Chapter 8
[ Luna Pov. ]
I Open my eyes when I feel a heat in my face.
Then I notice the window is opened, But suddenly i feel my head trouble in pain.
I'll tried to cover it but my eyes shocked! when I see my two hands tailed, D*mn what happen!
"O My God!" naibulalas ko ng mapagtantong wala ako sa kwarto ko.
Kulay Krema ang kwartong ito maging ang furniture ay kulay puti at sobrang linis ng paligid, Sh*t Where the h*ll I am!
Napatingin ako sa paanan ko ng makitang may bumukas na pinto doon, Nanlaki naman ang mata ko ng makita si miguel na nakatopless habang nagpupunas ng buhok. Thanks god at hindi siya nakatapis dahil may suot na siyang pants.
But wait! Anong ginagawa niya dito!
Dont tell me sa kanya kwarto ito..
"HOY BAKIT AKO NANDITO?!" Sigaw ko, Napatingin naman ito sakin ngunit hindi niya ako pinansin at pinagpatuloy ang pagpupunas.
"MAY GINAWA KA BANG MASAMA SAKIN HA!!" muling sigaw ko kaya naagaw ko agad ang atensyon niya, Ibinaba nito ang towel at walang ganang tumingin sakin.
"Ikaw ang may ginawang masama sakin.."
"WHAT! ANG KAPAL MO! KALAGAN MO NGA ITO!!" Hinagis naman niya ang towel sa gilid at bored na naglakad palapit sa kama, Tinanggal na nito ang pagkakatali kaya agad akong naupo para hampasin siya.
"PINAGSAMANTALAHAN MO AKO NO!!" Asik ko, agad naman nitong hinarang ang kamay dahil sa patuloy na paghampas ko.
"F*ck! Ikaw ang nagsamantala sakin luna! Bakit hindi mo alalahanin kung bakit ka nandito!"
"Ano! Ang kapal mo! bakit ko naman gagawin 'yon!." sigaw ko pa at kinuha ang unan para gamitin pag hampas.
"Sh*t whats wrong with you! Sinabi mo pa sakin na virgin ka!" Nahinto naman ako sa paghampas dahil sa sinabi niya, Wtf. sinabi ko ba talaga 'yon?
Inalala ko ang nangyari kagabi ngunit sumasakit lang ang ulo ko, ang huli kong natandaan ay nasa bar ako at umiinom.
"Nag-iimbento ka lang!" singhal ko pa, ngunit para na siyang nanigas sa kinauupuan niya habang nakatingin sakin katawan.
Napayuko naman ako at nakitang wala akong suot pang itatas, Ramdam ko rin sa ibaba ko na panty na lang ang suot ko.
Sh*t Where's my dress!
"SINUNGAKALING KA! BAKIT NAKAHUBAD AKO!" sigaw ko pang muli at doon lang siya nag-iwas ng tingin,
"Naghubad ka mag-isa, Tiaka pwedi ba wag kang sumigaw. Wala akong ginawa sayo.." naglakad na ito palabas at naiwan akong tulala na nakaupo sa kama.
Totoo ba talagang naghubad ako?
Bakit wala akong maalala sa nangyari?
D*mn, Ngayon lang ako nalasing ng ganito.
Pero bakit nandito ako sa bahay niya?
Hindi ko naman ito kasama kagabi, At ang natatandaan ko lang ay ang pagbabastos sakin nung lalake sa bar.
Bukod doon wala na, Sh*t para akong nagkaroon ng amnesia.
Muling bumukas ang pinto kaya nagmadali akong hilain ang kumot, Pumasok si miguel na may dalang naka-hanger na damit. Nakatopless parin siya.
"Wear this, Pinapatuyo ko pa ang damit mo.." anas nito at naglakad patungo sa cabinet na kulay puti, Bakit mahilig siya sa puti?
"Saan mo naman galing 'to?" nakangiwing tanong ko pa, nagsuot muna siya ng damit bago humarap sakin.
"Kay mommy yan, Hindi niya pa nasusuot kaya sayo na lang.."
"N-nandito ang mommy mo?"
"Wala tayo lang.." sagot nito at naglakad na patungo sa pinto, huminto pa siya at muling tumingin sakin.
"Magbihis ka na, hinahanap ka na ng daddy mo.."
