You are a special person to someone who’s willing to put up with all the hassles for you. Nakakakilig ang sinabi ni Jarred, at nakakapanghinayang din. Nilingon niya ito. “Gusto mong maunang ikasal kaysa kay Jelo?” “Yup!” Namulsa ito at tumayo ng matuwid. “Pakasal na kayo ni Jasmine.” She gave him a hard stare bago niya ito tinalikuran. She walked past Myka and Jelo na parehas siyang hinatid ng tingin. Siya ‘yong nagsabi na pakasal ito kay Jasmine pero siya rin ang naiinis sa sinabi niya. Naalala niya lang kasi ‘yong sinabi ni Jarred no’ng nasa 3-day vacation sila na he was planning to marry Jasmine. Hinding-hindi niya makakalimutan ‘yon dahil para nitong pinunit ang puso niya. Kaya gustong-gusto niya itong inuulit kay Jarred dahil hinhintay niyang bawiin nito ang sinabi. Hirap na hi

