Syrin's POV Naiinis ako kay Ninong Agathus, lagi niyang sinasabi sa akin na bata pa raw ako. Desi otso na ako eh, nasa legal age na ako. Kung sabagay menor de edad naman ang height ko kaya siguro gano'n si Ninong nagbabasi sa height ko. Langya. Since that day ay hindi na ako bumalik sa hospital. Nagkukulong lamang ako sa aking kwarto habang tumutungga ng alak. Naging lasinggera ako. Pinagbawalan ako ng mga kasambahay na uminom ng alak ngunit nobody can stop me. Iinom at iinom ako ng alak kung kailan ko gusto. Nakadekwatrong upo ako sa sopa habang tumutungga ng alak. Nakadalawang bote na ako ng GSM mojito, nagtatagay akong mag-isa. Napalingon ako sa may pinto nang may kumatok. “Sino iyan? Busy ako dito! Wag kayong disturbo!” wika ko pa sabay tungga ng isang baso ng mojito. Nilagok k