"What si daddy? Nasa--."
"Hihintayin kita sa baba.." putol nito sa sasabihin ko at tuluyan ng lumabas, D*mn you robot! Bakit ganyan siya!
So kaming dalawa lang? Sino naman naglaba ng damit ko kung pinapatuyo niya, Wag niyang sabibin na marunong siyang maglaba.
Nailing na lang ako at tiningnan ang binigay niya, jumpsuit siya at may poam ito kaya hindi muna kailangan mag bra, Ngunit wala naman under'wear! paano ako makakaligo, Hindi ako magsusuot ng panty ganon?
Kamot ulo akong tumayo at naglakad na nakabalot ang kumot sa katawan patungong banyo, Paano na naman ako magpapaliwanag kay mommy niyan, hindi na naman ako umuwi at for the second time kasama ko na naman si miguel. Baka isipin pa nila may relasyon kami.
D*mn, I dont remember anything! Nakakahiya kung totoo man ang sinasabi ni miguel.
Sinabi ko ba talaga na virgin ako?
Waaaahhhhh! Luna! Nakakahiya nga iyon!
Halos kalahating oras akong nasa loob ng banyo dahil sa lalim na iniisip, kung hindi pa kumatok si miguel ay hindi pa ako lalabas dahil pilit kong inaalala ang nangyari kagabi. Pero wala talaga.
"Sila vivian nakita mo ba sa bar? Nandoon karin ba?" sunod sunod na tanong ko ng makarating kami sa baba.
Malaki din ang bahay nila, At sobrang linis pa sa paligid kaya para kang nasa loob ng simbahan dahil halos kulay puti ang makikita mo.
Mahilig pala siya sa white?
"Hindi ko sila naabutan sa table niyo.." sagot nito at pumasok sa isang pinto. sumunod naman ako at nakitang kusina pala ang pinasukan niya.
"So bakit nandito ako?!" mataray na tanong ko habang pinagmamasdan itong nagsasandok sa isang bowl.
"Dinala kita dito dahil lasing ka, May hinalo ang lalakeng kasama mo sa drinks.." lumabas muli ito dala ang bowl na may lamang soap, salubong naman ang kilay kong sumunod.
"Si wilbert?"
"I dont know, kumain ka na para mahatid na kita sa inyo.." naupo na ako at pinagmasdan ang soap na hinain niya, Mukhang totoo naman ang sinasabi niya.
Humanda talaga ang lalakeng iyon sakin! May hinalo pala siya sa inumin ko kaya wala akong matandaan! Sh*t buti na lang at walang nangyaring masama sakin, Kundi baka hindi na ako birhen ngayon!
"Totoo ba ang sinabi mo kanina?" medyo ilag na tanong ko kay miguel, nakaupo ito sa harapan ko at kumakain narin.
"Anong sinabi?"
"Yung ano! Basta!" sigaw ko, bwist siya masyado naman makakalimutin!
"Ahh, Yung virgin ka pa?" tanong niya pa kaya halos mag init ang mukha ko, Peste hindi man lang nagpreno.
"Kumain ka na, wag ka ng magtanong.."
"Bakit ba?! gusto ko lang malaman ang nangyari!" asik ko, binaba naman nito ang kutsara at diretsong tumingin sakin.
"Kung sasabihin ko lahat ng ginawa mo baka mas lalo ka lang mahiya, Mas okay ng wala kang alam.."
Hindi na ako nakasagot dahil tumayo na siya, Nakakahiya ba talaga ang ginawa ko? Ano nga ba ang ginawa ko?
Arggghh! Nakakainis,
Yumuko na lang ako sa lamesa at hindi na ginalaw ang pagkain ko, Ang sakit sa ulo pag-iniisip kong may ginawa akong nakakahiya kagabi.
Kung sinabi ko sa kanyang virgin ako, It means niyaya ko siyang mag-ano? Wtf! Luna, Hindi na ako iinom kahit kailan!!!
"Who are you?!" napa-angat ako ng tingin dahil sa boses ng babae,
"What are you doing here?!" muling tanong nito, tumayo ako at pinagtaasan siya ng kilay.
What the h*ck, Bakit nandito ang warfreak na'to.
"Sinong nagpapasok sayo dito?!" lumapit ito sakin kaya mas lalo kong tinaas ang aking kilay, Kaano ano niya ba si miguel.
