CHAPTER 32: Take you With me

852 Words
Then let's go there. “Anong tubig ang pinantulak mo para malunok mo ang pride mo, Oli?” Jarred stood straight in front of her. Tumuwid siya sa pagkakaupo and crossed her legs. “I thought you were not sure about me. Bakit hindi mo ako tinulungan kanina? Jarred, wala ako’ng ginawa sa jowa mo. Siya ang unang humablot ng buhok ko. You saw it.” Napasinghap siya. He smirked. “You didn’t tell me who you are. Nilalaro mo ang pag-iisip ko. We are all better off without you.” She stood. “Ah, talaga ba, Jarred? Well, sorry. Because I’m not leaving. “ Halos tumalsik ang laway niya sa mukha nito. Tinalikuran niya ito. “Then let’s see, Olivia. “ Napahinto siya ngunit hindi ito nililingon. “Hindi mo kami titigilan. Hindi rin kita titigilan.” He added. She smirked at nagpatuloy sa paglalakad palabas ng hospital. Sumakay siya ng taxi papunta sa mansiyon. She wouldn’t go back to the company. Maghanap ito ng bagong sekretarya. Ano ito sinuswerte, may abogado itong sekretarya? Pagdating niya ng mansiyon ay agad siyang tumuloy sa kanilang silid. Naroon sina Myka at Rima. Si Myka ay nag-iimpake ng mga damit nito. “Hello, ate!” Rima smiled at mabilis na tumayo papunta sa kanya. Pinulupot nito ang braso sa braso niya. “At least, hindi ako maiiwang mag-isa rito,” ani Rima. She smiled and tapped Rima’s head. “OA mo, ha. Parang tatlong araw lang ako, do’n. “ Myka shook her head, smiling. “Correction. Tatlong araw kayo ro’n.” Umirap si Rima. Napatingin siya kay Rima. “Kayo? Sino kasama niya? “ She narrowed her eyes. Sabay sila ni Rima na napatingin kay Myka sa parehong nanliliit na mga mata. “Traitor ‘yan, Ate. Inaagaw niya sa akin si Sir Jelo. “ Rima pouted. She chuckled and brushed Rima’s mid-length straight hair. “Kawawa ka naman. Irereto na lang kita kay Sir Verno, ano?” “Ate, ayaw ko kay Sir Verno. Babaero ‘yon, eh. Bakit hindi na lang si Sir Jarred?” Rima giggled. Nag-iwas siya ng tingin. “’Wag ‘yon, suplado ‘yon. Pero balik tayo kay Myka.” Myka laughed. “Ano? Bakit na naman? Ate, sasamahan lang naman ako. Baka gusto lang ni Sir Jelo mag-unwind.” Bumalik ito sa pagtutupi ng mga dadalhing damit habang nakangiti at namumula ang mga pisngi. Nilapitan nila ni Rima si Myka at kiniliti. Myka squealed, lahat pa naman ng parte ng katawan nito ay may kiliti. Halos magdamag silang tatlo na gising. Patuloy nilang inaasar si Myka tungkol sa pagsama ni Jelo rito. Nalaman niya rin na kinakabahan si Myka dahil walang-wala sila sa probinsiya at baka hindi niya maibigay kay Jelo ang komportableng pamumuhay roon. She adviced Myka naman na it was Jelo’s own will to go, kaya hindi siya ang dapat na mag-a-adjust kundi si Jelo. Habang nagtatawanan silang tatlo ay may kumatok ng pinto. Mabilis na tumayo si Rima para buksan iyon. Mabilis din silang dalawa ni Myka na umayos ng pagkakaupo. Bumungad si Jarred. She rolled her eyes. Ano na naman ang pakay nito? Hindi ba dapat ay naroon ito sa hospital at binabantayan ang pinakamamahal nitong babaeng pakakasalan? Binuksan ng malapad ni Rima ang pinto dahil wala yata itong balak pumasok. Sumandal si Jarred sa hamba ng pintuan at humalukipkip. Bahagyang nawalan ng puwersa ang mga tuhod ni Rima. Parang hihimatayin yata ito sa kaguwapohan ni Jarred. Nagkatinginan sila ni Jarred. Pawang seryoso ang kanilang mga mukha. Nagpalipat-lipat naman ang mga tingin nina Rima at Myka sa kanilang dalawa nang nakakunot noo. Pinutol ni Jarred ang tinginan nila at bumaling ito kay Myka. "Myk, uuwi ka raw bukas? Gusto ko sanang sumama." He said with a straight face. Myka's jaw dropped. Hindi ito nakasagot agad. Hindi nito lubos maisip kung bakit gustong sumama ng mga guwapo niyang amo sa tirahan niya. May tinatakasan ba ang mga ito? Jarred turned to her. "Olivia will come too." He grinned from ear to ear. "Jarred!" Pinandilatan niya ito ng mga mata. Hinampas siya ni Myka sa braso. "Ate, amo natin 'yan." She faked a smile at Myka. Pagkatapos ay tumayo na siya at tinulak si Jarred nang palabas na siya ng pinto at isinara iyon. She pinned Jarred on the wall at dinuro ito. "Why did you say that?" Her face flushed. Jarred chuckled. Mukha yata itong nag-e-enjoy sa ginagawa nito sa kanya. "Bakit, Oli? Ayaw mong umuwi? When I reviewed your CV, you stated there that you live in Lameria Province. Alam mo ba that Myka lives in Lameria?" He smirked. Napaatras siya. Ang malas naman na nagkataon na ang pekeng address na nilagay ni Tony ay tamang address naman ng kasamahan niya sa mansiyon. Ngayon malalaman pa ni Jarred na hindi talaga siya taga roon. Habang tumatagal ay mas lalo itong maraming nadidiskubdre tungkol sa kanya. She swallowed the lump on her throat. "Taga Lameria talaga ako, Jarred." He straightened his back and crossed his arms. "Talaga ba, Oli? Then let's go there. I'll take you with me." He put on a straight face.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD