Chapter Thirteen Syrin's POV Nang makaalis si Tita Pat ay agad kong itinapon ang calling card na ibinigay niya sa akin. Ayokong iuwi ito sa mansyon baka, maligwak ko 'to at makita pa ni Ninong. Habang naglalakad ako pauwi sa mansyon, may nadaanan akong ukay-ukay at sumilay ang ngiti sa labi ko nang makita ko ang presyo. Ang mumura, sobrang ganda pa ng quality. Honestly mahilig kami ni nanay Sonya sa ukay-ukay dahil nakakatipid na kami, sobrang ganda pa ng tela at halatang original talaga. Napako ang tingin ko sa mga sapatos. Tatlo, one hundred ang mga 'to. “Manong? Walang po bang tawad?” tanong ko sa tindero habang nagsasabit 'to ng ukay-ukay na bikini. Tatlo, one hundred na nga, tumawad pa ako. Oh diba? Kuripot? Aba syempre, 'di naman ako tumatae ng pera, lalo na't umaasa lamang ako