"Si miguel, why?!" mataray na saad ko, napatingin naman ito sa suot kong damit.
"And why are you wearing that?! Regalo ko yan kay tita!!"
"Pinasuot sakin ni miguel ito ms. Kaya pwedi ba wag mo akong sigawan!" asik ko, mas lalong nalukot ang mukha niya.
"W-what? P-pinasuot ni miguel yan sayo?" tumango ako habang nakataas parin ang kilay,
"Omg! I dont believe you! Sinungaling ka!"
"What!! Who the h*ll are you to call me liar!!" ganting sigaw ko habang nakaduro sa kanya.
"Girlfriend ako ni miguel! And your a liar! His not entartain any woman! kaya hubarin mo yan!" hinila nito ang damit ko kaya halos maalog ako sa ginawa niya,
Seriously? Girlfriend ni miguel to?
Mas maganda naman ako sa kanya! Akala mo kung sinong makapag-salita.
"F*ck let go!" inalis ko ang kamay nitong nakahawak sa suot ko kaya halos masubsob siya sa sahig.
"Ouch! how could you!!" sigaw nito, sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Whats happening here?!" tanong ni miguel ng makababa ito ng hagdan, agad siyang napatingin sa warfreak na babae na parang tuta na ngayon dahil sa pagbabago ng ekspresyon niya.
"She p-push me miguel.." mangiyak ngiyak nitong saad kaya halos mapanganga ako, What the h*ll. She's two faces woman!
"No miguel! She grab my clothes kaya naitulak ko siya!".
"LIAR!!" Sigaw nito kaya halos kumulo ang aking dugo.
"Im not! You're a two faces woman! Ikaw ang sinungaling!!"
"You h-hurt m-me.." pagdadrama pa nito, D*mn
"I didn't even hurt you! Ikaw ang nagumpisa masyado kang warfreak nakita mo lang si mi---."
"ENOUGH LUNA!!" natigil ako sa pagsasalita dahil sa sigaw ni miguel, Hindi nito ako nilingon at lumapit sa babaeng warfreak.
"Masakit ba?" tanong pa nito habang sinusuri ang siko niyang namula.
D*mn, Bakit parang kasalanan ko pa?
"Y-yeah, Whos that girl ba?"
"Dont mind her, Get up.." sagot ni miguel at inalalayan itong tumayo para igaya papunta sa sala.
Seriously? Ako pa ang nagmukhang masama? Leche siya!
Padabog akong naupo habang magka-krus ang kamay, Girlfriend ba talaga ni miguel 'yon?
Hindi man lang siya marunong mamili, Isa pang warfreak ang nagustuhan niya.
Magsama silang dalawa!
"Bakit mo siya tinulak?" biglaang tanong ni miguel sa likuran ko kaya napatayo ako.
"Hindi ko siya tinulak, Inalis ko lang ang pagkakahawak niya sa damit!!"
"Naabutan ko siya sahig luna, Hindi iyon marunong mag sinungaling.." tugon nito, nagsalubong naman ang kilay ko.
"So anong pinapalabas mo? na ako ang sinungaling?!" asik ko, nanatili naman itong nakatingin sakin.
"I know your attitude luna, Wala kang pakielam kahit nakakasakit ka na ng tao." Parang umakyat lahat ng dugo ko sa ulo dahil sa sinabi niya, mas kakampihan niya pa ang babaeng iyon! Porket nakita niya lang itong nasa sahig sinaktan ko na agad?
"Tsk! Masyado kang judgemental Miguel! You didn't know who the real I am! Kaya wag mo akong pagsalitaan ng ganyan! Magsama kayo ng girlfriend mong warfreak! Mga leche!!!!" tinalikuran ko na ito at hinanap ang daan palabas, Nakita ko pa ang babaeng warfreak na nakaupo sa sofa habang nakangising nakatingin sakin.
Inirapan ko ito at agad ng nagtungo sa labas para maghanap ng masasakyan.
Mga bwist, Bagay nga sila! Warfreak at robot, Good combination!
Nang dahil sa paglalakad ko ay nakarating ako sa highway at doon ko lang napansin na sobrang init na pala, D*mn ano na bang oras? Wala pala akong masasakyan! Kaasar!
