Chapter 20
Luna Pov
It's been 2days since the accident happen, We stay here in hospital while my dad is busy too communicate with the other victims.
"Kumain ka na luna.." I face miguel, He's busy preparing lunch with us. Vivian is here too and antonette.
"Mauna na kayo.." sagot ko, Lumapit ako kay mommy na natutulog na.
Gumising na ito kahapon ngunit panandalian lang iyon, Nagigising din siya paminsan minsan para kumain ng lugaw at soup. Pero nirereklamo nito ang mga sugat niya kaya tinuturukan ito ng pain killer kaya nakakatulog siya, Medyo maayos na ang kalooban ko dahil nagising na siya. Hindi pa nga lang humuhupa ang mga sugat niya.
They're still fresh, At kailangan pang lagyan ng oitment araw araw.
"You need to eat luna, Gusto mo bang pumayat ka lalo?" nahihimigan ko na ang galit niyang boses kaya tumayo na ako at lumapit dito, Dalawang araw na niya akong sinasamahan at umuuwi lamang ito tuwing maliligo. Babalik din siya agad at may dala ng pagkain.
"Eto na nga, Nagsasalubong agad yang kilay mo." ani ko, ngunit hindi man lang nagbago ang reaction niya at nanatiling seryoso.
Umiwas ako ng tingin at sinulyapan sila vivian at antonette na naiiling sa akin,
"Kain na!" asik ko, tumango lang sila at pinipigalang matawa. Siguradong pinagtatawanan na nila ako sa isip dahil wala akong magawa kay miguel. Paano ba naman nakakatakot siyang tumingin.
"Pinagluto ko ng sopas si tita miranda, Pakain mo siya pag nagising na ito.." napatingin ako dito habang binubuksan niya ang dalang pagkain, sumibol ang mabangong amoy kaya natakam ako. Kahit yata wala kang gana makaka-kain ka dahil sa sarap niyang magluto.
"What's that?" turo ko sa dalawang ulam na dala niya.
"Casserole and Afritada.." hinila nito ang upuan at tumabi sakin, May maliit na lamesa dito at magkakasya ang apat na katao.
Nasa private room kami at may kalakihan din ito kaya hindi gaanong masikip, May isang mahabang sofa at single na nasa gilid, nakatapat ito sa isang flatscreen tv na nakadikit sa pader.
"Ito ano 'to?" turo ko sa kulay yellow na may cheeze sa taas.
"That's yema cake, I made that for you.." napangiti ako dahil sa sagot niya, Dinig ko pa ang pagtikhim ng dalawa kaya napairap ako sa kanila.
Mamatay sila sa inggit.
Nag-umpisa na kaming kumain habang ang dalawa ay pinagbubulungan ako, Hindi ko alam kung nakailang irap na ako buhat kanina dahil sa mga hagikgikan nila.
Si miguel naman tahimik lang na kumakain na parang may sariling mundo, Ang linis niya pang kumain at hindi man lang bumubuka ang bibig niya pag ngumunguya. Para siyang isang babae kung kumilos,
"Finish your food luna, Stop staring hindi ka matatapos niyan.." nag-iwas ako ng tingin dahil sa sinabi niya, hindi siya nakatingin sakin bakit alam niyang nakatitig ako? Ang lakas naman ng pakiramdam niya.
Mabilis ko ng tinapos ang aking pagkain dahil baka magising na si mommy, Nagpresinta na rin akong ligpitin ang kinainan namin na kina-gulat ng dalawa. Para silang mga timang kung makatingin sa akin, bawal na ba akong magligpit ngayon? Kahit ito lang naman ang mai-ambag ko pwede na.
Alas dos na ng nagpaalam sa'kin si miguel, May aayusin lang daw siya sa restaurant dahil may dumating na client para kunin sila for service catering. Tinanguan ko ito dahil papunta na rin si daddy dito, Kasama ko rin naman ang dalawa ko'ng kaibigan na baliw.
"Nakita mo ba si luna kanina? Feel na feel niya talaga ang pagsilbihan ng isang miguel sandoval.." pagpaparinig ni vivian, nakaupo na kami ngayon sa mahabang upuan malapit sa kama ni mommy.
