bc

Ninong Agathus

book_age18+
559
FOLLOW
6.4K
READ
billionaire
age gap
opposites attract
arrogant
heir/heiress
drama
tragedy
bxb
city
cheating
like
intro-logo
Blurb

Sa araw mismo ng ika-18th birthday ni Syrin, hindi nakaligtas ang adopted parents niya nang mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang bus patungo sa siudad. At tanging si Syrin lamang ang nakaligtas sa trahedya. Dahil wala na siyang ibang kamag-anak napunta siya sa pangangalaga ng kaniyang nonchalant at aroganteng Ninong Agathus, bestfriend ng kinilala niyang ama. Habang tumatagal ay unti-unting nahulog ang loob ni Syrin sa kaniyang Ninong Aga kahit palagi siya nitong sinusungitan at pinapagalitan. Paano mapapaibig ni Syrin ang kaniyang Hottie Ninong Agathus?

chap-preview
Free preview
Chapter One
Chapter One Syrin’s POV Maaga akong nagising dahil ika-18th birthday ko. As usual, wala pa rin kaming handa dahil nga sa hirap ng buhay. Nang tignan ko ang aking pitaka may sampung pisong natira, sukli pa ‘to kahapon sa binili kong swetres lotto. Nagbabakasakali ako na manalo nang sa gano’n ay mapaayos ko na ang bahay namin na sinira ng bagyong odette. At mabilhan ko ng lupa ang aking mga magulang dahil nangungupahan lang kasi kami. Papunta ako ngayon sa tindahan ni Aling Pasing upang bumili ng fudgee bar. Ito muna ang magiging cake ko. At kapag nakapagtapos ako ng pag-aaral, ipapatikim ko sa aking nga magulang ang kaginhawaan iyong hindi na nila kailangan magtrabaho pa dahil ako na ang magtratrabaho para sa kanila. “Isang fudgee bar nga po, Aling Pasing,” tawag ko kay Aling Pasing na abala sa pagliligpit ng mga paninda niya. “Ilan?” “Isa lang po,” sagot ko sabay abot sa kaniya ng sampung piso. Tig-walong piso lang kasi ang fudgee bar. May sukli pa akong dalawang piso. Ilalagay ko ito sa alkansiya ko na gawa sa kawayan para may pambili akong school supplies sa darating na pasukan. Umuwi agad ako pagkatapos. Kumuha ako ng tirang kandila at itinirik ko ‘to sa ibabaw ng fudgee bar ko. At sinindihan ko ito gamit ang posporo. Naubusan kasi kami ng lighter. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at sabay na humiling. Hiniling ko sana bumaba na ang mga bilihin at mahinto na ang mga lumalaganap na krimen. Hiniling ko rin na bigyan niya ng permanenteng trabaho ang tatay ko nang sa gano’n ay makakain na kami ng tatlong beses sa isang araw. “Happy 18th birthday to me!” bati ko sa aking sarili sabay hinipan ang kandila. “Anak!” napatayo ako nang marinig ang boses ni nanay. Nakangiti kong pinagbuksan ng pinto si nanay at tatay na kakauwi lamang galing sa dagat. Pumalaot silang dalawa. “Magbihis ka anak, pupunta tayong siudad,” utos ni nanay sa akin at sabay na inilapag ang dala niyang balde na pinaglalagyan nila ng mga nakuha nilang isda. Ngunit wala na itong laman, ibig sabihin ay naibenta na nila ‘to. “A-anong gagawin natin sa siudad, nay?” nagtatakang tanong ko sa kaniya. “Upang icelebrate ang ika-18th birthday mo anak. Kaya kami pumalaot ng tatay mo upang mailuwas ka namin sa siudad” “H-hindi napo kailangan na i-celebrate ang 18th birthday ko nay, tay. Ang importante ay magkasama, malusog at masaya po tayong tatlo. Kuntento na po ako doon. Wag niyo pong sayangin iyong bawat sentimo ng perang pinaghihirapan niyo, nay tay. Okay lang po ako.” Kahit hindi nila ako tunay na kadugo ay tinanggap at minahal nila na parang tunay nilang anak. Limang taon pa lamang ako nang makita nila ako sa dalampasigan. Hindi sila nagkaanak, dahil may