Dahil no choice ako ay pumara na lang ako ng taxi at sinabi ang address ng bahay namin, Pero dahil nga namalas na ako sa dalawang iyon ay hindi ko na napansin na wala pala akong pera. Pati bag at susi ko wala! Naiwan ko pa yata sa club kagabi!
"Manong sayo na ito wala akong cash ngayon.." hinubad ko ang hikaw at kwintas ko para ipambayad sa kanya, hindi naman siya tumanggi dahil sobra sobra na iyon sa pamasahe ko.
Pagkababa ko ng taxi ay nakita ko agad ang kotse ni mommy kaya kinabahan ako, Wala si daddy ngayon at malalagot na naman ako panigurado.
Dahan dahan akong naglakad at sumilip muna sa pinto upang tingnan kung nasa sala ba si mommy, Nang makitang walang tao ay nakatikad akong naglakad patungo sa hagdan. Doon ko lang napansin na ang suot ko sa paa ay isang color pink na tsinelas pambahay. Sh*t nakaheels ako kagabi diba?
"Nieves.." nahinto naman ako ng marinig ang boses ni mommy, dahan dahan akong lumingon at pilit na nginitian ito.
"Goodmorning mom.." bati ko pa, nakatingin ito sakin kaya yumuko ako.
D*mn Im ready for the armalite shout! And nonstop sermon!
"Goodafternoon, Not morning nieves.." napa-angat ako ng tingin at sumulyap sa malaking wall clock.
12;30
SH*T
"Sorry mom Ngayon lang ako nakauwi, I didn't notice the time.."
"Its okay, ang aga mo naman umuwi. Akala ko doon ka na mag lulunch.." napakurap naman ako dahil sa narinig, What the h*ll hindi pa yata natutunaw ang alcohol sa utak ko at lasing pa yata ako.
"M-maaga a-akong umuwi?" nauutal na tanong ko dahil hindi mag sink in sa utak ko ang sinabi niya, D*mn nanaginip lang yata ako.
"Yeah, Miguel text me. And I told him na doon ka na lang maglunch, Akala ko pa nga mamaya ka pa uuwi.."
"H-ha??.."
"I need to go, baka late na akong umuwi dahil sa factory ako buong araw, Take care okay.." hinalikan pa niya ako sa pisngi bago tumalikod.
Napaawang na lang ang bibig ko at naiwan akong pakurap kurap dahil sa nangyari, For the first hindi siya nagalit. She didn't shout me and get pissed about what happen.
D*mn miguel, Are you using a magic spell? Or gayuma para lang maging mabait sayo ang parents ko?
Ano bang pinakain mo sa kanila.
Iling iling akong umakyat patungo sa kwarto at dumiretso sa closet ko, Bahala na nga! Atleast hindi siya nagalit sakin at hindi ako mapaparusahan.
Malaki naman pala ang pakinabang ko kay miguel, Pero naiinis parin ako sa kanya.
Masyado siyang Mapanghusga!
Judgemental Robot!
Kumuha ako ng kulay red na tube at isang white na skirt, teternuhan ko na lang ito ng mahabang coat para hindi masyadong litaw ang tops ko.
Baka pupuntahan ko na lang si vivian at magpapasama ako sa mall, I need to buy new clothes dahil halos luma na ang damit ko.
Yeah tama, Para naman ma-refresh ang utak ko at makalimutan na ang nangyari ngayong araw!.
__
Few hours.
Nang matapos maligo ay agad na akong nagtungo sa labas para sumakay ng taxi at agad sinabi ang address ni vivian, At dahil ATM lang ang dala ko ay humingi na lang ako kay vivian ng cash ng makarating doon.
"Hindi ka ba pweding gumala?" tanong ko pa ng makapasok kami sa loob, Gamit niya rin ang kotse kong pumunta dito
"Hindi e, Nasa Main branch si mommy dahil maraming deliver ngayon, hindi ako pweding umalis.."
"Tsk! Si antonette kaya? Tawagan mo.." anas ko pa at naupo sa sofa.
"Naku luna, May out of town sila ng parents nila today kaya sorry dahil mukhang mag-isa ka na lang gagala.."
Napanguso na lang ako dahil sa sinabi niya, Napaka boring naman kung ako lang mag isang maglalakad ng mall. Wala pa naman akong ibang friends dito.