"Anong feel na feel?" tanong ko, kung alam lang nila na ganun talaga si miguel.
"Wala samin na lang yun" anas ni antonette, nagthumbs-up si vivian
"Bumigay ka na ba luna? Bakit hindi mo naman i-share sa amin?" pinanlisikan ko ng mata si vivian dahil sa tanong niya, kahit kailan talaga gusto niyang pinaguusapan ang ganitong bagay.
"Pwedi ba? Stop asking that, Hindi niyo ba nakikita nandito si mommy.." mahinang saad ko, Baka marinig sila ni mommy at ano ang isipin niya.
"Hindi naman.." wika ni antonette, "Ayaw mo lang mag kwento e. Siguro vivian sinuko niya na si birheng clara haha.." sinamaan ko sila ng tingin,
"Wala pa okay! Hindi niyo naman ako katulad, At saka alam niyo ba na sobrang gentle ni miguel hindi siya katulad ng mga naging boys niyo!" inirapan ko sila at lumapit kay mommy, dinig ko pa ang mahina nilang pagtawa ngunit di ko na lang iyon pinansin.
Mga malilibog talaga.
Lumipas ang alas kwatro at doon pa lang dumating si daddy, Nagpaalam narin ang dalawa na babalik na lang mamaya.
Hinagod ko si daddy ng makaupo ito, He look like stress hindi na rin siya nakakapag-ahit dahil sa problemang hinaharap niya, Lumapit ako at umupo sa tabi niya.
"Kumain ka na ba dad?" tanong ko, tumango ito at tipid na ngumiti ngunit hindi man lang umabot iyon sa mata.
Ang sakit lang makita na nahihirapan si daddy, wala akong magawa kundi magtanong at maghintay.
"How's the situation in factory?" tanong kong muli, huminga ito ng malalim.
"Everything is lost, We need to close permanently. Natupok lahat iyon ng apoy.." Hindi ko alam kung anong magiging reaction dahil sa narinig, Ngayon ko palang nakausap si daddy ng maayos dahil lagi siyang bumibisita sa mga empleyadong nasaktan. Nakakalungkot nga lang na may namatay pa sa sunog kaya halos lahat ng napahamak ay sagot ng management at si daddy iyon.
Hindi ko alam kung may pera pa nga kami sa banko.
"How about the company? Tinulungan ka naman ng mga ibang share holders di ba?" tumango ito sa tanong ko at tumingin sakin.
"Tinulungan naman nila ako ngunit gaya ng factory ay magsasara muna ang company, Walang income ang kumpanya sa loob ng dalawang araw kaya halos nagamit ko na ang lahat ng pondo dito we need to close the company too.."
Mas lalong hindi ako makapaniwala sa narinig, Bankrupt na agad ang company? Lahat lahat wala na samin, Paano na lang ang pag-papagaling ni mommy.
"P-paano si mommy?" malungkot na tanong ko.
"I decide to sell our house luna, Isasangl--."
"No dad.." putol ko dito, Hindi pwedi ang mansion dahil marami na kaming magagandang alaala doon. Simula bata lumaki na ako sa bahay na iyon at hindi ako papayag na mawala pati ang tinitirhan namin, Saan na lang ako pupulutin?
"May pera pa naman ako, pwedi niyo iyon ipagdagdag sa mga gagastusin natin.." anas ko pa, umiling ito.
"Hindi na luna, Nakapag-desisyon na ako. Hindi sapat ang natitirang pera ko sa banko para matustusan ang pagpapagamot ng mommy mo. Kailangan ko ng malaking halaga kaya isasangla ko muna ang bahay, Don't worry luna babawiin ko iyon sa oras na makaluwag na tayo.."
Napapikit ako at sumandal sa upuan, Kung wala na talagang ibang paraan baka tuluyan na ngang mawawala ang mansion, Pero hindi ako susuko. Babawiin ko iyon once na makapag-ipon ako at gumaling si mommy.
I need to work now.
"Hindi na ako sasama sa france.." wika ko na kinalingon niya, umayos ako ng upo.
