Bro, we can love any woman who can capture our heart.
“How dare you!” Jasmine’s face flushed after she received curses from Olivia.
Nakawala ito sa mga empleyado ni Jarred at susugurin na naman sana siya. Pero nagtago siya sa likod ni Jarred at yunakap sa baywang nito na ikinagulat naman ni Jarred. Mas lalo lang nagalit si Jasmine sa kanysng intimate gesture with Jarred.
“Get off your hands off of my man!” Jasmine stomped her feet sa sobrang inis.
Habang si Jarred naman ay nabato yata sa posisyon nito at hindi na nakagalaw simula nang yakapin niya ito mula sa likod.
Nilapit niya ang kanyang bibig sa tenga nito at bumulong, “Jarred, pauwiin mo na ‘yang bride-to-be mong loka-loka baka nabigwasan ko pa ‘yan.”
Jarred smirked habang ang atensiyon nito ay nasa kay Jasmine pa rin at baka sumugod ito ano mang pagkakataon. “Bigwasan mo na. “
She released him from her embrace at nakakunot noong hinarap si Jarred.
He looked at her. “Bigwasan mo para mabisto ka, “ he whispered.
“What are you talking about? “ Namaywang si Jasmine.
Isang tingun lang ni Jarred sa tatlo niyang mga empleyadong naroon ay agad na nilang naunawaan ang mensahe at isa-isa ng lumabas ng opisina nito.
“The two of you, sit down! “ Pinandilatan sila ng mga mata ni Jarred.
Tumuloy ito sa office table nito at bago sila sumunod ay nagkatinginan muna sila ni Jasmine ng masama. Sa isip-isip niya ay kung siya lang si Cassandra ngayon ay may kalalagyan si Jasmine sa basura nitong pag-uugali. Pasalamat ito at si Olivia ay walang gano’ng kapangyarihang makipaglaban.
“You girls are both grown-ups. For Pete’s sake, Jasmine, you are an educated person.” Sa kanya si Jarred tumingin na parang sinasabi rin nito na maging siya ay edukado rin.
“Kasi, Babe. Kapag ang isang educated person kapag nakasalamuha sa isang mangmang ay syempre nag-iiba din ang asal namin. “ Jasmine rolled her eyes. That b*tch emphasized the word mangmang, and even looked at her when she uttered that.
She didn’t care. She pitied Jasmine for being a judgmental person. Kahit wala pa itong alam sa totoo niyang pagkatao ay mali pa rin ang gamitin ang salitang mangmang para ilarawan ang isang kasambahay.
“Excuse me lang, Madam Jasmine, ha! Hindi porket kasambahay lang kami ay mangmang na kami.” She raised her brow.
Inirapan lang siya nito.
“Jas, hindi ka naman ganyan dati, ha! Anong nangyari sa ‘yo? “ Jarred's forehead creased. Hindi niya alam kung dahil ba nalilito ito o naiinis.
Wow! So makikinig pa siya ngayon ng mga tungkol sa nakaraan nina Jarred and Jasmine? Hindi siya interesado.
“Excuse me lang po, sir. Baka gusto niyong mag-usap na kayong lang dalawa tungkol sa relasyon ninyo. Tawagin niyo na lang po ako kapag kailangan niyo na ako. “ She rose to her feet.
“Mabuti naman may matino kang naisip. Please, leave us alone. “ Jasmine crossed her leg at inirapan siya.
Her fingers curled into fists. Ayaw niya na lang itong patulan dahil ang taong nilalamon ng inggit at selos ay mahirap paintindihin.
Tumalikod na siya paharap sa pinto when Jarred called her.
Hindi niya ito pinansin at nagpatuloy lang sa pag-martsa palabas ng opisina nito.
Hindi pa siya tuluyang nakakalabas ng pinto ay alam niyang tumayo na si Jarred para sundan siya dahil narinig niyang tinawag ito ni Jasmine sa galit na tono ng pananalita.
Nang tuluyang nakalabas ng pinto ay nakita niya si Verno na naglalakad sa hallway patungo sa opisina ni Jarred.
"Olivia." Verno smiled at her.
Nang makalapit si Verno ay kasabay ring inabutan si ni Jarred at Jasmine.
Jarred looked at Verno, frowning. "Kuya?"
Verno glared at Jarred. "Olivia's our housemaid. She doesn't know anything about secretarial, Jarred. What the h*ck are you thinking? Leave her alone."
Nakita niyang ipinulupot ni Jasmine ang braso nito sa braso ni Jarred. Ipinapakita lang ng babaeng iyon na kumakampi ito kay Jarred at hindi kay Verno. Napairap na lang siya.
" Bakit ka galit? May gusto ka ba kay Olivia? " Jarred narrowed his eyes, anticipating his brother's possible answer.
"What?" Jasmine almost laughed.
She smirked. She didn't know what to react actually. Gusto yata siyang ipahiya ni Jarred. Sa mukhang meron siya ngayon ay sino ba namang lalaking matalino, mayaman, at gwapo na magkakagusto sa kanya?
Verno suddenly put his hand over her shoulders.
Her eyes widened.
"Why can't I? Bro, we can love any woman who can capture our heart," anito.