"Kumusta naman ang pag sstay mo sa bahay ni miguel?" biglang tanong nito kaya napaayos ako ng upo.
"Kanino mo naman nalaman yan?!" asik ko pa ngunit tumawa lang ito.
"Secret, hahahha!!"
",Tsk, kanino nga!!"
"Sa mommy mo.." sagot nito kaya nangunot ang noo ko.
"Nagworry kasi kami ng makitang wala ka pero yung bag mo nandon, Kaya tinawagan namin si tita miranda. Kaya ayun sinabi niya nasa bahay ka na ni miguel! Akala ko narape ka na ng guy kagabi! yun pala kasama mo na si miguel hahahaha!!" dagdag pa nito habang tumatawa, baliw na siya.
"E anong nakakatawa?!" singhal ko, natigil naman ito sa pagtawa.
"Mygod luna! Ofcourse Im happy! Finally your not virgin anymore, And your too lucky because si miguel ang una mo.." napahilamos na lang ako sa narinig, Tang**na anong hindi na virgin! Wala naman akong maramdaman na masakit sa gitna ko e!
"Walang nangyari samin vivian! Never! Dahil may girlfriend na siya.."
"What! Bakit sabi ni giovanni No girlfriend since birth daw siya!" saad niya pa na parang gulat na gulat,
"Siguro dati iyon, pero ngayon hindi na. Alam mo ba yung nagwalang babae dito last day?" tanong ko pa, tumango naman ito.
"Siya! Siya mismo ang girlfriend niya!"
"What really? Yung impakta ang girlfriend niya?! Sh*t kawawa ka naman!" usal nito na umiiling pa, Tsk! Anong kawawa. Si miguel ang kawawa dahil may girlfriend siyang warfreak! Bahala na nga siya sa buhay niya.
Naiinis ako sa kanya! mas naniwala pa siya sa babaeng iyon! Hindi niya naman nakita ang lahat agad agad na lang siyang gumawa ng konklusyon sa utak niya Kaasar!
"Oh saan ka pupunta?" tanong pa nito ng bigla akong tumayo.
"Maghahanap ng boyfriend!!" sarcastic na sagot ko kaya natawa siya, Peste.
"Sige, pakihanap na rin ako, eto ang susi mo.." sinalo ko ang susi na hinagis niya at hindi na ito pinansin pa.
Aasarin niya lang ako kung hindi pa ako aalis, Makapagshopping na nga lang.
Agad na akong sumakay sa kotse at nakita doon ang naiwan kong bag kagabi, Salamat naman at hindi ko na kailangan pang pumunta ng banko.
Baka buong maghapon na lang ako sa mall, nakakainip din naman sa bahay.
Nang makarating sa mall ay agad akong pumunta sa mga new arrival na dress dahil iilan lamang ang dress ko dito sa bahay, lahat yata ng damit ko ay naiwan sa france dahil sa sobrang excited kong umuwi.
Ngunit ganito pa ang bungad sakin, wala pa man akong isang buwan minalas na ako.
Matapos makapili ng dress ay nagikot ikot muna ako sa mall para magtingin ng pweding mabili, May nakita naman akong ice cream parlor kaya naisipan ko munang pumunta doon ngunit sa pagmamadali ay may nakabangga pa akong lalake.
"Sh*t ang lawak kasi ng daan hind---."
Nahinto ako sa pagsasalita ng makita ang nakabangga ko, Nakashades ito at nakasuot na polong itim na nakabukas pa ang dalawang butones sa dibdib.
"Sorry miss.." anas nito at pinilot ang paperbag kong nahulog.
"A-ah Its okay hehe nagmamadali kasi ako.." sagot ko, hinubad naman nito ang shades at nilagay sa polo niya kaya mas lalo akong napawow ng makita ang kabuuan ng mukha niya.
Ang swerte ko naman nakabangga ako ng gwapo.
"Here.." inabot nito ang paperbag kaya nakangiti ko itong kinuha.
"Your alone.." usal niya pa, todo tango naman ako at hindi nawawala ang ngiti sakin.
"Can I walk with you, Im just new here in philippines but I know how to speak your language.." dagdag pa nito,
"Ow, sure sure. Wala naman akong kasama.." ani ko, hindi naman ito sumagot.
"Do you understand tagalog?"