deperensya sa matres si nanay pero kahit gano’n ay hindi ito naging sa kanilang pagmamahalan. “Ano ka ba anak. Hindi ba’t nangako kami sa iyo na dadalhin ka namin sa siudad kapag sumapit ang ika-18th birthday mo?” paalala ni Nanay Sonya sa akin. Bigla akong naluha dahil naalala pa pala ni nanay Sonya iyon? Anim na taong gulang ako no’n nang pangakuan niya ako nito. “Oo nga anak, pagbigyan mo na kami ng nanay mo dahil napaka-espesyal ng araw na ito dahil tumuntong ka na sa legality. Kaya hayaan mo kami ng nanay mo na dalhin ka namin sa siudad nang sa gano’n ay magkaro’n ka ng memories sa 18th birthday mo,” sang-ayon ni Tatay Isko. Singkwenta’y anyos na si Tatay Isko samantalang singkwenta’y tres si Nanay Sonya. Tatlong taon ang age gap nilang dalawa. “O sige na nga po, nay tay! Salamat po!” mangingiyak na sabi ko sabay silang niyakap ng mahigpit. ******* Nasa terminal kami ng bus. At medyo maraming pasahero ang nag-aabang. Panghuling bus ang sinakyan namin. “Nay, tay! Nahihilo po ako,”mahinang sabi ko kay Tatay nang makaramdam ako ng pagkahilo. “Umidlip ka na muna anak. Gigisingin kita kapag nakarating na sa siudad.” “Oo ng anak, matulog ka muna.” Mariin kong ipinikit ang mga mata ko. Ngunit nagising ako nang kaniya-kaniyang sigawan ang mga tao. “Nay, tay? A-anong nangyari?” nagtatakang tanong ko. Pinagpawisan silang dalawa at hindi ko mawari kung bakit. “Anak, kailangan mong makalabas ng buhay dito. Anak, nasa bangin tayo,” pilit na pinapakalma ni nanay sonya ang kanyang boses. “Ha? Nay, tay mamatay na ba tayo?” natatakot kong tanong sa kanila. Tumulo ang luha sa mga mata ni nanay. “Kalma lang anak, hindi ka mamatay dahil hahanapin mo pa ang mga totoo mong mga magulang at aabutin mo pa ang pangarap mo. Kaya hindi ka pwedeng mamatay anak!” mas lalo akong nataranta sa sinabi ni nanay. Gumiwang-giwang ang bus. Naghalu-halo ang emosyon na nararamdaman ko. Nabasag ni tatay ang bintana na malapit sa amin. “Anak, lumabas ka na habang may oras pa!” Umiling-iling ako sa kaniya. “Ayoko po nay, tay. Hindi ko kayo iiwan dito! Handa po akong mamatay, nay tay basta kasama ko kayo!” “Please, makinig ka sa akin anak. Lumabas ka na,” pagsusumo ni Tatay at Nanay sa akin. Ngunit mariin akong umiiling. Ayokong iwan sila dito. Mamatay kami ng magkasama. Nagulat ako ng hilahin ako ni tatay papunta sa bintana. “A-ayoko po tay! Sasama po ako sa inyo!” umiiyak kong sambit. “Hindi puwede anak! Parang awa mo na Sy. Lumabas ka na!” “Ayoko po!” “Bakit ang tigas ng ulo mo, Syrin De Jesus?! Umalis ka na!” Kahit anong pagmamatigas ko ay buong pwersa nila akong itinulak palabas ng bintana. Insaktong paglabas ko ng bus ay gumalaw ito. “Nay! Tay! Lumabas po kayo!” nagmamakaawa kong sigaw sa kanila ngunit ngumiti lamang silang dalawa sa akin. “Nay! Tay!” “Paalam anak! Mahal na mahal ka namin anak!” “Nay! tay!” Hanggang sa tuluyang nahulog ang bus. Rinig ko ang sigaw ng mga tao sa takot. Durog na durog ang puso ko. “Nay! Tay!” humahagulhol kong sigaw habang nakadungaw sa bangin. “Susundan ko kayo!” tatalon na sana ako sa bangin nang may humila sa braso ko. Paglingon, bumungad sa akin ang mukha ni Ninong Agathus. “N-Ninong Aga! bitawan mo ako! Susundan ko sina nanay at tatay sa bangin!” pagpupumiglas ko pa. Ngunit niyakap lamang ako nito ng mahigpit. “N-Ninong!” huling sambit ko bago ako nawalan ng malay.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.7K
bc

His Obsession

read
104.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook