Chapter 21
[ Luna Pov ]
Kinabukasan. (8;00am)
Gaya kahapon ganon parin ang lagay sa hospital.
Nagbantay lang ako buong magdamag dahil hindi ako makatulog, Si miguel ay pinauwi ko rin mga bandang alas diyes dahil dumating rin sila vivian para samahan ako.
Hindi nga ito kumikibo dahil mukhang napikon sa sinabi ko, nahihiya naman ako makipag-usap sa kanya dahil sa huling sinabi nito.
Napalingon ako sa pinto ng pumasok si daddy na may dalang pagkain, Tumayo na rin sila vivian dahil hinihintay lang nila si daddy na makabalik.
"Bakit hindi muna kayo magalmusal dito?" tanong ni dad ng malapag niya ang dalang pagkain sa lamesa.
"Thankyou tito, but we need to go. Pupunta kasi ako ng salon para makipagpalitan kay mommy, pupunta sila mamaya dito.." anas ni vivian, Halos mga kakilala lamang ang tinatanggap namin bisita at limited lang iyon dahil sa lagay ni mommy.
Si mommy naman ay wala ng kamag anak, Only daughter din siya katulad ko. Ang mga grandparents ko sa side niya ay wala na din.
"Ow, Okay. Baka lalabas narin siya mamaya.." sagot ni dad, napatingin ako dito.
"Ganun ba tito.." sagot ni antonette, "Sasabihin ko na agad kay daddy mamaya.." anas niya pa, tumango si daddy.
Lalabas na si mommy mamaya? May nakabili na kaya sa bahay?
"Hey luna mauna na kami.." wika ni vivian sakin.
"Okay, thankyou for staying.."
"Naku wala 'yun, Itulog mo na yan mamaya pag lumabas na si tita mukha ka ng drakula.." natawa silang lahat sa joke ni vivian maliban sakin, Ako na lang talaga ang alam niyang pagtripan.
"Gusto mo bang matikman ang kagat ng isang drakula!" asik ko, natatawa itong lumayo sakin.
"Hahaha E'chos lang naman, Buti pa si luna tito kahit mukhang zombie hindi parin siya iniiwan ni miguel. Sana may isa pang miguel sa mundo yieehhh" napaismid ako dahil sa sinabi nito, nagiisa lang ang miguel sandoval sa mundo at iyon ay ang boyfriend 'kong robot.
"Kaya nga gusto ko si miguel para sa kanya, Bukod sa kilala ko na ito masasabi ko'ng responsable siya sa lahat ng bagay. Napakasipag na bata.."
"Oo nga po tito, Nakakahiya si luna hehehe." sinamaan ko ng tingin si antonette kaya nag peace sign ito,
"Maghahanap ako ng trabaho maghintay lang kayo!" singhal ko, nailing siya.
"You always welcome in my bar luna, doon ka na lang para magkasama tayo.." suggestion ni antonette, sabagay maganda naman doon pero pag-iisipan ko muna.
"Or either sa salon.." sabat ni vivian, umiling ako. Ayoko sa salon dahil mabagsik ang amoy ng gamot.
"Pag-iisipan ko muna kung saan, Bahala na.." anas ko, nagkibit balikat na lang ang dalawa.
"Okay kung iyan ang gusto mo, Sige mauuna na kami.."
"Mag-ingat kayo mga hija.."
"Yes tito.."
Kumindat pa ang mga ito sa akin bago sila lumabas ng kwarto, Tumahimik na naman dito dahil wala na ang dalawang maingay. Buong magdamag din silang gising at parang hindi man lang nauubusan ng energy.
Iba na talaga ang mga baliw.
"Kumain ka na luna.." sabi ni dad, umupo na ito at binuksan ang dala niyang kape.
"Kumusta naman ang lakad mo daddy?" tanong ko, tumabi na rin ako sa kanya at tiningnan kung anong dala nitong pagkain.
Nakastyro iyon at mukhang nabili niya ito sa labas.
"Natapos ko naman, May goodnews pala ako.."
"Goodnews?" excited ko'ng tanong, tumango siya.
"May kumuha na sa bahay, Doble pa ang bayad.." sagot niya, medyo nalungkot ako dahil doon.