"Yeah, Oo naman. Maraming pilipino sa newyork at napag-aralan ko ang language niyo.." sagot nito, medyo may pagka-slang siya pero naiintindihan ko naman.
"Saan mo balak pumunta?" tanong niya pa.
"Pupunta sana ako doon.." turo ko sa ice cream parlor, tumingin naman ito doon.
"Wow do you like ice cream?"
"Ahmm, A litte hehe. lets go?" tumango na siya kaya nagtungo na kami sa ice cream parlor, Maraming costumer doon at halos bata ang nakapila ngunit agad kong napansin ang pamilyar na tindig kaya nawala bigla ang ngiti ko.
"Hey, Before I forgot. Whats your name?" tanong nito kaya napalingon ako sa kanya.
"Luna.."
"Nice name, Im James Smith.." usal niya at nilahad ang kamay.
"Nice to meet you.." sagot ko, at nakipag kamay dito.
"Anong flavor ang gusto mo miguel?" dinig ko ang boses sa likuran namin kaya pinigilan kong lumingon, D*mn bakit sa dinama-dami ng mall dito pa.
"Frosty.." maikling sagot ni miguel, nanatili naman kaming nasa harapan.
"Hey luna, Which flavor do you want?" tanong ni james kaya napalingon ako dito,
"Strawberry.." maikling sagot ko, umorder naman ito habang ako ay nanatiling nakatingin sa harapan.
"Luna lets go.." lumingon ako sa gilid ngunit maraming costumer ang naghihintay kaya no choice ako kung hindi humarap at doon maglakad.
E ano naman kung makita nila ako!
Pagharap ko naman ay saktong nakatingin sakin si miguel, Napasulyap pa ito kay james ngunit bumalik rin sakin.
Inirapan ko lang ito at naglakad na patungo sa bakanteng table na pang-dalawahan lang. Nakasunod naman sakin si james na dala ang inorder niya.
"Kilala mo iyon luna?" tanong nito ng makaupo siya.
"Hindi, bakit?"
"Hmm nothing, His staring at you. Weird.." sagot nito, kinuha ko naman ang order kong strawberry at tiningnan silang nag oorder.
Tsk! Ang kuripot naman niya,
Girlfriend pa talaga ang naglilibre!
Buti pa itong si james nilibre ako, kahit ngayon lang kami nagkita.
"Saan mo pa gustong kumain?" tanong nito kaya naalis sa kanila ang tingin ko.
"Ahm, hindi ka pa ba uuwi?" balik tanong ko.
"No, Maybe later. Hinhintay ko pa ang kasama kong photographer.."
"Photograher ka?" nakangiting tanong ko, tumango naman siya.
"Yeah, Naisipan lang namin maglibot dito.." sagot niya at sumubo sa ice cream na kinakain niya.
"So where did you like to eat after this?"
"Ha? Kakain na naman, Hindi ba pweding maglakad lakad na lang tayo.." natatawang tanong ko, napangiti naman siya kaya nakita ko ang dimples nito.
"Okay, Kanina pa kasi ako naglalakad e.."
"Ganun ba? O saan tayo pupunta?" tanong ko, nag-isip naman siya.
"Ahmmm, Lets watch movie.."
"Wow, Sige sige!" masayang sagot ko, natawa naman siya sa inasal ko kaya umayos ako ng upo.
Napasulyap pa ako sa gilid at nakitang nakaupo pala ang dalawa doon, Pansin ko rin na tahimik lang si miguel habang yung girlfriend niya ay hindi tumitigil sa pagsasalita.
Tsk! Bagay nga sila.
Sinuri ko pa ang girlfriend nito mula ulo hanggang paa, Naka Croptop sando siya at fitted na jeans. Medyo litaw ang puson nito dahil sa suot niyang tops.
Natawa na lang ako, Mas makinis naman ako kesa sa girlfriend niya. Sexy din naman ako.
Hinubad ko ang suot kong coat at hinayaan ang tube tops ko ng nakalitaw, Narinig ko naman ang pag-tikhim ni james kaya nilingon ko ito.
"Your beautiful.." anas niya pa, ngumisi lang ako at muling sinulyapan sila miguel.
Napataas naman ang kilay ko ng makitang nakatingin na ito sakin, Medyo nakakunot ang kilay niya at hindi ko mabasa kung ano bang reaksyon ang meron siya.
