Chapter 9

2354 Words
Chapter 9 [ Luna Pov ] 3 O'clock when we arrived at home, Gaya nga ng sabi ni miguel ay sabay kaming umuwi. Nagtaka pa ako dahil nauna pa siya sa loob kesa sakin, Ano ito feel at home lang ang robot? "Oh Chef sandoval, Sorry at naistorbo ko ang date niyo.." salubong ni mommy dito, nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. "Mom! Were not dating okay," Protesta ko, nailing naman ito at ngumiti kay miguel. "Sorry for the attitude of my daughter nieves.." "Its okay mam Miranda.." sagot nito, hindi niya man lang ba itatanggi ang sinabi ni mommy! "Dont call me mam, Tita its enough.." "Tsk!" Ismid ko at nilagpasan silang dalawa, Naniniwala na talaga ako sa magic spell ni miguel. "Nieves.." hindi pa man ako nakaka-akyat ng hagdan ng tawagin ako ni mommy, salubong naman ang kilay kong lumingon. "Mamaya ka na umakyat, Lets us join here.." "But mommy, I want to sleep.." asik ko, sumama naman ang tingin niya sakin. "Pauwi na ang daddy mo, hintayin natin siya dito dahil may paguusapan tayo.." "Kasama ako?" tanong ko na nakaturo sa sarili. "Yeah ofcourse, its about your birthday celebration.." "Ah okay, pati yan kasama?!" turo ko kay miguel na wala man lang pakielam. Para talaga siyang robot. "Oo, Siya ang hahawak sa catering service at buong preparation ng party.." "But I want a beach party, May alam ba yan?!" "Nieves!" suway nito sakin, naitikom ko naman ang bibig. D*mn, Anong alam niya sa preparation? Diba chef lang siya? Kasama ba iyon sa trabaho niya. "Have a seat Hijo.." anas ni mommy, naupo naman si miguel sa single sofa at nilapag ang mga paperbag ko. "Entertain him nieves, Titingnan ko lang ang cake na binake ko.." naglakad na ito at nagtungo sa kusina, Nakanguso naman akong naupo sa mahabang sofa. "Entertain him nieves nyenyenye akala mo naman importante ang lalakeng ito.." bulong bulong ko pa habang nakatingin sa gilid ko. "Masyadong presko porket gwapo! judgemental naman.." bulong ko pa, dinig ko naman ang pagtikhim nito kaya nilingon ko siya. "Anong inuungot ungot mo diyan!!" asik ko, ngumisi naman siya. "Hindi ko alam na baliw ka pala.." kalmadong sagot niya, napatayo naman ako at sinipa ng bahagya ang paa niya. "Sinong baliw!! Ikaw nga ang baliw dahil pinauwi mo ang lalakeng kasama ko kanina!" "Hindi ko siya pinauwi okay." "Oh anong sinabi mo!?" singhal kong muli habang nakataas ang kilay. "Hindi na importante iyon.." "Tsk! Ang yabang mo talaga, magnanakaw ka naman." asik kong muli habang nakapamewang, "Hindi ko ninakaw ang cellphone mo okay, Look.." may kinuha ito sa bulsa at doon ko nakita ang kulay white na cellphone. "Oh! Sakin yan e!" singhal ko pa at hinablot ang cellphone na hawak niya. Tiningnan ko iyon ngunit may passcode, Pero kamukhang kamukha ng sakin ito. Kaya sigurado akong akin ito. "This is mine magnanakaw ka talaga! Alisin mo ang password nito!" "Sakin yan, Hindi ba pweding magkatulad tayo ng brand.." tumayo ito at kinuha ang phone na hawak ko. "Hahanap ako ng paraan para malaman mo na akin ito, Maghintay ka lang.." usal niya pa, Magkaharap lang kami kaya kita ko ng malapitan ang mukha niya. Sayang gwapo pa naman siya. Chinito at maputi, Matangkad din kaso lang naiinis ako dahil napakacold niya sakin. "Pero kung wala kang cellphone sayo na lang ito.." dagdag niya pa, nilahad nito ang phone sakin ngunit hindi ko kinuha. "No thanks, bibili na lang ako ng bago.." iniwas ko ang tingin