Oli. Sanay sila sa gano’ng trabaho. They were trained. But I’m sure they appreciate your care. " May pagka sarkastiko sa huling pangungusap na sinabi nito.
Nilunok niya ang kanyang inis.
"That’s enough. Maybe the security accidentally deleted the records dahil sa antok. It’s normal to make mistakes sometimes. " Tumango-tango ang Chairman. "Where’s Verno?" he added.
"Lumabas po kagabi, sir. Hindi pa ho nakakabalik hanggang ngayon. " Rima flashed a broad frown.
"Ano? Tell the security to find him. " Tumikhim si Chairman Sebastian and walked out of there.
She was very satisfied with how the chairman did not overreact to the issue. How he lowered his guard was in her favor.
Bumalik na ang lahat sa kani-kanilang mga trabaho.
When she headed to the pool area to clean, ay sinundan siya ni Jarred.
Hindi niya ito pinansin at namulot na lamang ng mga basura sa area. Karamihan sa mga basura ay packaging ng mga pagkain, sigarilyo, at mga bote ng alak.
Jarred sat on the lounge chair. She pretended that he wasn’t there. She knew he was there to annoy her.
"Ano’ng ginawa mo, Olivia, umagang-umaga? Pinasok mo kuwarto ni Verno o ni Jelo?" He laughed.
She scowled, pero pinili niya pa ring hindi ito patulan. Hindi niya ito sinagot at hindi niya rin ito nilingon. Nagpatuloy siya sa pangongolekta ng mga basura hawak ang isang malaking garbage cellophane.
"Oh, baka naman may ginawa kayong milagro ni Verno? Sa’n niyo ginawa?" He smirked.
Sobra-sobra na ang mga sinasabi nito at hindi na matanggap ng isip niya. She turned to him at tiningnan ito ng masama. Sa sobrang inis niya ay ang hawak niyang lata ng juice ay itinapon niya rito. Mabuti na lang at mabilis na nakailag si Jarred at hindi ito natamaan.
Tumayo ito at lumapit sa kanya.
Nilapag niya ang garbage cellophane at dinuro si Jarred. "Sumosobra ka na. How could you disrespect me? "
Huminto ito nang nasa isang metro na lang ang distansya sa pagitan nilang dalawa. He put his hands inside his pockets. "Bakit, Oli? Sino ka ba para respetuhin kita? "
"It doesn’t matter who I am, Jarred. Hindi basehan ang disposisyon, kulay, itsura, antas ng pinag-aralan para makakuha ng respeto. Lahat ng tao na may mabuting gawain ay dapat lang irespeto." She breathed heavily.
"Ang problema, hindi ko alam kung mabuti ang gawain mo. Oli, you’re hiding your true identity from us. How could I not be suspicious of you? " Pinanlakihan siya nito ng mga mata.
She hated to admit that Jarred had a point. Tama ito. She could not blame him for provoking her all the time.
She picked up the garbage cellophane at iniwan ito. She walked out.
Bakit hindi na lang siya paalisin ni Jarred sa mansiyon? Sigurado siyang may dahilan kung bakit hindi pa siya nito binubuking sa pamilya Guzman hanggang ngayon. Siguro ay gusto rin nitong malaman ang totoong pakay niya sa pamilya.
Pagkatapos niyang itapon ang mga basura sa labas ng mansiyon kung saan naroroon ang mga basurang naka-segregate, ay tumuloy na siya sa kuwarto nila. Jarred stopped following her. Wala roon sina Myka at Rima, siguro ay may tinatapos pang mga gawain.
Nag-ring ang keypad cellphone niya at agad niya itong sinagot. "Ton?"
"Atty., nabuksan ko na ang blue album, " anito sa kabilang linya.
She smiled. "Yes, Ton? ‘Yan na ba ‘yon?" Kung ito na ang hinahanap nila ay ngayon pa lang ay mag-iimpake na siya at handa na niyang harapin sa korte ang mga Guzman gamit ang ebidensyang ‘yon.
Tony laughed on the other line, which made her frown. "Gusto mo bang malaman ang laman ng photo album na pinaghirapan mong makuha?"
Pinanggapan siya ng inis. "G*go ka ba, Ton? Natural. Anong laman?"
"Mga litrato ni Jarred no’ng kabataan niya."
Her shoulders sagged. "What the hell? Bakit naka kandado? "
"Aba, ewan ko. Pero ang napansin ko lang. Lahat ng mga litratong narito ay iba-iba ang kuha pero pansin ko ay nasa iisang lugar lang ito lahat. "
"Ano’ng pakialam ko diyan? Itapon mo na ‘yan." She hung up the call.
Kinuha niya ang unan at hinampas-hampas ito sa higaan. She wanted to scream sa sobrang inis niya pero pinigilan niya ito kaya nagtunog daga siya na naipit.
Biglang bumukas ang pinto ng kuwarto at bumungad si Myka. Nasa ere pa ang unang hawak niya nang naabutan siya nito.
"Ate, anong ginagawa mo?"
She smiled. "Wala, nililinis ko lang ang higaan ko." At tsaka niya pinagpag ang kama gamit ang unan.
"Okay ka lang, Ate? Napagbintangan ka tuloy na nagbura no’ng mga records ng CCTV. ‘Wag ka ng umakyat do’n. Hindi mo naman na trabaho ‘yon, eh. " Myka sat on her bed.
Tumigil siya sa ginagawa at hinarap ang kasamahang kasambahay. "Okay lang ako, Myk."
"Alam mo ba, Ate. Gusto ko sanang umuwi ng probinsiya sa susunod na linggo kasi birthday ni Tatay," she said, her button lip jutting out.
"Oh, eh di umuwi ka. Bakit ka malungkot diyan? " She shrugged.
"Wala kasi akong ipon, Ate. Alangan namang umuwi ako na pamasahe lang ang meron ako. Kahit cake ni Tatay ay wala akong pambili." Bumuntong hininga ito.
"Gano’n ba? Mag-iilang taon na ba ang Tatay mo, Myk?"
"Singkwenta na, Ate." Myka smiled.
"Sige, Myk. ‘Yong sahod ko buong buwan ibibigay ko sa ‘yo." Ngumiti siya ng malapad.
"Ate?" Myka’s eyes widened.
"Pero ‘wag mong sasabihin kahit kanino, ha. Promise? " She extended her pinky finger to Myka at nag-pinky swear sila.
"Pero paano ka naman, Ate? Ang pamilya mo? " Myka flashed a broad frown.
"Tanggapin mo na lang, Myk. Bukal sa loob ko ang pagbibigay sa ‘yo. ‘Wag mo akong intindihin. " She placed her hand on Myka’s shoulder and gently squeezed it.
Tatalikuran na niya sana ito nang bigla itong nagsalita. "Ate."
Nilingon niya ito. "Bakit, Myk?" She frowned.
"Kakampi mo ako, Ate. Ano man ang mangyari, sa’yo ako kakampi. " Tumayo si Myka at lumapit sa kanya, ni-extend nito ang kamao at nagsalpok ang mga kamao nila.