"Makakadagdag lang ako sa gastusin kung sasama pa ako doon, Pwedi naman akong magtrabaho dito para may malipatan.."
"No luna, Sumama ka na. Nandoon naman ang tito mo at pinsan hindi kita iiwan dito.." umiling ako at pilit na ngumiti.
"Kahit ngayon lang dad, I want to stand by my self hindi 'yung lagi na lang akong nakaasa sa inyo. Im a big girl now daddy.." ngumiti ito at yumakap sakin.
"But your still my little princess, Sorry because you need to suffer like this. Sorry.."
"Its okay dad" hinarap ko ito at nakitang malapit na siyang maiyak, "Minsan kailangan natin maghirap para maranasan ang buhay ng iba, Hindi naman lagi nasa maayos tayo kaya simula ngayon magsisikap na ako para mabuhay ang aking sarili.." hinaplos nito ang aking mukha atsaka ngumiti.
"Buong buhay ko ay gusto ko'ng maranasan niyo ang marangyang buhay, Kaya halos sumubsob na lang ako sa trabaho para mapalago ang negosyong tinayo ko. Hindi naman ako nagkamali dahil naging masaya at marangya tayo ngunit nakakalungkot lang, Hindi ko inaasahan na mangyayari sa inyo ito.."
"Magiging maayos din ang lahat dad, Basta mag-ingat na lang kayo doon okay? Wag niyo akong isipin kaya ko ang sarili ko.." anas ko, ngunit may pagdadalawang isip sa mukha nito na tila ayaw niyang pumayag sa desisyon ko.
"Dad.." hawak ko sa kamay niya, "Okay lang ako, don't worry.."
Bumuntong hining siya "Fine, but you need to call me everyday okay? Once na nahirapan ka tumawag ka lang."
"Yes daddy.." sagot ko, hinaplos niya ang aking buhok at ngumiti.
"Pag nakahanap na ako ng buyer ay agad kaming lilipad patungong france, Hindi ko na patatagalin pa ang pagpapagaling ng mommy mo. Kailangan niya ng maipagamot.." lumingon ito kay mommy kaya tumingin din ako sa kanya, Mahimbing parin ang tulog nito at hindi pa siya kumain.
Sabi naman ng doctor ay hayaan lang daw namin siyang magpahinga para makabawi siya ng lakas, Halos buong parte ng katawan niya ay nasunog maliban lang sa tiyan at bandang dibdib dahil makapal ang suot nito noon.
Ngunit naaawa parin ako kay mommy dahil sa kalagayan niya, Hindi ito halos nagsasalita at tahimik lang siya tuwing gigising. Dumadaing lang ito pag nararamdaman niya ang kanyang mga sugat at paso sa katawan.
"Maibabalik naman ang dating balat ni mommy diba?" tanong ko kay dad,
"May chance naman daw sabi ng doctor kung tuloy-tuloy ang pagpapagamot niya.." tumingin ulit ako kay mommy at nakitang gumalaw siya, lumapit agad kami dito ng magmulat siya ng mata.
"What are you feeling honey?" tanong agad ni daddy, hinawakan nito ang kabilang pisngi ni mom at nag-aalalang tumingin dito.
"Im okay, m-mahapdi nga lang.." mahinang sagot niya, napatingin ako sa kamay nito at kailangan ng malinisan ang mga sugat niya doon.
"Wait mom tatawag lang ako ng nurse okay, Para malinisan na ang sugat mo.." tumango ito kaya nagtungo na ako sa labas, Nagtungo ako sa nurse station at tinawag ang nurse na naka-assign samin.
Mabilis naman siyang kumilos at nagtawag pa ng isang kasama bago pumunta sa kwarto ni mommy, 4;30 na rin at kailangan niya ng makainom ng gamot.
"Sabihin niyo po kung masakit okay? tatanggalin lang namin ang mga oitment.." anas ng nurse habang may ini-spray sa mga sugat ni mommy,
"Masakit talaga yan ate, Kaya dapat medyo magdahan dahan lang kayo. Sariwa pa ang mga sugat niya.." sagot ko, hinaplos ni daddy ang likuran ko dahil mukhang nagulat ang nurse sa inasta ko.
Tsk, umaandar na naman ang pagkamaldita ko. Bakit kasi kailangan niya pang sabihin iyon, siya kaya ang masunog sa balat.
"Sorry hija, Just continue.." wika ni daddy kaya kumuha na ito ng cotton at binasa sa gamot na pinag-spray niya kanina.
Naupo ako sa gilid ng kama at sinusuri ang bawat kilos nito, pag napapadaing si mommy ay sinasamaan ko ito ng tingin kaya napapayuko na lang siya at hindi alam kung paano muling idampi ang hawak niyang bulak.
Halos ganon ang eksena hangga sa matapos siya sa paglilinis, pinakain ko na rin si mommy habang ang nurse ay pinainom ito ng gamot.
"Wait lang honey sasagutin ko lang itong tawag.." napasulyap ako kay dad ng sagutin niya ang tawag at sa labas ito makipag-usap.
Mukhang importante na naman iyon.
"Nieves.." biglaang tawag ni mommy, napalingon ako dito at ngumiti.
"Yes mom, Do you want anything? Gusto mo ba ng gatas?" tanong ko, umiling siya.
"How are you?" pilit akong ngumiti bago sumagot.
"I'm fine mommy, Wag mo akong isipin okay?"
"You look tired, Nagpapahinga ka ba?" muli nitong tanong, Sa totoo lang wala pa akong maayos na pahinga. Hindi ko na nga natitingnan ang sarili ko sa salamin dahil pagnatapos na akong maligo ay babalik na ako sa pagbabantay, Wala na akong oras para mag-ayos.
"Ofcourse mom." ngumiti ako ng malaki para hindi na siya mag-alala pa, "Sinabi ko naman sa inyo wag kayong mag-alala sa akin, Kayo dapat ang magpahinga. You need rest mommy ipagtitimpla ko lang kayo ng gatas at matulog kayo ulit.." tumalikod na ako at nagtungo sa lamesa para gawan siya ng gatas, Kahit pagod ako hindi ko na iniinda iyon. Mas kailangan ni mommy ang pag-aalaga ko ngayon kesa sakin sarili.
Madami na siyang sacrifice, Kahit man lang dito makabawi ako. Iniisip ko rin na deserved ko ito dahil wala akong kwentang anak, Naging selfish ako noon at hindi ko pinahalagahan kung ano man ang meron ako.
Masyado akong nagpakasaya.
"Makakaupo ba kayo mom?" tanong ko ng makalapit dito, tumango siya kaya binitawan ko muna ang gatas at inalalayan siyang umupo.
"Are you okay? Kumportable ba kayo?"
"Y-yeah" maikling sagot niya kaya mabilis kong kinuha ang gatas at pinainom sa kanya,
"Mahiga na ulit kayo baka mas lalong kumirot ang mga sugat niyo." sumunod ito sa sinabi ko kaya pinahiga ko siyang muli, Kinumutan ko rin ito at inayos ang kanyang sapin..
"Take a sleep mom.." anas ko, Ngumiti ako at umupo sa gilid ng kama.
Walang imik naman siyang pumikit kaya tumitig lang ako dito hangga sa makatulog siya.
Ilang minuto pa akong nakatingin dito hangga sa bumukas ang pinto at pumasok na si daddy, agad itong lumapit kay mommy at hinaplos ang kabila niyang pisngi na walang sugat.
"Ikaw muna ang bahala sa mommy mo okay?" wika niya ng lumingon sakin,
"May importante lang akong kukunin na documents, babalik din ako mamaya.." dagdag niya pa ng hindi ako sumagot.
"Okay dad.." nasabi ko na lang, hinalikan niya pa si mommy bago lumapit sa'kin para halikan din ako sa noo.
Ako na naman mag-isa, Ano kayang oras pupunta si miguel?
Umusog ako sa kama ni mommy at yumuko muna sa aking kamay para magpa-iglip muna, Ganito lang ako matulog dahil ayaw ko'ng humiga sa sofa dahil pag doon ako pumwesto siguradong diretso ang tulog ko at baka mauna pa si mommy na magising sa akin.
