Chapter Two
Syrin’s POV
Pagmulat ko ang aking mga mata, mukha ni Ninong Agathus ang bumungad sa akin. Abala ito sa kaniyang selpon, tila hindi niya ako napansin.
Agad akong napabalikwas ng bangon nang maalala ko sina Nanay Sonya at Tatay Isko.
Tinanggal ko ang dextrose na nakakabit sa kamay ko. “Where the hell are you going?” napahinto ako at lumingon sa gawi ni Ninong Aga na abala pa rin sa kaniyang selpon.
“Susundan ko si Nanay at tatay!” awtomatiko siyang napatayo nang marinig ang sinabi ko.
“Are you out of your mind?!”
May mali ba akong nasabi? Kaya naging gano’n ang reaksyon niya?
“You’re not going anywhere without me. Understood?!”
Pinitik niya ang noo ko. “Ayoko sa mga matitigas ang ulo. Nagkakaintindihan ba tayo?!” napalagok na lamang ako ng laway.
“I need your fvcking answer, Syrin De Jesus!”
“Answer me!”
“Y-yes po!” nauutal kong sagot.
“Then?What are you waiting for? Tatayo ka lang diyan?”
Ninong ko ba talaga ito? Ang suplado kasi. “U-uuwi na po ako, Ninong!” nakayukong sagot ko sa kaniya.
Hahakbang na sana ako ngunit mariin niyang nahawakan ang braso ko. “Kakasabi ko lang ‘diba? Hindi ka pwedeng umalis ng hindi ako kasama! Nakikinig ka ba talaga sa akin?”
“S-susunod po ako kay nanay at tatay! Please hayaan niyo po ako!”
“I will not letting you go! Simula ngayon ayokong marinig iyan muli sa iyo! Understood?”
“P-pero, N-ninong g–”
“That’s my order! Go back to your hospital bed,” baritonong sabi niya.
Limang taon na rin simula no’ng huli ko siyang nakita. Trese anyos pa lang ako no’n pero ang laki ng pinagbago niya dahil hindi naman siya ganyan dati. Mahinhin at mabait si Ninong Agathus pero sa nasaksihan ko sa kaniya.
Nonchalant at suplado siya. “Pinagnanasahan mo ba ako?”
Bahagya akong natawa sa kaniyang sinabi. Ako? Magnanasa sa kaniya? Asa siya! “Why should i?”
He just smirked. “Sorry but you’re not my type!” mariin niyang sabi.
Kailangan kong makaalis sa hospitana ‘to. “Let me go! Pupuntahan ko sina nanay at tatay!”
Ilang sandali pa ay tumayo siya. “Dito ka lang, ako na ang pupunta.”
“Ha? Sasama ako gusto kong makita sila nanay at tatay! Namatay sila ng dahil sa akin! Kaya sasama ako sa ‘yo!”
Napahilot siya sa kaniyang sentido. Bahala siya, basta sasama ako sa kaniya. “You’re not going with me, Sy. Baka hindi mo kayanin ang makikita mo?” nagsimula na namang namuo ang luha sa mga mata ko.
“Hindi mo ‘ko mapipigilan, Ninong sasama ako sa iyo sa ayaw at sa gusto mo! Parusahan mo na ako, wala akong pakialam!”umiiyak kong sambit. Napabuntong-hininga siya.
“Isasama kita pero wag kang gagawa ka ng gulo sa Morgue ah? Understood?”
Kahit hindi ako sigurado ay tumango na lamang ako dahil gusto kong sumama. Gusto kong makita si nanay at tatay.
“Okay fine, you’ll with me but make sure magbe-behave ka do’n. Ayoko sa mga babaeng maingay!”
Bababa na sana ako sa kama nang pigilan niya ako. “Hubarin mo muna ang suot mong hospital gown para kang tanga,”asik niya pa.
“Wag ka ng umiyak, nakakarindi ang boses mo! Para kang inagawan ng candy.”
Hindi ko na siya pinansin. Pinunasan ko na lamang ang luha sa aking mga mata. “Kaya mo iyan, Sy. Gusto mo silang makita ‘diba?” motivate ko sa aking sarili.
“Tssss…”
“You can still manage yourself naman ‘diba?” tumango-tango ako.