Goodnews nga dahil may pera na, pero nakakalungkot lang na mawawala panandalian samin ang bahay. Hindi naman ito tuluyang binenta kung baga sinangla lang ng malaking halaga.
"Sino ang nakabili dad?"
"Actually hindi ko siya nakilala, Abugado lang kasi nito ang nakipag-usap sakin. Natutuwa nga ako dahil sobra sobra ang binigay niyang pera.." nangunot ang noo ko dahil sa sinabi niya, So hindi niya alam kung sinong nakakuha?
"Dapat inalam niyo dad, Sayang naman. Nagpasalamat sana tayo.."
"Ayaw sabihin ng abugado niya, Hindi ko alam pero sinabi nito na mabait naman ang bagong may-ari.." napabuntong hininga na lang ako bago kunin ang isang kape, magkikita naman siguro kami once na bumalik ako ng bahay.
"Edi wala na ang mga maid doon?" tanong ko pa, tumango ito.
"Wala na sila, Binigyan ko na lang sila ng kaonting tulong para makauwi ang mga ito sa probinsya.."
"Paano 'yung mga damit ko?" tanong ko ulit
"Pwedi mo naman kunin, May tao naman siguro doon." tumango na lang ako at sumimsim saking kape, Kasama narin naibenta ang mga gamit sa bahay kaya halos damit na lang ang kukunin namin.
"Hindi ka na ba talaga sasama sa france?" lumingon ako ng magtanong ito, Final na ang desisyon ko. Mas gusto ko munang matutong tumayo sa sarili kong paa.
"Maiiwan na lang ako dito dad."
"Are you sure?" nakangiti akong tumango habang seryoso itong nakatingin sakin.
"May in-offer sakin si miguel.." anas ko pa, mukhang nakuha ko agad ang interest nito.
"Nasabi ko kasi sa kanya 'yung about sa bahay, And he offer me to stay with him. Sa bahay nila”
"Magsasama na kayo?" tanong nito, mabilis akong umiling.
"No das, Is not like that. May bakanteng room sa kanila kaya doon muna daw ako mag-sstay habang naghihintay sa inyo, And para makatipid din sa gastos.."
"Hmmm, Akala ko pa naman mag-aasawa ka na.." nakangiting ani nito, "Wala naman problema iyon, Mas kampante pa ako ngayon dahil alam kong may nagbabantay sayo.." karagdagan sagot niya, ngumiti din ako.
"Kaya wag na kayong mag-alala sakin, maghahanap din ako ng trabaho pansamantala."
"Okay luna, Pero tandaan mo ha? Wala ka na sa bahay at nakikitira ka lang, Alam ko naman na mabait sila Mr sandoval pero dapat makisama ka. Kailangan 'mong baguhin iyang ugali mo.." napasimangot ako dahil sa sinabi niya.
"Ano bang ugali ko?"
"Alam mo naman sa sarili mo kung anong babaguhin hindi ba? Ang advice ko lang just treat him well, mabait ka naman. Minsan.” mas lalong nalukot ang aking mukha, Tsk minsan?
Mabait naman ako ha, Nagbago narin ang pakikitungo ko sa kanya, Hindi na katulad noon.
"Thankyou sa advice dad, Napakasakit.” nakangiwing ani ko, ginulo niya ang aking buhok bago ubusin ang kanyang kape.
"Mamimiss kita anak, ingatan mo ang sarili mo okay?"
"Yes dad, mamimiss ko rin kayo ni mommy. Bilisan niyo ha?" tumango ito bago ako yakapin, Gusto ko man maiyak ngunit pinipigilan ko.
Ayaw ko'ng umiyak ngayon dahil hindi ko gustong makita ni daddy na mahina ako, Alam ko saking sarili na higit saming dalawa ay siya ang nasasaktan. Pero ni minsan hindi ito nagpakita ng kahinaan.
Tanghali na ng bumisita ang parents nila antonette at vivian, Halos isang oras lang ang tinagal nila dito dahil nakatulog din si mommy at kailangan umalis ni dad para kumuha ng gamit sa bahay, Alas dos ang flight nila at kumuha lang ito ng private plane dahil sa kundisyon ni mommy.