at pabagsak na naupo. Beeeeeeppppppp.. Narinig ko naman ang pagbusina ng kotse ni daddy kaya tumayo ako para lumabas, Nakita ko pa ito na pababa na ng kotse niya. "Nakauwi ka na pala, Nanjan ba si miguel?" agad nitong tanong kaya napanguso ako. Bakit lagi na lang si miguel. "Nasa loob na dad, Bakit pinapunta niyo siya dito?" "Were going in cebu luna.." sagot nito, nagpauna na siyang pumasok kaya sumunod ako. Ano naman gagawin namin sa cebu? "Goodafternoon chef miguel, Thankyou for taking care of luna last night.." salubong ni daddy kay miguel, umarko lang ang gilid ng labi ko dahil sa inasta niya. "Okay lang iyon sir villamor, Kilala ko naman siya.." nilingon pa ako ni miguel matapos magsalita. "Yeah, Pasensya ka na minsan sa ugali niya" "Hmmmm." tumango lang ito sa sinabi ni daddy kaya napairap ako. "Nandito ka na pala." biglaang sulpot ni mommy. "Kumain na tayo.." anyaya niya pa samin, sumunod naman si daddy kaya naiwan kaming dalawa ni miguel. "Hoy!" tawag ko, lumingon naman ito. "Anong pinakain mo sa magulang ko ha?! Nilagyan mo ba ng gayuma ang niluto mo noon?!" "What are you saying gayuma?" "Gayuma, magic spell or ano man ang tawag sa nilagay mo kaya ang bait nila sayo!!" asik ko, nailing naman siya at lumapit sakin. "Wala akong nilagay, bukod sa iodized na hinalo mo.." "What?! Hangga ba naman ngayon hindi mo nakakalimutan yan?!" singhal ko, natawa naman siya kaya muli akong napatitig dito. Tsk! Bakit kailangan niya pang ngumiti ng ganyan? D*mn "Ikaw nga hindi mo parin nakakalimutan ang pagnanakaw na pilit mong binibintang, Ito pa kayang ginawa mo?" "So anong gusto mo? Magsorry ako sayo?! Manigas ka!!!" sigaw ko pa, ngunit hindi man lang nawawala ang ngiti nito. Sh*t, Tinatawanan niya lang ako? "Nagsorry ka na, nakalimutan mo ba?" "Uh?" "Tsk.." iling iling itong naglakad patungo sa dining habang ako ay naiwan at nagtataka sa sinabi niya. Kailan ba ako nagsorry dito? Wala naman akong matandaan na nagsorry ako sa kanya, Siya yata ang nababaliw. Sumunod na lang ako sa kanila dahil medyo nagugutom narin ako, Soap at ice cream lang yata ang kinain ko buong maghapon. "Nakakuha ka na ba ng ticket?" dinig ko pang tanong ni daddy kay mom habang nilalagyan siya ng pagkain ng maid. "Yeah, Kaso dalawa lang baka mauuna na silang dalawa doon." "Sinong dalawa?!" agad na tanong ko, hindi pa ako umuupo dahil hinihintay ko ang sagot nila. "You and miguel, baka bukas na kami makakakuha ng flight Aasikasuhin pa namin ang ibang share holders tonight.." sagot ni mommy kaya halos mabali ang leeg ko sa pagiling. "No No, Sabay sabay na tayo!!" "Nieves! Nagpa book na kami ng flight, At baka wala na tayong makuhang room kung bukas pa kayo aalis! We need to prepare early dahil 2weeks na lang birthday muna!" napabuntong hininga na lang ako dahil wala naman akong magagawa sa kanya. "And this is your decision nieves, you want a beach party kaya sumunod ka na lang.." "Bakit hindi tayo kumuha ng party coordinator?" tanong ko pa, "Si miguel na ang bahala, Sabihin muna lang kung anong gusto mong motive okay, Sitdown.." naupo na lang ako dahil mukhang wala na talaga akong magagawa, Bahala na! __ Matapos namin kumain ay agad na akong umakyat para mag impake ng damit, Hindi ko alam kung ilang araw ba kami doon dahil hindi na ako nagtanong. Basta nagdala na lang ako ng maraming damit. "Tumawag ka luna pag nakarating na kayo doon, pag reserved muna rin kami ng