Tuluyan na akong pumikit at panandalian pinanatag ang aking isip, Makakatulog ako agad dahil sa pagod na nararamdaman.
_
Nakaramdam ako ng yapos sa'king balikat kaya napaangat ako ng tingin, kinuskos ko ang aking mata at nakita si miguel na nakatayo sa aking tabi. Tumayo ako at inayos ang aking buhok na napunta lahat sa'king mukha.
"Matulog ka ulit sa sofa.." anas nito, umiling ako.
"Hindi na, nakatulog na rin ako. Kanina ka pa?" tanong ko sabay tingin sa wallclock, 6;20 na pala.
"Kakarating ko lang, nagdala ako ng pagkain. kumain ka na?" nagtungo ito sa lamesa kaya sumunod ako.
May dala na naman siyang pagkain at agad niya itong inayos sa lamesa, Tumingin ito sa'kin ng hindi ako sumagot.
"Your not eating yet?" tanong nito, salubong na naman ang kilay.
"A-ah nakatulog kasi ako nakalimutan ko.."
"Tsk.." hinila nito ang upuan at tinuro iyon "Sitdown.." agad akong naupo at pinanuod lang siyang buksan ang mga dala niya.
"Pinagluto kita ng gulay para tumaba ka nama--"
"Hindi ako kumakain ng gulay.." putol ko sa sasabihin niya, tiningnan ko iyon at nakita ang pamilyar na pagkain.
Ito 'yung kinain nila vivian sa karenderya noong pumunta kami ng bambi falls. Ano nga ba kasi yan. pakbet yata o ano basta!
"Kaya ang payat mo, Minsan kumain ka rin ng gulay hindi 'yung halos karne lang ang kinakain mo.." napangiwi ako dahil sa sinabi niya, daig niya pa si daddy kung manermon.
"I don't like that pakbet." ngiwing anas ko, sinamaan niya ako ng tingin.
"Pinakbet iyan, kung ayaw mo ito na lang.." binuksan niya ang isa at mas lalong sumama ang aking mukha ng makita iyon.
"What the h*ll is that?" ani ko, isa din iyon sa mga kinain ni antonette. Bakit napadpad ang mga yan dito.
"That's we called nilagat, Ampalaya iyan at ginisa sa kamatis itlog. Tikman mo muna bago ka ngumiwi.." napakamot ako sa ulo ng lagyan niya ako sa pinggan, Binuksan niya ang isa pa at nakita ko na may isda doon.
"Hindi ba pweding 'yun na lang?"
"No.." mabilis na sagot nito, Napanguso ako.
"Eat this.." itinapat niya sakin ang kutsara kaya umiling ako.
"Ayaw ko."
"Luna.." may pagbabanta na sa boses nito kaya mabilis ko ng isinubo iyon, Hindi ako ngumuya at nanatili lang na nasa bibig ko iyon.
"Gusto mo pa yatang ipagnguya kita." nalunok ko iyon bigla dahil sa sinabi niya, Wtf! Muntik pa akong mabulunan!
"Akin na nga yan!" kinuha ko ang kutsara at ako na lang ang sumubo, naiiling itong tumingin sakin.
D*mn, Sobrang pait naman nito.
Natapos kami sa pagkain na halos hindi ko na malasahan ang kinakain ko, Good thing naman at may dala itong isang tub na chocolate cake kaya medyo nakahinga ako ng maluwang.
Mawala man lang ang lasa non sa bibig ko, Kapit na kapit ang lasa sa lalamunan ang sakit lang sa leeg.
"Next time don't skip your meal okay? Gusto mo bang magmukhang zombie?" inirapan ko ito habang nilalantakan ang cake na dala niya, bahala ka diyan magligpit 'kang mag-isa mo!
"Nasaan pala si tito?" tanong nito, natapos na siya sa pagliligpit at naglakad patungo sa pwesto ko.
"May inasikaso lang.." sagot ko, naupo siya sa tabi ko.
"Matulog ka pagkatapos mo diyan.."
"Hindi na, Babantayan ko pa si mommy.." tinakpan ko na ang cake at nilagay iyon sa lamesa.
"Nandito naman ako.." anas niya pa, muli akong naupo at tumingin dito.
"Wala ka 'bang pupuntahan?"
"Wala naman matulog ka na.."
"Hindi na nga, Baka kasi ngayon ko na lang mabantayan si mommy .." wika ko, baka biglaan na lang may magbayad sa bahay at makaalis sila agad kaya susulitin ko na ngayon.
"Why?" takang tanong nito.
"Sa france na kasi siya magpapagaling.."
"Hindi ka na sasama?" agad niyang tanong, umiling ako.
"Naubos na kasi ang pondo ng kumpanya, Kailangan na rin ibenta ang bahay para sa pagpapagamot ni mommy, Marami kasing nangailangan ng tulong dahil sa sunog." bumuntong hininga ako at tumingin saking kamay, Bahala na kung anong mangyayari sakin.
"Maybe I can help now.."
"No.." agaran na sagot ko, ano na naman help help na yan. Nakakahiya.
"Tsk, Bakit lagi mo na lang tinatanggihan ang tulong ko! Sila naman ang dahilan kung bakit successfull chef na ako ngayon, Tinulungan nila ako para dumami ang aking kliyente. kumbaga tumatanaw lang ako ng utang na loob.." napapikit ako dahil sa sinabi niya, ayaw ko iyon tanggapin dahil karelasyon ko lang siya, Hindi rin sapat ang dahilan niya.
"Hindi na, may kukuha naman siguro sa mansion kaya wag ka ng mag-alala.." tiningnan lang ako nito at hindi sumagot, nahihiya na nga ako sa kanya dahil naabala ko pa ang oras nito. Araw araw pa siyang nagdadala ng pagkain.
"Okay bahala ka, Pero saan ka titira kung may kukuha na sa bahay niyo?"
"Kahit saan, Mag-iipon ako para makabili ng condo.." sagot ko, Sana pala noon pa ako bumili ng condo.
Si mommy lang kasi ang may ayaw e, Gusto niya doon lang ako sa bahay at hindi na kumuha ng condo.
"Tch No, You can stay with me.." napamaang ako sa sinabi niya, A-ano daw? Stay with me?
"What do you mean?"
"Sa bahay ka muna, May guest room naman doon at hindi ka na iba samin.." napakurap na lang ako, kung sa kanila ako mag s-stay hindi ko na po-problemahin ang titirhan ko pwedi rin akong magtrabaho sa kanila dahil wala din silang yaya sa bahay.
"Sasabihin ko iyan kay daddy.." sagot ko, tumango ito.
"Mas gusto ko ng kasama kita, Hindi ako mapapanatag kung nakatira ka sa ibang lugar. Masyado ng delikado ngayon at kung sino sino pa naman ang mga kinakausap mo.." nangunot ang aking noo dahil sa sinabi niya.
"Anong sino sino!"
"Kung sino sinong lalake, Tapos sumasama ka na lang kahit hindi mo sila lubusan na kilala.." sinamaan ko siya lalo ng tingin.
"Hindi na ngayon okay!!" asik ko, "At saka kilala ko naman sila.." dagdag ko pa kaya tinaasan niya ako ng kilay.
"So sasama ka nga sa ibang lalake?!"
"Ha?"
"Subukan mo luna.." singhal nito, natawa ako sa inasta niya.
"What if sumama ako?" hamon ko, pinanlisikan niya ako ng mata.
"Try me luna.."
"Okay sabi mo e.." padabog itong tumayo at nakapamewang na tumingin sakin.
"Ikukulong kita pag nakauwi ka na sa bahay.."
"A-ano?" hindi makapaniwalang tanong ko, What the h*ck ikukulong talaga as in?
"At bubuntisin.."
O_____O
Tumalikod na ito at mabigat ang bawat yapak na naglakad palabas, Laglag ang panga ko at hindi makapaniwala sa sinabi niya.
Bubuntinsin?
Tang*na..
______
To be Continued..