Her thoughts and her feelings were having a heated argument.
Lumalim ang gatla sa noo ni Cassandra. Hindi niya alam ang mga pinagsasasabi ni Verno. Pinagtitripan yata siya nitong magkapatid.
Seryoso siyang tiningnan ni Verno. "Olivia, hindi ba kita pwedeng gustohin?"
"Oh my God!" Napatakip ng bibig si Jasmine.
Nag-iwas siya ng tingin kay Verno at nagtagpo ang mga mata nila ni Jarred.
Jarred was rapidly breathing na pakiramdam niya ay any moment ay sasabog na ito. Hindi niya alam kung bakit, dahil ba palaging nay sagot si Verno sa pang-iinsulto nito, o baka nagseselos nga ito? Jarred must've liked her. It could be possible because Jarred knew her real beauty but how about Verno?
A smile flickered across her face and turned into a laugh. "Sir Verno, ano ba'ng pinagsasasabi mo? Gusto mo bang tawagin ka nilang baliw?"
Dinaan na lang niya sa tawa ang tensyon na nararamdaman niya dahil sa mga nananaksak na tingin ni Jarred sa kanya. She honestly didn't even feel anything when Verno seriously confessed to her, but when she met Jarred's eyes burning with anger, hope flickered through her. Isang pag-asa na hindi niya alam na nabubuhay sa kanya.
"Olivia, hindi ako nagbibiro. Gusto kita." Vertical wrinkles appeared between Verno's eyebrows.
Why did Verno seem nervous? Was he serious?
She didn't know what to say.
Bigla na lang nag-walked out si Jarred. Sinundan naman ito agad ni Jasmine. Hinatid niya ng tingin si Jarred hanggang sa makalabas na ito ng sariling opisina.
She swallowed the lump on her throat. "Wala na sila, sir. Pwede ka ng tumigil."
Verno maintained eye contact with her. "No, Olivia. I'm confessing to you. Sincerely."
She blinked. "No. Sorry, sir."
Ilang minuto silng natahimik habang nag-iiwasan ng tingin.
Tumango-tango si Verno. "I understand. Pero hindi ako titigil na gustuhin ka dahil lang hindi mo ako gusto."
"Sir." Napakamot siya ng ulo.
She didn't come for this sudden love confession and all these complicated romantic emotions.
"Hindi ka ba uuwi ng bahay? You don't know anything about secretarial works. Jarred was just bullying you. Go home. Ako lang dapat ang mang-aasar sa 'yo." Verno smiled.
Napailing na lang siya. "Okay lang, sir. Kung makakatulong ako rito kay Sir Jarred, willing naman po ako, eh."
"But are you really rejecting me? Alam kong naging mapang-asar ako sa 'yo noon, but I'll be good to you. Mukha man akong hindi naliligo sa paningin mo pero malinis akong tao, Olivia. " He grinned from ear to ear.
She couldn't help but smile back at him. Ang guwapo nito ngumiti. "Ano ka ba, sir. Hindi ako bagay sa'yo."
He shook his head. "No one can tell me kung sino'ng bagay sa'kin. Ako lang."
"Hindi tayo pwede." Bigla na lang siyang naging seryoso.
"Bakit hindi?" The inner corners of his eyebrows angled up.
She couldn't say the real reason.
"Kung ano man 'yang rason mo, what if walang ganyang rason, mamahalin mo ba ako?" He took a deep breath.
"Hindi ko masasagot 'yang tanong mo, sir. Dahil hindi ko alam ang mga bagay na posibleng mangyari sa balang-araw."
Tumango-tango si Verno habang nakangiti ito at nakatingin sa baba. "Ngayon ko lang napansin that you are also a wise person. How can I not like you?" Nang-angat ito ng tingin sa kanya.
Maitatago man ang totoong mukha at tunay na nararamdaman, ngunit hindi ang karunungan.
***
"Jarred." Jasmine kept calling Jarred habang binibilisan din nito ang pag-lalakad para maabutan siya.
"Please. Ano bang problema mo? Jarred!" Hinihingal na si Jasmine, sa 3-inches ba namang heels nitong soot ay sunod ng sunod ito kay Jarred pababa ng hagdan.
Kaseselos ni Jarred nakalimutan niya tuloy na maraming elevator ang building nila.
Huminto siya sa gitna ng hagdanan at nilingon si Jasmine, nakakunot ang noo. "Ba't ka sumunod?'
"Jarred, may elevator. Ano ka ba? What's your problem?" Jasmine stopped habang hinahabol nito ang paghinga.
Agad niya itong dinaluhan at inalalayan. "Look. asthmatic ka pa naman, Jas." Hinagod niya ang likod nito.
Hinahabol pa rin nito ang paghinga.
Kinabahan siya sa nakikitang sitwasyon nito. He bent and carried her piggyback.
With all his strength, he carried her weight and ran downstairs to the next floor.
"I'll take you to the hospital," he said, panting.
***
"Excuse me?" Cassandra approached an employee na hindi niya kilala, nakasalubong niya lang sa hallway.
"Alam mo ba kung saan si Sir Jarred, miss?"
The long-haired employee who's wearing eyeglasses stared at her with a straight face. "Who are you?"
"Ah, yes. Sorry, nakalimutan kong magpakilala, ako nga pala si--"
"No need." The employee's nose wrinkled in disgust.
Pinapahiwatig lang nito sa kanya na hindi siya nababagay roon na nagpakulo ng dugo niya.
"What's with that face?" She looked daggers at the woman. Hindi na naman niya napigilan ang sariling mainis.
Nag-iba bigla ang ekspresyon nito na parang natakot ito sa kanya.
"Sir Jarred went to the hospital. Ma'am Jasmine, his fiancée, had an asthma attack." The woman gulped.
She didn't talk back. She just kept glaring at the woman. Ang pinaka-ayaw pa naman niya sa lahat ay ang mga babaeng rude. Maliban sa sarili niya syempre. Dahil nagiging rude lamang siya doon sa mga taong hindi deserve ng kabaitan niya.
The woman lowered her look at tumalikod na.
She just went back to Jarred's office. Dinala lang siya roon para asikasuhin nito ang fiancée.
"Ano ba, Cassandra. Of course, he had to give her attention, she was sick." She talked to herself.
Her thoughts and her feelings were having a heated argument. Jarred had seemingly forgotten about her, according to her feelings. On the other hand, according to her thoughts, Jarred had to look after his fiancée,
Ano bang mga pinag-iisip niya ngayon? Imbis na atupagin ang mga mahahalagang bagay sa plano ay kung ano-ano ang mga inaatupag niya.
Ngayon ay wala na sa isip niya kung ano ang gagawin. She was distracted by Verno's sudden confession and Jarred's reaction to that confession.