Ako na naman mag-isa ngayon sa kwarto at kasalukuyan nakaupo sa gilid ng kama habang pinagmamasdan si mommy, Sana pag nagkita na kami ulit wala na ang mga sugat at peklat niya sa katawan. Gusto ko'ng muling bumalik ang sigla niya at sisiguraduhin kong magiging mabait na akong anak.
Bigla bumukas ang pintuan kaya napasulyap ako doon, Pumasok si miguel na may dalang maliit na box may two cups din na drinks. Dineretso niya iyon sa lamesa bago lumapit sa akin.
He's wearing Polo Longsleeve black and white pants, Mukhang galing ito sa trabaho dahil nakaayos siya. Usually kasi pag pumupunta siya dito ay nakatshirt lang siya minsan naman ay naka Jacket ito.
"Kumusta na si tita?" tanong nito kaya bumalik ako sa wisyo.
"A-ah, She's okay lalabas na siya mamaya.." medyo nautal ako dahil ngayon lang niya ako kinausap simula kahapon, akala ko magiging robot na naman siya.
"Tutungo na ba sila agad papuntang france?"
"Ahm yes, Didiretso na sila doon." muli akong tumingin kay mommy na mahimbing parin ang tulog, Alam ko'ng malalampasan niya rin ito dahil isa siyang matapang na babae.
Sa kanya ko yata namana ang lakas ng loob.
"Nag-bake ako ng brownies gusto mo ba?" nakangiti akong lumingon kay miguel dahil sa tanong niya, So brownies pala iyon.
Tumango ako dito at naglakad papunta sa lamesa, Agad ko'ng binuksan ang box kaya mas lalong lumawak ang aking ngiti.
Wow, Chewey brownies.
Mukhang tataba ako dahil halos sweet lahat ang pinapakain niya, Hindi kaya langgamin na lang ako bigla.
"Mas napangiti pa siya sa brownies.." bulong nito ngunit hindi ko naintindihan, Naupo ito sa mahabang sofa malapit sa kama ni mommy.
"May sinasabi ka?"
"Wala, Kumain ka lang.." sagot nito ng hindi nakatingin sakin, tumayo ako at idinala ang brownies.
"Gusto mo ba?" alok ko dito ng makaupo sa tabi niya.
"No.." maikli nitong sagot, sumandal siya ng tuluyan sa sofa at nagpandekwatrong pambabae.
"Tikman mo, masarap siya.." nilapit ko ang isa ngunit iniwas nito ang mukha.
"Natural masarap iyan, Ako ang gumawa e.." proud na sagot niya, natawa ako.
Ang yabang
"Edi ikaw na ang chef of the year.." pagbibiro ko, kinuha nito ang hawak ko'ng brownies at inilapit sa aking bibig.
Kinagatan ko iyon at nakangiwing kinain, Siya iyong sinubuan ako pa ang pinakain.
"Masarap?" tanong niya, tumango ako.
"Hmm.." tumango din ito at kumagat sa kinagatan ko kanina.
"Parang kulang sa tamis e, Siguro mas matamis iyang kinakain mo.."
"Pareho lang na---" hindi ko na iyon natuloy ng mabilis niya akong dampian ng halik, napakurap na lang ako.
"Mas matamis nga ang nakagat mo.." wika niya pa at tuluyang sinubo ang hawak nito, Sumandal siyang muli na parang walang nangyari.
Ang hilig niya talagang bumanat pag minsan,
Nagpapakilig na naman siya
Pinagpatuloy ko ang pagkain at hindi na umimik pa, Buti na lang at nandito siya. Kahit papaano may nakakasama ako at nagpapagaan saking loob, Hindi niya talaga ako iniwan kahit sa problema ko ay sinamahan niya pa ako.
Sana nga lang hindi siya magbago.
Saktong alas dos ng hapon paalis pa lang kami ng hospital, Hinintay pa namin magising si mommy para sa panghuli niyang gamot. Hindi na rin tinanggal ang kanyang swero dahil malayo-layo ang biyahe. May kasama din silang private nurse para merong tumingin sa kundisyon ni mommy sa eroplano,
Kasalukuyan na naming binabaybay ang airport habang nakasunod sa sasakyan nila mommy. Nandito ako sa kotse ni miguel at kasama siya sa paghahatid.
