Rebecca. Sino naman kaya ang babaeng iyon? Tch, ilang babae ba ang madidikit sa pangalan niya? Seems like nothing have changed— still the Kris I've known, the ultimate chickboy. But whoever she is, as if I really care. Kibit ang balikat kong nagpatuloy sa paglalakad, deretso ang atensyon ko sa hallway kung saan tanging ang yabag ko lamang ang naririnig. Mayamaya pa nang huminto ako sa isang pintuan, makailang beses akong napabuga ng hininga upang lumanghap ng sariwang hangin, para kasi akong sinasakal at kinakapos ako ng hininga. After three days of searching job vacancies thru online ay heto ako, binigyan ako ng appointment para sa final interview sa mismong CEO ng company— ang The Great Imperial. The company name sounds great and looks legit kaya walang pag-aalinlangan na pumunta ako