Ano bang tinitingin niya! Bakit hindi na lang mag focus sa girlfriend niyang hilaw!
Napaismid na lang ako at kinain na lang ang ice cream na nakahain sakin, Ngunit nagulat ako ng biglang punasan ni james ang gilid ng aking labi.
"Ang cute mo naman kumain.." nakangiting anas niya pa, pero mas nagulat ako ng kainin niya ang daliring pinagpunas nito sakin.
What the h*ll, May pagka-wild pa yata ito.
Narinig ko naman ang maingay na pag-usog ng upuan sa gawi nila miguel kaya napasulyap ako, Nakita kong niyaya niya na ang girlfriend nito at dumiretso palabas.
Saan naman sila pupunta?
"Lets go?" biglang tanong ni james at doon ko lang nakita na tapos na itong kumain.
Hindi man lang nangalahati ang inorder ko, Ako yata ang nawala sa focus dahil kay miguel.
Masyado ka kasing apektado!
Bulong ng isip ko, kaya umiling ako.
D*mn, Apektado nga ba ako? Tsk!
"Yeah, tara na." tumayo na ako at isinabit ang coat saking kamay. Siya narin ang nagdala sa limang paperbag na pinamili ko maging ang aking bag binitbit niya na rin.
Gentleman pala siya, Nice one.
"Anong gusto mo??" tanong nito ng makarating kami sa sinehan, napatingin naman ako sa poster at nakita ang mga showing na movie.
"Ikaw ba?" balik tanong ko.
"You.." sagot nito kaya napalingon ako sa kanya.
"Ha?"
"You are not alone.." dagdag nito na ang tinutukoy niya ay ang isang romance movie.
"O-okay.." nasagot ko na lang, mabilis naman itong bumili ng ticket kaya ako na lang ang bumili sa popcorn at drinks. Nakakahiya naman baka isipin niya wala akong pera.
"Im the man here luna, Ako dapat ang gumagastos.." anas nito habang naghahanap kami ng mauupuan.
"Its okay ano ba, May pera naman ako.."
"Yeah I know, But Im not comfortable.." sagot nito kaya natawa ako at nilingon siya, sakto naman na sobrang lapit nito sakin.
Matangkad siya kaya ang mata ko ay saktong lang sa ilong niya, ngunit amoy ko pa rin ang mentol nitong hininga.
D*mn, Sino ba ang last kiss ko simula ng umuwi ako.
Nabalik naman ako sa reyalidad ng marinig ang pagtikhim ng tao sa likuran ni james, Nakita ko agad si miguel na diretso ng nakatingin sakin.
What the h*ck? Hangga ba naman dito?!
Sinusundan yata nila kami.
"Nakaharang kayo sa daan.." malamig nitong saad kaya tumabi si james, Naiwan naman akong nakatayo sa harapan nila.
"Excuse me!" maarteng anas pa ng girlfriend niya, Tsk! Ang sarap niya talagang batuhin ng popcorn!
At dahil ayaw ko ng mabadtrip muli ay tumabi na lang ako kay james, Humingi pa siya ng paumanhin habang ako ay napapairap na lang.
"Weird.." anas pa nito.
"Sino?" tanong ko.
"That guy, Hes looking at you with angry expression.." sagot nito kaya natawa ako.
"Wala naman ekspresyon yon e, Robot kaya ang Mr'fierce na 'yun!"
"Uh?"
"Ah, hehe dont mind him. Lets go.." nagkibit balikat na lang ito at inalalayan akong maglakad.
Huminto naman siya sa dulong row dahil halos puno na ang mga upuan, At dahil minalas na ako ay mas mamalasin pa ako ngayon dahil katabi namin sila miguel.
Tsk! Paliguan ko kaya sila ng popcorn!
Naupo si james sa tabi ni miguel kaya nasa dulo ako at walang katabi, Buti na lang at hindi ko nakatabi ang warfreak na yan! Kung hindi baka tuluyan ko ng mapaligo sa kanya ang popcorn.
Hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa niya.
Paawa effect pang nalalaman! Leche siya.
At dahil romance ang pinapanuod namin ay hindi maiiwasan ang kissing scene at medyo may pagka spg ang tema, Kaya halos hindi mapalagay ang aking mata at tumitingin lang kung saan.