Matapos ang ilang minutong biyahe ay nakarating din kami sa airport, agad nilang isinakay si mommy para hindi na ito ma-expose sa labas. Sumunod ako sa eroplano at nag-paalam na muna ako sa kanila,
"Sorry nieves for not staying here before your birthday, Babawi ako sa'yo okay?" saad pa ni mommy, pilit akong ngumiti at lumunok na lang para mapigilang maluha.
"It's okay mom, Wag niyo ng isipin iyon marami pa naman akong birthday na darating e. Basta magpagaling kayo.."
"Yes I will, Takecare of yourself Iloveyou.."
"Iloveyou too mom.." yumakap ako ngunit hindi naman gaanong mahigpit dahil sa iniiwasan ko ang sugat niya, hinaplos ni daddy ang likuran ko kaya tuluyan na akong bumitaw.
"Tandaan mo lang ang sinabi ko okay?"
"Yes dad.." ani ko yumakap rin ito sa akin.
"Tumawag ka lang pag may problema, Mag iingat ka dito." bumitaw ako at nakangiting tumango.
Hindi na rin ako nagtagal doon dahil oras na para lumipad ang eroplano, Labag man sa loob ko ang hindi sumama ay pinilit ko'ng maging matatag. Para saakin din naman ito, Hindi habang hubay nakaasa ako sa mga magulang ko. May oras din para maranasan ko ang buhay na hindi ko kinalakihan.
"Are you okay?" mabilis ko'ng pinunasan ang luhang dumaloy sa'king pisngi, Hindi ko napansin napaiyak na pala ako.
"Y-yeah.." tipid akong ngumiti kay miguel ng harapin ito, Alam ko'ng nag-aalala din siya sakin kaya dapat wag akong maging mahina.
"Don't worry luna, magiging maayos din ang mommy mo."
"Alam ko, nalulungkot lang ako.." huminga ako ng malalim at tumingin sa himpapawid, Wala na ang eroplanong tinatanaw ko kanina.
"Hindi ka ba masaya na nandito ako?" bahagya ko itong nilingon, Kung alam niya lang.
"Ofcourse I am, And I'm grateful for that. Thankyou.." ngumiti ito sa sinabi ko,
"So tara na?"
"Saan?" hindi ito sumagot at naglakad patungo sa kotse niya.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko'ng muli, lumingon ito bago buksan ang passenger'seat.
"Sa bahay.."
"Nino?"
"Namin.." nangunot ang noo ko, ngayon na ako lilipat sa kanila? Ang bilis naman.
"Pero kas--"
"Wala ng pero luna, sumakay ka na." tuluyan na nitong binuksan ang pinto at tumingin sakin, Ilang segundo pa akong tulala bago sumakay sa kanyang kotse.
Hindi naman siguro masama na tumira sa kanila, Wala naman malisya dahil boyfriend ko ito. Hindi na rin naman kami mga teenager.
Tsk, Ano bang inisiip ko. Makikitira lang naman ako sa kanila. Iyon Lang, masyado yata akong praning.
Lumipas ang ilang minuto ay narating na rin namin ang bahay nila, Walang sasakyan na nakapark sa harap kaya sa palagay ko ay wala pa ang mga parents niya.
Parang sa bahay lang, Ganitong oras din wala pa sila mommy at dad.
Bigla akong nakaramdam ng lungkot.
Namiss ko na agad sila, Sa oras din na ito wala pa ako sa bahay. Paniguradong gumagala pa ako.
"Pasok ka.." anas ni miguel ng maglakad papasok, sumunod ako.
"Matulog ka sa taas.." patuloy niya pa ng makapasok kami sa loob.
"Pero 'yung mga damit ko nasa bahay pa.."
"Wala naman sigurong gagalaw doon, kaya magpahinga ka na.."
"E ikaw?" tanong ko,
"Dadaan lang ako saglit sa restaurant, Ayos lang ba na maiwan ka dito?" tumango ako sa tanong niya.
"Oo naman, Sanay naman akong mag-isa e." bigla itong sumeryoso kaya nag-iwas ako ng tingin.
"Edi masanay ka ng may kasama ka."
"Uh?" Paglingon ko ay saktong nakalapit na ito sa'kin, seryoso parin siya.