room for tomorrow." anas ni daddy habang nagmamaneho patungong airport. Tumango lang ako dahil nakatingin naman siya sakin, Nasa likuran ako at magkatabi sila ni miguel sa harap. Parang Si Miguel pa ang tunay na anak kung titingnan, Ang sarap talagang kotongan ng lalaking ito e. Feeling. Sakto lang kami sa oras ng makarating ng airport, Mas mabilis daw ang biyahe kung sasakay kami ng eroplano kaya hindi na ako umangal dahil wala naman akong magagawa sa dalawa kong parents. Sunod sa layaw lang ako. "Ikaw na ang tumawag kay daddy pag nakarating na tayo doon, alam mo naman wala akong cellphone.." anas ko ng makaupo kami sa loob ng eroplano. "Yeah I'll do that, kahit hindi mo sabihin.." sagot nito na hindi man lang tumingin sakin, "Ang sarap mo rin kausap no!!" asik ko, lumingon naman siya. "Sssghhhhh! Shut your mouth okay? Matulog ka na lang.." senyas niya sakin, napairap na lang ako at sumandal sa kinauupuan. I dont know If I can stay longer with him, Kung sanang ayusin niya ang pakikitungo sakin baka magkasundo kami, Bawasan niya lang ng konti ang pagkarobot niya, Ok na. __ Madaling araw na ng lumapag ang sinasakyan namin eroplano sa cebu, Mabuti na lang at may nasakyan pa kami patungo sa beach resort na pupuntahan namin. Balak nilang arkilahin iyon sa birthday ko, Kaya dapat maaga pa lang ay ipareserved na namin ito sa mismong araw na iyon, Para narin makapag prepare kami. Am turning 25 kaya gusto ko dito gaganapin ang birthday ko, Dahil napag kasunduan namin noon na pag umabot na ako ng 25 ay maglalagi na ako sa company para mapag aralan ang bawat pasikot sikot doon. Pumayag naman ako sa isang kundisyon. At eto iyon, Ang beach party. "Seperate na lang tayo ng room.." saad ni miguel habang naglalakad kami papunta sa receptionist. "Natural oo! Kailangan pa bang sabihin yan!" singhal ko, huminto naman siya at tumingin sakin. "Hindi mo naman kailangan sumigaw.." "E sa nainis ako sa sinabi mo, Understood na iyon na seperate tayo sasabihin mo pa!" asik ko ngunit nilagpasan niya na lang ako. Tsk! Tingnan muna, Ganyan ang ugali niya. Paano ako hihinahon niyan. "Two room please.." dinig kong anas ni miguel ng sumunod ako dito, Nasa likod lang ako at nagtitingin sa paligid. Maganda naman ang hotel resort, Maliwanag din sa labas dahil sa dami ng ilaw na nagkalat. D*mn, Excited na ako bukas para makapag swimming. "Sorry sir, One room na lang ang available may nauna na kasing nagcheck in sainyo.."napalingon naman ako sa babaeng receptionist. "What do you mean one?" mataray na tanong ko, napaatras naman siya. "Okay, I'll get it.." wika ni miguel at hindi man lang ako pinansin. "Hoy! I can't sleep with you!!" singhal ko ngunit kinuha na niya ang susi at naglakad na ng diretso sa hallway. Aba! "Miguel!" sigaw ko pa huminto naman ito. "Wag kang maingay luna, May natutulog na sa dinadaanan natin. Kung ayaw mong matulog kasama ako edi sa labas ka.." "What no way! Give me that key!" "No! We share room tonight, bahala ka.." naglakad na ito patungong second floor kaya inis akong sumunod sa kanya. Nang makapasok kami sa room ay agad akong naupo sa kama at itinuro ang sofa sa kanya. "Doon ka!" "Uh?" "Sabi ko doon ka matulog!" ani ko pa, tiningnan naman nito ang sofa bago lumingon sakin. "Sumasakit ang likod ko sa sofa, dito na lang ako.." humiga ito sa kama at parang nabalewala lang ang sinabi ko, Sh*t! Baliw na siya. "No Get up! Get up!" pinagpapalo ko pa