The fate of your life is entirely your responsibility. Nakipag-ugnayan na si Cassandra kay Tony sa imbestigasyon sa embezzled funds ng CPM. Magagamit din nila ito bilang ebidensya sa pagpapabagsak sa CPM. Ngayong araw ay sobrang abala si Jarred sa trabaho kaya wala ito buong araw sa bahay. Pero bago ito umalis ay inabisuhan na nito ang mga security na bawal siyang palabasin ng bahay. Pero anong magagawa ni Jarred sa chairman? Ipinatawag ni Sebastian lahat-lahat ng mga security sa meeting hall na nasa ground floor lang ng mansiyon matatagpuan. The securities were confused kasi kapag nagpapatawag sa kanila si Sebastian ay palaging may naiiwan sa gate na dalawa hanggang tatlong securities. When all of the securities were gathered ay may sasakyan ng naghihintay sa kanya sa harap ng porch.