"Kasama muna ako kaya masanay ka na.."
"A-ah oo nga.." medyo naiilang ako, bakit hindi pa ako nasanay sa t'wing lalapit siya ng ganito.
Iba parin talaga ang epekto niya sa akin,
"Tara magpahinga ka na, Ang itim na ng eyebags mo.." natatawang ani niya, sinamaan ko siya ng tingin.
Kanina seryoso lang siya ngayon tinatawanan niya na ako, hindi ko talaga mabasa kung anong nasa isip niya e.
"Mukha na ba akong drakula?" tanong ko, naiiling itong nakangiti.
"Ahmmm, hindi." anas niya na parang nag-iisip. "Mas mukha 'kang zombie ngayon kasi maitim iyang mata mo, masyado kasing maputi ang mukha ng drakula kung para sa itsura mo ngayon.." nahampas ko ito ng malakas dahil sa sinabi niya, tsk mukhang zombie talaga.
"Syempre wala akong tulog!" singhal ko, hinampas ko siyang muli sa braso dahil sa pagtawa niya.
"Bahala ka jan, Bwist ka!" tinalikuran ko ito at naglakad patungo sa hagdan.
"Luna, I'm just kidding.." habol niya ako sa hagdan, huminto ako at tinaasan siya ng kilay.
"Ewan ko sa'yo! Umalis ka na.." ngumisi pa siya sa sinabi ko,
"This is my house.." anas nito kaya napairap ako, Ang lakas na niya talagang mang-asar pag ako naman ang nagbibwisit sa kanya agad napipikon.
Diretso akong naglakad sa guest room at hindi ko pinansin ang presensya nito sa likuran ko, pag ako nainis humanda ka. Lalabas talaga ang ugat mo sa ulo.
"Ano ba?!" giit ko pa ng pigilan nito ang pag-sara ng pinto.
"Why are you pissed?" tanong nito, medyo natutuwa pa siya kaya sumama ang tingin ko.
"Wala! Alis na! matutulog na ako.."
"Nagbibiro lang ako kanina."
"O ngayon? Hindi naman ako affected! Marami pa naman magkakagusto sa'kin kahit mukha na akong zombie!" sasara ko na sana ang pinto ng tuluyan niya itong buksan, humakbang ito papasok kaya napaatras ako.
"Bawal ng may magka-gusto sa'yo ngayon.." seryosong anas niya habang nakatingin ng diretso saking mata. Hindi ako makasagot.
"Bawal ka rin magka-gusto sa iba.." dagdag niya pa, umatras ako dahil sa paglapit niya.
"H-hindi naman ako nag-kakagusto sa iba.." nauutal na ani ko ngunit patuloy lang siya sa paglapit.
"Sigurado ka?"
"Oo nga! Lumabas ka na!"
"Okay.." huminto na ito sa paglapit kaya medyo nakahinga ako ng maayos, ngayon ko lang napansin na malapit na pala ako sa kama.
"Pero seryoso ako sa sinabi ko sa'yo kahapon, Makakatikim ka talaga sa akin pag sumama ka sa iba.." napalunok ako, D*mn ano bang meron dito? Bakit nagkakaganyan siya.
"P-paano kung may kakilala akong lalake? Edi bawal ko na siyang kausapin?"
"Hindi, Kung kilala mo naman talaga.." mabilis niyang sagot, napaismid na lang tuloy ako.
"Fine, May rules ka na pala ngayon?!" asik ko, tumango siya at hinila ako para makalapit sa kanya ng tuluyan.
"That's my first rules, And don't you dare break that luna. May naghihintay sa'yong surpresa pag sinuway mo 'yan.." wala sa sariling napatango na lang ako, Ano bang supresa iyon? Maganda ba, magugustuhan ko ba?
Tsk, Ang pumapasok lang sa isip ko ay puro malalaswa! D*mn Hindi naman ako dating ganito.
"Ang akin ay akin lang, Hindi ako nagbibigay dahil madamot ako pagdating sa strawberry.."
"Strawberry?" tumaas ang kilay ko, bakit nasama ang strawberry sa usapan.