Inosente pa ako sa ganitong bagay.
Sumandal ako sa upuan at agad kong naramdaman ang kamay ni james, sobrang init nito kaya halos magtayuan ang balahibo ko dahil doon. Lalo na at ganito pa ang pinapanuod naming movie.
Mas lalo akong nangilabot ng maramdaman ang haplos niya doon, At dahil nakatube lang ako ay naka-expose ng todo ang aking braso maging ang aking likuran.
D*mn, Naka-aircon naman dito pero bakit ang init ng kamay niya.
Napatayo ako ng maramdaman ang pagpisil niya doon, Nakita ko naman si miguel na salubong ang kilay na nakatingin sakin.
Sh*t, I need some water.
"W-wait me here james, pupunta lang ako ng Cr.."
"Sasamahan na kit--."
"NO!" Sabay na sigaw namin ni miguel, napatingin naman ako sa kanya ngunit iniwas lang nito ang tingin.
"Sandali lang ako.." tumalikod na ako at nagmadaling umakyat sa taas dahil nandoon ang cr.
Pagpasok ko sa loob ay agad akong naghilamos para mahimasmasan ako kahit papaano, Napatingin pa ako sa sarili ko at nakitang sobrang putla ko pala. Sh*t nakalimutan ko pa ang bag ko.
I need some retouch!
Binuksan ko ang pinto ngunit halos mapamura ako ng makita ang bumungad sakin.
"Papatayin mo ba ako?!" singhal ko agad sa kanya, hindi ito sumagot bagkus hinagod niya lang ang katawan ko.
"Lets go.."
"A-anong lets go!!" sigaw ko, namulsa naman siya.
"Nagtext sakin si mam miranda at Tinatanong kung kasama kita, Nireplayan ko ito at sinabing oo.."
"What!! Bakit mo sinabing kasama kita!!"
"Kasama naman kita.." bored nitong sagot kaya halos mapanganga ako.
"Im not with you okay!! Tumabi ka nga jan!!" tinulak ko ito dahil nakaharang siya sa pinto, Ngunit agad nitong hinawakan ang kamay ko.
"Umuwi ka na.." anas pa nito, hindi ako nakasagot dahil sa hawak niya ang aking kamay.
D*mn, bakit parang may kuryente ang kamay niya?
"Sabay na tayo.." wika niya pang muli at bumitaw sakin, kinalma ko naman ang sarili bago magsalita.
"Bakit hindi ka umuwi mag isa!" asik ko at nagcross'arms.
"Wala akong kotse, pinagamit ko kay selena.."
"Selena? You mean yung girlfriend mo?"
"She's not my girlfriend.." sagot niya, napakurap na lang ako at napatitig dito.
So, bakit sinabi ng impaktang iyon na girlfriend siya ni miguel? Tsk! Siya pala ang sinungaling.
"Okay, But Im not going home with you, may kasama ako.."
"Boyfriend mo?" tanong nito kaya tinaasan ko siya ng kilay.
"Paki mo.."
"Kilala mo ba iyon?"
"Paki mo ba!!" naiinis na sagot ko kaya halos sumama ang tingin nito sakin.
"Kung sino sino na lang ang sinasamahan mo! Gusto mo bang maulit ang nangyari kagabi?! Muntik ka ng pagsamantalahan ng nakilala mo sa bar, tapos ngayon hinahayaan mo lang na haplusin ka ng bago mong nakilala!." hindi naman ako nakasagot dahil sa haba ng sinabi niya, and take note para na siyang mabangis na tigre ngayon.
"Umuwi na tayo, Hinihintay na tayo ni nam miranda.." dagdag nito at nagpaunang naglakad.
D*mn it, Anong pinaglalaban niya?
Tulala naman akong naglakad pabalik sa sinehan ngunit wala na si james sa pwesto namin, maging ang tinatawag na selena ni miguel ay wala narin.
"Let's go.." nagulat naman ako ng mag salita si miguel sa gilid ko, Doon ko lang nakita na hawak niya na ang mga gamit ko habang walang ganang nakatingin sakin.
"Nasaan na sila?"
"Pinauwi ko na.." bored na sagot niya, magsasalita pa sana ako ngunit naglakad na ito pababa.
What the h*ll, Tama nga si james dahil sobrang weird niya.
______
To be Continued...