Nauna siyang lumabas ng kwarto at sumunod ako sa kaniya. Hanggang sa makarating kami sa parking lot.
Agad akong sumakay. “Siguraduhin mo lang ah? Hindi ka gagawa ng gulo sa loob ng Morgue,” muling paalala niya sa akin.
Tanging pagtango ang aking tugon sa kaniya. Ilang saglit ay pinaandar niya na ang makina.
Pagdating namin sa Morgue. Paglabas ko ng kotse, nanginginig ang buo kong kalamnan.
“Gusto mo silang makita ‘diba? Umayos ka,” usal niya.
May namumuong luha sa mga mata ko. Kakayanin ko kaya na makita sila na wala ng buhay? Kakayanin ko kaya na makita silang duguan?
Pagpasok namin sa Morgue. Nanginginig akong binuksan ang tela na nakabalot sa kanila.
“Open it, ‘wag kang patrill!” reklamo ni Ninong. Ngunit hindi ko siya pinansin.
“Nay! Tay!” sigaw ko nang buksan ko ang tela isa-isa. Niyakap ko ang kanilang bangkay isa-isa.
“You are so annoying!”
Bahala ka magreklamo diyan. “Nay! tay! Sorry po kung namatay kayo nang dahil sa akin!” humahagulhol kong sabi habang yakap-yakap ang bangkay ni Nanay.
Parang sumabog iyong puso ko sa sakit na nararamdaman ko sa mga sandaling itom Gumuho ang mundo ko nang makita silang wala ng buhay. “Bakit niyo ako iniwan, nay tay? Paano na po ako?”
“Gising po nay tay. Nandito na po ako!”
“Stop it! Wag mong gawin iyan sa kanila. Let them go. Hayaan mo silang magpahinga!” sita nito sa akin.
Palibhasa kasi hindi siya ang namatayan kaya madali lang sa kanya na sabihin na i-let go.
I can’t let them go. Hindi ko kaya.
“Kahit anong gawin mo, hindi na maibabalik ang buhay nila.”
Ibang-iba na talaga siya. Parang ibang tao na ang nasa harap ko, hindi na siya katulad no’ng dati.
Parang hindi siya ang Ninong Agathus ko. “Hindi ka kasi namatayan, Ninong kaya nasabi mo iyan! Please, Ninong hayaan mo muna akong masolo sina nanay at tatay,”pagsusumamo ko sa kaniya.
“Tsss fine! If that’s what you want.”
Lumabas siya ng morgue. Halos hindi na ako makahinga sa kakaiyak.
Sobrang sakit, hindi ko inakala na mangyayari ito sa kanila.
Ang hirap tanggapin na kailanman ay hindi ko na sila mayakap at mahagkan. Kailanman ay hindi ko na masisilayan ang ngiti nilang dalawa.
Sobrang sakit. Namatay sila ng dahil sa akin. “Sorry! Sorry nay, tay!”
Hinalikan ko silang dalawa sa pisngi. At wala na atang balak pa na huminto iyong luha ko sa kakatulo.
“Nay, tay gising na po! Wag niyo naman akong iwan! Balik na po kayo! Hindi ko po kaya na wala kayo!”
*******
Tatlong araw ang nakalipas nang nangyari ang aksidente na iyon na kumitil ng maraming buhay at kasama na do’n ang mga magulang ko. Ipinalibing agad ni Ninong ang bangkay nila Nanay at Tatay para hindi ako mahirapan. Tatlong araw akong hindi kumakain puro tubig lamang ang iniinom ko.
Inilibing sila nanay at tatay na wala ako. Hindi ako pinasama ni Ninong dahil burial mass pa nga lang ay nahimatay na ako.
“Ma’am kumain ka na po kahit kunti lang,” nag-alalang aya sa akin ng katulong ni Ninong sa mansyon.
“Ayoko, wala akong ganang kumain!” mariin kong tanggi sa kaniya.
“Ngunit ma’am mahig–”
“Ayoko nga ‘diba? Mahirap bang intindihn iyon? Ayokong kumain!” putol ko pa. Hindi ko mapigilan na mapagtaasan ito ng boses.
Kanina pa kasi ‘to nangungulit sa akin at ilang beses na rin akong tumanggi ngunit pabalik-balik siya.