"Hmmm." tumango ito at mas lalo pang hinapit ang bewang ko palapit sa kanya, nailayo ko ang aking ulo dahil sa lapit niya.
"And I want to taste my strawberry now.." hindi na ako nakapag-salita dahil hinalikan niya na ako, Isang malambot na halik na nag-pawala sa'king pagod.
Bakit ko nga ba nakalimutan na strawberry ang tawag niya sa labi ko, Tsk ibang klase talaga siya.
"How i like my strawberry.." anas nito ng humiwalay sa'kin, Nakagat ko ang labi dahil sa pagtitig niya doon.
"Sh*t.." humiwalay na ito at sinuklay ang kanyang buhok, Naguguluhan akong tumingin.
"Bakit?" tanong ko, minasahe niya bigla ang kanyang noo.
"Kung hindi ka lang pagod kanina ka pa nakahiga riyan." ani nito, muli siyang napapikit at nagtungo sa pintuan.
"Matulog ka na, babalik din ako mamaya.." sinara na nito ang pintuan at iniwan akong nakatayo doon.
"Kung hindi ako pagod nakahiga na ako diyan?" tanong ko sa sarili, napakamot ako ng ulo sa kaguluhan sa aking isip.
"Baliw na rin yata siya.." bulong ko pa at ni-lock ang pinto, kumatok na lang siya kung papasok ito mamaya.
Naglakad ako sa isang closet at binuksan iyon, halos panlalake na naman ang damit doon kaya napangiwi ako, Dapat kasi dumiretso muna kami sa bahay e.
Ano ba naman guest room ito, walang damit pambabae? Halatang wala pang nakatulog na babae dito.
Ganon ba siya kagood-boy?
Kumuha ako ng tshirt at naghanap ng pajama ngunit halos malalaki ang size kaya kinuha ko na lang itong mahabang white tshirt.
Halos madumi na kasi ang damit ko'ng dinala sa hospital, Mga nagamit ko na lahat kaya wala na akong damit maisusuot. Panty na lang yata ang meron.
Nagtungo ako ng banyo para makapagligo, Binilisan ko na lang dahil ngayon ko na naramdaman ang pagod, Apat na araw yata ako sa hospital at hindi man lang ako nakatulog ng maayos.
Ganon lang siguro pag importante talaga ang tao sa'yo, Hindi ka makakatulog ng maayos pag alam 'mong nahihirapan sila.
Mahabang buntong hininga ang ginawa ko bago lumabas ng banyo, pabagsak akong dumapa sa kama at hinayaang basa pa ang aking buhok.
Mabibigat na ang aking talukap at nararamdaman ko na ang antok, Mapapahaba yata ang tulog ko.
__
Gabi na ng maalimpungatan ako mula sa busina na nagmumula sa labas.
I open my eyes and stretch my body. Tumayo ako at sumilip sa bintana.
May dalawang kotse doon na siyang nagpakunot ng aking noo.
May bisita si miguel?
Lumisan ako sa kwarto at agad tinungo ang sala, naroon na ang bisita niya na nagtatakang nakatingin sa akin.
”Oh, luna?” hulyo walked towards on me, Ngunit si miguel ay todo ang bakod ng pumagitna siya.
”Mauna ka na sa taas at ikaw na mismo ang kumuha ng papel sa lamesa ko!”
Galit agad siya, hindi ko alam dahil masama ang tingin niya kay chef hulyo.
”At umalis ka na!” dinugtungan niya ang kanyang sinabi.
”Can i stay here for a while?” anang hulyo, mariin ang pag-iling ni miguel.
”Your free to leave after you get the paper!
”Ang sungit..” dinig ko ang bulong ni hulyo bago ako silipin sa katawan ni miguel. ”Bye luna, nice to see you again. ang cute mo talaga..”
”Tsk..” miguel grab my hand to turn around on hulyo, nailing na lang ako habang paakyat kami pabalik sa kwarto.
”What is that?!” agad niya akong sininghalan, tumaas ang kilay ko sa pagtataka.
"What?”
”Iyan, ano yan!”
"Anong an--” natigilan ako ng mapansin ang tinitingnan niya, and before i notice what the point of his problem ay hindi na ako nakapag-salita pa.
What the h*ll Wala akong suot na bra!
______
To be Continuedd.