ito ngunit tumalikod lang siya. "King size naman ang kama luna! Matulog ka na madaling araw na.." "How can I sleep now! Tell me!" asik ko, umupo naman ito at kumuha ng dalawang unan. "Yan makakatulog ka na ba?" nilagay niya iyon sa pagitan namin bago kunin ang gamit niya at kumuha siya ng isang libro. "Sleep now!" asik pa nito. Inismiran ko na lang siya at pahigang tumalikod dito. Tsk! Sa palagay niya ba makakatulog ako porket may unan diyan? D*mn, Kung alam niya lang kinakabahan na ako dahil katabi ko siya! Kahit na nakasama ko na siya sa kwarto noon, Pero iba ngayon katabi ko siya mismo sa kama! Siya pa lang yata ang nakakasama ko sa isang room, At kahit marami na akong naging boyfriend ay alam ko naman ang limit ko noon. Kaya hangga ngayon virgin pa ako! Sh*t luna! Nagpapanic ka na naman! O ngayon kung virgin ka! Wala naman siguro siyang gagawin sayo! Kinuha ko na lang ang kumot at mariin na pumikit, matutulog na lang ako kesa mag-isip isip ng kung ano ano! 30minutes.. Inis akong naupo dahil sa hindi ako makatulog, napatingin pa ako sa orasan at nakitang pasado alas tres na! D*mn, Bakit hindi ako makatulog! Lumingon pa ako kay miguel at nakita itong gising pa, Nakaunan ang isa nitong kamay habang ang isa ay may hawak na libro. Ano naman kayang binabasa niya? Hindi kaya yun ang gamot niya pampa-antok? "Hey miguel what's that?" sumilip ako ngunit agad rin niya itong sinara. "Bakit hindi ka pa tulog.." "Hindi ako makatulog! Kaya patingin lang yan! Baka makatulog ako pag binasa ko.." ani ko pa, at pilit kinukuha ang libro. "No! Hindi muna man alam to!" "Come on miguel! Libro lang yan ang damot mo!" singhal ko, todo iwas naman ito sa libro dahil pilit ko iyon kinukuha. "Sabi ng hindi!" "Let me see miguel!!! Wag ka ng madamot diyan! ibibili kita ng maraming libro!" "No!" pagmamatigas pa nito. "Ano ba kasi yan!!" nakuha ko iyon ngunit agad rin niyang tinapik ang aking kamay kaya nabitawan ko. Ngunit mas nagulat ako ng pahigaan niya ako at hawakan ang dalawa kong kamay. "I said no!" asik niya pa, pigil hininga naman akong tumitig sa galit niyang mukha dahil sa sobrang lapit nito. Kung may butas lang ang dibdib ko kanina pa tumalon ang puso ko sa kisame dahil sa malakas nitong pagtibok. D*mn d*mn! Bigla naman nagbago ang ekspresyon niya at naging kalmado na ito, ngunit nanatili parin siyang nakatingin sakin kaya wala akong maibigkas na kahit anong kataga. Parang napako na lang ang mata ko sa maamo nitong mukha na tila nagbago sa akin paningin. Kung hindi mo ito kilala siguradong magkakagusto ka sa kanya, Gwapo siya at wala kang maipipintas sa mukha niya. Nanatili parin akong nakatingin at tanging paghinga lang namin ang maririnig, Ngunit mas lalong nagkumahog ang puso ko ng ilapit niya pa ang mukha sakin at walang pigil na hinalikan ako. Nanlaki na lang ang mata ko at nanatiling nakamulat dahil sa ginawa niya, Ramdam ko ang lambot ng labi niya kaya wala sa sariling napapikit ako dahil doon. Kusa iyon gumalaw at tumugon sa kanya ngunit tumayo rin ito at sunod sunod na pagmumura ang ginawa. "F*ck F*CK F*CK!!!" Naglakad ito at pahablot na kinuha ang libro na tumalsik kanina sa sahig. Dinig ko pa ang mga yapak niyang palabas at pagsara ng pinto habang ako ay nanatiling nakahiga at tulala sa nangyari. What the h*ll is that luna nieves? You response You kiss him back. _____ To be Continued
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD